"Anong ibig mong sabihin.." maang na saad nito. Mas lalo siyang tumawa. "Okay fine.." aniya sabay tapon ng ilang larawan sa harap ng mga ito. Larawan ng simpleng kasal nila ni Vince. "Siya ang babae sa panaginip ko.." bulalas ni Vince. "Kath.." ani naman ng donya. "Perfect! So natatandaan mo pa pala ako donya Fatima.." mariing wika niya. Kapwa sina Lira at donya ay napatitig sa kaniya. Mas lalo siyang natawa sa reaksyon ng mga ito. "Ako si Kath, at gusto kong ikaw mismo ang magkuwento sa asawa ko ang nangyari limang taon ang nakakaraan.." matitim na wika kay Lira. Umiling ito. "Ayaw mo!" Umiling ito. Hinawakan niya ang anak ni Lira saka kinalong nakapiring at nakagapos ang kamay nito. "Huwag ang anak ko!" Ani ni Lira. "Anak sa anak. Para quits na tayo!" Aniya rito. Limang ta