KINABUKASAN ay maaga siyang binisita ang ilang tailoring shop na pag-aari ng kaniyang mama. Mga sikat na personalidad ang kanilang mga kliyente lalo na ang nga artistang may pangalan sa industriya. Siya man ay kilala bilang magaling na hosts pero she refuse to sign any contract to any network after the success of her show. She want a break and pursue her mission why she is returning to the country.
"Ma'am, here's all the copy of our client and some reciept of our transactions with them. I have also the computations and all the income of the business since last year." Paliwanag ng sekretarya. "Oh here's also iyong audit ng accounting natin regards sa mga inputs at outputs natin." Pahabol pa nito.
Nasapo na lamang niya ang noo sa dami ng gagawin. She needs to be hands on, malaki o maliit man ang isang negosyo. Tuon ang pansin sa papeles sa mesa ng may kumatok sa pintuhan at iniluwa noon ang mukha ng kaibigang si Gracie.
"It look, you're that busy huh! You will be busier if you gonna see this!" Anito sabay lapag ang puting folder sa harapan. Agad niyang tiningala ang mukha ng kaibigang nakangiti pa. Nagtatanong ang nga mata ngunit ayaw magsalita ang kaibigan at tila nais pang siya ang umalam kung ano ang laman ng folder na binigay.
Maya-maya ay binuksan iyon at nakita ang isang familiar na mukha. "Monique Delos Reyes," basa sabay ngisi. Ito ang dating kababata ni Wendy. Kababata niya pala.
Agad na pinasadahan ang mga impormasyon naroroon. Ngumiti siya. "She graduated as summa c*m laude at Saint Louis University at Baguio with a degree of Bachelor of Science in Chemical Engineering. Wow! Thats interesting," aniya saka tumayo.
"Guess what interesting girl," anito sabay ngiti pa ng kaibigan.
Nahawa na siya sa ngiting iyon ng kaibigan. "What is it?"
"Yummy ang mapapangasawa niya." Anito na nang-uuyam.
"Really? Thats great!" Aniya naman na nakini-kinita na niya kung ano ang nais ipakahulugan ng kaibigan.
Muling binuklat ang ikalawang pahina at nakita roon ang larawan ng ama ng babae. "Mr. Delfin Delos Reyes. Isa sa major stock holder ng SLU." Natawa siya ng mabasa iyon. "No wonder!" Bulalas saka tumitig sa mukha ng ama ni Monique.
Hindi niya alam na napansin pala iyon ng kaibigan. "Aha! Grabe girl, don't tell me maging siya?" Awat nito.
Ngumiti lamang siya. Hindi ba't mas masarap tamasain ang tagumpay kung mas mabigat ang ipapalasap mo sa taong gumawa ng masama sa'yo. Mas lalo pang napangiti si Wendy ng makita ang larawan ng soon to be husband ni Monique.
"Ay ang bad mo girl," ani ng kaibigan ng makitang mas lumawak ang pagkakangiti niya.
"Di naman mashayadoow.." ang maarteng turan kay Gracie saka sila nagtawanang dalawa.
Simula pa lamang ito at handa na siya sa anumang sagupaan. Limang taon siyang naghintay sa pagkakataong ito kaya wala nang makakapigil pa sa kaniya. Matitikman nilang lahat ang pait ng kanilang mga kasalanan.
"So, kailan ka tutungo sa probensya?" Untag na tanong ng kaibigan.
"Siguro sa susunod na araw pa. Marami pa akong inaasikaso ngayon," tugon sa kaibigan.
"Okay, goodluck girl." Sabay kindat pa nito. "Anyways, I'm going. Kasi naghihintay na si Jeffrey sa akin." Anito tukoy ang kasintahan nito.
"Okay, enjoy!" Aniya sa kaibigan na kinangiti naman nito.
Nang wala na ang kaibigan ay muling pinasadaahan ang larawang nasa folder na binigay nito. Napangiti siya ng muling mapagmasdan ang mukha ng taong naroroon. Saka nilagyan ng malaking ekis ang mukha ni Monique habang heart naman sa dalawang lalaking malapit rito. Buo na ang plano sa isip niya. Ngayon, ay mahihipaghigante na niya ang mga magulang na kumupkop sa kaniya.
Muling tinuon ang tingin sa mga papeles na inaaral. Mukhang maayos naman iyon at walang anomalya kaya mabilis lang niyang pinag-aralan. Kahit papaano ay may jetlag pa siya. Kaya matapos ng ginawa ay napasandal siya sa kaniyang upuan at pinikit ang mga mata ng makarinig siya ng ilang kumosyon sa labas kung saan ang shop nila.
"I fit this suit the other day. How come that it was still loose. I can't wear this tomorrow," ang tinig ng isang lalaki.
"Sir, just calm down. We can talk about this. We're so much willing to do it now. As in right now." Paliwanag ng empleyado niya ngunit inis na inis na ang lalaki kaya hindi na niya napigilang hindi lumabas.
Isang ubod tamis na ngiti ang ikinintal sa mukha. Nabigla pa ang lalaki ng makita at makilala siya. "You're Wendy Bustamante right?" Mababa na nitong tinig.
"Oh yeah. And you are?" Ang malambing na balik tanong.
"I'm Menard Velasquez," ang pagpapakilala naman ng namamanghang lalaki.
"Nice to meet you Menard, I heard that you really upset. I'm so sorry about that," lambing pang turan.
"No, its okay. Bukas ko pa naman kailangan, since sabi ng staff mo ay gagawin nila ngayon." Wika ng lalaki na tila kumalma na.
Napangisi siya dahil alam niyang iyon lang naman ang kahinaan ng mga lalaki. Kagandaan ng babae at ang paglalambing. Hindi siya malandi pero alam niya lang kung paano gamitin ang kaniyang karisma.
"Thats good Mr. Velasquez, thanks for understanding.." aniya rito. "Since my employee made any lapses then kindly give me your address. I will be the one to deliver your suit." Sabayan pa niya ng matamis na ngiti.
"Why not meeting me at my sister restaurant at 7 pm.." anito.
"Is that a date?" Ang ngiting tanong.
Ngumiti naman ang lalaki. "I think so, are you single?"
'Sinasabi ko na nga ba?'
"Yeah. I am, are you?"
"Yes.." agad naman tugon nito. "Well, then we can call it a date. See you then." Tawanan nilang dalawa saka ito nagpaalam dahil papasok pa raw ito sa opisina nito.
Nang makaalis ang lalaki ay agad na pinaayos sa mga staff niya suit ng lalaki. Ayaw niyang masira ang tiwala ng mga ito sa shop nila kaya as much as they can ay gagawin nila ang lahat.
AT SYETE ng gabi ay nasa restaurant na siya hawak ang kahin ng suit ni Menard. Hindi naman siya naghintay dahil kauupo lamang niya ng makitang papalapit ang lalaki. Kaya kanina ay gwapo pa rin ito. Tila pinaghandaan pa nito ang date nilang iyon.
"Hi, you look great!" Papuri nito.
"You too, you look handsome.." balik puri rito na kinangiti ng lalaki.
"Thanks.." tipid na turan saka umupo sa katapat na upuan. "I think we need to order our food," anito na tila gutom na.
"Yeah sure.." aniya naman dahil gutom na rin naman siya. Hinayaan na niya itong mag-order dahil ito naman ang may alam sa restaurant na iyon dahil pag-aari ito ng kapatid nito.
"Thanks for making my suit available for tomorrow." Pasasalamat pa ng lalaki.
"No worries. Sa totoo lang ay kami ang may mali. Kaya we have to do things to please our client. Hopefully ay sa amin ka pa rin kahit medyo delayed."
"Oh sure! Kung kasing ganda mo ba naman ang ka-deal ko kahit araw-arawin kong magparepair ng suit ko." Ang tawang saad nito na kinatawa na rin niya.
Saktong papalapit na ang waiter na may dala ng kanilang order ng tila may mamataan siyang papalapit sa kanila. Kinabahan siya ng mapagsino ang mga ito. Si Lira iyon kasama ang asawa nito.
"Oh my God! Wendy?" Tiling bati ni Lira sa kaniya. "I thought nasa Amerika kaya ang kaibigan mong si Gracie ang pumunta sa kasal namin," ang lintanya nito ng mapansin ang kasamang si Menard. "Ops! Sorry, do I'm disturbing you guys?" Dagdag pa.
"Oh no. Its fine, I just heard that you just got married. Congrats.." palakaibigang turan ni Menard.
"By the way Wendy. Meet my husband, Vince si Wendy. I know kilala mo na siya since sikat siya di ba?" Untag ni Lira sa asawang nakamata lamang kay Wendy.
"Hon.."
"Oh yah hon. What is it!" Agad na turan nito na tila ba nagising sa malalim na pagkakatulog. "I said, meet Wendy."
"Oh anyway, sorrybif I didn't make it on your wedding. Kahapon lang kasi ako nakabalik ng Pilipinas dahil may imasikaso pa ako. Since, you guys are here. Why not join us and celebrate your wedding. I just wondering why you two guys still around Manila. You should be on your honeymoon," panunudyo pang wika.
"Kailangan pa ba iyon. We're been together for five years." Ani ni Lira saka pilyang ngumiti. "We're preparing our flight to Paris," anito na bakas sa mukha ang excitement.
"Thats great.."
"Are you guys dating?" Pagmamatch pa nito sa kanila ni Menard. Tumawa siya sabay tapik sa braso ni Menard.
"If she gonna like me. I want to marry her someday.." ang pabirong wika naman nito.
Nagtawanan sila maliban sa asawa ni Lira. Mukhang seryoso at tahimik.
"Babe, are you okay?" Dinig pang tanong ni Lira.
Nang bumaling sa iba si Lira ay nagtama ang paningin nila ni Vince kasabay ng paggawad niya ng mapang-akit na ngiti.