Chapter 1

1888 Words
This is an original work of fiction and results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s permission. You can kindly coordinate to the Author for the copy of the story. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism.Thanks Please follow and add this to your library. ❤ to ❤ ***************** KANINA pa hinahagilap ni Nicole ang lalaking iyon. Mantakin ba namang lagyan ng maraming tuyong dahon ang bag niya. Bata pa lang magkababata na sila ni Warren. Nag-iisa itong anak kaya sunod sa luho at ang nakakainis pa, lumaki itong pilyo. Nang malaman nga niya ang School na pinasukan nito agad siyang nag-enroll sa ibang School dahil tiyak bu-bully-hin na naman siya nito kung magkasama sila sa iisang School. Kung kailan pa-graduate na saka lang sila muling nagkatagpo. Sampong taon na rin simula ng magkahiwalay sila at hinding-hindi niya malilimutan ang pagmumukha nito. Lalo pa at naging friend sila sa f*******:. Sinadya niyang hindi agad magpakita sa mga ito, mas gusto niyang pakinggan na lang ang mga ito. “Kaya pala ang laki ng ngiti mo, Ren. Kasi natagpuan mo na si Nicnic ng buhay mo,” pang-aasar pa ni Marvin kay Warren. “Gago! Anong Nicnic ng buhay ko? Malay ko ba naman na lalaki siyang maganda. At lalo siyang gumaganda pag nagiging Amasona.” “Ba’t di mo pa kasi amining gusto mo siya? At segway lang ang pang-aalaska at pangbu-bully mo sa kanya.” Napakibit-balikat lang si Warren sa sinabing iyon ni Marvin. “Tinagurian kang Playboy pero di ka makakaamin-amin kay Nicole. Tingnan mo si Cedrick, patay na patay kay Haemie kaso mabagal ang manok natin.” Isang hampas ng bag ang natamo ni Marvin mula kay Cedrick. “Ulol! Tigilan mo nga ako Marvin! ‘Wag nyo akong madamay-damay sa mga kabulastugan nyo.” “”Yan, Ren. Gayahin mo si Cedrick. Ikaw dapat ang naghahabo—aray! Kayong dalawa, kanina pa kayo nakakabatok at nakakahampas sa akin ah.” Nagtakbuhan ang dalawa nang akmang babawi ng ganti si Marvin. Pumailanlang pa ang tawanan ng mga ito. Ninais na lang ni Nicole na pagmasdan ang tatlong magkakaibigan. “Hindi pa rin pala nagbabago si Ren-Ren, Nicnik pa rin ang tawag niya sa’kin.” It seems like her heart was touch by that idea and she reminisce some part of their past. She has a Rich well-known family. Her father was a painter, while her mother was an Engineer and they own a General Contractor company. Sinabi na rin niya sa sarili na balang araw hindi lang sa Exhibit makikita ang mga natapos niyang paintings. She will build her own Gallery. Dalawa lang silang magkapatid. Ang kuya niya ang humahalili sa ina nila para mag-manage sa negosyo. Her kuya is a Mama’s boy, while she was a Daddy’s girl. Lahat ng atensyon ay nakukuha nila dahil pareho sila halos ng hilig. Ang kuya niya, negosyo na yata ang nagpapatakbo sa buhay katulad ng kanyang ina. Ang ama naman niya ay hilig ang arts lalo na ang painting, dito niya namana ang husay sa pagpipinta. Kung hindi nga lang siya tumutol na sa ibang bansa mag-aaral, hindi niya sana matatagpuang muli si Warren. Bata pa lang crush na niya ito, lagi itong habulin ng mga babae sa School nila, siya bilang isang simpleng babae ay malabong magustuhan nito—childhood friend lang. Tinanggap na rin naman niya iyon. But when she founds him—again, looks like her feelings immune and starting to build over again. Hindi na siya nagtataka pa kung lumaki itong playboy, sa ganda ba namang lalaki nito. May lahi kasi itong Japanese sa side ng Lolo nito and he looks like a Japanese-Filipino guy dahil sa pagkakasingkit ng mata nito. No wonder she loves his eyes, that are his asset at iyon din ang unang bagay na nagustuhan niya sa lalaking ito—the tantalizing eyes. Kung lahi lang naman ang basehan, hindi rin siya magpapatalo, her father was a pure American married to her half Spanish-Pinay Mom. At kung linya ng karangyaan, wala siyang tulak-kabigin, masasabing isa na sila sa middle-Rich family. She aged twenty but she never experience to be loved and beloved. Mas mahal pa niya ang mga obra niya, ang mga brushes at pintura niya sa bahay. Ito ang buhay niya. Hindi naman masasabing hindi siya maganda. Mestisa, kulay mais ang natural niyang manipis at medyo kulutang buhok. Balingkinitan din ang katawan niya, iyon nga lang ay hindi siya seksi. Hindi malaki ang dibdib niya, may balakang man siya, wala naman siyang bilugang puwitan kagaya ng mga babaeng naghahabol dito. Baba ang self-esteem niya kapag perfect or ideal girl ang mga naririnig niya sa kalalakihan. Wala naman siyang takot masaktan, given na ‘yun. Ang pagmamahal talaga ay minsan nakakasakit at minsan nagpapasaya ng tao. Pero bakit tila ang ilap-ilap ng pag-ibig sa kanya? Dahil ba ang ideal man din niya ay katulad ni Warren? “s**t! What am I saying? Paano ko naman magiging ideal guy ang letsugas na hinayupak na ‘yun? Tirisin ko pa siya. Leche!” “Okay ka lang, Nics. Nagde-deliryo ka na naman. ‘Kala ko ba magpapa-tattoo ka?” Tanong ni Deean sa kanya. Nasa loob sila ng magaling na Tattoo Artist. She was braved and never had a fear in anything but this time is different. Biglang umurong ang lakas ng loob niya. “Hindi na lang. Nagbago na ang isip ko.” “Hah? Eh, alangang ako lang mag-isa. Gusto mo magpabutas na lang tayo sa ilong o kaya sa tenga tas hena tattoo na lang, ano?” Naawa naman siya sa Buddy niyang si Deean, kaya napilitan siyang magbutas na lang sa gilid ng tenga niya at nagpa-hena tattoo sa likuran ng katawan. Nagpalagay din siya ng hikaw sa pusod nang hindi naman pala niya naramdaman ang sakit. NAALALA kasi niyang bigla ang binanggit noon ni Warren, ayaw nito ng babaeng may tattoo. Gusto niya iyong simple lang at dalagang Pilipina. But heck, she wasn’t that girl, at her age she can point a gun and trigged it. She knows how to shoot; she learned a Taekwondo, Judo and other martial arts. In short, she can take care of herself without men. Iyon ang negative points na napapansin niya sa sarili niya, dahil ni isang lalaki takot yatang umakyat ng ligaw sa bahay nila dahil parang mas malakas pa siya sa lalaki. Hindi siya ang tipong babaeng nagpapaalaga, pabigat at inaasa ang sariling kaligtasan sa lalaki. Alam niyang ganoong tipong babae ang gusto ni Warren kaya malabong magkagusto pa ito sa kanya kahit pa yata siya na ang manligaw. Nakaalis na sila sa lugar na iyon, haharapin na lang siguro niya ang galit ng mga magulang pagkatapos, kahit sigurado siyang kakampihan siya ng Daddy niya. To make the package complete, dumaan muna siya sa Salon para magpa-manicure at pedicure and her color now is black. Gamit ang biniling dark reddish-maroon lipstick, ipinahid niya iyon sa labi saka lumabas ng salon. “Wow! Gothic na gothic! Wala ka namang pinagdadaanan sa lagay na ‘yan? O baka naman nagpapaka-emo ka? Teka nga, broken hearted ka ba?” Isang batok ang ginawa niya sa sinabi nito. “Aray hah! Kahit kelan sadista ka!” “Eh, kanino bang idea ang lahat ng ito? Naisip ko lang naman kumpletuhin ang package and I love my new look.” “Sana nag-black dress ka na rin, instead of checkered dress.” Tintigan pa nito ang suot niya. “Hay naku, tama na. Baka kaka-swipe natin sa card ni Daddy, never na akong pasamahin sa’yo at ma-grounded pa ako.” Saka pa niya ito nilisikan ng mata. May dumaang kotse sa harap nila. Inaya na niya si Deean na umuwi. Hinatid na nila ito sa bahay at mag-isang umuwi sa bahay nila na kasama ang driver. Nagpaiwan lang sa labas ng bahay si Nicole. Pinagmasdan lang niya ang buong bahay nila. Kahit iba-iba sila ng hilig, masayang-masaya pa rin sila. “Sino ka? Witch! Witch!” gumawa pa ito ng sign-of the cross sa kamay para asarin siya. Imposibleng hindi sila magtagpo, eh sa kabilang kalye lang ang bahay nito. Pero bakit ngayon lang uli sila nagkatagpo? Kung sa bagay, bibihira siyang dumalaw sa bahay dahil may tinutuluyan talaga siyang Condo unit malapit sa school. “Anong Witch? I’m not witch!” Nanggigigil na asik niya dito. “Sino ka ba? Isusumbong kita kay Nicnic at pakalat-kalat ka sa labas ng bahay nila.” Bahagya itong nag-isip. “Oo nga pala, hindi na umuuwi diyan si Nicnic,” malungkot na saad pa nito. “Ako kaya ito Ren-ren.” “Pa’no mo nalaman ang pangalan ko? Hala, baka naman kinukulam mo na ako.” Sa inis niya, sinapok niya ito sapul sa mukha. “Sige, magpanggap ka pa, Ren-reng supot!” Nagulat na lamang siya nang bigla nitong kabigin ang bewang niya at hilahin siya palapit sa katawan ng lalaki. “Hindi ako supot. Gusto mo ba akong subukan?” Inalihan siya ng bolta-boltaheng kaba, nanlambot yata ang tuhod niya. “B-bitiwan mo nga ako. Nakikita tayo nina Daddy, may CCTV dito.” Lumuwang ang papagkakayakap nito sa kanya. Natauhan ang mokong. Isang sampal pa sana ang ipapatikim niya dito nang masalo nito ang kamay niya. Inikot nito ang kamay niya at nilagay sa likuran niya, saka halos parang yakapin siya. “Hindi ka pa rin nagbabago. Same bravest girl and same scent.” Sinamyo pa nito ang amoy niya. Kung alam lang nito ang hatid na iyon sa kanyang sistema kanina pa siguro ito tumigil. “Bitiwan mo sabi ako eh. Ano ba!” “You insulted me, tingin mo dapat kitang pakawalan.” Pinilit niyang pumiglas, ngunit lalo lang nito hinihigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Alam na alam nito kung paano siya mapapaamo at matatalo. “I can tame even the wildest girl and an Amazona like you.” “Talaga hah? Lagot ka kay Daddy pagsinumbong kita.” “TIngin mo, aabot ka pa sa Daddy mo?” Kakaibang kaba na ang nararamdaman niya. Hindi naman ito nakainom at imposible namang naka-drugs ito. But he was so high, high enough to make her heart weak. ‘Diyos ko Lord, pigilan nyo po ako. Baka ‘di ako makapagpigil at tuluyan na akong magpakulong sa yakap niya forever’ “Bakit hindi mo ako hinanap nang lagyan ko ng tuyong dahon ang bag mo?” “Hindi ko sasagutin ang kahit anong tanong mo hanggat ‘di mo ako binibi—“ Napamaang na lang siya nang bigla siya nitong mabilis na halikan. “There you go, you’re free.” Ngunit sa halip na ikatuwa, pinaliparan niya ito ng sipa. Magaling talagang umiwas ang animal. At kahahabol niya ng flying kick at suntok dito, napalayo na sila sa tapat ng bahay at halos makarating na sa likurang madilim na parte ng gilid ng bahay nila. “Do you think I will give you the luxury to hit my precious thing?” tanong pa nito na ang tinutukoy ay ang pagkakalalaki nito. Iyon talaga ang kanina pa niya pinupuntirya. Mas kabisado nga lang nito ang mga kilos niya. “Bakit ang tagal mong hindi nagpakita, Nic? Tinataguan mo ba ako?” Halos masamid siya sa pagkakatanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD