“Do you have a pen and a paper?” Tanong ko sa cashier.
“Yes, ma’am!” Sagot nito sabay abot sa akin ng isang black ballpen at maliit na piraso ng papel.
“Thank you.” Ngumiti ako sa cashier sabay abot sa bigay nito. Hinarap ko si Mr. Donovan, napakunot noo ito nang iabot ko sa kanya ang ballpen at papel na binigay ng cashier.
“Anong gagawin ko dito?” Tanong nito ngunit tinanggap pa rin nito ang inabot ko.
“Yung papel i-ikot mo sa ballpen, gawin mong cotton buds.” Pamimilosopiya ko.
“What?” Natawa ako sa reaksyon nito.
“Write your account number. So, I can send you my p*****t right after I get home.” Saad ko. Aliw na tinitigan niya ko.
“How about, just pay me by allowing me to walk you home.”
“Malayo bahay ko.“ I coldly say.
“Problema ba yon? Mas gusto ko nga yon, it means I can spend more time with you.” God, bakit ba ang kulit-kulit niya. Why is he so insensitive?
“Excuse me, ma’am? Okay na po yung items niyo po.” Napabaling muli ang aking atensyon sa cashier. I smiled at her at kinuha ang mga pinamili ko.
“Thank you, miss.” Nakangiting saad ko sa cashier ngunit naagaw muli ang atensyon ko ng hawakan ni Kyle ang kamay kong may hawak ng plastic ng pinamili ko, nalipat ang tingin ko sa kamay kong hawak niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Ako na.” Saad nito sa akin.
“Kaya ko, hindi ako baldado.” Hinila ko ang kamay na hawak niya kasama ang bitbit kong plastic ngunit mas humigpit lamang ang hawak niya sa kamay ko.
"Ehem." Sabay kaming napalingon sa taong nakasunod sa amin. "Mahaba na po ang linya sa likod ma'am, sir. Baka naman po sa gilid na kayo magharutan." Saad ng ginang. Namula ang pisnge ko sa terminong ginamit ng ginang. Di ako muli nakapalag ng biglang inagaw ni Kyle ang pinamili ko sabay akbay sa akin.
"Pasensya na po, bagong basal po kasi, nag-aadjust pa po." Pagkasabi ay giniya niya ko paalis sa counter upang makausod ang pila. Nakailang hakbang pa lang kami ng huminto ako at tinanggal ang kamay niyang naka-akbay sa akin. Hinablot ko ang mula sa kamay niya ang pinamili ko.
"Thank you for your help, Mr. Donovan. I really do appreciate it. I already have your number. I just text you when I get home to ask for your account number. I'll go ahead now." Pagkasabi ay agad ko itong tinalikuran at umalis. Hangga't maaari ay ayokong mag iwan ng maling akala at pagasa sa mga lalaking may balak na pomorma sa akin. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang ibig sabihin ng mga kilos nito.
Lumabas ako ng convenience store. Naramdaman ko ang pagsunod niya ngunit di ko siya nilingon o pinansin. I crossed on the other line, ramdam ko pa rin ang pagsunod nito. Binilisan ko ang mga hakbang upang marating agad ang residential building kung nasan ang unit ko.
Siguro nama'y di na niya ako masusundan sa loob. Istrikto ang security para sa mga hindi mebro at nakatira sa magarang gusaling tinutuluyan ko.
I went inside the building. Naglakad ako sa lobby patungong elevator. Insaktong pagkarating ko ay ang pagbubukas nito. Wala akong kasabayan. It was me alone inside this narrow room, ngunit nanlaki ang mata ko ng makitang patungo si Kyle sa direksyon ko. Kay bilis kong pinindot ang close button. Nakahinga ako ng maluwag ng di niya ito maabutan. Napaisip ako bigla kung bakit kay dali niyang nakapasok sa loob, baka may kakilala lang siguro dito sa building.
Matiyaga kong hinintay ang numero ng floor ko. Kasabay ng pagtunog ng elevator ay ang pagbukas nito. Lumabas ako ng elevator. Nagsimula akong maglakad sa hallway patungo sa unit ko. Napalingon ako sa likod ko ng maramdamang may kasabayan ako. Nais ko lang sanang mapagsino ito ngunit napatigil ako ng paglingon ko ay ang nakapamulsang si Kyle ang nakita ko, napangiti ito sa akin. ‘Di ko siya nginitian pabalik, bagkus ay sinamaan ko siya ng tingin. Napatigil ito, hinugot ang dalawang kamay mula sa bulsa at itinaas sa ere na para bang sumusuko sa batas.
“Seriously? Are you a stalker?” Bahagya itong natawa, na mas lalong nagpausok sa bumbunan ko. ‘Di makapaniwala na tinuro nito ang sarili.
“Me? Stalker? Sa porma at gwapo kong to? Stalker talaga.”
“And why are you here? Bakit mo ko sinusundan?”
“Am I?” Napakamot ito sa ulo.
“Sorry, Ms. Hernandez, hindi kita sinusundan.”
“So, bakit ka nga nandito?”
“Bago ka lang dito?”
"Kung bago ako dito, ano naman paki mo?” Pagmamaldita ko, insakto meron ako ngayon.
“Chill, dahil kung bago ka dito, well I lived here for three years already kaya siguro ngayon mo lang ako nakita.” Napatigil ako sa sinabi nito. Napaawang ang mga labi ko.
Nagpatuloy ito sa paghakbang, huminto ito ilang pulgada mula sa kinatatayoan ko. Hinawakan niya ang baba ko gamit ang kanyang hintuturo upang itikom ang labi ko.
“Close it, baka maunahan pa ako ng langaw matikman ang labi mo.” Napayuko ito ng bahagya at bumulong sa tenga ko. “Welcome to the neighborhood, Ms. Hernandez, for now.” Pagkasabi ay nagpatuloy ito sa paglalakad at nilagpasan ako.
Napapikit ako dahil sa kahihiyan. He’s really getting on my nerves, nakakainis pero kinastigo ko rin ang sarili dahil nakalimutan kong he just saved my ass. I composed myself, bago hinarap ang gawi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Nilagpasan nito ang unit huminto naman ako sa pintuan sa labas ng unit ko. Napalingon ako sa kanya nang bumalik ito na nakayuko. Sinundan ko ito ng tingin. Lihim akong na tawa ng napagtanto na lumagpas pala ito sa sarili niyang unit.
‘Di lang pala ako yung tanga, at least, ginanti ako ng tadhana.
Pinindot ko ang apat na passcode tsaka ko ito tinulak at pumasok sa loob ng condo ko.
Pagpasok ko ay nilapag ko muna sa couch ang mga pinamili ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto at agad kong tinunton ang lagayan ng charger upang i-charge ang cellphone. Nilagay ko sa ibabaw ng lamesa kung saan ko pinatong ang cellphone ang business card na bigay ni Mr. Donovan sa akin.
I picked it up again ng maagaw ang atensyon ko sa nakasulat sa business card nito 'Kyle Xavier Ricaforte Donovan, Chief Executive Officer / Owner, Ricaforte Towers'.
"Oh." Tanging nasambit ko. Ricaforte Towers ay ang pangalan ng condominium na tinitirhan ko ngayon, which was also under HGC construction. Napaisip ako bigla. If he owns the building bakit hindi ang penthouse ng nasabing building ang kinuha niya bagkus ay isa lamang sa mga condo unit ang pinili nitong tirhan.
Nagkibit balikat lamang ako sa isipin. Hinayaan ko munang mapag charge ng kaunti ang cellphone. I placed his business card back on the table beside my phone.
Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang pinamili ko. Kinuha ko mula sa plastic ang tatlong wine na binili ko at dinala ko sa may wine bar upang doon ilagay. Dinala ko ang pinamiling napkins sa loob ng banyo ng silid ko.
Nagbihis ako ng bagong pads at pantulog bago ako umupo sa ibabaw ng kama. Tinanggal ko ang nakakabit na charger sa cellphone, kinuha ko pati ang business card ni Mr. Donovan. I turned on my phone.
Ilang saglit lang ay nagtitipa na ako ng mensahe para sa kanya. I asked for his account details.
Hindi man lang niya ako pinaghintay ng matagal sa kanyang reply, agad itong sumagot sa mensahe ko.
'May I know you?' Napakunot noo ako. Napaisip bigla kung ilan kaya kaming binayaran niya ang pinamili.
'Jazlyn Hernandez' I replied.
'Nice name, tunog pangalan ng magiging asawa ko in the future.' I rolled my eyes as I read his message. Di pa man ako nakapag reply ay muling nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. 'Same name na gustong-gusto ni mommy maging manugang'