"Iñigo sandali! Iñigo, ano ba! " I grabbed his arm. Napatigil ito at inis na hinarap ako. " Ganon-ganon nalang ba lahat? Pitong taon Iñigo yung relasyon nating dalawa... and you just end it with AYOKO NA? Tangina naman! Siguro naman deserve ko ang explanation mo! Ano bang pagkukulang ko sayo? " Tears dripping down to my face. Maagap ko naman itong pinunasan gamit ang mga palad ko.
" It's not you, It's me-"
" Bullsh*t! That's bullsh*t!" I shouted at him. Walang paki kung may makakarinig man sa ming dalawa. " Ano to? Teleserye ? Pelikula? Lumang linyahan na yan, tangina! I-explain mo at nang maintindihan ko kung bakit bigla-bigla ka na lang makikipaghiwalay! Okay naman tayo ah! Okay tayo kahapon! sa mga lumipas na araw, buwan, taon! Ano bang kinagagalit mo? " Panay ang punas ko ng luha sa aking pisnge at sa ilalim ng aking baba ngunit mas dumami at mas bumilis lang ang pagsilandasan ng mga ito sa pisnge ko.
" Hindi ako galit! Gusto ko lang ng space! "
"Gaano ba kalaki na space ang gusto mo, isang pulgada? Isang metro? Isang kilometro? Ibibigay ko pero ba't kailangan mong hiwalayan talaga ako! Nakakasakal na ba ako? Hinahayaan naman kita sa mga gusto mo. Hinahayaan kitang i-enjoy yung pagkabinata mo, magiinom, magbarkada, maglakwatsa! Ano bang problema? s*x? Willing naman akong ibigay sayo, ikaw naman itong umaayaw! Tinatanggihan mo ko! "
" Hindi! I'm sorry Jaz. Ayokong saktan ka-"
"Itong luha ko Iñigo, di pa ba ito sapat na ebidensya na nasasaktan mo ng labis yung puso ko! Sabihin mo na kasi! Ano bang problema? Willing naman akong magadjust. Masama ba ugali ko? Mabaho ba paa ko? Maitim ba kilikili ko? Ano? " He stared at me. I saw guilt in his both eyes. Napaluha muli ako. Di ko gusto ang nakikita sa mga mata nito. Ayokong itanong ngunit kailangan kong malaman para matapos na rin itong hakang-haka kong ito. Nanatiling tikom ang mga bibig nito sa mga tanong ko bagkos ay napayuko ito. " Tangina naman Iñigo! Magsalita ka dahil nababaliw na ko kakaisip bakit nagbago ka na lang bigla." Kinapa ko ang dibdib gamit ang kaliwang kamay ng maramdaman ko ang paninikip nito. " May iba na ba? " Naibigkas ko bigla. Napaangat amg tinigin nito sa akin. Just by looking at his dark eyes, I already got my answer. Napapikit na lamang ako kasabay ng pagpatak ng mga panibagong luha sa mga mata ko nang dahan-dahan itong tumango.
" I'm sorry Jaz..." His voice broke. " but I already fell out of love with you long time ago. You're just too kind kaya di ko masabi-sabi sayo dahil ayokong masaktan ka ng sobra. Pero minahal kita Jazlyn, believe me. Sobrang minahal kita ngunit nagising na lamang ako isang araw iba na pala yung nagpapasaya sa akin at iba na yung hinahanap ko araw-araw. " Napahikbi na ako. Tears started to flow down his cheeks. " Patawarin mo ko..."
" When was that long time ago Iñigo? " I didn't know where did I ger thw courage to ask him all this tortured questions.
Muli ay napayuko ito. " Four years ago..." Napatingala ako. Napaawang ang mga bibig ko habang bumubilis ang paghinga ko.
" Bakit? Bakit pinagmukha mo kong tanga! Bakit pinaniwala mo kong ako lang! " Tinulak ko siya sa dibdib. " Apat na taon mo na kong niloloko! Tangina mas mahaba pa sa panahong minahal mo ko! " Napahikbi na ko. Nag sakit-sakit sa dibdib. Okay kami eh, sobrang okay naming dalawa kaya di ko matanggap na bigla na lamang ganito.
" I m so sorry Jazlyn... " Sinubukan nitong hawakan ako sa siko ngunit isang palakas na sampal ang dumapo sa pisnge nito bago ko hinakbang ang mga nanginginig kong mga binti palayo sa kanya.