NAKARATING sa pamilya nito ang nangyayari kay Nicole. Hindi na kasi kinaya ni Deean na mapagmasdan ng ganoon si Nicole tila siya rin ay nahihirapan at nasasaktan.
“Do you think it's right that our daughter will stay to the hospital, Benjamin?”
Naroon ang buong pamilya ni Nicole sa loob ng Gallery at pasimpleng nagmamasid sa anak.
“I swear Tita, she were hallucinating. Kung patatagalin pa natin ito, paano kung tuluyan siyang mabaliw?”
Nang hapong iyon ay dumating ang dalawang lalaki at tatlong babaeng magdadala kay Nicole sa Hospital para ipatingin ang isip ng dalaga.
“Mom, Dad, Kuya pati ikaw Deean. Tingin n'yo ba nababaliw na ako? I’m not insane! Maniwala naman kayo sa’kin. He’s alive. My Warren is alive!” pasigaw pang sabi ni Nicole habang kinakaladkad na siya ng mga nurses.
Napaiyak ang kanyang ina at halos mabuwal dahil sa nakikita. Nanghihina naman ang kuya nito at nakakuyom ang palad ng kanyang ama.
“Nathan, what happened to our Princess?”
“I don’t know Dad. Nang huli naman kaming magkita ni Princess okay naman siya.”
Nanghihina ang pamilya niya sa nangyari, nagyakap ang mga ito at agad din ay sumakay sa kotse para sumama sa Hospital.
Kabadong hinihintay nila ang result ng examination ni Nicole. Makalipas ang dalawang oras ay lumabas na ang doktor.
“Sorry to hear this Mister and Mrs. Laurence but it seems that your daughter under go a Post-traumatic stress disorder or PTSD. This condition occurs in terrifying event and one of it is the unexpected death of a loved one and that is her fiancé. She can also have an Stress response syndromes or adjustment syndrome.”
Hindi na kinaya ni Misis Josephine Laurence ang mga sinasabi ng doktor, bigla na lang itong nawalan ng malay. Naghihinagpis na ngayon ang buong pamilya ni Nicole dahil sa kalagayan ng dalaga.
Nakapangkong nakaupo sa sulok si Nicole, hindi niya lubos maisip na ni isa sa pamilya niya ay walang naniniwala sa kanya at iniisip pa ng mga ito na nababaliw na siya. Tumayo siya saka kinalampag ang rehas na bakal. Pakiramdam niya ay nasa kulungan na rin siya.
“Palabasin ninyo ako dito! Hindi ako baliw! Ano ba!”
May mgangilang-ngilang nurse ang dumaan at agad napahinto dahil sa pagsigaw at paghihisterikal niya.
“Doc, si Ms. Laurence po nagwawala sa kwarto niya.” Nang marinig ng doktor at nang iba pang mga nurse ang sumbong ng nurse na nakakakita, mabilis ang mga itong naghanda ng injection at mga gamit para pakalmahin si Nicole.
Punong-puno ng awa na pinagmasdan ni Deean at ng kanyang kuya Nathan ang dalaga.
“Kung alam ko lang na hahantong sa ganito, sana hindi na namin siya pinayagang bumalik sa Shop.”
“Kuya, hindi n'yo naman kasalanan. Ako man, naaawa ako sa kanya. Gusto ko ng ibalik ang dati kong buddy. I miss her.”
Hindi man matanggap ng pamilya ni Nicole ang pagpasok niya sa Mental Hospital para mapagamot, wala na silang magawa. Mas natatakot silang dumating ang araw na tuluyan itong mabaliw, saktan ang sarili at ang malala ay bawiin ang sariling buhay.
‘W-Warren..’
‘Bakit Baby ko? May bumabagabag ba sa’yo?’
‘Pinakulong ako ng pamilya ko at ng buddy ko sa mental. Nababaliw na raw ako. Bakit ba hindi sila maniwalang totoo ka?’ naiinis na sabi ni Nicole habang nakaupo sa isa sa bench at nakatunghay sa papalubog na araw.
‘Nicole..’ buong pusong sambit nito sa pangalan niya saka kinuha ang mga kamay niya. ‘I have something to say.’
Biglang tumulo ang mga luha niya.‘B-Bakit Warren?’
‘Magpakatatag ka. Hindi ba nangako ako sa iyong babalik ako? Gusto kong magpatuloy ka sa buhay mo. Hindi na kita gagambalain sa panaginip. Matatagalan bago ako bumalik sa katawang lupa. Pero gusto kong maalala mo ang mukha kong ito at kapag nakita mo na ako, iparamdam mo ulit sa’kin na minsan akong naging parte ng buhay mo.’
‘W-Warren, are you saying good bye?’ Garalgal na ang boses niya at halos pumiyok sa patuloy na paglabas ng mga luha.
‘Tandaan mong mahal na mahal kita. I know you’re tired and so am I. I can’t leave without you but I can’t leave and staying here with sadness in your face. Lalo na kapag alam kong mas nahihirapan ka sa kalagayan natin.’
‘No Warren! Please stay.’ Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Warren.
‘Nic, I love you more and more.’ Niyakap ni Warren si Nicole, mahigpit at puno ng pagmamahal. ‘Palagi kitang babantayan, basta hintayin mo lang ako, darating din ako.’
Puno ng luhang tila nagising sa malalim na pagkakatulog si Nicole. “Warren..” napahagulgol na siya ng iyak. “Ngayon kita mas kailangan.”
Parang gusto na rin tanggapin ng isip niya na baka nga naapektuhan na ang kanyang utak at hindi nga talaga totoo si Warren. Kaya lang nararamdaman niya sa kaibuturan ng puso niya ang pagmamahal nito na hindi pa rin ito nakaaalis sa lupa hanggat hindi siya maligaya.
“Warren..sorry. I was being selfish. Siguro gusto mo na nga talagang pumunta sa kabilang buhay. So I’m setting you free. Hahayaan na kita but I will never forget the way you love me, how much you love me as always. At pangako hihintayin ko ang pagbabalik mo.”
ANG Lola niyang si Adoracion ang kanina pa pala’y tumatawag sa phone niya. Naging abala si Edcel sa pagpapalaki muli ng katawan. Nais niyang ibalik ang dating katawan bago pa ang araw na naaksidente sila ng pamliya niya. Kung bakit kasi hindi sila nakinig noon sa lola niya, hindi sana mauuwi sa kamatayan ng kanyang mga magulang. Samantalang na-comatose naman siya ng dalawang buwan. Mabuti nga at mabilis rin siyang nagkamalay at himala raw na muli siyang nabuhay. Hindi rin niya alam pero sigurado siyang may taong nagligtas sa kanya at babalik siya para pasalamatan ito.
“Sorry Lola, ngayon ko lang nasagot,” paumanhin niya habang nagpupunas ng pawis sa katawan.
“I just want to make sure na hindi mo tinakasan ang bodyguard mo. And I just want to warn you na baka mabinat ka sa ginagawa mo. Tandaan mong kagagaling mo lang.”
Dinampot niya ang mineral water saka itinungga at muling nagsalita habang nakaipit ang phone sa pagitan ng tainga at balikat. “Lola, dalawang buwan na akong magaling at isang linggo pa nga lang akong nag-gi-gym eh,” reklamo niya sa matanda.
Hindi na nga siya nakatutol na magkaroon siya ng bodyguard pati ba naman ang kalayaan niyang gawin ang mga bagay na gusto niya, pipigilan nito. Lalo lang itong nagkaroon ng malaking karapatan sa kanya dahil wala na ang kanyang mga magulang at ito na ang hahalili sa kanila.
“Sige na. Hahayaan na kita basta mangako ka lang na babalik ka para i-handle ang Hospital. Alam mo naman sigurong matanda na ako at kinakailangan na rin ng Lola na magpahinga.’
“Lola, stop talking about that. Don’t worry, I will make sure na maha-handle ko ng maayos ang Hospital. Para saan pa ang halos walong taon kong pag-aaral ng medisina kung hindi ko magagawa ang part ko?”
“That’s what I like about you. You are the bravest and sweetest grandson I ever had.”
“Tama na muna ang bolahan mahal kong grandma. Isang oras na lang at matatapos na ako then we should eat together.”
“Okay. I will wait for you Azet.”
Ibinaba na rin ng matanda ang phone matapos makapagpaalam. Mabuti na rin at Azet lang ang pinangalan sa kanya ng ama at hindi siya naging junior. Hindi pa naman maganda sa pandinig niya ang Azeteo na pangalan ng kanyang ama.
“At kapag nakita kitang muli Ms.Vagabond, ipamumukha ko sa’yong hindi ako patpatin at kakainin mo ang mga sinabi mo. Hintayin mo lang ang pagbabalik ko. I will make sure the last laugh is mine.”
Edcel Azet Carvajal finishes his college in England, took a medicine degree and additional years to have his license. Sa UP Diliman siya unang nag-aral ng Medisina ngunit dahil sa kagustuhang mag-aral at maging mahusay, nakiusap siya sa Lola niya at sa Parents na sa England na lamang magtapos ng pag-aaral. Gusto niyang makasama muli ang mga magulang na nakabase ang trabaho sa England. Pareho silang mga doktor at iyon na nga ang benchmark ng Carvajal family. Angkanan nila ay halos mga doktor din.
Nasa loob na ng locker area si Edcel, hindi pa rin siya matahimik dahil sa kahihiyang ginawa ng babaeng iyon sa kanya. Samantalang halos magdadalawang buwan na ang nakalipas. Hindi niya ugaling gumanti sa mga taong nang-aapi o nangbu-bully sa kanya ngunit naniniwala siyang hindi makatwiran na hiyain siya ng ganoon at sa paborito pa niyang Restaurant. Kaya gagawin niyang lahat para mahanap ito at mabawi ang natapakan niyang ego.
Nang makauwi siya ng bahay, nakita niya ang kanyang Lola na may binili na namang painting. Worth million daw ang painting na iyon sabi sa kanya ng isa sa mga maids. Hindi na rin naman niya matutulan ang pagkahumaling ng kanyang lola sa mga painting. Lalo pa at dating painter ang nasirang asawa nito.
“Do you think that’s nice, Lola?”
“Oo naman.”
Hindi talaga niya maintindihan kung ano ang nakikita ng mga nahuhumaling sa paint arts at dahil abstract ito.
“Alam kong wala kang interes sa kahit anong art dahil wala naman iyon sa dugo mo. Pero ang abstract paint na ito na nabili ko sa isang kaibigan ay puno ng kalungkutan.”
Umupo si Edcel sa sofa at pinagmasdan ang painting na nakasabit sa tapat ng sofa. “Paano mo naman nalamang puno ‘yan ng kalungkutan?”
“Dahil ang ginamit niyang kulay ay dark. Madilim, ibig sabihin malungkot.”
Due to curiosity, Edcel stand and took a closer view on the paint. May initial siyang nabasa na NZL, maaring iyon ang gumawa ng painting.
“Lola, hindi mo naman balak punuin ng paintings itong bahay ‘di ba?” Humarap si Edcel sa Lola.
Mahinang tumawa ito sa tanong niya.
“Matanda na ako apo at iyan na lang ang tangi kong kaligayahan sa buhay ko. Kaya nga sana mag-asawa ka na, gusto ko ng magkaapo sa tuhod. Wala ka pang naipakikilala sa’king matinong babae. Ayaw ko ng puro flirt at tumanda kang binata. Gusto kong bago ako lumisan alam kong may mag-aalaga sa iyo.”
Lumapit siya sa matanda na nakaupo na. Hinalikan niya ang ulo nito. "Lola, hinding-hindi ka mawawala sa’kin.”
Tiningala siya ng matanda at matamis na nginitian siya. “Hindi natin hawak ang panahon. ‘Tena’t bilisan mo na kasing mag-asawa.”
Mabuti na lang at mabilis niyang naiwas ang paghampas nito ng tungkod sa binti niya. “Gusto ko magkaroon ng maraming apo. Mga walo o higit pa. Palagi na lang kasing unico. Tingnan mo ang iyong ama, mag-isa dahil late na akong nakapag-asawa kaya hindi na namin nasundan ni Emilio.”
“Hayaan mo Lola, bukas na bukas din mag-aasawa na ako,” saka pilyong humalakhak na sagot niya.
“Loko kang bata ka! Tumino ka nga! Hindi mo malalaman kung kailan darating ang pag-ibig. Ayaw ko namang pakialaman ang buhay mo at ako ang magreto sa iyo ng mapapa—“ Pinutol ng matanda ang sinasabi nang may maisip ito. “Tama. Sige, kapag hindi ka nakapag-provide ng apo sa akin, ipapa-fixed marriage kita.”
“No Lola, You’re kidding!”
“Abat ang batang ito! Ikaw lang ba pwedeng maging pilyo. I’m serious, mark my word here. Kapag wala kang maibigay sa aking apo sa taong mahal mo, fixed marriage ang gagawin ko. You should find it now, dahil sisimulan ko ng makahanap ng babaeng ipakakasal sa iyo.”
Hindi yata nakatulog si Edcel matapos nilang kumain, hindi lang dahil iniisip niyang ipakakasal siya ng matanda kung hindi dahil wala yata sa puso niya kung paano magmahal. He never had been into relationship before, maybe when he was college. His first love is his last and the other is more on flirting. At hindi na nga niya alam ngayon kung paano ang magmahal. Takot na kasi siyang pumasok sa isang relasyon na alam niyang may katapusan din. Akala kasi niya nang makilala niya si Macey ito na ang una at huling babaeng mamahalin niya. Ganoon ang paniniwala niya, gusto niya kung sino ang mamahalin niya ay iyon na rin ang huli. Sa lahat ng babaeng nakakasama niya, wala na siyang maramdamang emosyon o pagmamahal, just plain lust, leisure and enjoyment.
Wala sa hinagap niya ang magpakasal sa babaeng hindi niya mahal at hindi siya mahal. Ayaw niya ng ganoong set up. Kailangan pala niyang lumaban at sabayan ang kanyang Lola, hindi pwedeng magpatali siya sa kung sino mang irereto nito. Kailangan niyang unahan ito bago mahuli ang lahat.