KINABUKASAN pagkagising ni Wendy ay nabanas na agad siya. Katatawag lang kasi si Pau at sinabing carnap daw ang sasakyan na gamit ng lalaking nais siyang patayin at nakausap na raw nito ang talagang may-ari at suportado pa nito ang sinabi na carnap dahil may police report ito. Sumakit tuloy ang ulo niya kahit kagigising lamang niya. Dead end sila kung paano malalaman kung sino ang may gawa ng aksidente lalo pa at patay din ang magmamaneho ng sasakyan. Matapos ibalibag ang cellphone sa kama ay muli siyang natulog. Wala siyang ganang bumangon nguit muli siyang nabulabog ng muling tumunog ang cellphone niya. "Hello!" Ani ng tinig. Kilala niya ang tinig ngunit hindi siya agad nagsalita. "Hello Kath, si Saki ito.."anas na wika nito. "Oh hi...kumusta?" Aniya na pilit pinasaya ang tinig para h