Chapter 2

2086 Words
Di ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lamang akong may narinig na kaluskos sa labas ng aking kuarto. Halos di ko maramdaman ang pagbuka ng aking mga mata dahil sa pamamaga nito. Yakap-yakap ko pa ang gitarang bigay sa akin ni Iñigo. Matamlay na bumangon ako at itinabi ang gitara. Agad na bumalot muli ang lungkot at sakit sa puso ko. Lumapit ako sa aking vanity table upang tignan ang sarili sa salamin. Hinila ko ang upuan sa harapan nito at umupo. Di nga ako nagkakamali, namamaga ang magkabilang mga mata ko. Tumayo ako at naghilamus. Umupo ako muli sa harap ng vanity table ko pagkatapos kong linisin ang mukha ko. Kinuha ko ang concealer at tinakpan ang pamamaga ng mga mata ko. Nang makontento ay inayos ko ang buhok and put it in a bun. Tinitigan ko ang sarili sa salamin, matagal, wala na yung dating Jazlyn na masigla at palangiti. Di ko muli napigilan ang paglandas ng luha sa mga mata ko, inis na pinunasan ko to. Malalim akong napabuntong hininga. Nakailang ulit akong napabuga ng hangin sa dibdib bago ko naisipang tumayo upang lumabas ng kuarto. May hinala na naman ako kung sino ang nasa labas ngunit may parte ng puso kong umaasa ng milagro, that it was Iñigo. Ngunit napangiti pa rin nang makita ko ang kakambal kong si Justine na nagluluto sa kitchen. Marahil ay naramdaman nito ang presensiya ko kaya napalingon ito sa aking gawi. He smiled at me. I saw sadness in both his eyes. May problema rin kaya ito? Bigla kong naitanong sa sarili. He took off his apron. He took a step in my direction. Nagulat ako ng bigla niya akong niyapos at kinulong sa gitna ng kanyang mga braso at dibdib. I hugged him back. Damn! Later did I know that I needed this kind of hug. Ramdam kong may kakampi ako kahit di man nito alam ang pinagdadaanan ko. "May problema ba?" Tanong ko sa kanya. "May problema ka ba?" He asked me. "Ilang gabi na akong di makatulog, Bal. Balisa ako sa gabi. Ang bigat ng pakiramdam ko. Wala naman akong pinagdadaanan pero nasasaktan ako kaya naisipan kong puntahan ka, to check up on you." Mahabang paliwanag niya. Damn, nakalimutan kong konektado pala ang nararamdaman naming dalawa. Of course, we're twins. I can hide what I feel from everyone around me, but not with my twin. "May problema ba kayo ni Vergara?" He asked. "Wala..." I lied. "May konting tampuhan lang." Inilayo nito ang katawan sa akin. Hinawakan nito ang makabila kong pisnge at tinignan ako sa mga mata. "Alam mong nandito lang ako palagi if you need someone to talk to. Sa lahat alam mong ako yong mas nakakintindi sayo dahil kung anong nararamdaman mo ay nararamdaman ko. Di tayo tinatawag na kambal para sa wala but whatever your decision is, rerespetuhin ko at willing na maghintay ako hanggang kailan mo gustong magsabi ng problema mo. I just want you to know that I'm always here for you. Di lang ako kung hindi buong squad, Okay?" He smiled at me. I smiled back at him sabay tango. Nangilid ulit ang mga luha ko ngunit pinipigilan ko lamang ang paglandas nito. Napapikit ako ng halikan niya ang noo ko. Niyakap niya ko muli. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at sinandal ko ang ulo sa kanyang dibdib. Naramdaman ko pa ang magagaan niyang halik sa buhok ko. "Thank you so much, Bal. Ang swerte ko dahil may kahati ako sa lahat ng nararamdaman ko at ang swerte ko dahil sobrang bait ng kahati kong iyon..." Justine has always been my anchor since, then. Siya ang una kong kinakapitan sa tuwing may mga pinagdadaanan ako dahil siya lang din ang unang nakakaalam ng nararamadaman ko. Seven years ago... Isang buwan lang ang tinagal ng panliligaw ni Iñigo sa akin. Bakit ko pa papatagalin? Limang taon din ang hinintay ko para mapansin lang niya muli. Di lang napansin kung hindi bet pa niya akong maging jowa at ngayon nga di ako makapaniwal na kami na. Kaso tago ang relasyon naming dalawa. Hindi pa ako handang sabihin sa mga tropa ko ang tungkol sa kanya lalong-lalo na sa kakambal kong si Justine. Ang gusto kasi nila kikilitasin pa ang mga manliligaw namin kaso baka pahirapan nila si Iñigo at maantala pa ang relasyon naming dalawa at isa pa, they are basketball rivals baka isipin ng tropa na ginagamit lang ako ni Iñigo. Balak naming ipaalam ni Iñigo pagkatapos ng finals. Sobra kasi kung makabakod ang mga ito sa mga manliligaw namin ni Gabby. Walang nagtatagal dahil sinisindak nila. Minsan nga noong may nanligaw ni Gabby ay nagawa nilang ipalipat ng ibang school, ang iba ay kusa na lamang humihinto. Katatapos lang ng klase naming magtrotropa. Kasama ko ulit sila sa paborito naming tambayan sa isang resto bar. Same resto bar na pinag-daraosan ng victory party ng Blue Lion. Pinagtagpi-tagpi namin ang tatlong parisukat na lamesa upang magkasya kaming pito. Tumayo si Adrianne upang kunin ang inorder naming beer at pulutan sa counter. Magkatabi ulit kami ni Gabby, sa kabilang gilid ko ay si Jeric at sa kabilang gilid ni Gabby naman at si Nathan. Ang hirap talaga paghiwalayin ng dalawa. Sunod ni Nathan ay si Justine. Kaharap ni Justine ang pwesto ni Adrianne, sunod naman si Kevin na katabi si Miggy. Pinagitnaa ni Jeric at Kevin si Miggy. "Ang tagal naman ni Adrianne." Saad ni Jeric, ilang minuto ang lumipas ng di pa rin nakabalik si Adrianne. Napalingon kaming lahat sa counter. Sabay umikot ang mga eyeballs namin ng makita si Adrianne sa counter na kausap ang isang estudyante. Familiar sa amin ang babae dahil isa ito sa cheerleader ng school namin. She was Chelcianne. Kay riin ng mga titig ni Adrianne dito, nakangiti habang kausap ang babae halatang nakikipaglandian. "Ang tagal ng beer, uhaw na yung mga camel!" Sigaw ni Miggy. "Unahin mo barkada mo saka landi!" Sigaw naman ni Kevin. "Wag kang maniwala dyan miss, marami ng binuntis yan. Baka pangsampung panganay anak mo." Lumagpas ang tingin ni Adrianne sa'min sabay ngiti. Hinawi nito ang buhok ng babae. Lumagpas ang kamay nito sa likuran ng babae, sabay taas ng gitnang daliri nito sa amin. Natawa na lamang kaming lahat. "Tangina, may pagroufie pa nga." Natatawang saad ni Justine nang makita naming itinaas ng babae ang cellphone upang makipagpicture kay Adrianne. Maya-maya ay kinuha na ni Adrianne ang numero nito. "Mga bwesit kayo, sinisira niyo diskarte ko. Shutangina niyo." Saad ni Adrianne ng makalapit sa table namin bitbit na nito ang mga inorder na inumin. "Di ba nag-o-over heat yung sa'yo Adrianne. Halos araw-araw mo na yang ginagamit." Pagbibiro ni Miggy. Tawang-tawa naman kami. "Tangina mo. May pahinga naman ako, TTH." "Maiba tayo, nakapagpasa na ba kayo ng project kay Ms. Faustino?" Tanong ni Jeric. "Forget about her, leave it to me. Nilista ko na kayo sa mga papasa, maliban kay Justine, malamang papasa na yan, with high honors pa. Pahingi utak bro." Pagmamalaki ni Adrianne. "May utak ka naman, bro. Ayaw mo nga lang gamitin sa matino." Prangka ng kambal ko. "Mas madalas mo pang ginagamit ulo mo sa ibaba kaysa itaas." "Ouch, bro. Mapanakit ka." "Tangina bro. Ang sungit nun, nabingwit mo?" Saad naman ni Nathan. "Wala akong kasalanan, siya unang lumapit. Nagpatulong kuno magbuhat ng gamit, pagdating sa faculty siya na nagpabuhat." Saad ni Adrianne. Napailing-iling na lamang ako. "Hayop magmaneho pare." "Can we change the topic please." Angal ni Gabby. Natawa kaming lahat sa sinabi nito. "Ay, sorry! Nakalimutan ko may kasama pala tayong minor." Umupo na si Adrianne at nagsimula na kaming uminom. Every friday kaming nagiinuman dahil walang pasok kinabukasan, pero di naman talaga ang pag-iinum ng alak ang sadya namin. Yun ay ang magsama-sama kaming magbabarkada. Mas masarap pa rin ang masayang kwentuhan habang nag-i-inuman at nakikinig ng tugtog mula sa kumakantang banda ng resto bar. "Finals na next week. Kinakabahan ako. Huling laro na nating apat." Saad ni Justine. "Ako rin, shuta." Segunda naman ni Jeric sabay tungga sa hawak nitong bote ng beer. "Ngayon pa ba kayo kinakabahan? Walang taon naman na 'di niyo ipinapanalo ang school natin. Consistent basketball champion since grade nine. Sobrang nakakaproud." Pagmamalaki ko. Since, they joined the basketball team walang taon na di nila nabingwit ang championship. Siguro dahil walang lamangan sa grupo nila. Sobra ang teamwork at kooperasyon ng bawat isa. Ang taas din ng respeto na ibinibigay nila kay Justine bilang team captain at maging sa bawat isa at iyon ang wala sa mga kalaban nila. Sobrang nakakaproud magkaroon ng kaibigang tulad nila. "At dahil huling laro na natin, mas gagalingan pa natin." Sabat naman ni Nathan. "Kampay para sa tagumpay!" Itinaas ni Adrianne ang bote. Bahagya kaming tumayo upang ipingki ang bote ng beer ng isa't-isa. "Kampay mga dyutay!" Biglang sigaw ni Miggy. "Loko-loko to, nandamay pa ang supot." Nakuha ang atensyon ko ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. I took it out of my pocket. I got a text message coming from him. Pinigilan ko ang sariling mangiti ng mabasa ko ang mensahe nito. 'I'm outside, see me please.' I bit my lower lip upang pigilan ang kilig ko. 'Give me five minutes. I'll find a way to escape from them.' I replied. Wala pang isang minuto ay muling tumunog cellphone ko. 'I miss you.' Napangiti ko. 'Di na ako nagreply. Wala na sa topic ang utak ko, lumilipada palabas ng resto. "Restroom muna ako." I stood up. Kunwari papunta akong restroom. Sinilip ko mga kaibigan ko at nang makitang aliw na aliw ang mga ito sa pagkwekwentuhan ay pasimpleng lumabas ako ng restroom. Tinungo ko ang parking area. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hinanap ko ang kotse niya. Halos mapatili ako ng bigla itong sumulpot sa likuran ko. Hinapit niya ang baywang ko at sinandal ang likuran ko sa isang SUV. Pinagdikit niya ang mga noo naming dalawa, langhap ko ang mabango niyang hininga, napangiti ako ng tinawid niya ang pagitan ng labi naming dalawa. Masuyo niyang hinawakan ang pisnge ko upang idiin ang labi niya sa labi ko. Maingat ang bawat halik niya. Ilang beses na rin kaming naghalikan na dalawa sa loob ng kanyang kotse. He was my first kiss and probably my last. I prayed for it every night. Ilang segundong nagtagal ang halikan naming dalawa. Una akong bumitaw. Natatakot na baka may makakita sa'ming dalawa, sa isa sa mga tropa ko, lalong-lalo na si Justine. Hinawakan niya ang kamay ko. Tinungo namin ang kotse niya. Pinagbuksan niya ako at inalalayan paakyat sa passenger seat. He was about to close the door ngunit nanlaki ang mga mata ko ng biglang sumulpot si Justine at kwenelyuhan ito, malakas na isandal ito ni Justine sa kotse na katabi sa kotse ni Iñigo. Wala sa oras na napababa ako ng kotse. Nilapitan ko ang dalawa. Sinubukan kong awatin si Justine ngunit hinila ako ni Jeric palayo sa dalawa. "Teka, sandali." Nagpumiglas ako sa hawak ni Jeric ngunit kay higpit nitong hinawakan ako. "Justine, let him go." Sigaw ko. Nakatagis ang mga bagang ni Justine habang mariing nakikipagtitigan kay Iñigo. "Anong katarantaduhan ang balak mo sa kapatid ko? Ano, sagot!?" Galit na tanong ni Justine. "Gusto ko kapatid mo." Iñigo calmly said while staring straight into Justine's eyes. "Sinong ginagago mo? Gagamitin mo lang kapatid ko para i-distrak team namin. Aminin mo." "Mahal ko kapatid mo, Justine." "Tigilan mo kapatid ko." "Matagal ko nang mahal kapatid mo Justine. Ngayon pa ba ako lalayo ngayong girlfriend ko na siya." "What? Girlfriend? Kayo na?" "Oo, kami na." Napatigil si Justine at napatitig dito, napalingon ito sa aking gawi. Pabalang na binitiwan siya ni Justine. Hinarap ako ng kakambal ko. Mariin niya kong tinitigan. I felt guilty. He felt betrayed. "Syota mo na?" Unti-unting lumuwag ang hawak ni Jeric sa akin. Di ko kayang salubungin ang titig ni Justine. Nag-iwas ako ng tingin at marahang tumango. "So, ganun nalang yun. Okay lang pa la magtago ng sekreto." "Sasabihin ko naman-" "Kailan? Kapag sinaktan ka na?" "Di ko siya sasaktan kakambal mo, mahal ko si Jazlyn-" "Shut up! Hindi ikaw kinakausap ko." Bara nito sa sasabihin pa ni Iñigo. "'Di ko naman pinagbabawal na makikipagrelasyon ka dahil nasa tamang edad ka na naman. Ang gusto ko lang ay makakasigurong mapapupunta ka sa matinong tao. Paano pa kita maproprotektahan kung ganitong nagtatago ka ng sekreto." "Bal..." "Sana nga di ka niya sasaktan, dahil wala ka ng kakambal na malalapitan." Pagkasabi ay nilagpasan niya ko at pumasok pabalik sa resto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD