Chapter 12

1768 Words
HINDI dapat nagi-guilty si Edcel sa nangyari, kasalanan naman talaga iyon ni Nicole dahil umasa itong binuhay niya ang namayapa nitong Fiancé. Kalokohan ang sinasabi nitong reincarnation. Kahit sa Science class nila o sa Medicine class, walang reincarnation—in short false humor. Marahil nga masyado lang itong nabulag sa pagmamahal kay Warren pero mali pa rin ang ginawa niya. Nagdadalawang isip na tuloy siya kung susundan niya ito sa Manila para kausapin. He hurt her so much. Alam na nga niyang may pinagdadaanan ito pero sinamantala pa niya.Tama ang kanyang Lola, kahit kailan ay walang nagturo sa kanya para gumanti o manggipit ng ibang tao. Nang umagang iyon ay binuo niya ang pasyang puntahan si Nicole para makausap ng personal. Nagpaalam siya sa kanyang Lola na tutungo siya ng Manila. Hindi niya dapat sinaktan ng ganoon si Nicole. Napakasama niya, naging sakim siya at wala siyang inisip kung hindi makabawi sa kahihiyang nangyari sa kanya noon. Bahay ng mga Laurence ang una niyang pinuntahan nagbabakasakaling makikita niya roon si Nicole. Malugod naman siyang pinapasok ng Ama nito. “Alam kong may problema kayo ng anak ko. Ano ba ang nangyari?” “Mayroon lang po kaming kaunting hindi napagkaintindihan.” “Can you go to the Library? I will privately talk to you.” Kinakabahang napatango si Edcel sa sinabi ng ama ni Nicole. “I’m not sure kung magaling na talaga si Nicole because she was charged in the Mental Hospital before for Post-traumatic stress disorder or PTSD dahil iniisip niyang buhay si Warren.” Simula ng ama nito. Nanatili lang siyang tahimik na nakikinig dito. Muli itong bumwelo saka nagpatuloy. “She was hallucinating na buhay ito at nagkikita sila sa panaginip. Well infact, hindi naman talaga malabong mangyari na magkausap sila sa panaginip. But what she said that Warren was reincarnated on someone’s body make us fear. Doon na-diagnose na may problema sa pag-iisip ang anak ko. After one month, and doktor na tumitingin sa kanya declares that the patient is need to discharged because she was cured. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Nicole para gumaling siya ng ganoon kabilis, hanggang ito nga pinakilala ka niya sa amin at sinasabi niyang na-reincarnate sa katawan mo si Warren which is a false hope,” patuloy nito. “Imposibleng mangyari iyon. Hanggang sa umuwi siya ng bahay mula sa Baguio at himalang hindi na niya binabanggit si Warren o maski ikaw. Doon lang namin na-realized na magaling na siya.” Umayos ito ng upo saka muling nagsalita. “Hindi ko alam kung dapat ba kitang pasalamatan dahil bumalik na sa tamang pag-iisip ang anak namin. Tanggap na niyang patay na si Warren. But we were so worried, matamlay siya. Even if she’s faking her smile and happiness we knew there is something bothering. Hindi man niya sabihin alam naming may problema siya.” “Sir, kaya po talaga ako pumunta rito para humingi ng tawad sa kanya. Pinamukha ko kasing hindi talaga ako si Warren kaya lang ay nauwi sa pagtatalo. Gusto ko ho sana siyang makausap.” “Mr. Carvajal, wala rito ang anak naming si Nicole. You can find her on her Gallery.” “Don’t worry sir, kakausapin ko siya ng maayos.” Tumango lang ang ama nito at hinayaan na siyang umalis. Hindi nagsayang ng sandali si Edcel, pinuntahan niya ang Gallery na sinasabi nito. Bukas iyon at may nakabantay na guardiya. Pinapasok naman siya sa loob nang magdahilan siyang titingin ng exhibit. Sa kahabaan ng pasilyo, tila natutok ang mga mata niya sa painting na naka-display. Hindi niya alam na painter pala ito. Nakita niya ang initials na NZL doon na niya napagtantong pareho iyon sa initials ng painting ng kanyang Lola. At si Nicole pala ang nagpinta niyon. Sa tagal nilang magkasama wala man lang siyang nalamang mga bagay tungkol kay Nicole, madalas din kasing bukambibig nito si Warren. Hindi nakaligtas ng kanyang pansin ang nag-iisang painting ng lalaki. “That’s me! Bakit ako may painting dito?” Tinitigan pa niya iyong maigi. May nakalagay na initials nito at may date sa ibaba. Ang date na iyon ay hindi pa sila nagtatagpo ni Nicole. Hindi niya malaman kung paanong nagkaroon siya ng painting gayong hindi pa naman sila nagtatagpo. May nabuo siyang konklusyon. Tama nga ito, mayroon siyang painting nito at marahil nga ay totoong nagtapo na sila, sa panaginip. Pero paanong magtatagpo sila kung hindi naman sila magkakilala? Bigla siyang nahilo na tila may alaalang bumalik sa isipan niya. Kamuntik siyang natumba kaya napaupo na lang siya sa sahig. Biglang sumakit ang kanyang ulo na tila may mga bagay na nagpupumilit bumalik sa kanyang isipan. “S-sino ang lalaking iyon? Bakit ko siya kausap?” Napapikit na siya sa sobrang sakit ng ulo niya. ‘Hindi ako makabalik sa katawang lupa ko. Gusto ko ng bumalik pero hindi ko alam kung paano.’ ‘Tutulungan kita. I’m Warren. Pero may hihingiin akong kapalit.’ ‘Sure. Ano ba iyon?’ ‘Tutulungan kitang makabalik sa katawang lupa mo, basta mangako ka sa ‘king hahanapin mo si Nicole. She’s my fiancée at nangako ako sa kanya na babalik ako. But I failed. I will use your image para matagpuan ka niya.’ ‘Teka, bakit ko siya hahanapin?’ ‘Please.. I want you to take care of her at sabihin mo na rin sa kanya na kailangan na niya akong kalimutan. Makakaasa ba akong gagawin mo iyon?’ ‘Oo, pangako.’ Napadilat siya sa mga nalaman niya at sa alaalang bumalik sa kanya. “He was him. He’s Warren that help me find my body during my comatose days.” Agad niyang inilang hakbang ang pasilyo at sinisigaw ang pangalan ni Nicole, ngunit walang Nicole na lumabas. Hanggang pasukin na siya ng guardiya at ilabas siya sa Gallery. “Please. I need to find her.” Ngunit sadyang mailap na hindi ito nagpapakita sa kanya o ang malala ay ayaw talaga nitong magpakita sa kanya. Bar ang huli niyang destinasyon ng araw ding iyon. Bakit ba ang tagal bumalik ng alaalang iyon sa kanya? Nasaktan pa niya ang dalaga sa ginawa niyang kagaguhan. Ang tanga-tanga niya, masyado siyang nadala sa pagnanasa at init ng katawan. Hindi niya pinahalagahan ang babaeng binilin sa kanya ng taong tumulong para makabalik siya sa katawang lupa, Kung hindi kay Warren, wala sana siya ngayon sa kinalalagyan niya. Muling tinungga ni Edcel ang bote ng alak na inorder niya. Nakaupo siya sa harapan ng Bar counter, naglalasing. Gusto niyang malimutan ang lahat ng mga bagay na ginawa niya. “Warren, patawad. I hurt her. I’m sorry Nicole, napakagago ko para saktan kita ng ganito.” Hindi niya alam na napakalaki pala ng utang na loob niya sa namatay na nobyo nito at isa na nga lang ang hiniling nito para kay Nicole hindi pa niya nagawa. Dapat pa nga sana siyang magpasalamat dahil mabilis niyang natagpuan ang dalaga ngunit sinayang lang niya ang pagkakataong iyon. Sinayang niya ang sandaling dapat ay masaya silang magkasama at napasaya niya si Nicole. He wasted everything and all he did is hurt her more than Warren did. TINAWAGAN niya ang kanyang lola kahit pa lasing na lasing siya. “Ano bang pinaggagagawa mong bata ka!” “Lola, itatanong ko lang sana kung gaano ako katagal na-comatose?” “Higit dalawang buwan. Sabi ng mga doktor himalang nabuhay ka pa. Aalisin na nga dapat nila ang life support mo hanggang bigla kang nagkamalay.” “Lola, ang laki ng kasalanan ko kay Nicole,” parang batang sumbong niya rito. “Sinasabi ko na nga bang bata ka!” “I hurt her. That time, my spirit was wandering finding my body kaya ako comatose. Until I met Warren, Nicole’s fiancé. Siya ang tumulong sa akin para makabalik ako sa katawang lupa. Kapalit ay ibinilin niya sa akin si Nicole at ginamit niya ang imahe ko para magtagpo kaming dalawa ni Nicole.” “Susmaryosep! Ano ang ginawa mo?” “Lola, sinaktan ko si Nicole. Sinaktan ko ang babaeng dahilan kaya ako nabuhay. Malaki ang kasalanan ko sa kanya.” “Ano pa ang hinihintay mo! Hanapin mo siya. Hindi ka uuwi dito hanggat hindi mo siya natatagpuan. Handa kitang itakwil para sa batang iyon.” Pinatay na ni Edcel ang phone at tumayo. Sakay ng Taxi nagpahatid siya sa bahay ng mga Laurence. “Nicole Laurence! Alam kong nandiyan ka at pinagtataguan mo ako. Lumabas ka diyan! Mag-usap tayo!” pagewang-gewang na sigaw niya. Dahil sa ingay ng mga aso at nambabato na rin siya ng gate. Napipilitang nilabas siya ni Nathaniel, ang kuya ni Nicole. “Ang lakas naman ng loob mong sumugod dito at nakainom pa!” “Kuya please.. gusto kong makausap si Nicole. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Palabasin nyo siya. 'Wag n'yo siyang itago.” “Wala kaming tinatago rito. Wala talaga rito si Nicole. At pwede ba huwag na huwag ka ng bumalik rito. Kinalimutan na ni Nicole ang lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa kanya ng lahat ng sakit. Pabayaan mo na ang kapatid ko.” Pagkasabi ay padabog na isinara nito ang gate. Napaupo sa kalsada si Edcel. Huli na ba ang lahat para bumawi siya? Huli na ba para humingi siya ng tawad. Wala naman silang bahay sa Manila kaya nag-check in siya sa isang Hotel. Hindi siya bumalik ng Baguio, wala siyang lakas para humarap sa kanyang lola at tiyak ikahihiya lang siya ng matanda. Siya na nga yata ang nabaliw sa pag-iwas at pagtatago ni Nicole sa kanya. Sinayang niya ang buhay sa alak. Kung may babae man siyang nakikilala, bakit mukha ni Nicole ang nakikita niya? Hindi niya malaman kung dahil guilty siya sa p*******t ng damdamin nito o may iba pa siyang nararamdaman. Wala yatang gabi na hindi siya umiinom, puro si Nicole ang laman ng isip niya. Parang sira ulong nagpa-flash back ang lahat ng bagay na nakasama niya si Nicole. Doon lang niya naisip na hindi niya pinahalagahan si Nicole nang mga sandaling magkasama sila. Wala siyang ginawa kung hindi paglaruan ito at ang damdamin nito. Sapat na nga sigurong maparusahan siya sa nagawa niyang kasalanan. Dapat ay masaktan din siya ng husto kagaya ng ginawa niya kay Nicole. Wala pa siyang ligo at lango na naman siya sa alak nang tumawag ang kanyang lola. “Hello.” Halata sa boses niya ang pagiging tipsy. “Alam ko na kung nasaan si Nicole. Ipapasa ko sa’yo ang address. Puntahan mo na siya bago pa mahuli ang lahat.” Nagliwanag ang mga mata niya sa sinabi ng kanyang Lola. Talagang botong-boto nga rito ang matanda. Ito pa mismo ang umupa ng detective para mahanap ang dalaga. Ayaw na niyang masayang ang lahat. Babawi siya, babawiin niyang muli si Nicole at ngayon ay tinitiyak niyang hindi na niya ito sasaktan at tutuparin na niya ang binitiwan niyang pangako kay Warren, ang alagaan si Nicole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD