Chapter 11

2063 Words
Warning: Some SPG content! NAKABALIK na nang Mansion si Edcel nangusisain siya ng Lola niya tungkol kay Nicole. “I like her.” Huminto sa pag-inom ng kape si Edcel saka tiningnan ang kanyang Lola. “Like her who?” “I like Nicole for you.” Maang siyang ngumisi.“I’m not serious to her. We’re just playing games.” “Hindi ko naman nakikitang flirt si Nicole.” “Lola, ganito kasi iyon. Nicole thought that her boyfriend was reincarnated in my body which is not true. Hindi ako ang Warren na fiancé niya.” “Bakit mo naman siya pinatulan?” “Isa pa may atraso siya sa akin. And she’s playing a game at alangang hayaan ko lang siyang maglaro, sinamahan ko na siya at sabay na kaming naglaro. Iyon nga lang medyo napaso siya—Aray Lola!” Hindi niya nasalag ang ibinato nitong tinidor at tumama iyon sa braso niya. “Iyang bibig mo Azet! Tandaan mo lang hijo, mabilis ang balik ng karma. Hindi ka namin tinuruang gumanti kapag may nang-aapi sa iyo.” “Lola, relax. Hindi naman ako gumaganti sa kanya. It was her idea, kagustuhan naman niya iyon. Lalaki lang ako, alangang hindi ko tanggapin ang nakahaing grasya.” Napangiti ang matanda sa sinabi niya.“Kailan ang kasal?” Biglang nasamid sa sinabing iyon si Edcel. “Lola, wala pa sa isip ko iyan.” Sa inis ng matanda, kutsara naman ang ibinato nito. “Pambihira kang bata ka! Huwag mong sabihing nagalaw mo siya at wala kang balak pakasalan ang batang iyon!” Dinaan niya sa pagtawa ang naghuhuramentada niyang lola. “Easy lang Lola. Baka ma-high blood ka.” “Susmaryosep! Paano na lang si Nicole kapag tinakbuhan mo siya?” “Lola, wala naman akong balak takbuhan siya. Hmm.. I like her. Pero may mga bagay kasi na kailangan pa naming linawin.” “Ikaw Edcel Azet Carvajal, ayusin mo ‘yang sarili mo. Kapag nalaman kong may ginawa ka sa batang iyon, kalimutan mo ng naging Lola mo ako.” Tumayo si Edcel at nilapitan ang matanda saka masuyong niyakap.“Relax lang Lola, umagang-umaga naiinis ka na naman eh. Tingnan mo nabawasan ang kabataan mo.” Hindi na nagawa pang makakontra ng kanyang lola, malakas nga talaga ang karisma niya kahit sa kanyang lola. Dumiretso na ng pasok si Edcel sa Hospital. Puno ng ka-sweet-an ang dalaga. Sadya nga yatang mahal na mahal siya nito. Palagi itong nagte-text o tumatawag sa kanya lalo na kapag may vacant time siya. Hindi katulad sa kanya na kapag nagparamdam si Nicole saka lang niya maaalalang i-text o replayan ito. Samantalang ito ay malaki yata ang oras na ginugugol para sa kaniya, palagi pa nga itong pumupunta sa Hospital para lang dalhan siya ng merienda o makakain. Ayaw na rin naman niya paasahin pa ang dalaga at masaktan ito ng sobra. Napagod na rin siya sa pagpapanggap, gusto na niyang magpakatotoo sa sarili. Nahihiya na siya kay Nicole lalo pa at tila pinapaasa na niya ang dalaga. Tama na iyong nakabawi siya ng sobra at talaga namang na-enjoy niya ang mga sandaling magkasama sila. Nakuha niya na ang gusto niya kay Nicole. Yes, he was after her body. Hindi man kasing sexy nang mga flirt girlfriends niya si Nicole, ito naman ang nagbigay sa kanya ng kakaibang ligaya na tila hindi na niya matatagpuan sa ibang babae. Naka-vacant time nang mga sandaling iyon si Edcel nang may kumatok sa office niya. Hindi niya inaasahang darating ang isa sa mga ex niya—si Mildred Hanata. Matagal na silang tapos nito ngunit kung makapag-demand ito ay halos ayaw na siyang pakawalan. Pumunta pa ito sa bahay nila noon para ipakilala ang sarili na nobya niya. Mabuti nga at nagawi siya pabalik ng Pilipinas ngunit hanggang dito ba naman ay susundan siya nito.Hindi rin talaga niya maiwasan ang alindog nito. Mildred has perfect humps just in right places. Bilog na bilog ang dibdib nito halos sinlaki na ng pakwan. Pati ang butt nito na sarap na sarap siyang himasin. And Mildred really good in bed performance and knows what ever positions he likes. Hinding-hindi siya nito binibigo, palagi itong on go kapag siya ang kasalo sa kama. Kaya naman nahirapan din talaga siyang bitiwan ito.Iyon nga lang mas gusto nito nang mas malakingpagmamay-ari sa kanya. Gusto nitong magpakasal sila. "Sweety, kahapon pa kita pinupuntahan dito. May girlfriend ka daw ngayon?" Lumingkis pa ito sa kanya at nagpakandong na tila uhaw na uhaw sa kanya. "Don't worry she's just one of my monthly girlfriend." "I have a condo here. Gusto mo bang mag-stay sa akin?” malanding tanong nito sa kanya. "Okay. Hintayin mo ako sa kotse later. May tatapusin lang ako." "Yes sweety." Iniabot niya ang susi kay Mildred.Wala pa ring ipinagbago ang babae, lalo pa nga yata itong gumanda at sumeksi. Mildred is a one of Filipina-japanese model in Japan. Nang magkaroon siya ng surgeon-operation sa Japan, doon niya ito nakilala. Kating-kati na rin ang mga kamay niyang muli itong madala sa ikapitong langit. Kanina pa nga umuumbok ang harapan niya. Kaya minadali na niyang tapusin ang ginagawa, besides pasado alas kwatro na rin ng hapon. Nang matapos na niyang ligpitin lahat ng kailangan bago iwanan, mabilis siyang sumakay sa sariling kotse kasama si Mildred. Pinatay niya ang phone para hindi siya makontak ni Nicole at para walang abala sa kanilang dalawa ni Mildred. Pagdating pa lang sa Condo unit nito mainit agad ang naging umpisang pagtatagpo nilang dalawa ni Mildred. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa nilang mga labi. Kung saan-saan nakarating ang kamay at labi niya, nangdadakma, nagmamadali at nananabik. Ilang beses nilang inulit ang pagniniig. Sa kama, sa banyo at kahit sa table. Paulit-ulit niyang pinagpala ang sarili sa mala-Diyosang katawan ni Mildred. She never misses to impress him. Sandaling nalimutan niya ang ibang mundo at si Nicole. Nawala na sa isipan niya na mayroon pala siyang so-called insane girlfriend. Isang linggo yatang hindi nagpakita si Edcel kay Nicole. Doon na rin kinabahan si Nicole. Pakiramdam niya pinagtataguan na siya nito matapos makuha nito ang lahat-lahat sa kanya. Pumunta na siya sa bahay ng Lola nito, pero wala ito roon maging sa Hospital. At may nakapagsabing may kasama raw itong ibang babae nang huling pumunta ito sa Hospital. Bigla siyang naiyak sa nalaman niya. Kung si Warren nga talaga ito, hindi siya nito sasaktan. Hinding-hindi siya nito dededmahin. Binuksan niya ang alak ng umagang iyon, magdamag niyang hinintay si Warren o Edcel. Ang alam kasi niya ay pupunta ito dahil anniversary nila. Ngunit walang Warren o Edcel na nagpakita sa kanya. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng apartment niya. Tatayo na nga sana siya para buksan ito nang iniluwa ng pinto si Warren o Edcel, oo nga pala hindi lang katawan ang shinare niya dito pati lahat ng passcodes niya ay alam nito. Natawa siya sa sarili dahil sa isiping iyon. "Ba't nagpakita ka pa? Ilang araw mo akong pinagtaguan 'tas may gana ka pa ngayong magpakita ha, Warren?" "Nakainom ka ba?" "Sagutin mo ang tanong ko! Saan ka nanggaling, Warren?" Napalakas na ang boses niya. "Tao rin ako Nicole, may sariling buhay," pag-eesplika nito. "May sariling buhay o may ibang babae? Hindi pa ba ako sapat?" "You're insane Nicole. Alam mo bang rinding-rindi na ako sa katatawag mo sa akin ng Warren. Hindi ba pwedeng tanggapin mong magkaiba kami?" Napatayo siya nang lumapit ito. "Katawan ko lang naman ang gusto mo sa'kin diba? Fine I let you have me,"mariing sabi sa kanya ni Edcel. Napasinghap na lang siya nang mariin nitong hawakan ang pisngi niya at marahas na hinalikan. "Huwag! Tama na! Ump!" Naitulak na niya ito bago pa tuluyang bumaba ang halik nito sa kanya. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi ni Edcel. "Oo nga pala, tapos na ang isang buwan! Pero hindi ko lang matanggap na hindi mo ako napagtiisan. Kasalanan ko nga Mr. Carvajal, akala ko pareho kayo. Kaya lang magkaibang-magkaiba pala kayo pati ang pag-uugali. It was my fault because I was blinded by Warren's love." "You want to know the truth. Oo, sinamantala ko ang kahinaan mo para makaganti sa'yo. We're quits nakuha na kita and you are really good in bed, your body is a wonderland. Hindi mo sinabing masarap ka pala sa kama." Muling umingkis ang kamay niya sa pisngi nito na sa sobrang lakas halos tumabingi ito kasabay ng luhang gumulong sa mga mata niya. "Bakit gusto mong gumanti? Ano ba ang ginawa ko sa'yong masama?" "Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako iyong lalaking binuhusan mo ng natira mong pagkain at ipinahiya mo sa favorite kong Restaurant." Mapakla siyang ngumiti rito."Oo nga, bawing-bawi ka na. Yeah, quits na tayo! Patatahimikin na kita. Sorry dahil pinagkamali kong ikaw si Warren. Ngayon nagising na ako sa katotohanan. Patay na nga si Warren at ibang lalaki na pala ngayon ang inuukulan ko ng pagmamahal. 'Wag kang mag-alala. Hinding-hindi na kita guguluhin. Hinding-hindi na ako magpapakita sa 'yo. Thank you na lang sa lahat and you’re free." Tumayo siya at kinuha na niya ang mga bagaheng hinanda niya. Nilampasan niya ang lalaking nakatayo lang. Balak na niyang bumalik sa parents niya. Akala niya mas masakit nang mamatay si Warren, pero mas masakit pa pala na natutunan niyang pahalagahan ang isang tao, na iyon pala ay nagpapanggap lang at kayang-kaya siyang saktan. PUNTOD ni Warren ang unang pinuntahan ni Nicole bago tuluyang umuwi sa mga magulang. "Warren, kumusta ka na? Siguro masaya ka na kung nasaan ka ngayon. Ako heto hindi pa rin masaya eh,” bahagya pa siyang ngumisi. “Ikaw pa rin ang kulang, but I finally realized, hindi na pala ikaw ang minamahal ko. Magkaibang tao na pala kayo." Muling tumulo ang mga luha niya. "Akala ko mapipigilan ang puso, pero hindi pala. Huwag kang mag-alala sa'kin, nalilimutan na kita. Tanggap ko na na wala ka na at hindi ka na babalik pang muli. Maybe this is our fate, ang hindi tayo magkatuluyan." Pinunasan niya sa pamamagitan ng likod ng palad ang luha sa pisngi. "Ang tanga ko lang at naloko ako ng sarili kong emosyon. Nanggamit pa ako ng ibang tao. Akala ko kasi may pag-asa. At akala ko ikaw siya. Panaginip lang pala iyon at hindi in real life. Kabaliktaran nga pala lahat ng panaginip." Pinunasan niyang muli ang mga luhang patuloy na pumatak. "Sorry Warren, hindi na tayo magkakasama pang muli. Sorry dahil hindi na pala ikaw ang mahal ko. I'm in-love with someone. Sayang nga lang at hindi niya ako kayang seryosohin. Pero okay na ako, I'll be moving-on on to the next chapter of my life. Without you, alone and living independently. Wala na kasi akong babalikan. Salamat sa lahat, salamat sa mga bagay na ibinigay mo, natutunan ko at sa pagmamahal na ipinakita at ibinigay mo sa ‘kin. I will treasure everything I have from you. Good bye, Warren." Bumalik siya ng bahay na tahimik at hindi kinikibo kahit ang sariling pamilya.Sa loob ng sariling kwarto ay wala siyang ginawa kung hindi umiyak. Marahil iyon na ang huling luha pang papatak mula sa mga mata niya. Nakaupo lang siya sa kama habang natungko ang magkasalukap na braso sa ibabaw ng kama nang may naramdaman siyang hangin. Hindi niya iyon pinansin hanggang parang may humalik sa bumbunan niya at nagpunas ng luha sa pisngi niya. Napaangat ang kanyang ulo. “Warren. Alam kong ikaw iyan. Sorry nabigo kita. Don’t worry this is the last tears that will fall in my eyes.” Hindi niya alam kung paanong nakatulog na lang siyang bigla. Kinaumagahan, kumpleto ang pamilya niya sa dinning table at tila siya na lang ang hinihintay. “My Princess, nakita ko ang na-renovate mong Gallery. Maganda na ngayon at lalong nagmukhang exhibit,” puna ng kanyang kuya Nathan. “Ganoon ba. Salamat,” tipid na ngiting sagot nito. “Hindi mo yata kasama si Warren ngayon hija?” tanong ng kanyang ina. “Edcel po ang name niya. Matagal ng patay si Warren,” usal niya habang nakatingin lang sa pagkaing sinasandok. “Let’s stop talking about people who’s not here.” Matamlay na matamlay ang umagang iyon para kay Nicole samantalang noon ay iyon ang best day sa kanya lalo na kapag kumpleto ang pamilya. Hindi man sabihin ni Nicole sa kuya o sa mga magulang niya, ramdam ng mga ito na may mabigat siyang dinadala at may nililihim na problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD