Chapter 5

1859 Words
LUMIPAS na ang isang buwan, napakabilis ng araw. Ngunit tila napakabagal pa rin niyon para kay Nicole. Hanggang ngayon buhay pa rin sa alaala niya ang lahat, ang lahat-lahat na pinagsamahan nilang dalawa ni Warren. Nakatunghay lang siya sa harapan ng bintana. Nakatingin sa malayo. Umaaasang baka may bumalik, baka balikan siyang muli ni Warren. Na imposible ng mangyari. Muling naglandas sa mga mata niya ang mga luhang lagi na lamang sumisilay sa tuwing maaalala niya si Warren. “Warren, sa tingin mo paano pa ako magmo-move on? Paano ko pa magagawang mabuhay? Siguro mas tatanggapin ko pang pinagtaksilan mo na lang ako kesa ganito. Alaala mo na lang ang bumubuhay sa’kin.” “Senorita, kumain na raw po kayo sabi ni Madam.” Nakatayo lang sa likuran niya ang katulong nila na palagi na lamang hinihintay kung kailan niya muling gagalawin ang pagkain. Dahil ayaw na niyang muling maisip pa si Warren at magmukmok mag-isa sa Condo Unit, o sa Gallery. Ipinasya niyang bumalik sa Mansion at doon na lang tumira. Pabor iyon sa kanyang pamilya dahil kahit paano ay maaalagaan siya ng mga ito. “Ilapag mo na lang sa mesita ang pagkain ate Meding.” “Ngunit, pinasasabay po kayo ni Madam sa ibaba para makapagpananghalian.” “Ganoon ba. Pakisabing hindi ako bababa. Dito na lamang ako kakain,” walang lingon-lingong bilin niya sa katulong nila. Napipilitang bumaba ang katulong saka nagsabi sa kanyang ina. “Ano? Hindi na naman siya kakain. She might lose her health. Sige na, ako na lang ang aakyat.” Hindi na siya nagtaka kung ang kanyang ina na ang umakyat. Palagi naman ganoon ang tema, sa tuwing hindi siya kakain ay umaakyat ang kanyang ina o ama para lang pilitin siyang kumain. “Alam kong nasaktan ka ng husto, hija. Pero sana huwag mo naman saktan ang sarili mo physically. Paano kung hindi masaya si Warren na makita kang ganyan, nalulungkot. Sa tingin mo ba mananahimik ang kaluluwa niya sa patutunguhan niya? Paano kung nais ka niyang maging masaya? Pero ikaw naman itong may ayaw.” Inilang hakbang niyang nilapitan ang inang nakatayo sa bukana ng pintuan at mahigpit na niyakap. “Mom, I don’t want to live anymore. Gusto ko na ring mamatay.” Paulit-ulit na hinimas ng Ginang ang kanyang likuran. “Don’t say that. Wala tayong karapatang unahan ang plano ng Panginoon. I’m sure he has something planning for you. Anak, kung ikaw ang mawawala sa’sakin, sa tingin mo ba kakayanin ko rin? Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan, kami ng papa at kuya mo. We’re here not because you need us, but because we need you.” Pakiramdam ni Nicole nakurot ng sinabi ng Ginang ang puso niya. Bahagya siyang kinilabutan sa sinabi niyang iyon. Hindi niya naisip na may mga tao ring nagmamahal sa kanya. Nariyan pa rin ang pamilya niya. Sa totoo lang pinakamahirap na bagay ang mag-move on, lalo pa kung sa taong iyon umikot ang buo niyang mundo. Nang mga sandaling iyon, pinag-isipan niyang maigi ang sinabi ng kanyang ina. Ang kuya naman niya ay tinutulungan din siyang maka-move on sa pamamagitan ng pagsama sa kompanya. “Are you sure, Kuya? I don’t have talent handling papers,” pagtataka niya nang papuntahin siya ng kanyang kuya sa Library ng Mansion. Sa tuwing kompleto ang pamilya ay may kanya-kanyang pinagpapalipasan ng oras ang mga ito. Isa na nga roon ang Library na palaging kwarto ng kanyang kuya, samantalang ang ina ay may maliit na sariling opisina. Ang ama naman ay may maliit na kwarto para sa pagpipinta. Isinara ni Nathaniel ang binabasang libro at umayos ng upo. “Have a sit my princess.” Iyon ang laging endearment sa kanya ng kanyang kuya at ama. “I know it’s hard for you but I think this is a way on moving on. Kung magkukulong ka lang sa kwarto mo na hindi kumikilos, sa tingin mo ba makaka-move on ka. Well, you’re wrong. I’ve been in relationship before and I know how hurt it is and then I realize why should I hide my emotions on the past? Why not moving on thru working? Kaya ‘nung naghiwalay kami ni Danita, bigla kong naisip na may sarili rin pala akong mundo.” Tumayo ito at nilapitan siya. Hinila nito ang kamay niya at pinaupo saka iniangat ang kanyang baba. “Do you understand me?” Saka nito inalis ang kamay at naupo sa tapat niya. “Siguro nga Moving-on is the very hardest thing to do, kesa mag-exam at ipasa. Kaysa kumain ng bubog, tumawid sa umaapoy na wire. Pero naisip mo na ba na mayroon ka rin pa lang sariling mundo. And all you have to do is face the reality, move in your world and build another world.” Hindi na siya nakaimik. Everything he said was true and it really hurts deep down to her soul. It looks like she was slap from reality and she was dreaming that all she needs is to wake. “Get ready, I’ll be your company tomorrow. We’ll need a Recruitment officer and my man wasn’t enough. He needs a partner. Alam kong ikaw ang pwede, isa pa you still have the talent, my princess.” Hindi na rin siya nakakontra. Pakiramdam niya walang mali sa mga sinasabi ng Kuya, Mommy o Daddy niya. Alam niyang darating ang araw at magiging okay din ang lahat at muli siyang mabubuhayan ng loob. NAKATAYO pa rin siya sa harapan ng building nila at tila wala siyang balak pumasok. Ang bigat ng mga paa niya, hindi yata niya kaya. Nagitla na lamang siya nang may humila ng kamay niya papasok sa loob. “Wala kang magagawa kung tatayo ka lang at makikipagtitigan sa building natin. I already prepared introducing you to the staff,” nakangiting turan ng kanyang kuya. Nakapila sa harapan niya ang mga head staff at isa-isang pinakikilala sa kanya. Isang ngiti at tango lang ang ginawa niya. “Since hindi pa ganoon kalaki itong kompanya natin, kakailanganin muna kita. Hayaan mo, kapag naitayo na ang bagong building natin, hahayaan na kita sa kahit anong naisin mo.” “Kaya lang kuya, Arts ang major ko. I don’t think—“ muli siyang pinigil ng kuya niya. “I’m sure you can do it. Trust me and trust yourself.” She was thankful that her brother knows how immature she was when it comes to paper works. Aminado naman kasi siyang wala siyang gaanong alam pagdating sa Kompanya nila. Kaya masaya siya na ibinigay nitong load sa kanya ay magaan lang. “Hi Ma’am, I’m Vincent Corpuz and I will be your partner handling recruitments. At para hindi ka mahirapan, sa iyo na ang Admin employees at sa akin naman ang Staff employees,” saka makahulugang nginitian siya nito. Naupo siya sa itinuro nitong swivel chair. Mabuti na lang at may cubicle at hindi talaga sila magkatabi kahit nasa iisang kwarto lang sila. Dahil naka-maternity leave pala ang partner nito, ibig sabihin ay hindi rin siya magtatagal sa posisyon niya ngayon. Lumapit ang nagpakilalang Vince sa kanya. “Ma’am bale, ang gagawin mo lang ay mag-interview ng applikante. Na-sent ko na sa company emails mo ang list ng mga tatawagan mo at schedule for interviews. Here.” May iniabot pa itong folder sa kanya. “Nariyan ang mga gagawin mo at kung paano para hindi ka na masyadong mahirapan.” “Salamat,” nakangiting sabi niya rito. It was so hard, it really takes time. At hindi lang basta time. Inabot iyon ng linggo bago siya natuto. Tama nga ang kuya niya, nawala sa isip niya si Warren dahil nais niyang matuto kaya tinutukan niya talaga ang pag-aaral at ang pagre-review kung paano maging isang HR Recruitment Officer. Bigla tuloy sumagi sa isip niya na gusto na lang niya mag-encoode at mag-file ng papers. Kaya lang wala naman kasi siyang ideya kung paano. It was her luck now to earn lots of knowledge. Hindi niya akalaing umabot siya ng isang buwan at nagkaroon na nga rin siya ng mga kaibigan. “Nicole, free ka ba tonight?” tanong ng kaibigan niyang si Mika. Tumango siya bilang tugon. “Great! Balak kasi naming gumi-mick, alam mo na. Inom, sayaw ‘tas kantahan. Okay lang ba sa’yo?” Pinagbigyan na rin niya ang mga ito. Isang buwan na rin siyang hindi na uminom simula nang pumasok siya sa opisina. At kahit paano, nakagagaan sa pakiramdam ang paminsa-minsang gimick. Pito silang katao, apat na babae at tatlong lalaki. Naaliw naman siya sa paminsan-minsang pagsayaw sa malawak na area ng Bar. Nang makabalik sa sariling upuan, muli niyang itinungga ang naiwang laman ng kanyang baso. “Nicole.” “Bakit?” Nilingon niya ang boses na iyon ni Vincent. “Alam mo ba, nang una kitang makita sa Office. Nagka-crush na ako sa’yo.” Matagal na niyang napapansin iyon at hindi naman lingid sa kaalaman niyang may asawa na ito. “Alam mo Vincent, mabait ka naman at okay kasama. Kaya lang, may asawa ka na. Isa pa, I’m still in the process of moving-on kaya kahit single ka pa, hindi pa rin kita magugustuhan.” Napaisod siya nang bigla itong lumapit sa kanya at halos idikit ang sariling mukha. “But I like you and I think I’m going crazy kapag hindi kita nahalikan ngayon.” Biglang umikot ang paningin niya. Alam naman niyang hindi siya mabilis malasing at nakakatatlong baso pa lamang siya. Naalarma siya nang hawakan nito ang braso niya at ilapit pa nito ang sariling mukha. “Don’t!” mabilis na tulak niya at tumayo. Tumayo rin ito para alalayan siya. Sa bilis ng pangyayari hindi niya alam kung paanong nakasakay na siya sa sasakyan. Bagamat nahihilo, ramdam niyang may kakaiba at may mali. Tuluyan na siyang nakatulog dahil sa labis na pagkahilo. ‘Alam kong galit ka sa’kin Nicole, alam kong ako pa rin ang hinhintay mo. Pero gusto kitang maging masaya. Gusto kong mahanap mo ang kaligayahan mo. Kalimutan mo na ako.’ ‘W-Warren, hinding-hindi ko gagawin iyon. Ikaw pa rin ang minamahal ko at patuloy kong mamahalin.’ Napapikit na lamang siya nang hagkan nito ang pisngi niya kasabay ng mga luhang umagos sa kanyang mata. Nang magdilat siya hindi na mukha ni Warren ang nasilayan niya, kung hindi mukha ni Vincent—ang Recruitment partner niya. Sa kabiglaan ay naitulak niya ito. “A-anong ginagawa mo?” Bigla niyang naramdaman ang lamig na nanuot sa katawan niya. Kaya pala ay dahil panloob na lang ang suot niya at hinubad na nito ang mga damit niya. “Sa tingin mo makakatanggi ka pa. I will make you mine tonight,” madiing sabi ni Vincent habang mala-demonyong nakangiti sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagnanasa at ang pagnanais na makuha siya. Babangon pa sana siya nang bigla itong dumagan sa kanya. “’Wag! Bitiwan mo ako, please.” “Too late, darlin’ sa akin ka na.” Nakakaramdam na naman siya ng pagkahilo. Tanging brief na lang ang suot nito. Hawak nito ang magkabilang braso niya at unti-unti siyang pinupogpog ng halik. Bigla siyang nandiri. Kahit kailan, hindi pa niya naisip na manira ng pamilya. Oo naging mabait sa kanya si Vincent, iyon pala ay dahil may ulterior motive ito at iyon ay ang makuha siya. Panaginip lang pala niya si Warren, kaya siguro siya dinalaw ni Warren kahit sa panaginip ay para iligtas siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD