CHAPTER 3
Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpagising kay Sabina ng bandang alas sais ng umaga. Napakamot siya ng ulo nang masulyapan ang orasan sa dingding.
"Ang aga namang mambulabog kung sinuman 'yan."
Agad siyang bumangon sa pag-aalalang baka masira pa ang pinto dahil sa lakas ng mga katok. Hindi na siya nagsuklay at nag-abalang humarap sa salamin, hindi na rin siya nakapag-banyo at mumog. Gigil niyang binuksan ang pinto.
"Balak mo yatang gibain…"
Napanganga siya nang bumungad sa kaniya ang tatlong mukha ng dalawang lalaking pulis.
"Magandang araw, Miss," bati ng isang mama. May hawak itong papel at seryosong bumaling sa kaniya. "Nandiyan ho ba si Miss Sabina Inosenciano?"
Biglang nanlamig ang kaniyang sikmura.
"A-ako ho si Sabina. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya kahit may hinala na siya kung ano ang pakay ng mga ito. Pilit niyang pinakalma ang sarili.
"May conplain po kayo galing kay Mr. Tan. Kung maari po'y sumama kayo sa amin sa presinto nang makapagpaliwanag." Inilahad nito sa kaniya ang summon.
Napalunok siya.
"Teka lang ho, Sir. Ano raw po ang atraso ka sa Mr. Tan na iyan?"
"Sa police station na lang ho pag-usapan ito, Miss. Mas mainam na makaharap ninyo ang complainant." turan ng isang patpating pulis.
Ayaw niyang sumama pero nang imuwestra ng kaharap ang posas sa mukha niya'y nataranta na siya nang husto.
"Aba'y teka lang, mamang pulis. Sasama naman ako nang malugod kaya huwag na ninyo akobg posasan. Babae ho ako at walang baril. Hindi ko kayo…."
Sasama naman siya nang malugod sa mga pulis na ito kaya hindi ba kailangang iposas siya. Anong laban niya sa dalawang mama? Ayaw niyang pagtsismisan siya ng mga kapitbahay dahil sa karay siya ng pulis na nakaposas.
"Naninigurado lang ho kami, Miss. Napag-alaman namin na magaling kang manuntok at manuhod. Wala ka ngang baril pero may suman ka."
Aba't nagsumbong talaga ang singkit na 'yon.
"Para namang nakakamatay ang suman, Sir."
Pinigil niya ang sarili at baka matulad ang isa sa kaharap sa singkit na iyon.
"Sumama ka na lang at huwag magreklamo, Miss. Ginagawa lang namin ang aming tungkulin."
Gusto na niyang murahin ang mga ito dahil ayaw pumayag na hindi siya iposas. Wala siyang nagawa kundi ilahad ang dalawang kamay sa pulis na nakahawak ng posas.
Tulog pa ang lola niya kaya hindi siya nakapagpaalam. Nawala na sa isil niya dahil sa kinasasadlakan. Napuyat kagabi ang lola niya dahil sa panabakit ng tuhod at kasukasuan kaya himbing pa rin ito at hindi man lang nabulabog sa pagdating ng mga pulis.
Ilang oras na ang biyahe at nalagpasan na ang unang presinto sa bayan pero hindi pa rin siya ibinababa ng dalawang pulis. Bumangong bigla ang kaba.
Pulis ba talaga ang mga ito? tanong niya sa isip.
"Teka lang ho, mamang pulis, saang presinto ho ba ninyo ako dadalhin?" lakas-loob niyang tanong.
Sumidhi ang hinala niya na hindi tunay na pulis ang dalawa dahil nagkatinginan lamang ang mga ito at waring nagkaintindihan sa pamamagitan ng mga mata nila.
Walang umimik sa dalawa.
"H-hindi kayo tunay na pulis. Kidnapper!" tili niya at pinaghahampas ang pulis na nasa passenger seat.
"Tumigil ka, Miss at baka mabangga tayo!" sigaw ng nasa driver side.
Natakot din siya sa ideyang maaksidente sila kaya huminahon siya. Kailangan niyang balikan ang lola niya, safe and sound.
"Tama ka. Hindi kami puli pero hindi kidnapper. Bodyguards kami, Miss. At tungkol sa presinto, hindi po doon ang gustong pagdalhan sa iyo ni Mr. Tan. Sa resthouse po niya," paliwanag ng pinaghahampas niyang pulis, correction, Bodyguard.
"Saan ba ang resthouse ng gagong Tan na iyan?" nagpupuyos sa galit niyamg tanong.
"Sa Dos Hermanos, Miss."
"Ano?! Sa kabilang isla?! E, bakit sa kotse tayo sumakay? Bakit hindi sa yate o helipad na lang para mas mabilis?"
Mayaman naman ang amo ng mga ito. Siguradong mayroon siya ng mga nabanggit niya. Puwede naman ang land transpo pero mas matagal ang biyahe. Matagtag pa dahil rough road ang daan.
"Mayroon ho. Kaya lang ay hiniram ng kaibigan niya ang yateng nakadaong sa Cape Montana. Ang helipad naman po'y naka-leave ang piloto."
"Eh, bakit ba niya ako pina-kidnap? Wala akong pera. Hindi ako matutubos ng lola ko. Mayaman pala ang amo ninyo, bakit pinadukot pa ako?"
"Hindi po ito kidnap for ransom, Miss. Mabuti pa, alamin mo na lang pagdating natin doon."
Magsasayang lang siya ng laway kung usisain pa ang dalawang lalaki. Tama ang mga ito, ang nagpadukot sa kaniya ang kausapin niya.
The hell that singkit man. Sana pala, binulag na lang niya ito, e.
Anim na oras ang biyahe nila at dahil hindi sapat ang tulog niya kagabi, naitulog niya sa gitna ng biyahe. Nagising lang siya nang may tumapik sa kaniyang pisngi. Agad siyang nagmulat.
The chinito-eyed man welcome her view. Itim na itim ang singkitin nitong mga mata. He ressembled one of her favorite Korean actor, Lee Joongi. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi nitong may katamtamang nipis. Ang kaibahan nga lang ng lalaking kaharap sa Korean actor ay masungit ang mukha ng isang ito. Hindi yata uso ang ngiti sa lalaki.
Salubong ang kilay nito at tila ba may nagawa siyang atraso ngayon sa kaniya. Kung makahagod kasi ng tingin, wagas. Pero totoo namang may atraso siya rito.
"Ganyan ba ang ayos mong bumiyahe?" tiim-bagang nitong tanong.
Hindi niya maintindihan kung ano ang punto nito sa tanong na iyon. Maayos naman ang pantulog niya, ah. Hanggang tuhod ang haba ng kulay puting bestida niya. May kanipisan nga lang. Pero hindi naman dapat pantulog ang damit na iyon, napilitan lang siyang suotin kagabi dahil wala naubusan siya ng pyjama.
Bigla siyang umayos ng upo nang bumaba ang matalim na tingin nito sa kaniyang mga hita. Nakabukaka pala siya dahil sa pagkaidlip. Naka-panty siya pero walang shorts. Kidnapper na, m******s pa yata.
"Wala kang bra?"
Nanlaki ang mga mata niya nang maalalang wala nga pala siyang suot na bra. E, sa hindi siya sanay na mag-bra kapag matulog. Agad niyang tinakpan ang kaniyang dibdib. Damn it! Bakat na bakat pala ang mga dunggot niya sa suot. Awtomatikong uminit ang mukha niya. How she wish to just get vanished right now. Hiyang hiya siya.
"K-kasalanan mo ito! Kundi mo ako pinadukot sa mga bodyguard mo, hindi ito mangyayari sa akin!" singhal niya sa mukha nito.
Wala na siyang pakialam kung matalsikan niya ito ng laway at kung maamoy man nito ang hininga niyang hindi pa nakapagmumog.
"Pinadukot?" He smirked.
"Oo! Sa mga kunwang pulis na bodyguard mo naman pala. Mga gago kayo, kapag ako nakabalik sa Cape Montana, idedemanda ko kayo ng k********g!" tungayaw niya pa.
"E, kung kasuhan kaya kita dahil sa pagsira mo sa kotse ko at pamba-black eye sa akin?" sarkastikong anito, yumuko pa ito at inilapit ang mukha sa kaniya.
Ngali-ngali na naman niyang sipain ito kung hindi lang siya masisilipan kapag ginawa niya. Nakatukod ang kamay nitong isa sa backrest ng driver seat at ang isa ay sa backrest ng inuupuan niya. Parang hindi na ito takot na ma-black-eye-yan ulit sa lapit ng mukha sa kaniya.
Pero nang maamoy niya ang pinaghalong mint at natural manly scent nito ay nagwala agad ang kaniyang pakiramdam. Wala sa loob na dumako ang mga mata niya sa mga mapupulang labi nito.
Napaawang ang kaniuang mga labi at napapikit nang maalala ang lapastangang paghalik nito noon sa kaniya. She already tasted those lips. At mula noon hindi na siya pinatulog ng maayos. Sa bawat pagpikit niya, naaalala niya kung gaano kasarap humalik ang mga labi nito.
Napamulat siya nang marinig ang pagtawa nito. Para siyang binuhusan ng isang balde ng ice water dahil sa nang-uuyam na ngiti ni singkit ang nasilayan niya.
"I know that kind of look very well. Pero sorry, Miss… I don't kiss a girl with bad breathe."
Nagpanting ang tainga niya. Maka-bad breathe ang gago.
Pero nang matanto niyang may katotohanan naman ang sinabi nito ay natikom niya agad ang bibig at tumigil sa pagbunganga. Simula paggising kaninang umaga, hindi pa siya nakapagmumog, nakapaghilamos hilamos, nakapagsuklay, at nakapagpalit ng damit. At baka may lamat pa ng natuyong laway ang mukha niya ngayon.
"Good girl. Mas maganda ka kung tahimik ka lang."
Hindi niya alam kung himig nang-aasar iyon o seryoso. His gaze were bore in her face. Pero naroon pa rin ang ngisi sa labi nito, bagay na ikinairita niyang muli.
Kinalma muna niya ang sarili bago nagsalita. Kailangang matapos na ang paghaharap nila ng lalaking ito at nang makauwi na siya't makaligo.
"Bakit ba ako pinadukot?"
"Dukot?" His eyebrows furrowed. "Sumama ka naman nang maayos, paano ka nadukot?"
"Hindi ako sasama kung 'di ako nilinlang ng mga tauhan mo," mariin niyang sumbat.
He chuckled.
"Really? May atraso ka sa akin, remember?"
"Tama lang ang ginawa ko."
Parang gusto niyang suntukin ulit ito sa mata. Gigil na gigil siya sa kaangasan nito.
"Kung maniningil ka, ngayon pa lang sinasabi ko na… wala akong perang pambayad sa iyo. Mayaman ka naman, 'di ba? Barya lang sa iyo ang gasgas at sira ng kotse mo. At kumg sa black eye na tinamo mo, kwits na tayo. You kidnapped me. Siguro naman ok na ang atraso ko sa iyo."
"Who said we're done?"
Biglang nanlisik ang itim nitong mga mata. Bigla tuloy siyang naumid. Damn this man. Hindi pa siya natakot kahit kanino. Kahit sa lola niya kapag minsang pinapagalitan siya dahil may nagawamg mali. Pero itong lalaking ito… nakakaramdam siya ng kaba kapag nagagalit ang mga mata nito at tumitig sa kaniya.
"E-e, ano ba kasing gusto mo para mabayaran ko ang kasalanan ko sa iyo?" Huwag nang pera. Sinabi nang wala, e.
Hindi ito sumagot bagkus sinuyod siya nang mapanuring tingin mula ulo hanggang paa.
And don't say, katawan niya ang pambabayad. Pero paano kung ganoon nga? Inihanda na niya ang isang paa para masipa ito kung hahawakan siya. E, kung makasuyod ng tingin naman kasi… parang gusto nga nitong siya ang…
Naalarma na siya nang hubarin nito ang suot na jacket. Pinanlakihan siya ng mga mata at biglang nagkabuhol-buhol amg hininga. Is he planning to…
"Isuot mo ito at bumaba ka na diyan. Sa loob ng bahay tayo mag-usap."
Pagkuwa'y kumunot-noo. "Nakaya mo talagang lumuwas kasama ng dalawang lalaki na ganyan ang ayos mo." Hindi iyon himig nagtatanong kundi panunumbat.
Bago pa siya makasagot ay dumapo na sa mukha niya ang itim nitong jacket. Basta hinagis na lang iyon sa kaniya. Maginoo pero medyo bastos! Wala na ito sa harap niya. Nakita na lang niya itong naglalakad patungo sa kinaroroonan ng dalawang lalaking nahpanggap na pulis.
Agad niya nang isinuot ang jacket at bumaba sa kotse. Nakakababae naman ang jacket na 'to, bigla na lang pumasok sa isip niya nang maamoy ang pabango ng lalaking singkit. Ano kayang brand ng pabango nito?
Ang sarap amoy-amoyin. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang kung ano-anong kaladiang naiisip niya. Mali ang magnasa.
Kunot-noong tumitig siya sa gawi ng tatlong lalaki nang marinig ang may kalakasang boses ni singkit. Tila pinapagalitan ang dalawang bodyguard. Ngumuso siya. Matapos siyang awayin, hayun at pinagdidiskitahan ang mga tauhan. Wow! Rich eh. Boss.
Pero gago talaga.
Bahay-bakasyunan lang daw ito ni singkit, ayon sa dalawang lalaking nagdala sa kaniya sa Dos Hermanos. Pero ang gara ng buong bahay. Old Spanish ang style ng bahay o mas tamang tawagin na mansion. Sa laki ba naman at lawak ng compound ay hindi lang ito basta bahay.
"Miss, sumunod ho kayo sa akin," napaigtad siya nang may magsalita sa kaniyang tabi.
Nagsawa siyang pagmasdan ang tatlong lalaking may diskusyon sa 'di kalayuan kaya nilibang niya amg sarili sa pagmasid sa kabuuan ng rest house.
Nakauniporme ang may edad nang babae na tumawag sa kaniya. Agad niyang baisip na katulong ito marahil.
Sumunod siyang pumasok sa malaking bahay.
"Pumanhik na kayo sa loob, Miss dahil matatagalan pa si Sir sa dalawang bodyguard," anang babae at inilahad na maunang pumasok sa nakabukas na pintuan.
Nagtatakang lumingon pa siyang muli sa kinaroroonan ng tatlo. Mukhang galit nga si singkit.
"Bakit ho ba galit ang amo ninyo sa bodyguards niya?" Hindi na niya napigilang itanong sa kawaksi.
"Ganyan lang ho talaga si Sir, naiinitin ang ulo. Hayaan na lang ho ninyo at nang hindi maibaling sa inyo ang galit niya."
Huh. Terror palang amo ang singkit na 'yan. Sabagay obvious nga sa mukha nito ang kasungitan.
"Buti hindi iniiwan ng asawa o girlfriend niya ang gagong amo ninyo, manang. Kung ganyan ang ugali niya, walang makatitiis sa kaniya. Mabuti hindi kayo naghanap ng ibang amo," walang prenong sabi niya.
Pinanlakihan siya ng mata ng natanda at mabilis na hinila papasok sa loob ng bahay.
"Hay naku, Miss… huwag na huwag kang magkakamaling mabanggit iyang tungkol sa asawa o girlfriend sa harap ng amo ko kung gusto mo pang huminga paglabas mo rito sa teritoryo niya." Mahina pero mariing wika ng babae.
Tumulis ang nguso niya, lukot ang mukhang tiningnan ang kaharap.
"Bakit ho? Mamamatay-tao ho ba iyang singkit na amo ninyo?"
"Naku hindi, Miss. Mabait baman iyan huwag lang ipaalala ang tungkol sa a…"
"Manang, igiya mo na siya sa loob ng shower room. Paliguan mo at bihisan bago iharap sa akin."
Napatalon sa gulat ang katulong dahil sa biglang pagsulpot ni Ryu sa likuran nila.
Pinanlakihan naman siya ng mga mata dahil sa sinabi nito. Paakyat na ito sa matarik na hagdan nang magsalita siya.
"Hoy Mr. Singkit, anong ligo ang pinagsasabi mo?"
Talaga yatang may balak itong masama sa kaniya. Agad niyang niyakap ang sarili. Hinding hindi niya hahayaang pagsamantalahan siya ng singkit na ito. Magkamatayan na.
Pinagtaasan siya nito ng kilay bago sumilay ang nang-uuyam na ngiti sa labi nito.
"Huwag kang asyumera, Miss. Ayaw kong makipag-usap sa amoy laway." Agad na itong tumalikod at humakbang paakyat sa hagdan.
Magsasalita sana siya nang muli itong humarap.
"At para sa kaalaman mo, hindi kita type. Huwag kang umasa." Mabilis na itong pumanhik sa taas.
"Aba't!" Agad umusok ang bumbunan niya. "At feeling mo type kita?! FYI, hindi ka guwapo at hinding hindi kita type!" Buwisit! Sana mahulog ka sa hagdan.
Natigil siya nang kalabitin siya ng katabing babae. "Miss, huwag po ninyong sigawan si sir at baka…"
"Baka ano? Hindi ako makauwing buhay? Hindi ako takot sa amo mong pangit! Kapag ako nasagad sa amo ninyong may regla, dalawa lang ang puwedeng pagdalhan sa kaniya. Maaring sa ospital o sa sementeryo!"
Nanlaki ang mga mata ng matandang babae. Namutla itong bigla. Hindi niya alam kung dahil ba sa sigaw niya o sa sinabi niya. Hindi naman niya sinasadyang sigawan ito. Balak lang niyang iparinig sa amo nitong walang modo. Gumaganti lang siya.
"M-mabuti pa ho, maligo na kayo at magbihis nang makapag-usap na kayo ni sir."
Nagpatiuna na ito at agad naman niyang sinundan.
Kung hindi lang siya galit na galit sa singkit na may-ari ng bahay, baka magiging masaya siya dahil first time niyang makaligo sa jacuzzi. Mas malaki pa yata ang shower room na kinaroroonan niya kaysa sa bahay nila ng kaniyang lola. Sa lawak n'yon, puwede nang lagyan ng devision para sa kusina at tulugan. Pero dahil sa sama ng loob sa lalaking singkit na 'yon, lahat ng bagay na nasa loob ng shower room, gusto niyang pagbuntunan ng galit. At talagang gamit pambabae pa lahat ng nasa shower, huh. Sa amoy ng shower foam, bath soap, shampoo at kung ano-ano pang gamit-paligo ay pambabae lahat. Kulay pink pa nga lahat, e.
Naisip niya tuloy kung gamit ba ang mga iyon ng asawa ni singkit o kung single pa… maaring ginagamit ng mga babae niya. Ilan kayang mga babae ang nakaligo na rito at… naikama ng singkit na iyon? At pang-ilan siya?
Gusto niyang masuka sa sariling tanong. Pakialam ba niya kung marami na? At bakit ba isinasali pa niya ang sarili sa bilang ng mga babaeng 'yon?
Kinuskos niya ang sarili gamit ang malambot na panghilod. Grabe a, sa kanila, makinis na bato lang ang ginagamit niyang pantanggal ng libag. Ang bango pa ng shower foam, amoy bulaklak at honey. At kulay gatas naman ang sabon na may ibon ukit na ibon sa ibabaw. Ang lambot sa balat.
Sa gitna ng paliligo ay nakaramdam siya ng matinding antok. Biglang namigat ang kaniyang mga talukap at kahit pilitin niyang dumilat ay hindi niya kaya. Hinila siya ng antok dahil sa sarap ng maligamgam at mabangong alingasaw ng tubig sa tub.