UMIWAS siya ng tingin sa binata. Kahit naman sagutin niya ang tanong nito, wala na siyang mapapala. He’s taken, ayon na rin sa kwento ng mga kakilala niyang kaklase ng lalaki.
“Uuwi na ako,” mahinang sambit niya saka naglakad palayo sa lalaki. ‘You have to accept yourself, Nicole. He’s not the man for you. Warren belongs to someone else at imposibleng ikaw iyo,.’ mahinang sigaw ng isipan niya.
Hindi niya namalayang may tumulong luha sa mga mata niya. Oo matapang siya, pero pagdating sa sariling damdamin daig pa niya ang lampang pagong at ang kaduwagan. Hindi niya kayang ipagtapat ang nararamdaman sa binata. Natatakot siyang baka mauwi sa kasawian ang damdamin niya at matalo lang siya sa huli.
Ang nakakainis pa, hindi man lang siya nito sinundan. Siguro nga, wala naman kasi siyang halaga para dito. Pumasok siya sa dati niyang kwarto—ang kwarto bago siya tumuloy sa Condo malapit sa School. Nang ilibot niya ang mga mata, kumpleto pa rin ang mga gamit niya sa pagpipinta. Sigurado siyang pinanatili iyon ng kanyang ama para welcome pa rin siyang bumalik sa bahay. Sanay na siyang tuwing may okasyon lang kumpleto ang pamilya dahil sa kanya-kanyang responsibilidad. Ang Dad niya, madalas nasa Venice—doon kasi ito nakakapagpinta ng maayos at may kontrata rin ito roon. Samantanlang ang kuya naman niya ay madalas na sa Business kasama ang ina at minsanan na lang din umuwi.
Sa makatuwid, ang pitong tagapangasiwa lang ang kasama niya sa tatlong palapag na bahay. Ang dalawang driver, ang gardener, ang mayordoma at ang tatlo pang katulong. Malungkot na naman ang bahay, wala ni isang mahal niya sa buhay ang naroroon. Ito ang dahilan kaya mas ninais niyang magkaroon na lang ng unit at mag-isang mamuhay sa Condo. Yes, she has all the money, luxury and anything she might want, but still she’s incomplete. May kulang pa rin.
Dinampot niya ang paint brush at umupo sa dating pwesto niya para muling magpinta. Hindi na naman niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at mukha ni Warren ang naisipan niyang ipinta.
“Huli ka!” halos mahulog siya sa upuan nang biglang may sumigaw sa likuran niya. “Aha! Sinasabi ko na nga ba at kinukulam mo ako!”
Agad niyang itinaob ang paint na labi na lang ang kulang para mabuo.
“H-Hoy! Paano ka nakapasok dito?” bigla siyang tumayo at naalarmang tinulak ito palabas ng kwarto.
“Teka lang. Wala naman akong gagawing masama.”
Napahinto siya sa pagtulak nang mapansing nakawahak na pala ang mga kamay nito sa kamay niya. Parang napasong agad niya hinila ang sariling kamay.
“Umalis ka na!”
“Bakit ka ba umiiwas sa’kin?”
Napayuko siya sa kawalan ng isasagot sa binata. Nang magtama ang mga mata nila, napasinghap siya at napaatras nang dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Hindi nga niya napansin na naisara na pala nito ang pinto ng kwarto.
“A-anong ginagawa mo? Warren!”
“Bakit ba parang takot na takot ka sa’kin?”
Kaaatras niya napasandal na lamang siya sa pader. Mas matangkad ito sa kanya ng limang pulgada kaya tinitingala na lamang niya ito. Ito yata ang mas matangkad sa dalawa nitong mga kaibigan.
“I’m not scared, because there is no reason.”
“Then look me in the eye.”
Napayuko siya. Tama ito, nahuli nito ang dahilan niya at ang puso niya.
“Bakit ka ba kasi nandito?” pagrereklamo niya.
Iniangat ng daliri nito ang baba niya. “Because I want to confess something before you left your house.”
“C-Confess?”
Kabadong naghihintay siya ng sagot.
At parang gusto pang lumukso ng puso niya palabas sa labis na kilig.
Dinarasal na ng isip niya na sana gusto rin siya nito.
Na sana may pag-asa siya.
Na sana ay may patutunguhan ang tinatago niyang damdamin para dito.
Sana..
Sana talaga...
Kamuntik na siyang mahulog sa kinahihigaan. Napaupo siya sa kama.
“s**t! Panaginip lang pala. Akala ko, totoo na.” Imposibleng-imposible na magkagusto sa kanya si Warren.
Pero ang mas pinagtakhan niya ay nakasisigurado siyang nakaupo siya sa upuang may sandalan at nagpipinta. Paanong napunta siya sa kama at nakahiga na?
“Mabuti naman nagising ka na.”
Halos mapatalon na naman siya sa pamilyar na boses na iyon. Talaga bang laging sumusulpot sa kung saan ang taong laman ng mga panaginip niya at mga paintings.
“W-Warren?”
“Oh, bakit parang nakakita ka ng multo? Kanina pa tayo nag-uusap dito. Anong akala mo sa’kin, multo?” sinabayan pa nito ng nakakainis na tawa.
Agad siyang napayakap sa sarili. “Maybe you have done something.”
“Asa ka naman. Wala akong ginawa sa’yo at kung meron man, I might have you in full senses and fully awake to make you feel the bliss.”
“P*rv*rt!”
“It’s your idea. I’m a man at natural na ‘yan sa mga lalaki.”
“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito at hanggang ngayon hindi ka pa umaalis?”
Kung kanina ay nakasandal lang ito sa pader, ngayon ay hinila na nito ang upuang may sandalan at itinapat sa kanya saka naupo.
“Why did you pass-out after I told you I have something to confess?”
“H-hinimatay ako?” Hindi pala siya nananaginip. Totoo pa lang lahat ng nangyari at narito talaga si Warren sa harapan niya. Nilakasan niya ang loob saka muling nagsalita. “Malay mo, bad breath ka lang.” Saka siya umirap.
“Hindi ko gusto ang palusot mo. Pero sige, pagbibigyan kita.”
Sa pagkakakilala niya sa tatlong magkakaibigan, si Warren ang may pagka-Domestic Tyrant. What he said is he always did. Kahit pa minsan may pagkapilyo ito at minsang nagpapatawa ngunit kapag nagseryoso na ito, makukuha ka talaga sa sindak. At ito na mismo ang nangyayari sa kanya. Maybe Warren is her weakness after all.
“GET DRESS, may pupuntahan tayo,” matigas na utos nito.
Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Is she mentions that he was a control freak?
“Mamili ka, sasama ka ngayon o hindi ako aalis dito? Ikaw rin, kapag nanatili ako rito.. I’m sure alam mo na ang mangyayari,” may pilyong sa boses na sabi nito.
Wala na siyang nagawa. Napipilitang kumuha siya ng damit sa walking closet. Mabuti at nagkasya pa ang mga dati niyang damit. Nasa condo unit pa rin kasi lahat ng mga gamit niya. Hindi na siya nakareklamo pa. Pakiramdam niya, walang lugar nang oras na iyon lahat ng sasabihin niya. Isa pa ay hindi rin naman siya nito pakikinggan, ito pa rin ang mananalo sa huli.
Pasado alas otso na nang sumulyap siya sa relo niyang pambisig. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse.
“Baba na.”
Namangha siya sa nakita. Isang private Restaurant ang pinagdalhan sa kanya ng lalaki. Punong-puno ng maliliwanag na ilaw ang paligid. At ang kinatuwa pa niya, habang naglalakad sa aisle naroon lahat ng paintings niya. Akala niya ay Restaurant ang pinagdalhan sa kanya nito, ngunit ayon sa pagkakatantiya niya. Isa iyong Gallery—a painting exhibit.
“A-anong ginagawa natin dito?”
Napakamot ito ng ulo na tila problemado dahil hindi pa niya mahulaan ang nangyayari.
“Surprise!” sigaw ng dalawang kaibigan nito.
“Pagpasensiyahan mo na ang mokong na ‘yan. We’re sure dinaan ka na naman sa sindak. Balak kasing magtapat niyan sa’yo kaso walang lakas ng loob.” Natitiyak niyang si Marvin ang nagsalita.
“Malakas lang mang-chick! Pero pagdating sa’yo torpe ang g*go,” sabi naman ni Cedrick.
Biglang nagtubig ang mga mata niya saka humarap dito. “T-totoo ba ‘yun Warren? You like me?”
Nagkamot na naman ito ng ulo. “Actually hindi. Love na kasi kita.”
Hindi niya alam kung bakit nainis siya sa sinabi nito kaya isang sipa sa binti ang ginawa niya kay Warren.
“Ouch! What’s that for?”
“That’s my answer! I like you too, Warren.”
“Grabe, kailangan talaga magsakitan muna sila bago magtapatan,” iiling-iling pang sabi ni Marvin sa kanila.
“I think we aren’t needed in the picture. Kailangan na natin mag-exit,” kastigo naman ni Cedrick.
“Palagay ko nga, kukulitin mo pa si Haemie para paaminin diba. Besides next week na ang graduation. Ayaw ko namang matalo sa pustahan namin ni Warren na mapapasagot mo na bago ang graduation si Haemie.”
“Gago ka! Anong pustahan ‘yan?”
“Pusta ko kasi na kayo na ni Haemie bago ang graduation and after graduation naman ang pusta ni Warren. Sayang ang bagong kotse kapag natalo ako.”
“Ulol! Gago talaga kayo! Pati love life ko pinagpupustahan nyo. Ikaw, maghanap ka na rin ng love life para matahimik na ang buhay namin ni Warren.”
“Dude, it’s not my time. Saka na pagdumating na ‘yung babaeng kababaliwan ko rin, kagaya nyong dalawa.”
“Hoy mga ugok! Sana nagkwentuhan kayo, nakaalis na kayo dito noh.” Napatigil ang dalawa sa sinabi ni Warren. Napahagikgik na lang siya at ayon sa mga narinig niya, mukhang seryoso nga ang tatlo lalo na kapag tinatamaan ni Kupido.
“Tingin mo, lusot ka na sa’kin Ren? May panakot-nakot ka pa sa’kin. ‘Yun pala, pumaparaan-raan ka lang pala.”
“Ninerbiyos ka naman. Teka, hindi pa ako nakakabawi sa pagsipa mo ‘sakin. Dapat mabigat ang kapalit.”
“Punyeta! Tumigil ka nga, di naman masakit ‘yun,” huling hirit niya.
Kinulong siya ni Warren sa mga bisig.
“Pero hindi nga, paanong nangyaring gusto mo rin ako, Mister Playboy?”
“Actually, since we’re child, gusto na talaga kita. Kaya lang, wala akong K para magpapansin sa’yo. Napakayaman ng pamilya mo at pakiramdam ko, wala naman akong maipagmamalaki sa’yo. Kaya nagkasya na ako sa paghahanap ng mga flirt girlfriends.”
“Kailan mo na-realized na decided ka na na magtapat sa’kin?”
“Talagang interrogation to?”
“Sagutin mo na lang. May kiss ka sa’kin after.”
“Sige,” excited pa na sabi nito. “’Nung nalaman kong umuwi ka sa bahay nyo at nabalitaan kong wala ka pang bf hanggang ngayon. I’m sure kung magkaka-bf ka, It’s gonna be me.”
“Wow! How conceited!”
“I’m not conceited. I will make sure lang na ako ang lalaking mauunang maging BF mo.”
“Paano mo naman nalamang hindi pa ako nagkaka-bf aber?”
“Stalking you.”
Namula siya sa huling sinabi nito. Kailan pa? Bakit wala yata siyang idea?
“So now, can I claim my prize? My kiss.”
Hindi na siya nakatutol sa sinabi nito. Pinagbigyan na niya ang hiling nito. Wala na yatang sasaya pa sa araw na iyon. Sana ganito lahat ng love life, after niyang maghintay ng Sixteen years. Four years old palang kasi siya, gusto na niya si Warren. Maaga man ang kalandian at least may pinatunguhan. Sila na ni Warren, kumpleto na ang buhay niya. Ano pa ba ang hihilingin niya? Pwede na nga siyang gumawa ng sarili niyang ending sa sarili niyang love story. Iyong masasabi niyang ‘The End.’
But not all the love story has an end. Kadalasan, bagong chapter ng buhay.