Chapter 13

1874 Words
SA PALAWAN niya natagpuan si Nicole. May resthouse pala ang pamilya nito at doon tumutuloy. Natatanaw niya mula sa malayo ang mukha nito. Inililipad ang mahabang buhok nito habang nakikipagtawanan sa mga bata. Bumalik na rin ito sa pagpipinta, wala na nga ang bakas ng kalungkutan sa mukha nito. “Ate Nic.” “Oh bakit? Maayos itong sketch ko sa iyo. Gusto mo bang i-paint na lang kita?” “Ate Nic, how to be you po?” Bahagyang natawa ang dalaga sa sinabi ng batang lalaki. “Jake, gusto mo rin ba maging painter?” “Ako ate, gusto ko,” sagot ng isang bata. “Madali lang naman maging painter basta may dedikasyon kayo at ibibigay n'yo ang buong puso n'yo sa gusto n'yong gawin.” “Ang dali naman pala ate. Ate sana mabilis na akong lumaki, gusto ko ikaw ang mapangasawa ko—aray!” “Hoy Caloy! Huwag mo ngang niloloko itong si ate ganda. Ako okay lang kahit hindi ikaw, basta marunong ring mag-paint.” Napangiti si Edcel nang mapagmasdan ang tatlong batang nakapalibot kay Nicole at nakikipagtawanan. Nang iwan ng mga ito si Nicole, saka niya ito tinawag. “Nakikita nyo ba ang magandang dilag na iyon?” “Si ate ganda?” “Si ate Nicnic iyon.” “Gusto ko lapitan nyo siya at iabot itong red rose. Sabihin nyo galing kay Edcel.” Inabutan niya ng tig da-dalawang daang piso ang mga bata para mapasunod sa gusto niya. Mabilis namang nagawa nito ang sinabi niya. “Is it too late to say sorry?” iyon ang nakasulat sa maliit na papel na nakabalot sa isang pirasong pulang rosas. “Kanino ito galing?” tanong ni Nicole sa mga bata. “Kay.. ano nga ba pangalan ‘non?” “Eggcell? Edse—“ “Edsel, Caloy. Kahit kailan bulol ka.” Itinuro ng mga bata kay Nicole ang gawi niya. Dahan-dahan siyang naglakad para lapitan ito. “Pwede bang ibigay ko na rin sa’yo ang puso ko?” tanong ni Edcel. Naghiyawan ang mga bata at sabay-sabay nagsabing ‘Eeehh..’ saka nangantiyaw. “Maraming salamat mga bata. Bukas na lang uli tayo magkwentuhan. Tuturuan ko na kayong mag-paint.” Biglang nakaramdam ng inis si Edcel nang makitang humalik ang mga bata sa pisngi ni Nicole. Tumayo si Nicole at hindi pinansin ang presensiya niya, nilagpasan siya nito at hindi man lang nilingon. Hinabol niya si Nicole, hinila niya ang braso nito. Napahinto rin ito nang magtapat na sila. “Anong kailangan mo pa sa akin Mister Carvajal?” “Ang puso mo Nicole. I want you back.” Nang-aasar na tumawa ito. “Wow! Anong akala mo sa akin, hindi nasaktan? I’ve done enough. Nakalimutan na kita.” Muli itong naglakad at nilampasan na naman siya. Humabol siya ng lakad. “Pero hindi pa kita nalilimutan.” “Hindi ko na problema iyon.” Nagpara ito ng tricycle at iniwan siya. Kung kailan nakita na niya ito ngayon pa ba siya susuko? Ngayon pa ba niya ito pakakawalang muli? Nagpara din siya ng tricycle para sundan ito. Kahit ano pang pagmamatigas nito, ano man ang iharang nito, hindi siya matitinag. Hinding-hindi na siya susuko. Ngayon pa, na alam na niya at kalkulado na niya ang tunay na nararamdaman para sa dalaga. Nakapasok na ito sa loob ng bahay na tinutuluyan nito. Pinindot niya ang doorbell ngunit mapupudpod na lang yata ang daliri niya ay hindi pa rin siya nito pinagbubuksan. Naisip niyang maghintay na lang sa labas hanggang lumabas ito o baka sakaling makonsensiya ito at labasin siya.. Ngunit umabot na ng gabi, hindi pa rin ito lumalabas. Tiyak niyang galit na galit nga ito sa kanya. Lumipas na ang buong magdamag at hindi pa rin ito lumalabas. Nilamok na siya at nilamig, nakakaramdam na rin siya ng gutom pero hindi niya inalintana. He deserves what he feels. Malaki ang kasalanan niya kay Nicole at higit pa sa dinadanas niya ang nararamdaman nito. Nakaupo lang siya sa sementong kalsada at hinihintay pa rin ito. Baka kasi pag umalis siya, lumabas na ito at hindi na naman sila magpang-abot. Gusto na niya itong makausap at magtapat dito. Ngunit tila pinahihirapan talaga siya nito. Nagpasya na lang siyang tumayo, naisip na lang niyang maghanap ng pwedeng tirahan malapit sa resthouse nito. Sinuwerte naman siyang nakatagpo ng bahay, ilang bahay ang layo mula sa resthouse ni Nicole, mas gusto sana niyang katabi lang ng bahay nito. Pero wala namang katabing bahay ang resthouse nito. Kailangan pa niyang maglakad ng malayo. Kinuha niya ang mga gamit mula sa hotel kung saan siya nag-check-in at lumipat sa bahay na inokupado niya. Mula sa pasilyo ng two-storey house, tanaw niya ang resthouse ni Nicole. Bitbit ang telescope, kitang-kita niya ang kabuuhan ng kwarto nito mula sa glass window. Nakaupo ang dalaga sa kama at may kausap sa phone, panay pa ang tawa nito. Masaya na nga yata ito sa buhay niya ngayon. Kung masaya si Nicole, bakit siya ay kabaliktaran ang nararamdaman? Pakiramdam niya kulang ang buhay niya. MAONG PANTS at polo shirt ang suot ni Edcel nang muli siyang pumunta sa bahay ni Nicole. Nag-door bell siya, nakangiting bumati siya sa isang may katandaang babae. Nadismaya pa nga siya na hindi si Nicole ang nagbukas ng pinto. “Good morning po, nandiyan po ba si Nicole? Nicole Laurence?” “Naku, nagkakamali ka hijo, walang ganoong pangalan ang nakatira dito.” Napakamot ng ulo si Edcel, imposible namang namalik-mata siya nang makita niyang doon pumasok si Nicole. “Sigurado po akong dito pumasok ‘nong nakaraan si Nicole.” “Sorry hijo, sa tagal ko ng caretaker nitong bahay, ako lang at ang asawa kong si Teban ang nakatira dito.” “Ganoon ho, sige salamat na lang po,” malungkot na paalam niya sa matanda. Dismayadong bumalik siya ng bahay. Tiyak niyang tinatago siya ng caretaker at ayaw rin siya makausap ni Nicole. Muli siyang lumabas kinahapunan, pinuntahan niya ang dating pinagkakitaan niya sa dalaga, ngunit wala ng Nicole siyang natagpuan. Bagsak ang balikat na bumalik siya sa harapan ng resthouse ni Nicole. Doon na lamang niya aabangan ang pagdating ni Nicole. Gusto nang makalimutang lahat ni Nicole ang masasakit na nangyari sa kanya. Kaya inisip niyang pumunta ng Salon, pinaayos niya ang dating straight hair. Pinaputulan niya nang maiksi ang buhok saka pinakulot at pinakulayan ng copper red. Kung dati ay puro pantalon o pants ang karamihang suot niya. Nag-shopping siya ng mga dresses, skirts at palda-shorts na pwede niyang masuot. She really wants to change her image. Because she wasn’t the weak Nicole, from now on she needs to be strong. Naka-rubber shoes at skirt siya nang madaanan siya ni Miko. “Hey, Miko!” Nagulat ang lalaki, kunot-noong binalingan siya nito. Ibinaba nito ang bintana ng sasakyan. “Nicoleen Laurence,” sabi niya rito na tila hindi siya nito makilala. “God! Nicoleen, ikaw na ba ‘yan?” Mabuti at nakilala pa siya ni Miko. Si Miko ay anak ng ninong niya na nakatira na ngayon dito sa Palawan. Pinagbuksan siya nito ng pinto, mabilis naman niyang inilagay ang mga shopping bags saka umikot para sumakay sa passenger seat. “You look beautiful. Kailan ka pa dumating?” “Isang linggo na siguro ako rito sa Palawan. Ikaw kumusta? May asawa ka na?” “Talagang wala ka ng balita sa akin ano?” Tipid siyang ngumiti. Hindi na kasi ako nagagawi kay Ninong eh. Kumusta naman pala si Ninong?” “Okay naman sila ni Mommy. Ikaw, akala ko nag-asawa ka na rin?” “Oo sana, but sad to say he died due to brain cancer.” “Sorry to hear that and sorry for your lost.” “Never mind. Matagal na rin iyon. By the way, may asawa ka na nga?” “Oo, ang tagal mo kasi akong sagutin eh.” Saka pa ito kumindat sa kanya. “Loko-loko!” Nagtawanan sila sa buong biyahe. Bukas din siguro ay dadalaw siya sa kanyang Ninong na nakatira sa kabilang nayon. Nasa labas lang nang buong sandali si Edcel. Napatayo siya nang may humintong kotse sa tapat ng bahay ni Nicole. Biglang nag-init ang pisngi niya nang marinig niyang nagtatawanan pa ito at nang bumaba si Nicole pati ang lalaki. Halos hindi na niya mamukhaan si Nicole, lalo itong gumanda at pakiramdam niya sumeksi din ito. Hindi naman kasi ito palaayos nang makilala niya ito. Sapat na naka-maong pants at shirt ito. Pero ngayon tila ibang Nicole na ang nakikita niya. Pero kahit ano pa yatang ayos ang gawin nito, tiyak makikilala ng puso niya ito. “Pasok ka muna sa loob, Miko,” alok ni Nicole hanggang natapos mailabas ang mga pinamili. “Nag-abala ka pa Nicoleen, uuwi na rin ako.” “Salamat sa paghatid ah.” Lalong nag-init sa kinatatayuan si Edcel when Nicole initiate a peak on his cheek. Hindi na nakapagpigil na hindi lumapit si Edcel sa dalawa. Hinila niya ang braso ng tinawag na Miko at sinuntok sa panga. “Oh my God Miko!” hiyaw ni Nicole. “Ano bang problema mo?” tanong ni Miko habang hawak ang nasaktang panga. Dinaluhan ni Nicole si Miko at inalalayang tumayo. Agad hinila ni Edcel ang braso ni Nicole palayo sa tinawag na Miko. “Don’t touch my girlfriend. She’s mine,” nagbabantang sabi niya kay Miko. Natinag naman si Miko nang makitang nanlilisik ang mga mata nito. Nahintatakutang tumayo ito at agad sumakay sa sariling kotse at paharurot na pinaandar iyon palayo sa kanila. “Bitiwan mo nga ako!” Hinila ni Nicole ang kamay at isang sampal ang pinadapo nito sa pisngi niya na hindi niya nagawang ilagan. “Sampalin mo ako kung gusto mo, hanggang magsawa ka. Pero hindi kita hahayaang mawala muli.” Hindi na nakatiis pa si Edcel, niyakap niya si Nicole. Nagpupumiglas man ito, hindi niya hinayaang makawala ito sa bisig niya. “I’m so sorry. I’m sorry for what I did. Sana mapatawad mo pa ako. Hindi ko na kaya, Nicole. I think I’m going to die because I hurt you.” “Ayaw mo na akong makita ‘di ba? At ayaw na rin kitang makita, so quits lang. Ano pang ginagawa mo dito? Wala ka ng babalikan Mister Carvajal.” “Please Nicole, hindi ko na kaya ang ginagawa mong pagtatago at pag-iwas sa akin. I felt like I’m going to explode.” Humiwalay na siya ng yakap sa dalaga. “At nang makita kitang kasama ang lalaking iyon, pakiramdam ko pinapatay mo ako. Sana nga pinatay mo na lang ako.” “Ba’t ka pa kasi bumalik? Wala ka ng babalikan. Patay na rin ang hinahanap mong Nicole. Kasama na siya ni Warren.” Pinagkatitigan niya ang mga mata nito. Puno ng galit, ngunit wala siyang mabasang lungkot o awa man lang dito. Sagad nga yata sa buto ang galit nito sa kanya. Ni hindi man lang nito nagawang umiyak, kung sa bagay, hindi naman siya karapatdapat iyakan. “I don’t want you here. I don’t want your presence and I don’t want even your existence. Go back where you belong because Nicole Laurence is already died. And you killed her.” “Naiintindihan ko naman. Alam kong sagad hanggang buto ang galit mo sa’kin.” Kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa tapat ng dibdib niya. “Pakinggan mo ‘yan. That’s what my heart says. Ikaw ang sinisigaw.” Napapasong mabilis na hinila ni Nicole ang kamay niya saka tumalikod. “I’m so sorry Nicole. Alam kong naging tanga ako, naging gago at hindi kita pihalagahan, pero sana mapatawad mo pa ako. Sana hindi pa huli ang lahat.” Mabilis na dinampot ni Nicole ang mga shopping bags at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay na hindi na siya nililingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD