Chapter 6

2021 Words
MABILIS na bumalik ang wisyo at lakas ni Nicole dahil sa naramdamang pandidiri. Akala siguro nito ay mahina siyang babae. Madaling naalis niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa mga braso niya. Agad niya itong naitulak at nang muli itong sumugod, mabilis niyang hinatak ang mga braso nito at pinilipit sa likuran. Naghuhumiyaw ito sa sakit. Nalimutan yata niyang black belter siya ‘nung high school at forte niya ang martial arts. “Iyan pa nga lang ang ginagawa ko, umaaray ka na.” “Parang awa mo na, please hindi na ako uulit.” Binitiwan niya ito at sinipa palabas ng pinto ng kwarto. Walang itong choice kundi ang tumakbo palayo sa kanya nang naka-brief lang. Dapat pala hinubad na rin niya ang natira nitong brief para mas mapahiya ito. Kinabukasan, buo na ang pasya niyang hindi na babalik muli sa Kompanya. Nagtaka pa ang kuya niya dahil sa natanggap na formal letter—ang resignation letter nang nasa study room na sila ng gabing iyon. “Nicole, you don’t need to do this.” “Wala bang sinabi sa iyo ang magaling mong recruitment officer?” naka-cross arms na sabi niya. “A-anong sinabi?” “Your Vincent harassed me. He brought me in the Motel and wants to r**e me.” “Damn it!” Napapalo ito sa sariling noo. “I’m sorry to hear that. Don’t worry ipakukulong ko ang hayop na 'yon.” “Huwag ka ng mag-abala kuya, alam kong may pamilya siya at kailangan niya ng trabaho. Naturuan ko na siya ng leksyon. Alam mo namang magaling ako sa karate. I’m a strong woman, remember.” “Pero dapat siyang magbayad.” “Then do it in legal process. Besides I call it quits. Isa pa, mabuti naman siyang tao. He taught me everything. Kaya hayaan mo na siya, pwede mo siyang suspendehin, bahala ka na. Pero huwag mo siyang tanggalin sa trabaho.” “You little princess. You’re such a good girl.” “So kuya, do you accept my resignation now?” “How about handling another job?” “No, kuya. I’m fine. Mag-aaply akong graphic artist, iyon na lang ang pagkakaabalahan ko,” pinal na sabi niya. Hindi na rin nakatanggi ang kuya niya, wala na nga itong nagawa. Para sa kanya, sapat na ang mga natutunan niya at alam niyang hindi talaga Kompanya ang forte niya. Pumasok siya sa maliit na kwarto ng ama tuwing nagpipinta. Environment pala ang forte ng kanyang ama. Inaral niya iyon at nagsimulang magpinta. Hindi kasing ganda ng mga gawa nito, hindi na rin masama para sa isang amature painter kapag sceneries at environment ang pag-uusapan. Dala niya ang kotse at mga gamit sa pagpipinta. Na-challenge siyang magpinta ng mga tanawin. Kaya kailangan niyang maglakbay at maghanap ng mga bagay-bagay na maiipipinta nang sa ganoon ay makabenta siya. Hindi na nga siguro maiaalis niya sa sarili ang pagpipinta kahit past time. Hindi katulad ng dati na punong-puno ng inspirasyon at sigla ang pagpipinta niya. Ibang-iba na ngayon, parang may kung anong nawala sa kanya. Nawalan siya ng buhay at pag-asang makapagpinta ng mas maganda. “Are you sure you’re going to this?” mahinang tanong ng kanyang ama ngunit punong-puno ng pagdududa. “I already signed a contract, Dad.” Tinanggap niya ang kontrata na makapagpinta ng mga tanawin. Gusto niyang matutong muli at muling mabuhay kahit ang totoo ay hindi niya alam kung paano. “Nicole, malaki ang kapalit kapag hindi mo nagawa ang nais nila at nakasaad sa kontrata.” “I know, Dad. Kaya nga gusto kong bumangon. Gusto kong magpintang muli.” Hindi na siya kinontra pa ng ama. Nang araw na iyon ay nagpasya na siyang bumalik sa Gallery, dala ang mga damit at kagamitan sa pagpipinta. Dalawang sceneries lang naman ang kapalit ng Three hundred thousand contract na pinirmahan niya. Mababang halaga, kayang-kaya niyang palitan kung tutuusin pero gusto niyang muling mabuhay kahit wala na si Warren. Naniniwala siyang muli itong babalik at muli siyang magmamahal, hindi lang sa mga obra niya kung hindi pati ang puso niya. Inabot ng isang buwan, bago siya nakabuo ng dalawang obra. Masaya siyang nagustuhan naman nila iyon, ngunit iyon na yata ang huling obrang ginawa niya. Hindi na siya nakapagpinta ng kahit anong tanawin, may buhay o maging larawan ng tao. Puro abstract paint na lang ang nagagawa niya. Hindi na nga niya pinabuksan ang Gallery. Nanatili lang iyong nakasara at siya lang ang tanging laman ng Gallery Shop. May mga bumibisita man para makita ang obra niya, ngunit hindi na siya nag-o-offer na magpinta. Pinapipili na lamang niya ang mga ito sa mga naka-display na obra. Nakaubos na siya ng dalawang latang beer ngunit tila uhaw pa rin ang puso niya. Hindi nagawang mapawi ng alak ang kalungkutang nadarama niya. Hindi siya nagawang lasingin ng alak ngunit nang makaramdam ng antok ay saka lang niya naipikit ang mga mata. Hindi na sana siya magmumulat ng mga mata nang may narinig siyang pumasok sa loob ng Shop at sa loob ng kwartong kinaroroonan niya. “C-CEDRICK? What are you doing here? Hindi ka na dapat pa pumunta rito.” Hindi niya tuloy malaman kung paano aayusin ang sarili. Hindi lang dahil nahihiya siyang makita ni Cedrick na isa sa mga kaibigan ni Warren. “I’m sorry. May kasama ako.” Sinenyasan naman ni Cedrick ang sinasabing kasama niya. “By the way this is Haemie Apacer, my wife. I’ll pay your price, basta i-paint mo lang kaming mag-asawa.” Tumayo siya at iniwasan si Cedrick saka muling nagsalita. “Alam mo ng matagal na akong huminto sa pagpipinta ng mga bagay na may buhay, all I paint now is abstract. Bihira na nga akong sumasali sa exhibit.” “I’m begging you Nicole, please..” Kung hindi lang ito kaibigan ng nasira niyang nobyo nunca na papasukin pa niya ito. In the end, she was amaze by herself how she paints the two. After the paint, nahiya naman si Nicole na hindi man lang mabigyan ng makakain ang dalawang bisita. “Kumain muna kayo.” Inilapag ni Nicole sa mesita ang dalawang malaking tinapay at tinimplang juice. Nangunot pa ang noo niya nang bigla na lamang nagtatakbo patungong banyo ang ipinakilala ni Cedrick na si Haemie. Nawala rin ang kunot ng noo niya nang maisip na baka buntis ang asawa nito. “Sorry Nicole. Mukhang masama ang nararamdaman ng asawa ko. I think we’ll have to go.” “Okay. Ipadadala ko na lang ang paint.” Nagpaalam na ang dalawa sa kanya, ilang minuto ay muling tumulo ang luha niya. Kung buhay pa sana si Warren, siguro masayang-masaya rin ito kung bubuo sila ng Pamilya. Tumigil rin ang luha niya nang mag-ring ang phone niya. Unregistered number ang lumabas sa screen, alinlangang sinagot niya ito. “Hello, Buddy!” imposibleng hindi niya matandaan ang word na iyon. Iisang babae lang naman ang tumatawag sa kanyang Buddy—si Deeana Lapuz. “D-Deeana Lapuz. Deean?” Malutong na tumawa ang nasa kabilang linya saka sinagot ang tanong niya. “Ako nga! Kumusta ka na? Oy, pasensiya ka na ha, ngayon lang ako nagparamdam sa’yo. Alam mo naman busy sa buhay may asawa.” “Okay lang. Naging busy rin naman ako. Kumusta ka na?” “Okay naman. After naming mag-migrate sa England, hindi na ako nakabalik ng Pilipinas. Buddy, international call ito hah. But I plan to visit you by next week. Pwede bang mag-stay ako sa house mo?” “Oo naman.”. Saglit lang silang nagkwentuhan ni Deean. Deean was her closest friends during her college days. Ito nga ang nagturo sa kanya maging brat at gothic girl. Nawalan na siya nang balita matapos ang graduation, iyon pala ay nag-migrate na ang buong pamilya nito sa England at doon na nga nito nakilala ang napangasawa. Habang hinhintay ni Nicole ang sinasabi nitong araw na pagbisita sa kanya, biglang sumagi sa isip niya ang magpinta. Minsan na niyang nakita sa panaginip ang hitsura ng lalaki. Hindi nga niya alam kung bakit buo sa paningin niya ang kabuuan ng hitsura nito. Naipinta nga niya ang isang Adonis. Namangha siya sa kanyang mga kamay at sa natapos na obra. “Wow! Akalain mong kaya ko pang magpinta. And this man actually looks good, although hindi sila magkamukha pero hindi siya maalis sa isip ko kahit isang beses ko lang siyang napanaginipan.” Itinuloy niya ang pagkukulay ng abs nito. Doon talaga siya nag-concentrate. Perpektong-perpekto talaga ang nais niya sa lalaking naipinta. “Aray!” bahagyang naiatras niya ang mga kamay nang bigla itong nahiwa ng kung ano. “s**t!” Hindi niya malaman kung ano ang gagawin ng matuluan ang mismong dibdib na halos tapat sa puso ang naipintang larawan. Dahan-dahan niyang inilapag ang ipininta at agad pumasok ng banyo para hugasan ang daliring nasugatan. Kumuha siya ng ibang kulay ng paint para ayusin ang nasirang obra dahil sa patak ng dugo niya. Tiyak masisira ang nagawa niya kapag pinunasan pa niya iyon. Napamaang siya at nanigas sa kinatatayuan nang kusang nawala ang patak ng dugo sa obra niya. “S-Saan napunta iyon? Na-absorb ba ng painting? Pero imposible. Dati pa naman akong gumagawa ng paintings at imposibleng ma-absorb iyon. I’m sure nasisira ang kulay ng paint. Pero.. pero.. bakit wala akong makitang bakas ng patak ng dugo?” Bigla siyang nahiwagaan sa nangyari. Nakaramdam man ng kilabot, nakuha pa rin niyang isabit ang painting sa tapat mismo ng kama niya. Hindi nga niya malaman kung ano ang nagtulak sa kanya para gawin iyon, kusa na lamang gumalaw ang mga paa at kamay niya para gawin iyon. Nang pakatitigan pa niya iyon ay dumako ang mga mata niya sa mata ng obra. Parang buhay na buhay ang kulay ng mga mata nito. “Ah, bakit ganito ang naipinta ko? Parang puno ng kalungkutan ang mga mata niya?” Napailing-iling na lang na lumabas siya ng kwarto. Wala siyang balak magluto kaya naisipan na lamang niyang lumabas. Wala na siyang pakialam nang tanghaling iyon sa suot niya kahit puno ng pintura. Kung hindi pa siya nakaramdam ng gutom ay wala yata siyang balak lumabas para kumain. “Miss, this seat is taken.” Napatingin naman siya sa baritonong boses na iyon. Kung kailan naman sumusubo na siya ay saka naman ito mang-aabala sa kanya. Pasimple niyang ibinaba ang kutsara at maamong tiningnan ang mukha ng lalaki. “Do you mind if I will occupy this table?” saka buong ngiting tanong niya. “Yes.” Nagulat siya sa diretsong tugon nito. “Because your seat is mine, ako ang nakapwesto diyan.” “How about sharing the table?” “Hindi ko ugaling mag-share ng mga bagay na akin.” Bigla yata siyang naumid sa kaprangkahan ng lalaki at tila may pinaghuhugutan ito. “Sorry, pero ngayon lang. I’m hungry na talaga.” Tumayo siya at lumipat sa katapat na upuan saka muling binalingan ang naudlot na pagkain. Tuloy-tuloy na sana siya sa pagkain nang mapansin niyang pinanunood lang siya nito at hindi ito nag-abalang sumabay sa pagkain. Marahil ay hinihintay yata siyang matapos. “You’re not going to eat?” pasimpleng tanong niya kahit may laman pa ang bibig niya. “Would you mind emptying your mouth before talking?” naka-coss arms pa na sabi nito sa kanya. ‘Napakaantipatiko. Pasalamat ka gutom ako,’ sa loob-loob niya. Kahit gutom siya ay hindi niya nagawang maubos ang kinakain, naisip na lang niyang iwanan iyon. Naglalakad na nga siya palayo sa table nang muli siya nitong tinawag. “Miss, iniwan mo yata ang kalat mo dito?” Napapadyak niyang binalikan ang iniwang pagkain at hindi na nito ginusto pa ang sumunod niyang ginawa. “Oh my God!” halos naglingunan ang ibang mga naroroon at napatutop sa nasaksihan. She’s not a girl full of patience. Her temper crosses over her head. Hindi na siya nakapag-isip sa nagawa niya nang buhatin niya ang pinagkainan at ibinuhos sa ulo ng lalaking kanina pa nang-iinsulto sa kanya. The way he looks at her, it says she was a vagabond. Oo, wala siyang ayos, nakaputing T-shirt at kupas na maong jumper suit siya na nagliliparan ang marami at ibat-ibang paint color. Pero tama bang insultuhin siya nito ng tingin. Wala na siyang pakialam pa kung maraming nakakakita. Malaki ang pagkakangiting nagtatakbo siya palabas ng Restaurant na iyon. Hinding-hindi na siya babalik muli roon at ayaw niyang mag-cross muli ang landas nila ng mayabang na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD