NAKALABAS na sa pinanggalingang Jewelry store si Warren. Hindi na siya makapaghintay na hindi gumawa ng pormal proposal sa pinakamamahal na si Nicoleene. Nakasuot siya ng longsleeve, kahit sobrang init. Ayaw niyang mahuli ang lahat, bago pa mapansin ni Nicole ang mga nararamdaman niya.
Nangako siya kay Nicole. He will marry her no matter what. Wala siyang ibang babaeng mamahalin maliban kay Nicole. Kung dumating man ang kabilang buhay, patuloy pa rin niyang mamahalin ang dalaga. Marami siyang pinagsisihang bagay. Isa na nga roon na hindi agad siya nagtapat noon kay Nicole, hinayaan pa niyang mawala ito at nag-enrol sa ibang School. Doon na rin mas lalong tumindi ang nararamdaman niya—ang nararamdaman niyang pagmamahal. He thought it was infatuation but the day he knew she left his world crush. Hindi pala niya kayang mawala si Nicole kahit pa ibinaling pa niya sa ibang mga babae ang akala niyang pagmamahal. Si Nicole pa rin ang hinahanap ng puso niya, hindi niya makita sa iba ang mga bagay na nakikita niya kay Nicole.
Hindi rin niya malaman sa sarili kung ano ba talaga ang bagay na nakikita niya kay Nicole. His future—iyon ang tiyak niyang nakikita niya sa babaeng pinakamamahal.
Nang malaman nga niyang bumalik si Nicole sa bahay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon na sundan ito at gumawa ng paraan para mapasagot ito. And he was glad that Nicole love him even before.
Napahinto siya ng bahagyang umikot ang paningin niya. Napahawak siya malapit sa nakatayong basurahan. Agad niyang dinukot ang panyo at doon umubo ng umubo. Nabigla si Warren sa nakita mula sa panyo. Napuno ng dugo ang panyo. Agad niyang pinunasan ang bibig at itinapot sa basurahan. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa parking lot.
Abala naman si Nicole sa paghahanda ng ipipinta niya. Nakaupo na kasi sa harapan ng dalaga ang taong ipipinta niya. Isang bata ang gustong magpapinta, napipilitan pa nga ang ina nito, pero pumayag pa rin siya kahit kalahati lang ang ibayad ng mga ito. Natutuwa siya sa mga bata lalo pa sa ka-cute-tan ng batang babae. Naiisip niyang sana ganoon rin ang maging anak nila ni Warren.
Nang matapos magpinta, nang dumukwang siya sa Cellphone, pasado alas dose na. Naalala niyang bigla si Warren, dati-rati naman tumatawag pa ito para magsabay silang kumain kahit magkaiba sila ng lugar. Pero ngayon, walang tawag o text man lang. Napamasid na lang sa loob ng Gallery si Nicole, baka naman naroon na si Warren at gusto na naman siyang sorpresahin. Ilang minuto siyang tumanaw, ngunit walang Warren na lumabas. Kinuha na lang niya ang bag at pumasok sa maliit na kwarto.
Umupo siya sa upuan, bumalik sa alaala niya ang strip tease ni Warren kaya iyon ang una niyang naisip ipinta. Hindi pa naman siya nakakaramdam ng gutom. Gusto niyang ibigay ang ipipintang Strip Tease kay Warren para asarin ito. Naka-side view na nagtatanggal ng blouse habang nakapalda at bahagyang nakagiling ang ipinipinta niya. Kaunting pintura na lang sa paligid para tuluyang mabuo ang Strip tease paint nang biglang mabali ang gamit niyang brush.
“s**t! Ba’t nabali ito?”
Napakamot siya sa ulo. Simula naman iyon na ang gamit niyang brush sa pagpipinta nang iregalo iyon sa kanya ni Warren.
“Ang ganda!”
Huminto siya sa pagpalit sana ng paint brush.
“Ba’t ngayon ka lang? May food ka ba? Kain na tayo,” sabi pa niya na hindi nililingon ang boses ng lalaking minamahal niya.
Napasinghap siya nang bigla siya nitong yakapin mula sa likuran. “Mahal na mahal kita Nicole hanggang huli. I’ll be back, hintayin mo ako.”
Napahawak siya sa braso nito. “Bakit naman? Saan ka pupunta?”
“Mangako ka sa aking hihintayin mo ako.”
Bigla siyang niragasa ng kaba at nagtubig ang mga mata niya. Pakiramdam niya may hindi sinasabi sa kanya si Warren.
“A-ano bang sinasabi mo, Ren?”
“Baby, I just want to hear it from you.”
Hinawakan niya nang mahigpit ang braso nito. “Oo naman, Baby ko. Hihintayin kita, kahit gaano katagal,” garalgal ang tinig na sagot niya rito.
“Ako lang ang mamahalin mo?”
“Oo Baby, ikaw lang.” Napasinghot-singhot na siya. “Saan ka ba kasi pupunta? Malayo ba?”
Humarap na siya para sana makita ito at makausap. Ngunit..
Walang Warren siyang natagpuan.
Wala siyang nakita ni anino nito.
Wala rin siyang naramdamang hangin.
Posible bang guni-guni lang ang nakita niya dahil gutom na siya? Pero hindi, naramdaman niya ang yakap nito, ang presensiya nito at ang pagmamahal nito. Kung hindi lang sa sunod-sunod na ring ay hindi siya liliyad.
“Nanaginip na naman ako? Pero parang totoo. Parang nasa tabi ko siya kanina.” Hindi pa rin humihinto ang ring, agad niyang dinukwang ang bag. Napansin pa niyang, tapos na pala niyang naipinta ang strip tease ni Warren. “Sino ba itong tumatawag na— TIta Wilma? Bakit kaya tumatawag sa’kin ang Mommy ni Ren?”
Napipilitang sinagot na niya ang tawag na iyon. “Hello, Tita. Bakit po? May nangyari ba?” Kakaibang kaba ang biglang naramdaman ni Nicole nang mga sandaling iyon. Parang nadudurog ang puso niya, lalo na sa sunod na sinabi ng ginang sa kanya.
NABITIWAN ni Nicole ang phone sa labis na pagkabigla. Tulalang nakatayo lang siya at sunod-sunod ang agos ng luha sa mga mata niya.
“P-Paanong? Imposible. Naramdaman ko siya. Nandito lang siya kanina. Imposibleng p-patay na si Warren. Hindi ito totoo, buhay ang baby ko, buhay si Warren.” Natumba siya at napaupo sa sahig. Ikinulong ang mukha sa mga palad at patuloy na nag-iiyak.
Nang mahimasmasan, hindi niya alam kung kaya pa niyang pumunta ng Hospital. Kung kaya pa niyang makita roon si Warren. Pinilit niyang tumayo, lumabas ng Gallery Shop at mabilis na tumawag ng Taxi. Nagpahatid siya sa Hospital na kinaroroonan ng Tita Wilma niya at ni Warren.
Naroon na sina Marvin, Cedrick at ang ina ni Warren, lahat ay umiiyak. Nang makita siya ng ina nito, agad siya nitong niyakap.
“Wala na si Warren,” umiiyak na usal nito nang salubungin siya ng yakap.
“Tita, i-imposible ‘yan,” nangingilid ang mga luha at nanginginig ang boses na pangungumbinsi niya. “N-nakita ko pa siya kanina sa shop. Niyakap pa niya ako. Sabi niya, hintayin ko siya,” suminghot siya kasunod ng maraming luhang sabay-sabay na lumabas sa mga mata niya. “Mali ka Tita, buhay si Warren. Sabi niya babalik siya eh,’ sabi pa niya sa pagitan ng pagkakayakap nila.
“Tama na, Nicole,” sabi ng ina nito.
Kumalas siya ng yakap sa ina ni Warre. “Bakit hindi kayo naniniwala sa’kin?”
“Nicole.” May iniabot si Marvin sa kanya na maliit na kahon. “Bitbit pa raw iyan ni Warren nang ihatid siya rito sa hospital. Hindi raw niya ‘yan binibitiwan.”
Napaupo na siya sa sahig matapos tanggapin ang maliit na kahon, napahagulgol na siya ng iyak.
“Magpo-propose na siguro siya sa’yo,” dagdag ni Cedrick.
“H-hindi ‘to totoo. Hindi pwede,,” patuloy lang siya sa pagpalahaw ng iyak.
“Matagal na palang nililihim sa amin ni Warren na may cancer siya, matagal na niyang iniinda iyon,” sabi ng Tita Wilma niya.
“Nahulihan ko rin siyang may iniinom na gamot, para raw sa sakit sa ulo. Iyon pala kasi may brain cancer siya,” dagdag ni Cedrick.
Kaya pala napansin rin niyang sumasakit ang ulo nito at kapag sinasabi niyang magpa-check-up mabilis itong tumatanggi at sinasabing headache o migraine lang. Kaya pala madalas niyang mapansing marami itong baong gamot tuwing babyahe sila at mamamasyal kahit pa sinasabi nitong para sa hilo at sakit lang ng ulo. Iyon pala nagme-maintenance na ito ng gamot at pilit nilalabanan ang sakit na cancer dahil ayaw nitong masaktan siya.
Tumuloy siya sa kwarto na kinaroroonan ni Warren. Nakahiga ang katawan ni Warren at nakatakip ang puting kumot mula ulo hanggang paa. Binuksan niya iyon hanggang inabot sa leeg nito. Muling naglaglagan ang mga luha niya. Kinapa niya ang kamay nito at hinawakan.
“Baby, akala ko ba walang iwanan? Warren, ‘di ba sabi mo, magpapakasal tayo, tas beach wedding pa. Bakit ngayon?” muli siyang humagulgol ng iyak. “B-Bakit mo ako iniwan?” Huminga pa siya ng malalim. “Akala ko ba walang iwanan? Pero alam mo, kung ano ang na-nakakainis. Iyong ‘di mo sinabi sa’kin eh.” Muli niyang sininghot ang tumulung likido sa ilong. “Sana sinabi mo. Sana hindi mo ako pinaglihiman. Malay mo ‘di ba malalampasan pa natin.” Inilapit niya sa mukha niya ang kamay nito at hinalikan. “G-ganito na lang ba? Ganito mo na lang ba ako kadaling iiwan? Paano ang sumpaan natin? Sabi mo ‘di ba ‘nung nasa Cebu tayo, kahit maubos pa ang puno ng mga mangga roon, iuukit mo pa rin ang pagmamahalan natin ‘dun. P-paano na ngayon?” pinunas niya ang likod ng palad sa mukha saka muling nagpatuloy. “Paano na ako gigising sa umaga? Wala na ang mga text at tawag mo. Paano na ako kakain na ‘di ka na muling makakasalo? Paano na ako magpipinta na hindi ikaw ang modelo ko? Paano na? Paano na Warren? Paano pa ako mabubuhay?”
Tumayo siya at niyakap ang katawang lupa ni Warren. “Warren.. please.. bumangon ka. H-hindi ‘to totoo ‘di ba. Panaginip lang ‘to eh.” Umalis siya sa pagkakayakap at hinalikan ang labi nito. “Magigising ka na ‘di ba?”
Lumayo pa siya ng kaunti at muling hinawakan ang kamay nito. “I could never love someone else but you, Warren.” Muli na naman siyang umiyak. “Warren.. Warren.. “
“Nicole, tama na.” Hinila siya ng ina nito. “Wala na tayong magagawa.”
Patuloy pa rin sa pagtangis si Nicole kahit nakalabas na sila sa Hospital. Tuloy-tuloy ang luha at hindi umiimik. Hawak lang ng ina ni Warren ang mga kamay niya at pilit siyang inaalo para tumahan.
♫♪‘Why do people fall in-love and they end-up crying? Why do lovers walk away from themselves, when their hearts are breaking? Why does loving sometimes never stay long? Why does kissing this time mean you’ll be gone? Why does gladness, become sadness? Things that I don’t get. Someone always saying goodbye. I believe it hurts when we cry Don’t we know partings never so easy. And with all the achings inside, I believe some heart won’t survive trying hard to pretend that we’re gonna be fine.♫♪♫
♪♫I could never really love someone else but you.. I had never wanted anything else but a love so true.♪♪♫
Lalong napahagulgol sa pag-iyak si Nicole nang marinig ang bukas na radio sa loob ng sinasakyan nilang Taxi. Napadakong muli ang mga palad ni Nicole sa mukha.
“Kuya, baka naman pwedeng patayin n'yo ang radio. Lalo lang pong naiiyak ‘tong kasama ko,’ pakiusap ni Wilma.
Parang naghe-head bang pa ang driver na inienjoy ang kantang iyon ‘Someone always saying goodbye na dating kinanta ni Allona at ni-revive ni Toni G.’ Habang siya ay hindi na alam kung paano pa pahihintuin ang mga luha. Simula ng lumabas siya ng Shop, wala na siyang ginawa kundi umiyak.
“Sige na kuya. Namatay kasi ang anak ko, bale boyfriend nitong kasama ko.”
Napapakamot ang pobreng driver saka napipilitang pinatay ang radio.
“Condolence,” nahihiyang usal ng Driver.