CHAPTER 1

2820 Words
CHAPTER 1 "Suman kayo diyan! Bili na ho ng Kakanin! Bagong luto po!" Walang humpay at malakas na alok ni Sabina sa mga residente ng Cape Montana. Pumuputok pa lamang ang araw sa dakong silangan ay naglalakad na siya sa kahabaan ng malubak at maputik na kalsada at nagtatawag ng bibili ng paninda niyang mga kakanin at suman. Pasan-pasan niya sa ulo ang bilao na puno ng mga paninda. Tamang tama ang labas niya para maglako, kagigising pa lamang ng mga tao at tiyak na nagkakape ang mga ito. "Suman at palitaw po kayo riyan. Pangkape po sa umaga!" "Sabina," tawag ng isang lalaking lumabas sa isang hindi kalakihan pero konkretong bahay. "Tomas?!" Hindi niya masigurado kung si Tomas Milano nga ang lalaking papalapit na sa kaniya. Ito na ba ang patpating classmate niya noong high school siya? Aba't paanong nabiyayaan ng muscles at abs ang isang animo kawayang pinagkaitan ng nutrisyong kamag-aral noon? Isang pitik lang ng hinliliit ng istriktang titser nila noon na si Ms. Tapia…siguradong tatalsik itong parang pinitik na kulangot. Pero kung si Tomas nga ito, sigurado siyang hindi na hinliliit ni Ms. Tapia ang pipitik kay Tomas kundi puso na. Aba! Sino ba ang hindi. Eh, ang guwapo at macho na ng isang ito, ah! "Sabina, kumusta ka na?" agad nitong tanong nang tuluyang makalapit sa kaniya. "Tomas, ikaw na nga ba iyan?" Parang hindi makapaniwala si Sabina. Inikot pa niya ang lalaki at sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa. "Whoa! Tomas Milano, ikaw nga!" pagkuwa'y bulalas niya nang masiguradong ito nga ang batchmate niya noong hayskul. "Ako nga, Sabina. Si Tomy. Kumusta ka na?" Ngumit siya. "Ito hindi pa rin yumayaman sa suman. Hanggang ngayon ba nababantutan ka pa rin sa pangalan mo? Aba! Nagtutunog 'merkano na ang pangalan mo, ah." Napakamot ito sa ulo. Still the same Tomas, kinakamot ang ulo kapag nahihiya. Pero sa laking lalaki na nito'y hindi bagay sa rito ang manerism na iyon. "Kumusta ang Saudi?" tanong niya pagdaka. Noong isang buwan ay nalaman niya sa isang kapitbahay na malapit na raw magbalikbayan ang binata. Apat na taon din ito sa Riyadh bilang isang mekaniko sa isang kompanya doon. "Iyon, disyerto pa rin." Tipid itong ngumiti. "Kuh! Buti nga pumuti ka roon," pabirong aniya. "Oh, hindi kita hahanapan ng pasalubong pero pakyawin mo na itong suman at kakanin ko, Tomy. Nang makauwi na rin ako at maihabol ang mga labahin ko sa sikat ng araw." Lihim niyang dalangin na mauto niya ang balikbayang batchmate nang sa ganoon ay hindi na siya lalayo pa. Masakit sa paa ang maglakad habang may pasan-pasan na bilao sa ulo. "Oh, sure. Tamang tama ang dating mo, magpapaayos kami ng kusina ngayon Kailangan ng miryenda para sa mga karpentero. Magkano ba lahat iyan?" "Limangdaan lang," agad niyang tugon. Ayos. Suwerte ang umaga niya ngayon. Makakauwi na siya agad at hindi na mapaapagod nang sobra sa kalalakad at hindi maubos ang boses sa kasisigaw ng suman at kakanin. "Ang sipag mo talaga, Sabina. Suwerte naman ng nobyo mo," pagkuwa'y ani Tomy pagkaabot nito sa malutong na limangdaan. "Kuh! Sinabi mo pa," sang-ayom niya, kahit ang totoo'y zero ang status ng lovelife niya. As in nada. Walang manliligaw at lalong walang boyfriend. Hindi naman siya pangit. Sa katunayan, may ibubuga naman siya pagdating sa piaikal na aspeto. Feeling niya'y matangkad na siya sa taas na 5'3. Nalampasan naman niya ng tatlong pulgada ang average height ng mga Pilipina na five-flat. Seksi rin naman siya sa vital stat na 34-24-34. Balanse. Hindi tulad na iba na mas maumbok sa harapan kaysa sa likod. Hindi man kasin-laki ng bola ng basketball ang mga dibdib niya, hindi naman fake ang mga iyon. Natural na narural. Hindi pudding ng bra at lalong hindi silicon. Maliit din ang baywang niya at bumagay sa umbok ng pang-upo at dibdib niya. Hindi nga lamang halata dahil laging maluluwag na daster ang mga suot niya. Kaya lang naman umabot siya sa edad na beinte sinco na wala pang boyfriend ay dahil inuna niya ang paghahanapbuhay. May mga plano pa siya para sa abuela niya. At wala siyang panahon para boyfriend-boyfriend na iyan. Mag-ayos nga sa sarili, hindi na niya maharap. Paano pa kung sakaling may kasintahan siya? Baka maghanap ng ibang pugad ang itlog. Lokohin lang siya. "Talaga? May boyfriend ka na?" Bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. Balak pa yatang manligaw ang isang 'to sa kaniya. Pero sorry na lang. Wala pa sa bokabularyo niya ang pumasok sa relasyon. Marami pa siyang gustong abotin sa buhay. "Siyempre, mayro'n na. Sa ganda ko bang ito, wala?" Sorry naman, Tomas. Guwapo ka na dati pa, tinubuan ka na rin ng katakam-takam na muscles, pero wala pa sa panahon ang relasyon sa akin, eh. Sa isip din niya'y may kaunting panghihinayang kay Tomas. Mabait ito at alam niyang kapag ito ang nanligaw sa kaniya, magiging trustworthy at loyal itong nobyo. "Gano'n ba," tanging nasambit nito, nawala ang ningning sa mga mata kanina. "Oo, eh. Oh, ito na ang mga suman at malagkit." Sabay abot sa dalawang medium size na supot ngsuman at kakanin. Inabot naman ito iyon. "Salamat, Tomy. Sige, uwi na ako. Sa papakyawin ulit." Ngumiti siya rito at agad nang naglakad pauwi. Bago pa makalapit si Ryu sa mesa kung saan reserved sa kaniya at sa babaeng kinaladkad ni Sai para maka-date niya, inihit na siya ng sunod-sunod na ubo. Naaasar na siya dahil hindi pa siya tinatantanan ng dry cough. Nakuha niya iyon noong isang araw, nang maulanan siya dahil tumirik ang sasakyan niya sa kasagsagan ng ulan. Pero mukhang blessing pa ngayon ang pagkakaroon niya ng ubo. May kung anong ideya ang pumasok sa isip niya nang mamataan ang babaeng nakasuot ng pulang pulang mini dress sa lamesang nasa bandang dulo ng restaurant. Siguradong tatalakan na naman siya ni Sai pagkatapos ng gagawin niya. Pero wala siyang pakialam. Kasalanan naman ng magaling niyang kapatid kung bakit siya narito. Inihit na naman siya ng ubo. Halos maluha-luha pa siya dahil sa tindi ng pag-ubo niya, na sinasadya naman niyang lakasan para marinig ng babae. Nag-anyong hirap pa siyang huminga at hingal na hingal nang makalapit sa kinaroroonan ng date niya. Agad niyang inabot ang tubig at nilagok lahat ang laman n'yon. "Huh!" Sabay himas niya sa dibdib. Kunot na kunot ang noo ng babae habang titig na titig sa kaniya. "Are you sick?" "Oh, hi, Miss Graciano. I'm Ryu," aniya sabay lahad sa palad na pinantakip sa bibig nang ihitin ng ubo. Animo nandidiri namsng tiningnan lamang iyon ng babae. "I'm Pearl Villegaz, hindi Graciano, Mr. Tan." Nagsalubong ang maninipis na kilay ng babae na halatang pinakapal lamang naman ng eyeliner. Oh, mabuti pala na mali siya ng nasabing apelyido, less effort na asarin ito nang putulin na ang date nila. Sa dami ba naman ng ibinibigay na date ni Sai sa kaniya, napagpapalit na niya ang mga pangalan ng mga babaeng nirereto ng kaniyang kapatid. "Pasensya ka na, Pearl. Medyo masama pa kasi ang pakiramdam ko. Kalalabas ko lang ng ospital noong isang araw." pagsisinungaling niya. Ang totoo ay nagbabad siya s kaniyang opisina. Wala namang araw na hindi siya abala sa trabaho, eh. Liban sa araw ng Linggo. Bonding nila ni Sai ang araw na iyon. Pero dahil kating kati na siyang alisin sa blind-date list ng kapatid niya ang Pearl Villegaz na ito, kahit anong paraan gagawin niya, ma-offend lang ito sa kaniya at huwag nang magpapakita sa kaniya. "Oh, ganoon ba, sorry. Kumusta naman ang pakiramdan mo ngayon? We can set another date, it's okay." Na-ah. Never. No more next time. Kung alam lang sana nito na pinipilit niyang ihitin ng lintik ng ubo para mandiri ito sa kaniya. Wala na nga siyang pakialam kahit magasgas pa ang lalamunan niya. "Pinababalik nga ako ng doktor bukas para sa second X-ray test, eh. Mukhang may tama raw ako sa baga." Damn it. Ano'ng tama sa baga ang pinagsasabi niya? Kahit anong parte sa katawan niya ay walang problema. Kahit nga kuko niya, walang damage. He's very healthy. "Tama sa baga?" Nag-isang linya ang kilay nito. "Yeah, positive ako sa Tubercolosis," pagsisinungaling niya, at sinabayan pa ng sunod-sunod na ubo. Natutop ng babae ang bibig. Para itong napaso sa kinauupuan na biglang tumayo, dinampot nito ang purse at halos magkanda-tisod sa pagmamadaling makalabas ng restaurant. Freak. Ngiting ngiti siya habang inihahatid ng tanaw ang babae palabas ng restaurant. Problem solved. Naalimpungatan siya sa sunod-sunod na pagtimbre sa pinto. Goodness, sino ba'ng istorbong ito? At nasaan ba ang katulong? Ngunit nang maalalang nagpaalam kahapon si Manang Linda para umuwi ng probinsya, napilitan siyang bumangon. Pupungas-pungas niyang tinungo ang main door. "Kuyaaaa!!" Muntik na niyabg isarang muli ang pinto nang makita si Sai sa labas ng penthouse niya. Damn! Kahit kailan talaga, makabasag eardrum ang boses ng kapatid niya. "What the hell! Don't shout, Sai!" saway niya rito. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Nagising siyang bigla. Thanks to this 'lil imp. "Oh, sorry, brother. Masaya lang," katwiran nito, at hindi na siya hinintay na ayain itong pumasok. She just get in. At agad na sumalampak sa couch. Parang welcome na welcome ito sa kaniyang bahay. "What brought you here? I thought sa Sunday pa tayo lalabas." His eyebrows furrowed. Umupo siya sa tabi nito. "I'm bored, brother. Wala pa kasing tumatawag sa akin..Gumasto pa man din ako para lang sa ads." Lalong nagdikit ang mga kilay niya. "What was that important matter at pina-ad mo pa?" His sister glared him. "Kasalanan mo ito, e. Kung hindi mo lang pinagloloko at tinakot ang mga babaeng bina-blind date ko sa iyo, hindi ako gagasto ng libo-libo para sa ad lang!" Biglang nalukot ang magandang mukha ng kaniyang kapatid. "Do'nt put the blame on me, Sai. First thing, I did nit asked you to find girls for me. Goodness, I hate blind dates," dipensa niya. Hindi niya pagsisisihan kailanman ang ginawa niya sa mga babaeng inirereto nito. Wala siyang balak na pumasok ulit sa relasyon. Iisa lang ang babaeng minahal niya at ginustong makasama habambuhay. Just Yura. Sa muling pagkaalala sa dating nobya, para na namang pinipiga ang puso niya. He is a one man, one woman guy. Kaya nga tumagal sila nang apat na taong mag-live in ni Yura. Their relationship was not as perfect as others but they work for it. At tumagal ang relasyon nila ng apat na taon. Kung hindi lang sana siya iniwan ni Yura, malamang kasal na sila ngayon. At malamang, ama na siya. By the thought of being a father, his eyes watered. "Crybaby." Si Sai. He stood up immediately and walk toward his room. He don't want Sai seeing him misserable and weak. Lalo lang itong manggagalaiting maghanap ng babae para sa kaniya. Sai was quite good at matchmaking. And worst, she was good at annoying him. "By the way, brother, I'm moving in here after tomorrow. I got kick out from my boarding house." Oh, no! This can't be! Awtomatikong natigil siya sa paglakad at mabilis na lumingon kay Sai. "What?!" "Pinapalayas na ako ng mahaderang landlady ko, e." Ito na nga ba ang sinasabi niya, hindi tatagal si Sai sa boarding house nito. Siguradong hindi na nakayanan ng landlady ang nga kalokohan ng magaling niyang kapatid. Kaya nga pinipilit na niya ito noon pa na bumili na lang ng sariling bahay malapit sa pdnthouse niya, pero tumanggi ito. Hindi raw ito sanay na mag-isa. Siguradong mababagot lang daw ito kung sarili niya ang bahay. "Kaya sa akin ka na titira, gano'n?" "Yep. Alam ko namang hindi mo ako tatanggihan, eh. I know you don't want me to sleep in the streets, 'di ba, kuya?" Pinalambing pa nito ang tinig. Of course he can't let that happen to Sai. Pero naletse na. Kung ang landlady nga nito na pinagkakakitaan ang pagtira ng kapatid sa boarding house, hindi natiis ang pagiging pasaway ni Sai, how about him? Libreng pagtira sa bahay niya. Free pa'ng konsumisyon ang dala. He was very sure on that. Sai was a trouble itself. Pero may magagawa ba siya? They were siblings. At kung hindi niya ito pagbibigyan, siguradong maglo-long distance call ito sa mga magulang nila. And, sure, tomorrow nasa Korea na siya. Siguradong pauuwiin siya ng mga magulang sa Korea. But, of course, he won't let that happen. Magtitiis nga lang siya sa pasaway niyang kapatid. Napabuntong-hininga siya. "Fine. If that's what you want, Sai." He said. "Oh, thank you, thank you, brother." She run toward him and hug him tightly. Tuwang tuwa ito sa pagpayag niya. "Ok, I will start move in now. Tatawagan ko lang ang LD Moovers para mahakot na ang mga gamit ko sa boarding house, kuya." Na-ah! Nasaan ang 'after tomorrow' nito? Eh, ready-ing ready naman na pala! "Ang ganda naman ng bestida mo, apo. Kanino galing iyan?" tanong ni lola Lupe niya nang pagbungad niya sa kusina. Nagtitimpla na ito ng kape. Katulad din niya ang lola niya, malayo pang tumilaok ang Tandang nila sa labas ng kanilang barong-barong, nasa kusina na ito at nagkakape. "Alam na alam mo talaga na regalo ito, lola." Lakas ng pang-amoy nito. Pa'no, e bago ang suot niyang bestida. Alam na alam din ng lola Lupe niya na hindi siya bumibili ng mga damit. Pinagtitiisan niya ang mga luma nang daster na bigay ng mga mayayamang angkan sa Cape Montana. Kung may mga ayaw nang mga damit ang maga ito, ipinamimigay lang o kaya tinatapon. At siya, tagapagmana ng mga pinaglumaan ng mga mayayaman. Aba'y sayang naman kung hahayaan niyang sa basurahan lang mapunta ang mga puwede pang pakinabangan. Pero itong suot niyang bestida ngayon ay hindi niya minana, bago talaga. Amoy bago pa at tatak KSA talaga. Pasalubong ni Tomas. "Aba'y sino ba'ng manliligaw mo ang nanregalo sa iyo, apo? Alam na alam ang bagay sa iyo, ah. Bagay na bagay sa iyo at lalo kang bumata sa kulay kalimbahing bestida." "Salamat ho, 'la. Pasalubong po ni Tomas. Pero hindi ko siya manliligaw, lola." Mabuti nang linawin niya agad ang iniisip ng lola niya. Baka isipin nitong may namamagitan sa kanila ng dating kamag-aral. "Eh, kung manligaw man, wala namang problema, apo. Boto ako kay Tomas. Guwapo na, masipag af mabait pa. Higit sa lahat, kilala ninyo ang isa't isa." Ito na nga ba ang sinasabi niya. Mas excited pa ang lola niya na magkaroon siya ng manliligaw kaysa sa kaniya. "Lola, bata pa naman ho ako. At ayaw ko pang magpaligaw sa kahit sinong lalaki diyan," tugon niya. "Huwag kasing ako ang isipin mo, apo. Matanda na ako. Buhay mo naman ang harapin mo. Gusto ko pang makita ang mga apo ko sa tuhod bago mamahinga," anang lola niya. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa sinabi nito. Ayaw niyang isipin na darating ang araw na iiwan na rin siya ng lola niya. Lumaki siyang ito lang ang katuwang sa buhay. Ulilang lubos na siya noong walong taong gulang pa lamang siya. Namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente. Magkasamang lumuwas ang mga ito sa papuntang Manila para doon maghanap ng trabaho nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus. Biglang nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Hindi pa siya nakakalimot sa malagim na sinapit ng kaniyang mga magulang sa aksidenteng iyon. "Lola, naman, eh. Huwag nga kayong magsalita ng ganyan. Ito nga at nagiipon ako para maipagamot kita sa Manila." Gumaralgal ang tinig niya. Hindi niya kakayanin kung pati ang lola niya ay kunin na rin sa kaniya ng Panginoon. Takot siyang mag-isa sa buhay. "Huwag nga ako ang isipin mo. Matanda na ako, apo." Agad siyang lumapit sa abuela at mahigpit itong niyakap. "Lola, gagawin ko ang lahat. Maipagamot at gumaling ka lang." Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. Tagatak na ang pawis niya pero sumige pa rin siya sa paglakad, pasan ang bilaong naglalaman ng mga panindang kakanin. Pati kili-kili niya, pinagpapawisan na rin. Pero hindi siya tumigil nang pagtawag ng mga tao sa mga bahay-bahay para bumili mg paninda niya. Pero mukhang matumal ang benta niya ngayong araw. Nakalayo na siya ay mataas na ang araw, pero heto at ilang piraso pa lang ang nabebenta niya. Ang masama'y umulan ng malakas kagabi kaya't malubak ang daan. Hindi pa gaanong natutuyo kahit mataas at sobrang init na ng araw. Hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang bilaong pasan nang tatawid siya sa basaw. Kamalas naman ng araw na ito. Suot pa man din niya ang bago at imported niyang bestida. Hinila niya ang laylayan ng suot at maingat na naglakad. Pero nataranta siya nang may mabilis na sasakyang paparating. At wala yatang balak ang driver na magdahan-dahan kahit basaw ang daraanan. Napasigaw siya nang masabuyan siya ng maruming tubig ng basaw, nawalan siya ng balanse dahil sa gulat. Bumagsak siya sa basaw kasama ang bilao at mga kakanin niya. "Anak ka ng walanghiya!!!" sigaw niya, habang hinahabol ng tingin ang likuran ng kotseng responsable ng paliligo niya ng putik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD