Chapter 7

1770 Words
MAALIWALAS ang bangon ni Nicole nang umagang iyon. Nakasuot siya ng Sando at naka-pants nang balikan niya ang painting, iyon ang una niyang naisip balikan. Inilapag niya iyon sa kandungan, balak niya sanang baguhin ang mga mata nito. Napatitig na lang siya sa paint brush at naisip niyang hayaan na lamang iyon. Hindi niya malaman kung anong hiwaga ang nagdala sa kanya para makaramdam ng antok at tuluyan na ngang pumikit ang mga mata niya. Nadala ang diwa niya sa malalim na pagtulog. ‘Kumusta ka na, Nic?’ ‘Nic? Ba’t alam mo ang nickname ko?’ ‘It’s me, Ren-ren. Hindi ba sabi ko sa’yo, hintayin mo ako?’ Bigla siyang naguluhan sa sinasabi nito. Imposibleng nagbago ng hitsura ang mahal niyang si Warren at imposibleng nakakausap niya ito ngayon. ‘Gusto kong maging masaya ka, Nic. Hindi ko sinasabing kalimutan mo ako pero ayaw kong pahirapan mo ang sarili mo. Gusto kong bumalik pero hindi ko alam kung paano.’ Hinawakan pa nito ang dalawa niyang kamay. ‘Sinungaling ka! I’m sure nililinlang mo lang ako.’ Mabilis na hinila niya ang mga kamay mula rito. ‘Maniwala ka sa’kin. This is my only way para makausap ka. To tell you the truth, hindi pa rin ako nakakaakyat sa langit. Wala pa rin akong patutunguhan because I can’t see the light. I believe I still have an unfinished business and that is you.’ ‘Kung ikaw nga si Warren, bakit ganyan ang hitsura mo?’ ‘I ask someone to taking care of you. At para maalala mong babalik ako, katawan niya ang ginamit ko kaya nakakausap mo ako ngayon. The one you paint is me. Ako ang huling bagay na ipininta mo, Nicole.’ Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha niya, masuyong niyakap siya ng nagpakilalang Warren. Pinagpapalo niya ang dibdib nito. ‘Liar! You’re a liar Warren. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo hanggang dulo tayo pa rin just you and I. Bakit iniwan mo akong mag-isa?’ Niyakap siya nito ng mahigpit at hinimas ang ulo niya saka hinalikan ang kanyang ulo. ‘I’m sorry kung hindi ko sinabi sa’yo na may cancer ako. Alam kong masasaktan kita. Alam kong malulungkot ka, kaya inilihim ko na lang ang lahat. Wala na kasing solusyon. Hindi na maagapan.’ Humiwalay siya ng yakap dito. ‘Sorry Baby. Magpo-propose dapat ako sa’yo ng araw na iyon dahil gusto kong makasal muna bago ako mawala sa mundo pero siguro hindi na kinaya ng katawan ko.’ ‘Paano na ngayon, Ren?’ ‘Don’t worry, while I’m still here. I promise na babantayan kita palagi, pasasayahin at ipararamdam kong I’m still right here by your side,’ seryosong turan nito habang nakatingin sa kanyang mga mata.. Bumaba ang mukha nito para abutin ang labi niya. Nagtama ang labi nila at hindi nga maipagkakaila ng puso niya na ito nga ang kanyang minamahal—si Warren Parco. The way he kiss her brought warmth to her heart, saying he’s still alive and always right by her side. Kung hindi pa siya nakarinig ng ring na nagmumula sa sariling phone wala na sana siyang balak dumilat. “Warren..Warren!” sigaw niya habang tila may hinahanap. Napahagulgol siya ng iyak. “God! Naramdaman ko siya. He kiss me and the warm of his kiss was still remain on my lips.” Wala sa sariling dinama niya ang sariling labi. “Mahal na mahal kita, Warren at pangako, I will wait for you no matter how long.” Hindi pa rin tumitigil sa pag-ring ang phone. Iritang dinampot niya iyon at sinagot. “Hello!” “Grabe Buddy, kailangan talaga nakasigaw?” “Sorry. Ba’t naman kasi nang-aabala ka?” “Tulog ka pa ba? Kanina pa kaya ako nagte-text sa’yo sabi ko ‘di ba sunduin mo ako sa Airport. Nandito na ako sa harap ng condo mo.” Bigla yatang nahulasan siya sa sinabi nito. Mukhang nalimutan niyang ngayon nga pala ang dating ni Deean. Napaaga lang dahil sa papasok na bagyo sa Pilipinas. “S-Sorry. Wait. Wala na kasi ako sa Condo. Pinaupahan ko na ‘yun. May sarili na akong Gallery Shop at doon na ako nakatira. Diyan ka lang, pupuntahan kita.” “Bilisan mo, buds. Gutom na ako.” Mabilis siyang nagtungo sa banyo para maghilamos, ayusin ang sarili at agad hinila ang Cardigan na may hood. Iyon na lang ang ginawa niya para hindi na ito mainip sa paghihintay. Sumakay agad siya ng Taxi. Nang makarating, madali niyang natanaw ang isang babaeng nakatayo sa labas ng Building na tila inip na inip. Hindi na siya nagduda na ito ang Buddy niyang si Deean. “GRABE ka! Akala ko talaga kanina magkakabunga na ako habang hinihintay ka.” “Hindi ba pwedeng ugatin muna?” “Baliw! Hindi nga lang ako inugat eh, nagkabunga na ako kahihintay sa’yo.” Kasalukuyan silang nasa loob na ng Restaurant na malapit lang sa dati niyang Condo Unit. Nag-aya na itong kumain, nagutom ito sa sobrang tagal ng biyahe. “Infairness sa’yo hah. Parang hindi ka tumatanda. You’re still the Nicoleen buddy I met way back in College. Kumusta na nga pala? Condolence ha, nabalitaan ko lang sa f*******: na namatay na pala si Warren. Paano ka na nagmo-move on ngayon?” Napansin ni Deean na naglalakbay yata ang isip niya at hindi naman nakikinig sa mga sinasabi nito. “Calling Nicoleen Laurence! On Earth please!” sigaw nito sa tenga niya. “Ha?” Nabigla siya sa boses nito. “May sinasabi ka ba?” “You’re day dreaming, Coleen. Ano ba ang nangyayari sa’yo?” “Call me Nicole. Sabi ko nang ayaw ko ng Coleen ‘di ba?” “At least I already got your attention.” Nang matapos kumain ay nag-aya na si Deean na pumunta sa bahay nito dahil pagod na ito at inaantok na rin. Nadismaya pa nga ito nang makarating sa Shop—sa kwarto ni Nicole. Hindi kalakihan ang kwarto, pang-isahan lang ang kama at makalat dahil sa color paint na nakasaboy sa ibat-ibang parte ng sahig. Ayaw naman ni Nicole na magpahinga ito sa sahig kaya napilitan siyang maglinis at ayusin ang kwarto nang mabilisan. Sa sarili na niyang kama pinatulog ang kaibigan. Siya ay magkakasya na sa comforter. Dumako ang mga mata niya sa painting ng lalaki. Himalang nakasabit na iyon sa dati nitong pinaglagyan. Ang huli niyang naalala ay bitbit niya iyon bago siya dalawin ng antok. Namutla siya nang matitigan niya iyong maigi. Tama nga ang nagpakilalang Warren sa panaginip niya... Dahil magkamukhang-magkamukha ang nakita niyang Warren sa panaginip at ang lalaking painting. Bigla siyang napaupo at parang nanghina. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang halik at yakap nito. Kailangan niyang magpakatatag at tama nga si Warren, dapat siyang lumaban at maging malakas. Matapos punasan ang luhang naglandas sa kanyang mata, napipilitang tumayo si Nicole at kinuha ang mga maruruming damit. Isinilid niya iyon sa paper bag para dalhin sa Laundry shop. Nagpunta naman siya Market para mamili ng kakainin nila at para mag-stock ng makakain sa Ref. Umabot ng hapon nang magising ang Buddy niyang si Deean. Nagkwentuhan sila, nagkulitan saka niya ito tinulungang mag-ayos ng mga gamit. Pinaplano nilang mamasyal kinabukasan. Nagulat pa si Nicole nang biglang tumabi sa kanya si Deean at nagsumiksik sa loob ng comforter. “Na pa’no ka?” pagtataka niya na hindi makapaniwala sa inasal nito. “'Y-yong painting mo kasi, parang nanlilisik saka nakatingin sa’kin. Kinikilabutan ako.” “Adik! Painting lang ‘yan noh.” “Hindi ba pwedeng tanggalin—“ “Subukan mo nang magkalimutan tayo.” Nagbago ang expression nang mukha ni Nicole at hindi iyon nakaligtas kay Deean. Tila nanlilisik ang mga mata niya mula sa sinabi nito. “S-sorry. Nakakakilabot lang kasi ‘yang painting. Parang buhay as in may buhay.” “Pakialaman mo na ang kahit ano, ‘wag na ‘wag lang ang painting na iyan.” Itinuro pa niya ang katapat na nakasabit na painting. Habang tumatagal na nakasama nito si Nicole sa loob ng bahay nito, tila parang may kakaiba rito. Sa halip na malungkot ay parang lagi itong masaya at napapansin niyang hinahalikan at niyayakap pa nito ang painting. At hindi lang iyon, minsan pa niya itong nahuli na natutulog na sa ibang parte ng Gallery shop na iyon, tila nag-i-sleep walking ito at minsang nariring pa nga niya itong nagsasalita habang natutulog. Pakiramdam ni Deean may mali sa kaibigan niya. Inobserbahan niya iyon nang halos dalawang buwan at mukhang tama ang hinala niya. Ilang buwan pa lang kasi mula nang namatay ang boyfriend nito at hindi nakapagtatakang magmukmok ito o magpakaemo. Ngunit taliwas sa nakikita niya ang kalagayan ni Nicole. Madalas itong nakangiti, masaya at parang nagde-day dreaming. Something is wrong. Something is strange and there is something happening to her. Nang umagang iyon, nauna siyang nagising kay Nicole. Naririnig na niya ngayon na nagsasalita ito at may kinakausap sa panaginip na tinawag nitong Warren. Dahil sa kilabot na naramdaman niya, pinagsasampal niyo ito para magising. “Ano ba?!” galit na hiyaw nito at dahil nabitin ito sa pananaginip. “Pwede bang magising ka na sa katotohanang patay na si Warren! Patay na siya at hindi na siya babalik!” “You’re wrong! I already told you na buhay siya. Nasa paligid lang siya at nakabantay.” Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “Don’t lose your mind, Nicole. He’s gone, matagal na.” “No! ‘Yang painting na ‘yan siya ‘yan Deean. Maniwala ka sa’kin.” “That’s impossible! Magkaiba sila ng mukha.” “He’ll be reincarnated. Maniwala ka sa’kin.” Napailing-iling si Deean. “My God Nic, you’re insane. Don’t do this to your self. Please, ibalik mo na ang dati kong kaibigan,” naiiyak na pakiusap niya. Nagulat siya nang bigla na lamang nahulog ang painting sa pagkakasabit sa pader ng kwarto. “See. Nagagalit sa’yo si Warren, kasi hindi ka naniniwala sa’kin.” Napa-sign of the cross si Deean. Tila nawawala na yata sa sariling katinuan si Nicole, parang natakasan na ito ng bait. Hindi mapakali si Deean sa tuwing lumilipas ang araw, pakiramdam din kasi niya totoo ang imaginary Warren nito. Bigla kasing pumasok sa isip niya na may kamukha ang painting na parang nakita na niya ito somewhere. She wasn’t exactly sure where but she might seen this image before. Umabot na ng isang buwan na ganoon pa rin ang kalagayan ni Nicole. Ayaw niyang magbulag-bulagan at ayaw niya ring masaktan si Nicole. Habang maaga ay gusto niyang matulungan ang kaibigan at magamot. *********** Hindi pa rin maalis sa isip ni Azet ang babaeng mukhang pulubi na nagbuhos sa kanya ng pagkain. Isang araw ay makagaganti rin siya rito. Kung kailan tumakas siya sa Lola niya, saka pa siya minalas. Bantay sarado kasi siya ng Lola niya at nag-hire pa ito ng bodyguard na pwede ring maging driver para lang mabantayan siya. Natatakot na kasi ang Lola niya na may mangyari na namang masama sa kanya matapos magising sa dalawang buwang pagkaka-comatose.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD