Chapter 3: Reminiscing the Past

1689 Words
MAS LALONG naging mapang-akit ang mga labi ni Wendy ng makitang apektado ang asawa ni Lira. Kita niya iyon sa paggalaw ng adam's apple nito. Lalo na ng bigla itong nag-iwas ng tingin sa kanyang malalagkit na titig. "So, bro. Whats your plan for your honeymoon?" Ang feeling close na tanong ni Menard kay Vince. Mabuti na rin iyon upang maibsan ang pagkapahiya nito sa kaniya. Medyo nakita kasing binulungan na nito si Lira na lumipat na sila ng mesa. Abala naman ito sa cellphone kaya hindi masyadong pinansin iyon. "Sorry ah. Nagmessage lang ako sa yaya ng anak namin. Alam niyo na kapag mother, kailangan laging paalalahanan pa rin kahit may tagapag-alaga." Masayang turan nito ng muling mabaling sa kanila ang pansin nito. Ngumiti siyansa sinabi ng babae sa kaniya. "Yeah, thats so awesome. I know the feeling though I didn't have any child right now.." patuyang wika pero hindi pinahalata. "Really? How?" Excited pang tanong ni Lira sa kaniya na napakainosente ang mukha. "I have a friend in the US, she work too thats why sometimes she bring her child on my place. Iyon, kahit papaano ay alam ko nang mag-alaga ng bata." "Really? Wow, thats too interesting. Maganda na, seksi, may magandang trabaho, sikat at mother material pa. Mukhang nahanap ko na ang babaeng ihaharap ko sa dambana." Pakingkoy na turan ni Menard. Tumawa siya sa sinabing iyon ng lalaki hindi dahik natawa talaga siya kundi dahil sa nakitang mukha ni Vince. She knows, Vince was attracted also sa kaniya at bistado na niya ang ganoong tingin ng lalaki. "Honey, we should order our food also." Untag na ni Lira ng mapansing hindi pa nila ginagalaw ang pagkain nilang malapit nang lumamig. "Hon, why not going to other table so that they could eat.." tuluyang yakag ni Vince sa asawa nito. Tila tinubuan na rin naman ito ng hiya at ngumiting nagpaalam sa kanila. "I think, its would be better for us to go to other table. Sorry for disturbing your date guys. Thanks Wendy, so nice to see you." Anito saka nakipagbiso-beso pa sa kaniya habang nakitang nagkamayan naman sina Menard at Vince. Isang simpleng tingin ang binigay ni Vince sa kaniya bago tuluyang lumipat ang nga ito sa isang bakanteng mesa na medyo malayo-layo sa kinaroroonan. "Wow! You're a fantastic woman Wendy," di mapigilang komento ni Menard nang mapag-isa siya. "Thats too much Menard, baka lumaki ang ulo ko niyan.." natatawang turan. Nagtawanan na lamang silang dalawa bago matapos ang gabi ay kahit papaano ay napasaya naman siya ni Menard. She needs to be clever in dealing with their client. And the most effective way is to flirt with them. Nang makauwi sa condo niya ay agad siyang napaupo sa sofa niya sa sobrang pagod sa maghapon. She needs to work hard and earned enough for her future. She knows that at the end of the day she will be returning to her family. Muling kinalkal sa bag ang folder na binigay ng kaibigang si Gracie. Muli ay pinag-aralan ang ilang detalyeng naroroon para mapaghandaan ang pagtutuos nila ni Monique. Ang babae kung bakit naging mesirable ang buhay niya. Maging ang kaniyang mga magulang. Nang makapagpahinga konti ay agad siyang tumayo upang makaligo at makapagpahinga na siya. Sa isang negosyo naman ng magulang kasi ang pupuntahan bago siya bumiyahe papunta sa kanilang probensiya. Bitbit ang tuwalya niya ng papasok na ng banyo ng tumunog ang cellphone niya at nakitang si Menard ang nasa linya. "Yes hello. Good evening.." sagot rito. "Oh hi! I just call you to thank you for your effort. Thanks for tonight. I really enjoy being with you. Hope it won't be the last." Masiglang wika nito. Napangisi na lamang siya sabay sabi. "Sure, basta ba libre mo. Hindi ako tatanggi.." tawang saad saka nagpaalam na dahil kailangan na talaga niyang magpahinga. MABILIS niyang natapos ang dapat niyang tapusin sa Manila kaya pinasya na niyang umuwi sa kanilang probensiya. Nasa NLEX na siya at ilang oras na lamang ay mararating na niya ang kanilang probensiya. Habang nasa daan ay hindi niya maiwasang alalahanin ang dating siya. Isang mapait na alaala na ngayon ay unti-unti niyang binabalikan. "Pasensiyahan na lamang tayo..." aniya habang mahigpit ang hawak sa kaniyang manebila. Nasa bandang Tarlac na siya. Nakakabagot din bumiyahe mag-isa lalo na at nakakangalay sa puwet. Isang oras pa ang dumaan ay nasa bungad na siya ng Pangasinan at nakaramdam na rin siya ng gutom kaya kumain na muna siya para makapagpahinga rin saglit sa mahaba-habang biyahe. Pagbaba niya ng kaniyang sasakyan. Halos lahat ng tao roon ay nakatingin sa kaniya. Suot ang isang fitted maong pants, sneaker shoes at isang simpleng white tshirt. Napakasimple lang ang suot pero lutang ang ganda. Kaya ang ilan ay napanganga pa. Ang ilan ay nakilala siya ng mga ito. Mga simpleng ngiti ang binigay sa mga ito saka naglakad papasok sa isang sikat na fast food. Maging sa loob ay napatingin din ang mga tao sa kaniya at ang casher ay tila na-star struck pa at di nakakilos ng makitang siya ang kaharap nito. "Miss Wendy Bustamante.." bulalas ng tila manager ng food chain na iyon. Ngumiti siya bilang tugon rito. Nakitang kinapa nito ang bulsa at ng malamang wala nga pala silamg bulsa dahil bawal ay naisip niyang baka nais sana nitong magpapicture. "Want some photo?" Very friendly na turan. Dahil sa mga ito ay lumabas ang dating siya. Nagtrabaho rin kasi siya noon sa isang branch ng food chain na iyon sa La Union. Tumango ito sabay kamot. Maaaring naghihinayang sa pagkakataon sanang makapagpa-picture sa isang personalidad na katulad niya. "Okay sure.." aniya saka numwestra ang kaniyang cellphone sa isang selfie rito. Maging noong inabot ng casher ang sukli niya ay kumuha na rin siya ng selfie kasama nito. Nang matapos ay sinabi namang tignan ng mga ito sa kaniyang account sa IG. Tuwang-tuwa ang mga ito at magiliw siyang inistima. Nang makaupo sa isang bakanteng mesa ay napangiti pa siya. Akala niya ay kasing tigas na ng bato ang puso. Bumabalik din pala paminsan-minsan ang kaniyang pagiging santa. Mas lalo siyang napangisi ng maisip iyon. Kaya nga siya madaling maapi noon sa pagiging santa niya. Siguro ngayong nasungayan na siya ay pwede na rin siyang gumante sa lahat ng pang-aapi sa kaniya noon. Matapos kumain ay muli siyang sumakay sa sasakyan at muling nagpatuloy. Matapos ng dalawang oras ay tuluyang narating ang La Union. 'Welcome to La Union,' basa sa signage ng probensiya. Hapon na ng makarating siya kaya binaba niya ang bintana at sinamyo ang ihip ng hangin. 'Welcome home..' anas sa sarili. Malapit na niyang marating ang pakay. Limang taon na ang nakakaraan marami na ang nabago pero may natitira pa ring walang pagbabago. Tanaw niya ang ekta-ektaryang lupain. Sa dulo noon ay ang isang malawak na poultry farm at sa palibot nito ay ilang kubo ng mga trabahador. Sa kabilang dako naman ay matatanaw ang isang pamayanan ngunit sa pamayanan na iyon ay namumukod tangi ang mansyon na nakatirik sa pinakadulong parte papunta sa poultry farm. Napakalaki noon, sa istelo ng pagkakayari ay talagang kakikitaan ng karangyaan. Bumagal ang usad ng kaniyang sasakyan. Sa di kalayuan sa pamayanan na iyon. Namumukod tangi rin ang kubo sa isang parang. Luma na iyon at ang pawid na bubong ay tila hindi na nagawang ipagawa pa ng may-ari. Katabi noon ay isang bungalow na gawa sa semento. Maliit pero maganda. Napangiti siya. Bago malagpasan ang bahay na tinitignan ay lumabas mula roon ang isang may edad nang babae na may hawak na balao. Maaring magtatahip ito ng bigas upang matanggal ang ilang dagta bago ito isaing. Muling alaala ang bumalik sa isipan ng sandaling iyon. Doon ay hindi na niya napigilang umiyak pa. Itinigil niya muna ang sasakyan saka malayang pinakawalan ang kaniyang pangungulila. "Nay, Tay patawad.." impit na sambit. Matapos ibuhos ang pag-iyak ay unti-unti na siyang kumalma kaya minabuting tumuloy na sa kabilang bayan kung saan naroroon ang bahay nila. Matapos ng tatlumpong minuto ay narating din ang malawak na solar kung saan nakatayo ang bahay nila. Malawak at malaki rin iyon. Dalawang magkasunod na busina ang kaniyang pinakawalan bago niya makitang paparating angbkanilang hardenero. Agad nitong binuksan ang malaking gate nila. "Salamat po.." pasasalamat sa singkuwenta anyos na hardenero. "Walang anuman senyorita. Kumusta po ang biyahe?" Tanong pa nito habang binababa ang lahat ng bagahe niya. "Mabuti naman po mang Tonyo. Tulungan ko na kayo sa bagahe ko. Marami kasing padala nina mama at papa para sa inyo nina manang Lakring," masayang wika. Nang makapasok sila ay naroroon naman na sina manang Lakring at ang pamangkin na si Celia. Ito ang namamayani sa kanilang malaking bahay kapag silang lahat ay nasa Amerika. Pamilya na rin ang turing ng kaniyang mga magulang sa mga ito. "Naku! Maraming padala sina mama at papa para sa inyo.." masayang pagbabalita sa mga ito. Saka mabilis na binuksan ang dalawang maleta na puno ng sabon, lotion, toothpaste at kung anu-ano pa. "Naku senyorita. Maraming maraming salamat po." Di maampat na turan ng mga ito. "Wala iyon, sina mama at papa galing ang mga iyan. Sa kanila kayo magpasalamat.." nakangiting turan sa masayang mga kasama sa bahay. "Oo nga pala. Kumusta naman sina Senyora at Senior doon?" Baling ni manang Lakring. "Maayos naman po sila. Kayo rito. Okay kang ba kayo rito habang wala kami," balik tanong. "Naku ate. Maayos na maayos." Turan ni Celia. "Ikaw, dalaga ka na! Baka may boyfriend ka na. Mag-aral ka muna.." natatawang paalala rito. Tumawa naman din ito sa kaniya. "Opo ate, pangako po. Magtatapos ako. Magiging titser po ako.." anito. "Mabuti.." aniya saka nagpaalam sa nga ito upang makapagpahinga siya sa mahabang oras ng biyahe niya. Bago siya humakbang pataas sa hagdan ay lumingon muna siya sa mga nagkakasiyahang mag-anak. Muli ay nanabik siya sa isang buong pamilya ngunit kailangan muna niyang mag-tiis. Hindi pa siya handang ilantad kung sino talaga siya. Hindi pa iyon ang tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD