“O-kay…” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Kakapa kilala pa lang, ekis na agad. Lahat sa ayoko ay yung presko.
“Jazlyn?” Sabay kaming napalingon ng lalaki ng marinig ko ang boses ni Justine ng sambitin nito ang pangalan ko. Kunot ang noo nitong tinignan ako at mas lalo lamang kumunot ng bumaba ang tingin nito sa kamay ng lalaki na nakayakap sa likod ko. Naitulak ko ito bigla kasabay ang pag-atras ng isa kong paa.
“Ha-ppy birthday! I mean happy birthday to us!” Lumapit ako kay Justine at niyakap ito. Grabe naman kung mali pa rin ang niyakap ko. “Surprise!” Alinlangan itong niyakap ako pabalik.
“You’re here.” Mahina nitong saad, di makapaniwala na nasa harapan na niya ako.
“Feel ko nga excitement mo.” I sarcastically said. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at bahagyang lumayo upang tingnan siya. “‘Di ka na surprise? Nag-effort pa naman ako.”
“I am ngunit mas na surprise ako sa nadatnan ko. You know that asshole?” Turo nito sa nagpapakilalang Kyle Xavier churva. Sinadya pa nitong lakasan ang boses upang marinig ng tinutukoy nitong asshole.
“Ouch! I can sue you, Hernandez. Oral defamation but we can negotiate, we’re both businessmen. Iaatras ko yung kaso kapalit ang maging bayaw mo, take it or leave it?”
“Take it or leave it.” Natawa ako ng itaas ni Justine ang gitnang daliri. Ang lalaki nama’y napapailing.
“Naughty.” Saad ng lalaki sabay kagat ng labi nito.
“Gross.” Natawa si Kyle sa naging reaksyon ni Justine. “Let’s go, Bal. Baka magayuma ka pa dyan.” Pagkasabi ni Justine ay giniya niya ko palayo kay Kyle, narinig ko pa ang pagtawa nito.
“Jazlyn!” Napalingon ako ng tawagin niya ang pangalan ko. “It is so nice meeting you.” Saad nito sabay ngiti. Tiningnan ko siya, di na ako nakasagot ng hilahin ako ni Justine. Masyadong atat kakambal ko na ilayo kay Kyle.
“Wag kang magpadala kay Donovan, loko-loko yun pagdating sa babae.” Babala sa akin ng kakambal ko. Natawa ako sa sinabi nito.
“Ako pa ba, Bal? Nadala na to. Hindi na ‘to ang dating Jazlyn na marupok at isa pa ayoko sa kagaya niya masyadong presko.” Saad ko dito.
“Good. Mabuti ng nasa iisang pahina lang tayong dalawa.”
“Naman! I miss you!” Patagilid ko siyang niyakap, napangiti ito sabay akbay sa akin. Giniya niya ko papunta kung saan naroon ang mga kaibigan namin.
Kay lakas ng tunog ng musika ngunit nasasapawan pa rin ito sa lakas ng tawanan ng mga tropa namin.
"Sasayaw na yan." Rinig kong saad ng mga tropa kay Miggy.
"Wag niyo kong i-zero two mga shutangina kayo." Saad ni Miggy na halatang natatamaan na.
'Yung flat na petite tapos medyo makulit (yeah)' Sabay-sabay na kumanta sina Adrianne, Kevin, Jeric at Nathan. It's 'Neneng B by Nik Makino' Nakatayo ang mga ito habang nakatingin kay miggy na nakaupo sa couch. May hawak na bote ng beer ang mga ito.
"Ayoko ngang sumayaw! Nakakainis kayo!" Saad ni Miggy ngunit dahan-dahan itong tumayo di pa nakontento, tumuntong pa sa ibabaw ng couch at sinayaw ang kinanta ng mga tropa. Tawa akong ng tawa, si Gabby naman nasa isang couch namumula na rin sa kakatawa.
'Mahaba ang buhok at mga mata'y singkit'
Mas lalong napalakas ang tawa ko ng sinimulang e kembot ni Miggy ang balakang. Hayop nato ang galing pang gumiling, daig pang isang babae sa lambot ng katawan.
"Isa pa! Isa pa!" Pang-u-uto ng mga tropa ko kanya. Ito namang si Miggy, tila game na game kahit pinagloloko na ng tropa. Gustong-gusto pa nga.
'Para akong ipo-ipo kahit di sya bagong ligo
Uubusin tatapusin at wala ng hipo hipo' Kevin started singing the second song. It's 'Shoot-Shoot' by Andrew E.
"Para kayong mga tanga!” Saad naman ni Miggy ngunit kumikembot na ang balakang. “Sandali, pahawak nga.” Binigay niya kay Jeric ang dalang beer. “Go!”
'Di ko sya titigilan when she comes' Patuloy ni Kevin.
'Shoot-shoot' Nag-second voice ang buong tropa.
“Siraulo, parang kiti-kiti lang, e.” Saad ni Justine. Tawang-tawa ako sa moves ni Miggy. May pakindat-kindat pa nga.
'Di ko sya titigilan when she comes' Patuloy pa rin ni Kevin.
'Shoot- shoot' Segunda muli ng buong tropa.
“Isa pa, isa pa!” Panguuto muli ni Kevin. One little monkey jumping on the bed-” Umiwas ito ng hampasin ito ni Miggy. Kay lakas ng tawa ng buong tropa.
“Gago ka Kevin, ang pogi ko namang unggoy.” Bumaba na si Miggy sa couch. “Akin na beer ko.”Hinablot niya ito mula sa hawak ni Jeric. He was about to drink it ngunit napatigil ito nang makita ako. “Jazlyn?” Napalingon ang lahat ng tropa sa aking gawi. Napatayo si Gabby at tumakbo patungo sa akin. Napaatras pa ako when she threw herself on me, napayuko ako ng kumapit ito sa leeg ko at itinaas ang dalawang paa. I held her on her waist. Siraulong bata, naka-heels pa naman ako.
“Aray, Gabby, mababalian ako ng buto sa’yo.” Nang marinig ang sinabi ko ay tsaka niya binaba ang paa ngunit mas hinigpitan nito ang yakap sa akin.
“Ate Jazlyn, I missed you.” Saad nito.
“I missed you, too, baby.” Saad ko dito. Ilang segundo niya kong niyakap bago niya ako pinakawalan. Isa-isang lumapit ang mga tropa ko upang yakapin din ako.
“Happy birthday!” Bati nila sa akin isa-isa.
“Thank you.”
Pagkatapos nila akong batiin ay umupo kami sa couch. Sinandal ko ang likod sa sandalan ng couch, I crossed my legs. Tinanggap ko ang binigay na bote ng beer ni Jeric.
“Kumusta ka na?” Nathan asked.
“I’m good.” Nakangiti kong sagot. It was true.
“Kita nga sa mukha mo, blooming na blooming. You’re in love again?” Halos maibuga ko ang iniinom na beer sa tanong ni Nathan.
“Grabe but yes, I’m in love, I’m in love with myself.” I flipped my hair while proudly saying those words.
“That’s our Jazlyn.” Saad ni Kevin.
Hinatid ako ng tropa sa condo ko. Na sa tamang pag-iisip pa rin naman ako dahil isang bote ng beer lang ang ininum ko. I took off my dirty clothes before I went inside my bathroom. I took a shower. Napatingin ako sa tiles ng maramdamang kong naihi ako, humalo ang pulang likido sa tubig. I got my period.
Binilisan ko ang paglilinis ng katawan. I put on my robe right after I took a bath. Binuksan ko ang cabinet kung saan nakalagay ang mga sanitary napkins ko, napa facepalm ako ng makitang panty liners na lang ang meron ako. Kumuha ako ng isang panty liner.
Naisipan kong magbihis na lang muna bago mag-apply ng mga skincare sa mukha ko dahil plano kong bumili ng sanitary napkin muna. Ayokong matagusan ang kobre kama ko kahit sabihing may tagalaba naman ako. I wore a black maong shorts and a white loose hoodie.
I only brought my cell phone, I didn’t bring any cash or wallet, I just transferred it through mobile banking. Nilagay ko sa bulsa ng suot kong hoodie ang cellphone.
Sumakay ako ng elevator pababa. ‘Di na ako nagdala ng sasakyan dahil nasa kabilang building lang naman ang convenience store na sadya ko.
Tinulak ko ang babasaging double door ng convenience store. Kumuha ako ng double decker shopping cart but I only put one basket. I went to the toiletries section. Kumuha ako ng sampung pakiti ng brand ng napkin na ginagamit ko. Makahalong pang day time at night time. Nagawi ako sa wine section at naenganyong kumuha ng tatlong bottles ng wine na paborito ko pagkatapos ay pumunta akong counter.
May tatlong nauna sa akin. I patiently waited for my turn. Nang ako na ay isa-isa kong nilagay sa counter ang pinamili ko, isa-isa naman itong pinunch ng cashier. Sinabi sa cashier ang amount. I took off my phone from my jacket ngunit laking gulat ko ng mag warning sign ito ng lowbat kasabay ang pagpag-turn off nito. “Sh*t.” Tiningnan ko ang cashier. “Sandali lang miss, ha. Wala kasi akong dalang cash.” I tried to turn on my phone but it wasn’t working anymore. Naagaw ang atensyon ng may maglahad ng black card sa cashier.
“It’s on me.” Napalingon ako sa may hawak ng black card.
“Mr. Donovan,” I said.
He smiled at me. ‘Di na ako nakapalag pa ng kunin iyon ng cashier at e charge sa card niya ang pinamili ko. “Just pay me, kapag nakapag-charge ka na. Here’s my number, text me when you're bored or call me when you’re lonely, you choose.” Saad nito sabay abot ng kanyang business card.