“SAAN ba talaga tayo pupunta, Ren?”
“Baby, ‘di ba pwedeng maging patience ka? Malapit na tayo. Basta promise me na hindi mo tatanggalin ‘yang piring sa mata mo hah. Kapag tinanggal mo bago pa tayo makakarating, I will make a base three.”
Nakaramdam yata ng kilabot sa buong katawan si Nicole. Kahit kinikilig siya, hindi pa siya handa dahil tiyak ang base three ay malapit na sa final base. Maniniwala kaya ang lahat kapag sinabi niyang limang taon na silang magnobyo ay wala pa ring nangyayari sa kanila. That’s why he loves Warren. Okay na rito ang maka-base at kahit kailan hindi siya nito pinilit kahit alam niyang gusto nito at alam niya sa sariling sa lalaking ito lang naman ang bagsak niya. Wala na siyang ibang lalaking mamahalin kung hindi iyon si Warren.
“By, matagal pa ba?” Kahit nako-corny-han siya sa tawagang Baby o By. Wala na rin siyang magawa, he almost controls all the time. But she likes it the most.
“Malapit na tayo.”
Narinig niyang huminto ang kotse at bumaba ito saka binuksan ang pintuan niya.
“Baby, dahan-dahan. Baka madapa ka, engot ka pa naman.”
Isang sipa ang ginawa niya. Kahit nakapiring siya, kabisado niya ang pwesto nito.
“Baby, nananakit ka na naman eh.”
“Sarap mo kasing sipain baby ko eh. Lalo na pagganyan ka mang-asar,” sarkastikong sabi niya rito.
Tumawa ito ng pagak. “Joke lang naman Baby ko. Heto na. We’re in.”
Kinalas ni Warren ang panyo na nakapiring sa mga mata niya.
“Dahan-dahan kang dumilat ha.”
Iyon nga ang ginawa niya. He never fails to surprise her. Sino pa bang babae ang magiging masaya ng ganito kung hindi lang si Warren ang makakasama niya.
Nilapit nito ang labi sa tenga niya saka umusal. “Happy fifth year anniversary baby ko.”
Mahigpit na niyakap niya ito. “I’m so happy,” maluha-luhang sabi niya.
Warren is a man full of surprises. He always surprises her whenever she’s lonely. Ang mga bagay na iyon ang nagpapasaya sa kanya. Sa ilang taon ng relasyon nila, kahit kailan hindi siya umiyak dito. Minsang nagtatalo sila at may bagay na hindi napagkakasunduan pero madalas ito ang laging umuunawa sa kanya at umaaalo.
“I love you so much, Warren!”
May naka-set na table sa harapan ng dagat habang dahan-dahang bumaba ang araw.
“We should enjoy the scenery. Let’s get photo.”
Kinuha nito ang camera at kumuha sila ng shots habang hindi pa bumababa ang araw. Kung anu-ano lang ang ginagawa nitong surprise tuwing nagse-celebrate sila ng Anniversary. Daig pa nila ang bagong kasal. At kung makakasal man siya, alam niyang si Warren na ang lalaking iyon.
Warren becomes the Sales Manager of a Car Manufacturer. Siya naman ay kuntento na sa pagiging painter. Hindi man ganoon kasikat pero kahit papaano ay marami pa rin siyang kliyente at nabibili pa rin lahat ng mga paintings niya.
Dinner sa tapat ng lumulubog na araw, ang pinakaromantiko at simpleng bagay na hindi kayang matumbasan ng pera lang. Kundi effort—iyan si Warren Parco. Mas gusto nito na lahat ay may effort at hindi ginagastusan lang.
“Baby, kapag kinasal tayo. Anong gusto mong theme?”
Napahinto siya sa pagsubo ng steak. Balak na ba nitong mag-propose sa kanya. Kinikilig na naman yata ang malandi niyang obaryo.
“Hmm.. Okay na sa’kin kahit ganito ang theme. Ayaw ko ng magarbo.”
“Alam ko. Kahit mayaman ka, sanay ka sa simple. That’s the reason I love you. You’re simple but precious to me, Nic.”
Parang sinilihan ang pisngi niya sa puring iyon sa kanya ni Waren.
“I love you too By.”
Hinila nito ang kamay niya. “Promise me, wala kang ibang mamahalin kundi ako lang, Nic.”
“Oo naman Ren. Sino pa ba ang iba kong mamahalin kundi ikaw lang.”
“Malay mo.. ;yung kamukha ko o kaya kamukha mo.”
“You mean Babies?”
“Oo, dapat mo rin silang mahalin.”
“Wala pa ngang kasal eh.”
“Don’t worry, malapit na tayo roon.”
Buong gabi yatang hindi nakatulog si Nicole at patuloy na binabalikan ang mga bagay na napag-usapan nila. Nag-ring ang phone niya.
Sinulyapan niya ang oras sa Cellphone, alas dos na ng madaling araw, pero hindi pa rin siya tulog. At kagaya niya, hindi rin siguro makatulog si Warren.
“Hello.”
“Tigilan mo na nga ang pag-iisip sa’kin, baby ko. Hindi ako makakatulog niyan eh. May pasok na ako bukas,”malambing na sabi nito.
“Gago! Ba’t gising ka pa?”
“Iyon nga, hindi ako makatulog. Naiisip kita. Kumain ka na ba?”
“Malamang, kanina pa. Alas dos na kaya.”
“By. Kanta ka. Para makatulog ako.”
Iyan ang palaging request ni Warren sa kanya, para makatulog ito. Lagi siya nitong pinakakanta sa phone. May malamig at boses anghel daw kasi siya over-the-phone, kaiba naman iyon sa personal. Pero hinahayaan lang niya. Dahil pareho rin naman silang nakakatulog.
TAPOS na ang pinakamalaking portrait na project niya para sa mag-asawang Agoncillo. Tinawagan si Nicole ng private Assistant ni Ryan Agoncillo para magpunta sa bahay at ipag-pinta silang mag-asawa. Nabalitaan kasi ng mga ito na parang buhay kung magpinta siya ng mga larawan. Sino ba naman ang makakatanggi? Sikat ang mga ito at halos kalahating milyon ang binabayad sa kanya. Hindi naman niya binigo ang mga ito. Sobra pa nga ang pasasalamat ng mga ito sa kanya.
Nagda-drive na siya pabalik sa Condo Unit nang tumawag sa kanya si Warren.
“Na’san ka na?”
“On the way na. Why?”
“Hintayin kita dito sa Unit mo.”
“Sige.”
Tiyak may kalokohan na naman ito kaya siya hinihintay sa unit. Nang mai-park na niya ang kotse, agad siyang naghagdan dahil nasa second floor lang naman ang unit niya.
Nang ipasok niya ang susi sa door knob, madilim ang paligid. Patay pa ang mga ilaw.
“Oh, akala ko nandito na si Ren. Na’san kaya ang lalaking ‘yun?”
Napahawak siya sa dibdib niya nang makarinig siya ng kaluskos at nang bumaha ang ilaw sa paligid kasunod na pumailanlang sa kabuuhan ng bahay niya ang boses ng lalaking kumakanta.
♫♪ ‘Oh..Love of my life... destined forever. I will be right here by your side..’ ♪
Sa halip na maiyak siya sa labis na tuwa. Bigla na lang siyang natawa. Nakasuot ng palda at blouse na puti si Warren habang nag-i-strip dance.
Napahawak na siya sa sariling tiyan dahil sa mga kalokohan nito. Unti-unting nahubad na nito lahat nga mga damit. Mas lalo siyang natawa dahil nakasuot ito ng under garments na pangbabae.
♫ ‘No falling tears, when we’re together. You know the joy you bring to me. Never there’ll be no other. We’ll share as lovers, right from the heart. From my mind to your soul I will give it to you girl, my every little thing. That I’m more than willing, I will give to you. Forever starts from now I promise you. Loving you is all that I can do. No one can take it away from me, no body.. but you. ♪♫
♫Oh.. now is the time stars will be bright. Our bodies will groove all through the night. Come take my hand. Then we will fly high..’♪♪♫
“Wa.rren.Ano. bang nangyayari.sa’yo?” sa bawat paghinto niya ay talaga namang natatawa siya sa anyo nito.
Ganito ba talaga ang ayos nito para landiin siya, make-up na lang ang kulang magmumukha na itong babae.
“Ini-expect ko pa namang hindi ka tatawa,” disappointed na saad nito.
“Gago, paanong ‘di ako tatawa sa pinaggagagawa mo?”
“Okay nang ako ang mag strip tease kaysa ikaw. Baka kasi pag ikaw..” dahan-dahan itong lumapit sa kanya. “Baka hindi ako makapagpigil at mapaaga tayong mag-honey moon.”
Saka siya nito masuyong hinalikan, ang saglit na halik ay tumagal. Nananabik, nananakam at nanghahalina. Hindi naghihiwalay ang labi nila hanggang makarating sila sa kwarto, sinipa pa nito ang pinto para magsara.
Humiwalay siya ng yakap dito saka itinulak sa kama si Warren. Dahan-dahan niyang kinakalas ang butones ng suot niyang Three-fourth blouse at nang tuluyang mahubad, hinagis niya sa kung saan habang patuloy pa ring pumapailanlang ang kanta na ‘Love of my life by Southboarder’. Sinunod naman niya ang pantalon. Ibaba na niya ang zipper niyon nang magtungo ang kamay nito at ipinatong sa kamay niya. Nagtatanong ang mga matang napahinto siya sa ginagawa.
“Don’t. I’m not into this.” Na ang tinutukoy nito ay ang ‘make love’. “You know how I want to f**k you and love you at the same time. But it’s not time. I will wait ‘till your wedding day. I will patiently wait for that my lovely bride.”
Doon na nagluha ang mga mata niya. Sino pa ba ang lalaking tatanggi sa grasya na katulad ni Warren at sasabihing hihintayin ang wedding day—ang right time? Wala na. Wala na siyang maipintas kay Warren, bukod sa gwapo, mabait, maporma at huling-huli ang kiliti niya.
Kinuha niya sa Kabinet ang pang-bahay na damit saka diretsong sinuot iyon. Nakasuot na siya ng T-shirt at tokong shorts.
“Mahal na mahal kita, Warren.”
Pinahiga siya nito sa kama. Hinalikan siya nitong muli saka nagtabi sila sa kama. Mahigpit na nakayakap ito sa kanya na parang mawawala pa siya sa tabi nito.
“You will wait for me, Nic”
“Para saan?”
“I will formally propose at magpapakasal tayo. Kahit saang simbahan at kahit ilang beses. Wala akong ibang pakakasalan kundi ikaw lang, Baby ko.” Hinagkan pa nito ang noo niya. “I love you.” Sinunod ang mata niya. “I love you.” Ang ilong. “I love you.” Ang pisngi. “I love you. Wala ng ibang mahalaga sa’kin kundi ikaw. Hindi ako magmamahal ng iba kundi rin lang ikaw, Nicoleene Zane Laurence. I love you more.” Saka hinuli ang labi niya.
Nakatulog silang ganoon ang pwesto, magkayakap at parang ayaw ng bitiwan ang isa’t-isa. Araw-araw lagi siya nitong minamahal at pinaliligaya. Ni hindi niya naramdaman ang malungkot. Minsang wala ito sa tabi niya, lagi siya nitong tinatawagan para huwag siyang mag-alala.
Kapag lalabas o gigimik ang opisina, lagi itong nagpapaalam sa kanya. Nag-a I love you bago matulog. Hindi katulad ng ibang mga magkasintahan na umpisa lang ang sweetness, silang dalawa palaging sweetness overload. Pero bakit nakakaramdam siya ng takot. Natatakit siyang paano kung dumating ang araw na isa sa kanila ang mawala? Hindi man mawala ang sweetness at pagmamahal ngunit paano kung sila mismo? Ayaw niyang dumating sa puntong iyon pero hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip. Baka mabaliw siya o kayay magpakamatay na lang kapag si Warren ang mawala sa kanya. Hindi na niya kayang mabuhay dahil kay Warren na nakaikot ang buhay niya.