Chapter 14

1743 Words
KANINA pa may tumatawag sa phone ni Nicole pero hindi niya ito pinapansin, hindi na siya nagtaka kung paanong nakuha nito ang numero niya. Alam naman niyang maawain talaga si Manang Ising at baka nga tinakot pa ni Edcel ang matanda para paaminin ito. “Pasensiya ka na talaga, Nicole,” hinging dispensa ng matanda. “Hayaan mo na Manang, magsasawa din ‘yan. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. He deserves to suffer. Basta huwag na huwag mo siyang papapasukin ha, kahit ano pong mangyari.” Tanaw ni Nicole mula sa bintana si Edcel, naroon ito at nakabantay sa labas. ‘Hmp! Manigas ka diyan!’ sigaw ng utak niya. Hanggang sa bigla na lang kumulog at kumidlat, kasabay ang malakas na ulan. Kitang-kita niyang basang-basa ito ng ulan. Pero tiniis pa rin niya ito. Napagod na nga yata ito at naglakad na palayo sa harapan ng bahay nila. Inaasahan na niyang mapapagod din ito at hihinto. Ayaw niyang maawa kay Edcel, tapos na siya sa kabanatang iyon. Ano man ang nararamdaman nito, wala na siyang pakialam. Matagal na niyang pinutol ang ano mang ugnayan nilang dalawa. Bumaba siya ng salas at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Hindi yata siya makatulog dahil binubulabog na naman ni Edcel ang isipan niya. Kung kailan naka-move on na siya saka na naman ito babalik para guluhin siya. Biglang namatay ang ilaw, marahil ay sa pag-ulan. “Manang Ising, brown out! Pabuksan n'yo na kay Mang Teban ang generator—“ sigaw niya habang naglalakad paakyat sana ng hagdan nang biglang bumukas ang ilaw. Nanlalaki ang mga matang nakita niya si Manang Ising na may busal sa bibig at nakatali ang mga kamay sa likuran nito. “Manang, anong nangyaya—“ Bigla na lamang may lalaking humawak sa kanya at hinila siya. Mabilis siyang naging alerto. Sa una’y nagpasunod siya sa lalaki at nang akala ng lalaki ay sumusunod na siya. Inuntog niya ang sariling ulo sa mukha nito. Hinila ang braso nito at pinilipit. Sinipa niya ang pagitan ng hita nito. Namimilipit na napaupo ito sa sahig. Para tuluyan itong mawalan ng malay, pinalo niya ang bandang batok nito at nawalan na nga ito ng malay. Dahil siguro sa pagsigaw ng lalaki, narinig ng dalawa pa nitong kasama ang nangyayari. Sabay na tumungo ang dalawang lalaki sa kinaroroonan niya. Naka-bonnet ang mga ito at tanging mga mata lang ang nakikita niya. Nakasuot ng itim na damit at nakatutok pareho ang mga baril na hawak nang mga ito sa kanya. “Miss, hanggang diyan ka na lang!” Napataas ng kamay si Nicole, mahihirapan siyang ilagan ang nakatutok na dalawang baril sa kanya. Nakaramdam man ng kaba, sinubukan pa rin niyang mag-isip kung paano niya magagawang sipain ang mga ito. Naalarma ang dalawa sa narinig na ingay ng nabasag na salamin na nanggagaling sa loob ng kwarto niya. Marahil ay hindi lang tatlo ang mga lalaking pumasok sa bahay nila. Nakaisip agad siya ng paraan para makawala sa dalawa. Nag-slide siya paupo at sinipa ang dalawang paa ng mga ito. Sa ginawa niyang iyon ay nakalabit ng isa sa mga ito ang gatilyo ng baril. Saktong may natamaan. Agad sinipa ni Nicole ang baril at sinipa ang ulo ng isa. Ang isa naman ay nakatayo at papuputukan pa sana siya ng baril nang may humarang dito. Naging abala siya sa isang lalaki kaya hindi niya napansin kung sino ang lalaking pumasok at tila tumulong sa kanya. Nakipagbuno ang lalaki hanggang sa nawalan na rin ng malay ang ito dahil sa natamong suntok. Agad nilapitan ni Nicole si Manang Ising, kinalasan at binilinang tumawag ng pulis. Kumuha siya ng panali at mahigpit na itinali ang mga lalaking walang malay. Tumulong rin ang isa pang lalaki na mabilis niyang nakilala, nang mapansin niyang may tumutulong dugo agad niya iyong sinundan kung saan nagmumula. Ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita niyang duguan ang damit ni Edcel at mukhang may tama nga ito. “M-May tama ka.” “Okay lang, malayo sa bituka. Okay ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong nito sa kanya. “Dapat kasi hindi ka na nagpunta dito. Kaya ko naman ang sarili—“ hindi na siya nakapagsalita nang mahigpit siyang yakapin ni Edcel. “F*ck! Kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala nang makita kong may nakatutok na baril sa ’yo. Huminto yata ang t***k ng puso ko.” Humiwalay siya ng yakap kay Edcel. “Paano kung napahamak ka?” “As I said, I’m fine. Tingnan mo, ikaw tuloy ang nabaril—Edcel! Edcel!” Bigla itong nawalan ng malay. Inalalayan niya ang ulo nito at dahan-dahang inihiga sa kandungan. “s**t Edcel, huwag ka munang mamamatay! Sabi mo malayo sa bituka, dumilat ka na.” Dumating rin ang mga pulis at dinampot ang tatlong lalaking umakyat sa bahay nila para magnakaw. May ambulansya na ring dumating. Agad na isinakay sa sketcher ang walang malay na si Edcel. Hindi na siya nagpaiwan, sumama na rin siya patungong hospital. Mahigpit siyang nakahawak sa kamay nito. NAKAUPO lang sa labas ng Hospital si Nicole. Ang sabi ni Edcel ay malayo sa bituka pero bakit puno ng dugo at tila ang tagal ng mga doktor na lumabas ng operating room. Kinakailangan daw kasing tanggalin ang balang pumasok sa katawan nito. Naupo si Manang Ising sa tabi niya. “Manang anong gagawin ko? Paano po kapag napahamak si Edcel?” “Bakit mo pa kasi siya tinitiis? Mahal mo siya hindi ba? Sabihin mo sa kanyang mahal mo siya. Huwag ka ng magmatigas. Kung ipagpapatuloy mo iyang ginagawa mo, paano kung mahuli ang lahat?” Napayakap siya sa matanda at napaiyak. “Ayaw kong mawala siya. Mahal ko po siya, mahal na mahal.” “Sabihin mo na sa kanya habang maaga.” Lumabas na rin ang doktor at sinabing naging matagumpay ang pag-alis ng balang tumama sa balikat nito. Idineklarang ligtas na ang pasyente. Nagpapasalamat naman sa Diyos si Nicole at ligtas na si Edcel. Hindi yata niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama rito. Nang payagan siyang pumasok ng doktor, tumalima siyang umupo sa gilid ng tulog na si Edcel. Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi saka nagpatuloy ang mga luha niya. “I’m sorry. Alam kong kasalanan ko rin kung bakit nangyari ito sa iyo. I was being coward and I’m taken a back what I said. I need you, Edcel. Naririnig mo ba ako? Kailangan pa kita. Nawala na sa akin si Warren, pati ba naman ikaw? Ayaw kong isiping malas talaga ako sa love life dahil laging nawawala sa tabi ko ang lalaking mahal ko.” Napayukyok siya sa kama at patuloy na umiyak. “Mahal din kita at hindi na ako mawawala sa tabi mo.” Napaangat siya ng ulo nang marinig ang masuyo at mahinang boses nito. “E-Edcel, nagkamalay ka na?” “Oo. Okay na ako. Huwag ka nang mag-alala sa akin.” Hindi pa rin niya mapigilang hindi mainis kaya hinampas niya ang dibdib nito. “Nakakainis ka! Sabi mo malayo sa bituka, iyon pala kailangan ng operahan. Bakit kasi nangialam ka pa?” Pinigilan nito ang kamay niya, iniangat at hinalikan. “Because I don’t know what to do if something happens to you. I won’t only get insane but I’d rather die than lose you.” Tila biglang natauhan si Nicole sa mga sinabi ni Edcel. “T-totoo ba iyong sinabi mo, mahal mo ako?” “Sa tingin mo hahanapin ba kita kung hindi. Ibubuwis ko ba ang buhay ko kung hindi kita mahal. Itatakwil daw ako ni Lola kapag hindi kita nadala pabalik ng Baguio. Pero, hindi bale ng itakwil niya ako basta kasama pa rin kita. I want you to promise me na hindi ka mawawala sa akin.” “I don’t want to promise it, dahil ayaw kong ikaw naman ang mawala sa akin.” Bahagyang iniabot nito ang ulo niya at hinalikan siya sa bumbunan, tinanggap naman iyon ni Nicole saka napangiti. “May aaminin pa nga pala ako sa iyo.” “Ano iyon?” “Noong mga sandaling na-comatose ako, Warren help me seeking my body. Nakabalik ako sa katawang lupa dahil sa tulong niya. At bilang kapalit, nangako akong hahanapin ka. Gusto niyang alagaan kita at pinasasabi niyang kalimutan mo na siya. I’m sorry, it was too late for me to recover my memory. Nagpaalam siya sa akin na hihiramin ang imahe ko para madali tayong magkita. But look what I did, I hurt you a lot.” Bahagyang umiling si Nicole. “Shhh.. past is past. Don’t worry, nakalimutan ko na si Warren, isa na lamang siyang masayang nakaraan. You are my present.” “And my future,” dagdag pa nito. May dinukot ito sa gilid ng kama at saka ipinakita sa kanya. “Nicoleen Zane Laurence, will you accept the stubborn and egoistic Edcel Azet Carvajal as your husband, a buddy and a partner forever? Will you marry me?” Muli na namang pumatak ang luha ni Nicole. “Yes, Edcel. I will marry a stubborn and Egoistic person like no other than Edcel Azet Carvajal.” Yumuko si Nicole para tugunin ang halik ni Edcel. Love is long lasting it never last until they haven’t found each other. Iyan ang nalaman ni Nicole. Nawala man sa kanya si Warren pero mas malaki naman ang bumalik. Naging pangit man ang una nilang pagkikita at naging masalimuot, ramdam na ramdam naman nila ang pangangailangan sa bawat-isa. Malaki ang pasasalamat ni Edcel kay Warren, nabuhay siyang muli para makilala si Nicole at mahalin ito ng lubusan. Maybe Warren became an instrument to meet each other’s heart that full of discourage and failure to try and love again. Dalawang linggo pa ang hinintay nila bago tuluyang makalabas ng Hospital si Edcel. Isang buwan ang kabuuan bago sila bumalik ng Baguio. Nangako si Edcel sa sariling Lola na ibabalik niya si Nicole na nakatali na sa kanya. Halos hampasin ng baston ng matanda ang nakaupong si Edcel. “Ikaw talagang bata ka! Mabuti at natauhan ka, akala ko’y hindi mo na maibabalik dito ang apo kong si Nicole.” “Grabe ka Lola, nawala lang ako, pinalitan mo na agad ako.” “Hindi hamak na mang mas matinong apo itong si Nicole kaysa sa iyo.” “So, paano ba ‘yan Lola? Talo ka na, wala ka ng pwedeng ireto pa sa akin.” Lalong gusto siyang hampasin ng matanda. “Aba’t huwag mo sabihing maghahanap ka pa ng isa?” Lumipat ng upuan si Edcel at halos ipananggalang si Nicole na katabi nito. “Lola, kahit kailan sadista. Kagagaling ko lang, mananakit agad.” Umayos ng upo ang matanda. “Bueno, pag-usapan na natin ang ipinuntan n'yo rito. Kailan na ba natin paghahandaan ang kasal?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD