CHAPTER 2

2264 Words
CHAPTER 2 Plate no. RJT 14344 SA Tuwing pumapasok sa isip niya ang itim na sport car na iyon, naniningkit siya sa galit. Luging lugi siya sa pinagpaguran at pinagkagastusan niyang suman. Pero pasasaan ba at makikita na naman niya ang kotseng iyon. At sa susunod na makita niya o mapadaan, sisiguraduhin niyang magsisisi ang driver no'n. "Oh, ba't sambakol na naman iyang mukha mo?" puna ni Ianira, maggagabi na'y nasa kanila pa't tinutulongan siya sa paghahanda ng lulutuin na naman niyang kakanin bukas ng umaga. Medyo marami-rami ang lulutuin niya ngayon para sa mga trabahante ng Montana Constraction Inc. Kahapon ay sinadya pa siya ni Xander Montana sa kanilang bahay para um-order para bukas. Sa pagkaalala sa guwapo at pangalawang Montana'y nabawasan ng kaunti ang inis niya. Mabuti at naalala niya ang crush niyang si Xander, kundi magkaka-wrinkles na ang maganda niyang mukha ngayon din. "Ano pa, e 'di 'yong kaskaserong driver ng itim na Ferrari." Nanulis pa ang nguso niya. Naikuwento na niya ang nangyaring iyon sa kaibigan nang minsan itong dumalaw. "Hayaan mo na nga. Tiyak ang karma ng hinayupak na iyon." "Talagang tiyak dahil ako ang magbibigay ng karma ng gagong iyon." Sa isip niya'y kung paano gugulpihin ang may atraso sa kaniya. "Paano iyan, 'di mo naman nakilala?" "Natatandaan ko ang plate number ng kotse niya." Tumango-tango na lamang ang kaibigan at kinuha ang cellphone. "Kailangan ko nang umuwi, Sab. May emergency daw sabi ni Kiara," paalam nito. "Ah, sige. Sandali pala't ipagbabalot kita ng iuuwing suman at kakanin para sa mga kapatid at nanay mo. Kuh, pasensya na't kakanin na lang imbes na pera, Ianira. Kung di lang minalas kahapon, may pera sana ako…pambayad sa iyo." Mabilis siyamg kumuha ng supot at nilagyan ng ilang balot ng suman at kakanin. "Ito naman, parang iba kung magsalita. Sanay naman akong libreng kakanin at thank you ang tinatanggap sa iyo. Hindi naman ako nagpapabayad. Buti nga at hindi ako nabagot maghapon sa bahay. Kung hindi ako naaksidente, e malamang nasa Lighthouse Cafe ako ngayon, nahihilo sa mga order ng mga customer." Tinungo nito ang lababo at naghigas ng kamay. "Mga hayup kasi ang mga may kotse sa lugar na ito, eh. Alam mo, kapag ako nagkapera ng malaki, bibili ako ng ten wheeler truck at sasagasahan ko lahat ng mga may sport car dito sa Cape Montana. Pipitpitin kong parang lata ng sardinas ang mga mamahaling sasakyan nila. Tutal mayayabang din ang mga may-ari." Naniningkit ang kaniyang mga mata. Inilarawan niya sa isip ang hitsura ng mga latang pinipitpit para i-recycle. Gano'n ang gagawin niya sa itim na Ferrari'ng may atraso sa kaniya. Tumawa si Ianira. Nagpunas ito ng kamay at humarap sa kaniya. "Bakit hindi mo na lang hiramin ang buldozer o kaya'yong pison ng baranggay kay kapitan o kaya ipahila mo ang sport car para ipapitpit sa Junkshop. Pero huwag namang lahat, Sabina. Hindi naman lahat katulad ng driver na muntik sumagasa sa iyo. Saka nakalimutan mo yatang may sport car ang mga Montana. Baka mapatay mo si Xander niyan. Pero ikaw, kung gusto mo nang mabalo ng maaga." Sumilay ang nang-aasar na ngiti ng kaibigan. Oo nga pala! Eh, puwede namang hindi isali si Xander, giit niya sa isipan. Hindi naman niya maaatim na may mangyaring masama sa isang iyon. Lalo kung siya ang magiging salarin. Maaga siyang gumising para magluto at maghanda ng panindang dadalhin sa Constraction site. Kailangang mag-aga siya dahil mag-aabang siya ng service van na papunta sa lugar na sinabi ni Xander. Hindi raw nito mapi-pick up ang mga miryenda ngayon kaya nakiusap na kung maaari ay mag-commute na siya papunta sa site. Hindi naman mahirap ang pakiusap nito kaya umoo siya agad. Tutal ay maraming mga service van ang dumadaan sa kanila dahil tabi lang naman ng kalsada. Mga private vehicle ang mga iyon at pag-aari din ng pamilya Montana. Ginagamit iyon ng mga turista para makapamasyal at makapaglibot sa buong isla. Magaan ang kaniyang pakiramdam sa araw na iyon. Kahit paano'y humupa na ang inis na nararamdaman para sa taong hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakalimotan. Nang maihanda ang lahat ng dadalhin ay agad siyang naligo at nagbihis. Pinili niya ang bulaklaking bestidang hanggang tuhod ang haba. Naglagay ng pulbos sa mukha at nagpahid ng lipgloss sa bibig. Likas namang mapupula ang kaniyang mga labi kaya lipgloss lang, ayos na. Pagkatapos gumayak ay tinungo niya ang silid ng abuela. "La, alis na ho ako. Nakaganda na ang almusal ninyo sa kusina. Pagkatapos po ng agahan, inom po gamot, ha." Hinalikan niya ang noo ng kabiyang lola. Gising na ito pero masana pa rin ang pakiramdam kaya nanatili sa higaan. Kung hindi lang importante ang lakad niya ngayonay hindi na siya tutuloy at babantayan na lamang niya ang abuela. Pero uuwi na lang siya agad pagkahatid ng mga order na kakanin para maasikaso ito. "Magtitinda ka ba ngayon?" tanong ng matanda, nagpilit bumangon pero pinigilan niya. "Humiga muna kayo, La. Huwag po kayongag-alala, babalik ako agad. Hindi po ako magtitinda ngayon. Ididiliber ko lang ho ang mga kakaning in-order ni Xander noong isang araw. Para po sa mga trabahante nila sa MCI." "Gano'n ba. Oh, hala..sige na't baka tanghaliin ka, apo." "Mag-aabang po ako ng service van, lola. Medyo mabigat ho kasi ang bilao ko. Gusto ba ninyong dito na sa silid mag-agahan?" tanong niya. Nag-aalala siya na baka lumala ang pakiramdam ng matanda habang wala siya. "Ikaw talagang bata ka. Alam mo namang hindi ko gustong kumain dito sa silid kahit masama pa ang pakiramdam ko. Kung gusto mo ako mag-breakfast in bed, sige, matutulog ako sa kusina." Sabay silang tumawa sa biro nito. "Kayo po ang bahala. Basta inom po kayo gamot, La." Muli siyang humalik sa pisngi ng abuela at lumakad na. Agad siyang bumaba ng van nang makarating sa MCI site. Sinalubong siya ng maalikabok at mainit na lugar, mga lalaking abala sa pagpupukpok at pagbubuhat ng mga simento, bakal, at kung ano-ano pang mabibigat na gamit sa konstrakyon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Maaga pa pero masakit na sa balat ang init ng araw. Paano kaya natitiis ng mga lalaking ito ang ganito kabigat na trabaho? No wonder, walang payat sa mga trabahante. Puro may muscles at halatang banat sa ganitong gawain. May mga ilang natigil sa ginagawa nang mapansin siya. Dinig din niya ang pagsipol ng ilan. Tsk! Men! Gusto niyang umirap. Ayaw na ayaw niyang nasisipolan. Nakakabastos iyon para sa kaniya. "Ano'ng tinda mo, Miss beautiful?" Namataan niya ang paglapit ng isang lalaking matangkad at may matipunong pangangatawan. Nakasuot ng white hard hat, 'yong mga ginagamit ng mga Engineer. Pinigil niya ang mapasinghap nang tuluyangakalapit ito sa kaniya. Bakit ang guwapo ng isang ito? Hinawakan niyang mabuti ang pasang bilao sa ulo. Nakakapanghina ang dating ng lalaking nasa harap niya na ngayon. Kahit nakasuot ito ng Sweatshirt ay bakat pa rin ang katipunuhan ng katawan. Parang hindi bagay ang maalikabok na construction site rito. Ito 'yong tipo ng lalaking ikinukulong sa malaki at vintelated na opisina. Pero bakit parang masarap pa rin amoyin kahit pawisan ito? "Hey!" Pumitik ito sa hangin malapit sa mukha niya. Saka pa lamang siya natauhan at awtomatikong isinara ang nakaawang na bibig. Nag-init ang magkabilang pisngi niya. Nakakahiya ang reaksyon niya. " Ah! M-miryenda. In-order ni Xander para sa mga trabahante," nahihiyang tugon niya. Ibababa na sana niya ang bilaong pasan pero kinuha nito ang bilao mula sa kaniya. "Magaling talagang pumili ng miryenda ang Montanang 'yon. Halika, Miss…" "Sabina," "Sabina. Ganda ng pangalan mo. Bagay sa iyo. I'm Xavier, ang Head Engineer ng MCI. Doon tayo sa nipa hut, nang di ka mabilad sa araw. Sayang ang skin mo," nakangiting aya nito at bagpatiuna nang maglakad patungo sa isang bahay-kubong malapit sa ipinapatayong gusali. Agad naman siyang sumunod kay Xavier. "Upo ka, Sabina. Bayad na ba ang mga ito?" tanong ng lalaki habang lumipili ng kakanin. "Oo. Binayaran na ni Xander." "Ikaw ang nagluto?" tanong ulit nito habang nilalantakan na ang kakanin. Bago pa siya makasagot ay naagaw na ang atensyon niya ng papararing na kulay itim na Ferrari. RJT 14344. Iyon ang agad na nabasa sa plaka. Eureka! Nakita na niya ang pinakaabang-abang niya. Todas ka ngayon sa akin! Dahil nakabuhos ang atensyon niya sa numero ng plaka ay hindi na niya napansin ang lalaking bumaba mula roon at naglakad patungo sa kubo. Naniningkit ang kaniyang mga mata. Tumayo siya at naglakad patungo sa kotse. Dinig pa niya ang pagtatawag ni Xavier sa mga trabahante para sa miryenda ng mga ito at ang pagtawag sa pangalan niya pero hindi niya pinansin. Diretso ang lakad niya patungo sa itim na ferrari. May dalawa pang sport car na dumating at nag-park katabi ng puntirya niyang kotse. Kailangan niyang masiguro kung ito nga ang sasakyang muntik nang sumagasa sa kaniya noong isang araw. Isang pasada pa sa plate number nito at nang masiguradong tama siya ay mabilis na dinampot ang namataang dos por dos sa isang tabi. Walang pasabing hinataw ang salamin ng kotse. Basag iyon at lumikha ng malakas na ingay. Ang mga lalaking nagkumpolan sa kubo ay napatingin sa kaniya, larawan ang pagkabigla sa mga mukha. Hinihintay niyang may umalma para malaman kung sino ang may-ari ng kotse. Hindi nga siya nabigo, malakas itong nagmura. "What the f**k! My car!" Galit ang ang lalaking lumapit sa kaniya at marahas na sinunggaban siya sa balikat. "Ano'ng problema mo? Bakit mo binasag ang salamin ng kotse ko?!" May pagkasingkit ito at lalong lumiit ang cute nitong mga mata dahil sa galit. Naniningkit ito sa galit at matigas siyang isinalya sa hood ng kotse. "Oh, so ikaw pala ang may-ari ng kotseng ito? Hindi mo ba alam ang ginawa mo kahapon, ha?" "Damn it, Lady! Ano ba'ng pinagsasabi mo? Hindi nga kita kilala, paano…" buga nito pero pinutol niya. Kung may karapatan itong bugahan siya, gano'n din siya. Galit siya sa kumag na ito. "Dahil sa pagbusina mo nang pagkalakas-lakas ay natapon ang mga paninda ko sa basaw. Nasira lahat. At nasabuyan ang bago kong daster ng putik ng dahil sa iyo!" "For your information, Miss, wala akong matandaan sa sinasabi mo. Hindi nga ako lumabas kahapon sa…" Damn! Posibleng si Xavier ang may kagagawan sa sinasabi ng babae. Hindi ba't ipinahiram nito kay Xavier ang kotse niya noong isang araw. dahil may sinaglit ito sa bayan? Hindi pa kasi ayos ang kotse nito at nasa talyer pa lang. Nanlilisik ang mga matang nilingon ang gagong kaibigan. Pero sa halip na ma-guilty ito'y ngumisi lang at itinaas pa sa ere ang kinakaing kakanin na parang inaaya siyang tikman iyon. Amused na amused ang ulol sa pagtatalo nila ng babaeng bonsay na ito. "Oh, naalala mo na?" sarkastikong anito. Nanggagalaiti ang magandang babae. Maamo ang mukha nito. Parang anghel dahil sa mahahabang pilik-mata. Ngunit tila nagkaroon ng sungay sa paningin ni Ryu. "Hindi," kaila ni Ryu. Kailangang turuan ng leksyon ang babaeng ito. Presyo ng panindang suman kumpara sa halaga ng salamin ng kaniyang kotse ang isyu rito. At hamak na mas mahal ang salamin kaysa sa suman. Mas malaki ang damage niya. "Do you know how much my car cost?" Lalo niyang idinikit ang katawan sa babae. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa bansot na ito. "Alam mo rin ba kung magkano ang paninda kong nasira dahil sa tarantadong katulad mo?" She fire back. Matapang na sinalubong ang naghahamon niyang titig. "Tell me how much," hamon niya. Mabilis na nagkuwenta ang utak ni Sabina. Five hundred na halaga ng suman at Six hundred para sa iba't ibang lutong kakanin. One thousand one hundred pesos lahat. Pero dahil walang modo at antipatiko sa tingin niya ang lalaking ito, dodoblehin na niya ang total price ng nasayang niyang paninda. "Two thousand two hundred." Tinaasan pa niya ito ng kilay. "Compare to my car's glass, Lady. And damn it, you even scratched my Ferrari." Alam niyang mahal pero paki niya. Ang kasalanan, walang mahal at murang sa presyo. Lahat ng kasalanan at atraso, maliit o malaki… pantay at dapat lang pagbayaran. Ngayong kwits na sila. "My car costs more than millions, girl." Girl? More than millions Aba't! I binuka niya ang bibig para bugahan ulit ang lalaki pero naunahan siya nito. "Sa susunod, magtanong ka muna sa may-ari bago magbasag ng kotse ng may kotse, ha?!" At walang pasabing kinayumos ng halik ang labi niyang nakaawang. Nagpumiglas siya pero hindi siya tinantanan. Mahigpit ang pagkakahaak nito sa kamay niya dahilan para hindi niya maitulak ang pangahas na lalaki. Ngunit maparaan si Sabina. Malakas niya itong tinuhod. Dahilan para mapaaringking ito sa sakit. Hindi pa siya nakontento, sinamantala niyang nakanganga ang lalaki habang namimilipit sa sakit at sapo-sapo ang p*********i. Marahas niyang isinudsod sa bunganga nito ang hawak na isang balkot ng suman bago inundayan ng suntok ang isang mata nito. Tingnan lang niya kung hindi lalong liliit ang mata nitong singkit dahil sa pamamaga. Dinig niya ang pagsinghap kasunod ng pagtawanan ng mga lalaking nasa kubo. Hindi na niya pinansin iyon, mabilis na siyang tumakbo palayo sa MCI site. Takot na baka gantihan ng lalaking nakaaway niya. Ngayon pa lamang niya naramdaman ang takot at panginginig nang husto. Ngayong humupa na ang galit niya. Gusto niyang magalit dahil sa pangahas na halik na iyon. That was her first kiss. Wala pang lalaking nakahalik sa kaniya, ang gagong singkit na iyon pa lang. Pero bakit sumisikdo ang puso niya habang hinahalikan siya nito at kahit ngayon na nakalayo na siya. Hindi. Pagod lang siya sa katatakbo kaya malakas ang tahip ng dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD