2 A:M and here I was, wide awake. I was seated on the top of my bed. I was holding my six-years-old guitar, the one he gave to me on our first anniversary and always been my favorite one. I was here in my penthouse’s room, alone. My lights were off, curtains closed at tanging ang sumisilip na ilaw na tumatagos sa glass window ko mula sa labas ang tanging nagbibigay liwanag sa loob ng aking kuarto.
A tear fell from my eyes while I started strumming the string of my guitar. Sa guitara ko nilalabas ang hinaing ng puso kong sobra niyang sinaktan. Napapikit ako as I started singing, dinadama ang sinasabi ng kanta na kahit di man narinig ng taong pinapahiwatid ng mga linya ay buong puso ko pa rin itong kinakanta. Damang-dama ko yung sakit sa bawat sinasaad nito.
I was playing Love is Gone by Dylan Mathew and SLANDER
‘Don't go tonight
Stay here one more time
Remind me what it's like, oh
And let's fall in love one more time
I need you now by my side
It tears me up when you turn me down
I'm begging please, just stick around’
Nagpatuloy ako sa pagkanta kahit nanlalabo na ang mga mata ko sa mga
I'm sorry, don't leave me, I want you here with me
I know that your love is gone
I can't breathe, I'm so weak, I know this isn't easy
Don't tell me that your love is gone
That your love is gone-‘
Napatigil na lamang ako ng biglang may kumawalang hikbi sa bibig ko, I bit my lower lip to stop my sobs ngunit di ko natapos ang pagkanta dahil ang hikbi ay nauwi na namn sa hagulhul. Napayakap ako sa guitara kong nasa ibabaw ng kandungan ko. Ramdam ko na ang pamamaga ng mga mata ko.
Walang gabing hindi ako naiiyak minsan bigla na lamang tumutulo ang mga luha ko sa mga mata, ang hirap pigilan kusa silang nagsilaglagan. Yung sakit na nararamdaman ko tumatagos hanggang kaibuturan ng puso ko. Yung pakiramdam na araw-araw unti-unti kang pinapatay sa sakit. Hirap na hirap akong makatulog, wala akong ganang kumain gusto ko na lamang magkulong sa kuarto at umiyak ng umiyak para kahit papano maibsan man lang ang nararamdamang bigat sa puso ko.
It's been a week since we broke up. I didn't tell anybody, even my friends, even my twin, Justine. Sinolo ko ang sakit ng paghihiwalay naming dalawa, ng panloloko niya sa akin. Alam niyo kung bakit? Because I wanted to give him time to think and to realize that it was me the one, he loves. Oo, sobrang tanga ko dahil aaminin ko hanggang ngayon umaasa pa rin akong magbago ang isip niya at piliin ako at hindi ang taong minahal niya sa loob ng apat na taon naming pagsasama. Ang sakit isipin na sa loob ng pitong taong iyon ay tatlong taon lang siyang naging totoo at totoong naging akin.
Di ko maiwasan magtanong kung bakit at kung paano nawala nalang basta-basta ang pagmamahal niya sa akin. Sa pitong taon naming pagsasama di ko man lang nadama na iba na pala mahal niya. Masyado siyang magaling sa pagtatago ng totoong nararamdaman niya. Kay taas ng apat na taon ngunit kailanman di niya naiparamdam sa akin that he has already lost his love for me.
Seven years ago…
"Go, Blue Lion! Aack! Wooh! Kambal ko yan! I love you, number twenty-five-" Natigil ako kakasigaw ng sikuhin ako ni Gabby. Sa lakas ng pagsiko niya muntikan pa 'kong mabuwal buti ay agad niya kong nahawakan. Naitulak ko pa ang katabi ko sa bench. "Sorry, Miss." Hingi kong paunmanhin dito, bago ako umayos ng tayo at sinamaan ng tingin si Gabby.
"Ay! Sorry, 'te Jaz! Sorry." Lintek na bata to. Ito lang nanghihingi ng sorry pero tinatawanan ako.
" Feel ko nga sincerity mo sa sorry mo. 'Yong totoo Gabriella, may galit ka ba sa akin?" Pero imbes na masindak ay muli niya 'kong tinawanan buti nalang talaga mahal ko kung 'di sarap talagang kutusan e.
"Wala, sayo pa ba, Ate Jaz? E kasi naman, number nineteen si Kuya Justine bakit twenty five sinisigaw mo, naduduling kaba? O may amnesia? Di mo na matandaan araw ng birthday ninyong dalawa? Wala namang twenty-five sa team nila- Hala!" Nanlaki ang mata nito nang may mapagtanto. Naitakip nito ang isang kamay sa bibig. Nilingon nito ang mga naglalaro sa court at tila may hinahanap. "Shocks! Si Vergara? Siya lang naman ang number twenty-five sa kabilang team." Muli ay tinignan niya ako ng nakaawang ang bibig. Di makapaniwala. "Crush mo si Vergara- Hmpt!" Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinakpan ang bibig ni Gabby. Minsan talaga nakakaiskandalo bunganga nito.
"Shut up, Gabby. Baka may makarinig sa’yo, nakakahiya." She gave me a peace sign bago ko siya binitawan.
"Totoo ba? Totoo ba, Jonas?" Napakunot noo ako sa lumabas sa bibig nito. Minsan talaga may sariling mundo 'to buti nalang talaga maganda.
"Kaka-t****k mo yan."
"Pero ‘di nga, Ate Jaz?"
"Usap tayo mamaya, pwede enjoy muna natin ang game? Semi-finals ng mga bebe loves natin, pwede? " Tumango-tango ito sabay ngiti.
"Wooh! Go eleven!" Agad na sigaw nito sa number ni Nathan. "Go, babe! Ang galing naman ng bebe ko." Nakita ko ang paglingon ng babae sa harapan namin, kay sama ng tingin nito kay Gabby. Problema nito? Di na ako nagulat ng makitang inismiran nito si Gabby bago binaling muli ang tingin sa harapan. Di na naman to bago sa amin. They were always like that, nasanay na kami ni Gabby. Sana lang kasi ipakita nila totoong ugali nila kapag nandyan mga tropa naming lalaki kaso akala mo'y anghel naman kung makaasta ang mga ito sa harap nila. Sarap kutusan rin eh. Ang plaplastik.
Sikat kasi na varsity players ng school sina Justine, Adrianne, Nathan at Jeric. Si Miggy at Kevin kakapasok lang sa team last year.
Nasa senior high na kami nina Jeric, Nathan, Adrianne at kakambal kong si Justine habang nasa grade nine naman sina Gabby, Miggy at Kevin.
Ahead kami sa kanila ng three years ngunit umaariba agad ang dalawang ito sa kasikatan ng apat dahil bukod sa magagaling ay maipagmamalaki naman talaga ang mga angking katangiang panlabas ng mga ito.
"Wooh! Ang galing Miggy! Three points! I love you, number fifteen!" Sigaw muli ni Gabby. Narinig ni Miggy ang sigaw ni Gabby, napalingon ito sa aming gawi at napafinger heart sign sabay ngiti at pa-cute. Agad na hinanap ng mga mata ko si Nathan at tama nga ang hinala ko kay sama ng tingin nito kay Miggy. Natawa kami ng hawakan ni Nathan ang collar ng basketball uniform ni Miggy sabay hila patungong home court nila.
"God! Ang landi!"
“Edi, sa kanya na lahat.”
“One of the boys daw, ang sabihin maharot lang talaga.”
Now, that got my attention. Okay lang masama tingin wag ko lang marinig mga ganyang names for my Gabby. Kahit apaka kulit nito mahal ko to. Kalmahan mo lang Jazlyn, may thirty seconds pa, naglalaro pa mga bebe loves mo, I tried to convince myself. Binalik ko ang atensyon sa game, sinubukan kong wag pansinin ang mga bashers ni Gabby.
“Good job, thirteen!” Kay lakas ng palakpak ko sabay sigaw sa numero ni Adrianne ng maka-shoot ito ng two points. Kay raming fans ni Adrianne, kay lakas ng sigaw ng mga ito.
“I love you, Montefalco!”
“Ang sarap mo, trese!”
“Hoy, Boo!” Sigaw ng fans ng Blue Lion ng masagi ni number twenty-five si Jeric na naging dahilan sa pasalampak na upo nito sa sahig ng court.
“PIkon, talo!” Sigaw ni Gabby.
“Di naman sinadya, Gab.” Depensa ko, I felt guilty tuloy dahil napakabias ko.
“Di mo nakita yun, Ate Jaz? Tinaas niya siko niya.”
“Ganun ba? Di ko nakita yun.”
“Bias ka na, Ate Jazlyn. Nahahati na puso mo sa dalawa.”
“Che!”
“Go, twenty!” Sigaw ni Gab sa numero ni Jerick na kasalukuyang ginagaw ang free throw. He dribbled the ball four times tapos ay tumingala sabay talon at tapon ng bola sa ring. Napasigaw kami ni Gabby ng pumasok ang bola. Isa nalang at malalamangan na ng Blue Lion ang Green Eagle.
May isa pang free throw si Jeric. Muli ay pinauntog-untog niya ang bola sa sahig. Nakacross fingers kaming dalawa ni Gabby habang lihim na dumadalangin na maishoot ni Jeric ang bola.
Napahiyaw kami ng muli ay pumasok ang bola sa ring.
"I love you, Kuya Jeric!" Sigaw ni Gabby.
Nagtime out ang team ng blue lion, pinasok si Kevin at pinagpahinga si Jeric dahil mukhang napuruan ang isang paa nito.
Nasa kabilang team na ang bola. Di ko alam kung sisigaw o ano ng ang makakuha ng bola ay si Vergara. Tumira ito ng three points ngunit hindi pumasok. Di ko na alam kung saan na loyalty ko dahil nanghinayang ako ng di maishoot ni number twenty five ang bola. He's my long time crush since grade seven but he transfered to other school when he reached the senior high. He became my crush nang pinagtanggol niya ko sa mga nambully sa akin noong grade seven. He's an ideal guy, napakatalino, napakabait plus points pa ang pagiging guapo at sporty nito.
Nakuha ni Nathan ang bola ngunit naagaw ng kalaban, tumira ng dos sa kasamaang palad ay naishoot iyon ng kalaban. Tangina, lamang na naman ng isang punto ang kalaban tapos may pitong segundo na lamang sila.
Nakita naming nagsenyasan ang mga kaibigan naming lalaki. Napatakbo si Kevin sa kabilang court habang nagtipon ang lahat sa court kung saan nakapuntos ng dos ang kalaban. Muli ay nakuha ni Nathan ang bola, pinasa niya ito ni Justine pagkatapos ay malakas na ibinato ni Justine kay Kevin. Sinalo ni Kevin insaktong walang bantay, he dunked it on the ring kasabay ang pagtunog ng buzzer. Niyanig ang buong court sa tiliin at sigawan ng fans ng Blue Lion.
Napatili kami ni Gabby, yung tiling nagmula sa ngala-ngala naming dalawa. Napatalon-talon pa kami. Nagyakapan pa kaming dalawa. Our teams won.
"Galing ng mga babies ko. Lablab Arevalo!" Tili ni Gabby.
"Haha sa kanya pa rin. Landi talaga ni girl." It was the same girl. Di na ako nakapagpigil.
"Anong problema mo?"
"Bakit?"
"Kanina ka pa ah! Inggit ka kasi ang pangit mo na nga, pangit pa ugali mo."
"Ate Jaz." Hinwakan ni Gabby ang braso ko upang pigilan ako.
"Ano sabi mo?" Nanlisik ang mga mata ng babaeng nginudngod yata ang mukha sa harina. Di ko nailagan ng hilahin niya ang buhok ko. Di rin ako nagpatalo kaya inabot ko ang buhok nito. Nagsabunutan kaming dalawa.
Nagsitakbuhan palapit sa kinaroroonan namin ang mga kaibigan naming lalaki. Niyakap ako ni Justine, napaangat ang mga paa at inilayo sa babaeng kasabunutan ko. Ang babae naman ay hinila ni Adrianne.
"Bitawan mo ko Bal, kanina pa ko namumuro sa babaeng iyan." Ngunit di ako ako pinakinggan ni Justine at isinama sa kanya.
Pagkatapos ng games ay may pa victory party ang team. Sa isang resto bar malapit sa University ito dinaraos. Kasama namin ang buong team ng Blue Lion. Sinama namin sina Gab, Miggy at Gabby. Si Justine ang team captain ng Blue Lion. The venue wasn't exclusive for the whole team. There were other students on the other tables. Pinagdikit-dikit ng mga lalaki ang anim na tables. I sat in between Justine and Gabby. gabby sat in between me and Nathan.
Ilang minuto lang ay bumaha na ang mga beers sa tables namin. We started drinking. The minors only allowed to drinks flavored beers.
Nagkasarapan ang kwentuhan at inuman.
Napalingon kaming lahat ng pumasok ang team ng Green Eagle. My eyes automatically darted to him, kay bilis ng t***k ng puso ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Nalaglag ang puso ko ng he smiled at me bago ito nagbitaw ng tingin. Tinungo ng team nila ang kabilang table.
"Masyado kang halata, Ate Jaz." Bulong sa akin ni Gabby.
"Anong pinagsasabi mo dyan." Saad ko sabay kuha sa bote ng beer ko at tinungga. Pasulyap-sulyap lamang ako sa kabilang table, napapabawi ako ng tingin ng mahuli ko itong nakatitig sa akin. I felt concious. Kahit sobrang nakakatawa ang mga banat ni Migz ay pinipigilan ko ang sariling bumuhakhak dahil baka ma turn off sa akin si Vergara.
Nakaramdam ako ng pamumuo ng pantog. "Bal, borrow ako ng key ng kotse." My guy friends already got their license and already driving their own cars. Our family names made it happen.
I went outside tinungo ko ang parking space. I pressed the unlocked button ng car remote keys. Narinig ko ang magkasunod na tunog mula sa kotse namin. Binuksan ko ang passenger side at kinuha ang bag ko, I took my wipes from it. Sinarado ko ang bag. Sinunod ko ang pintuan ngunit nabigla ako at napaatras ng pagkaharap ko ay bumungad ang lalaking hinahangaan ko si Vergara.
Nakatayo siya sa harapan ko at mariing nakatitig sa akin. I stared at him, domuble ang sipa ng puso ko ngayong ang lapit na niya sa akin at abot kamay ko pa.
"Damn." Rinig kong bulong nito. He cleared his throat. "Sorry, kinakabahan ako. Yung ganda mo kasi nakakakaba pero gusto ko lang kunin ang pagkakataong ito to introduce myself to you, I'm Iñigo." He offered me his hand, ngunit di ko man lang yun sinulyapan. I was startruck. Di ako makapaniwala na ito mismo ang nasa harapan ko. He smiled, nakataas pa rin ang isang kamay nito, hinihintay na tanggapin. Nanginginig ang kamay ko ngunit nagawa ko pa ring tanggapin iyon. We shakes hand.
"Jazlyn, right?" Damn and he knew my name. "Your hand you soft and cold..." Kay bilis kong binawi ang kamay ngunit mas mabilis ang paghigpit niya dito. "I like you a lot, Jaz. Pwede bang manligaw if walang magagalit na boyfriend?"
"Oo, wala." Gusto kong kastiguhin ang sarili dahil sa biglang lumabas sa bibig ko.
He smiled at me, nanatiling hawak niya ang kamay ko.
"Ahm sorry, naiihi na kasi ako. Can I have my hand back?"
"Oh sure, sorry." Pagkasabi ay agad niyang binitiwan kamay ko. I was about to go when he calls me again. "Jaz, can I have your number?"
Magiinarte pa ba ako. I gave him my number before I went inside the resto again.