HALOS HINDI nakatulog si Kath sa tindi ng mga eksena kanina sa kanilang tatlo nina Lira at Vince. Nakita niya ang pagsusumamo sa mukha ni Vince pero doon lang din siya tinamaan ng pag-aalinlangan. Oo, mahal pa niya ito pero hindi niya alam kung handa ba niya muli itong tanggapin sa buhay niya. Limang taon din ang lumipas at maraming bagay na ang nagbago lalo pa at naawa rin siya sa anak nina Lira at Vince. Oo, binago siya ng kasamaan ni Lira pero hindi naman sukdulan ang kasamaan niya upang pamaresan ang ginawa sa kaniya ni Lira. Siguro nga, babala na ng Diyos ang pagkakabuntis niya para itigil na ang lahat. "Ate.." tinig buhat sa kaniyang likuran. Agad siyang napalingon at nakita si Celia. "Oh ikaw pala, may kailangan ka ba?" Pilit na ngumiting wika rito. Kagaya niya ay pilit din itong