Chapter 15 - Finale

1215 Words
MASUYONG hinalikan ni Edcel si Nicole nang mag-anunsyo ang pari. Binulungan ni Nicole si Edcel bago sila tuluyang makalabas ng Simbahan. “Nakita ko si Warren sa tabi mo kanina, nakangiti.” “Oo, nasa tabi ko nga siya, nagpapasalamat at masayang-masaya. Akala ko nga guni-guni.” “Pareho pala natin siyang nakita.” “Tiyak makararating na siya sa nais niyang puntahan. I’m glad iniwan ka niya, wala sana akong Coleen ngayon.” Akmang babatukan siya ni Nicole nang mabilis itong mag-iwas. “I told you not to call me that name!” hiyaw niya. “Bakit? Cute naman ah, Coleen-coleen. Parang kulang –kulang.” Lalo siya nainis, dahil iyon ang bansag sa kanya noong kabataan niya kaya ayaw niya ng palayaw na Coleen. Bakit pa ba nila patatagalin ang araw ng kanilang kasal? Kumpleto ang pamilya nila. Naroong dumalo rin ang mag-asawang Apacer na may dalawa ng anak. Kasama rin si Marvin, muntik na nga silang masuka nang bigla itong nagtapat sa kanila. Kahit na maging si Cedrick ay matagal nang napapansin na wala pa rin itong pormal na ipinakikilalang girlfriend nito. Iyon pala ay dahil bakla ito—pa min (men) ta. It was glad that Marvin never crosses dressing. Pero kung bakla ito, bakit nabuntis niya si Race? “Huwag mo na nga isipin ang ibang tao. Nandito ako ‘di ba?” pagtatampo ng kabiyak niyang si Edcel. Hindi kasi mawala sa isip ni Nicole ang mga palaisipang iyon. Marahil may araw din para ikwento ni Marvin ang tunay na nangyayari sa kanya. Naging masaya silang tanggapin ito, at least hindi na nito kailangang magtago ng lihim habang buhay. “Ito naman, matampuhin. Iyong-iyo na ako, Edcel,” naglalambing na tugon niya, saka umangkla sa braso nito. Lulan sila ng Kotse na didiretso sa isang private Jet Plane patungo ng Australia. Doon na nila binalak ituloy ang honey moon. “Coleen-Coleen, here I come!” Napahiyaw sa kilig si Nicole nang biglang lumundag si Edcel sa kama. Okupado nila ang isang Hotel sa Australia. And maybe they were planning to move and leave in Australia. Iyong wala ng makikialam sa kanila at pagmamay-ari na nila ang mundo ng bawat-isa. Wala ng pinagsisisihan pa si Nicole nang muli siyang angkinin ng asawa. Mahal na mahal siya nito at tiyak niyang hindi rin siya magsasawang paulit-ulit na mahalin ito. Malayong-malayo man silang dalawa ni Warren, pero si Edcel na ang laman ng puso niya at hindi na iyon maipagkakamali ng sarili niyang damdamin. Magaan ang gising ni Nicole nang umagang iyon, tanghali na kung tutuusin dahil talaga namang pinagsawa nila ang sarili sa bawat-isa. Hindi niya alintana ang nanakit niyang ibabang bahagi. Nang kapain niya sa tabi ang asawa, wala ito. Napabangon siya kasunod ang pagbukas ng pinto. May bitbit itong tray ng pagkain habang kumakanta-kanta pa. Kagaya niya, maganda rin ang gising nito. ♫♪’How long will I be waiting to be with you again? Come and say that I love you and sealed it with a kiss. I can take your day without you here. You’re my light to make my darkness disappear. When you look me in the eyes and tell me that you love me. Everything feels alright, when you right here by my side. When you look me in the eyes, I find my paradise, when you look me in the eyes. ♪♪ Hinila pa nito ang kamay niya, mabuti na lang at naitapis na niya ang kumot sa katawan nang bigla siyang isinayaw ni Edcel. “I’m sure I’m not like Warren but I swear I will love you more that he did with you. I will cherish you and love you for the best of my life. I will never make you cry again, I will stay right here by your side.” Kinurot niya ang pisngi nito. “Hindi mo naman kailangang maging katulad ni Warren. Sapat ng sa akin ka at sa iyo ako, just you and I.” Hinalikan siya ni Edcel, napapikit siya nang ilakbay nito ang mga labi. Sa noo, sa mata, sa ilong at sa labi niya. “I sealed it with a kiss. I love you more and more, Misis Nicoleen Zane Carvajal.” “I love you more and more and more.” “I really love your name; it was music to my ears.” “Bola!” kinurot pa nito ang tagiliran niya. HINDI alam ni Nicole kung paanong nalaman ng asawa ang mga nais niya. Hindi naman niya ugali ang magsulat ng Diary o Journal. Bigla na lang kasing naging pareho sila ni Warren—parehong nagmamahal. Nasa labas sila ng Yate at pinanonood ang papalubog na araw nang sandaling iyon. After her wedding, this was her next best day of her life. But the very best day is with in the arms of Edcel that she loves. Ngayon, napatunayan na niyang hindi siya baliw, dahil nagmamahal lang siya. Hindi naman niya masasabing sa maling tao siya nagmahal nang mahalin niya si Warren, maling pagkakataon lang na binawi kaagad siya ng Maykapal. Ngunit kahit binawi nito si Warren, mas malaki naman ang ipinalit nito—si Edcel. Titiyakin niyang iingatan na niya ito at hindi na pakakawalan pa. Warren gives her a blessing in disguise. Na akala niya ay hindi na siya magmamahal muli at makakatagpo pa ng taong handa din siyang mahalin. Warren really loves her because he never let her sad and alone. Dahil ibinigay nito si Warren na ngayon ay asawa na niya at mamahalin niya magpakailanman. “Huwag ka sabing malikot eh,” muling usal ni Nicole. Inip na inip na si Edcel sa pose na ipinagagawa sa kanya ni Nicole. Ipinipinta kasi siya nito at hindi niya magawa ang hindi matawa o mapangiti. Ngayon lang kasi niya napansin ang pagiging seryoso nito. Naka-concentrate lang ito sa ginagawa at hindi siya tintititigan sa mata samantalang siya ay abala sa pagtitig sa magandang pares ng mata ng asawa. “Kapag maganda ang kinalabasan ng portrait ko, may prize ka sa’kin.” “Kaya nga po, mahal kong asawa huwag kang lumikot para makuha ko ang tamang anggulo.” Lalo pa niyang inasar ito. “Ah ga’non hah.” Nabigla rin siya nang tumayo ito at ibinuhos ang paint color sa ulo niya. Mukhang napikon na nga talaga ito. That was Nicole’s weakness, out of concentration then became this annoyed and mad. Hindi niya ipinakitang naiinis siya pero gumanti din si Edcel nang hilahin nito ang isang color paint. Napuno ng pintura ang kwarto ng yate nang magsabuyan sila at maghabulan. Ikinulong ni Warren sa bisig ang dalaga saka sininghot ang amoy nito na tila wala yatang kapareho at nag-iisa lang sa pang-amoy niya. “Actually, tapos ko na ‘yung painting. Inaasar lang kita.” “Ganoon pala. Pinagod mo akong mag-pose hah.” Nakaramdam ng kiliti si Nicole nang halikan ni Edcel ang batok niya, gumapang ang kiliti patungo sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Parang may nabuhay ng kung ano sa nararamdaman nila. “Balik tayo sa banyo,” pilyong sabi ni Edcel sa asawa. Mukhang nakuha naman ni Nicole ang ibig niyang sabihin kaya halos magkayakap pa rin silang pumasok ng banyo. ********Wakas*******

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD