Chapter 6

1711 Words
“When did you notice na may mali na?” Gab, asked. Hindi na umuwi ang mga kaibigan ko. Sinamahan nila ako at dito na rin daw sila matutulog sa pethouse ko. We ordered beer and food. Hindi na nila ako pinapainom. I was seated in between Gabby and Justine. Nakasandal ang ulo ko sa braso ni Justine, si Gabby naman ay kay Nathan. Medyo nahimasmasan na ako pagkatapos nila akong pakainin ng cup noodles. “Never… never did I notice na di na niya ako mahal, tangina.” Natawa ako ng mapakla kasabay ang pagpunas ko sa pisngi ko ng may kumawalang luha. “Sobrang galing niyang magtago, napaniwala niya kong mahal pa rin niya ko kahit ang natagal na pala niya kong binitawan, ang tagal na niya pa la akong niloloko, ang tagal na niya pala akong ginagago at ang tagal na niya pala akong hindi mahal.” Napa-hikbi muli ako. Gumalaw si Justine, ingat na inangat nito ang brasong sinandalan ko at inakbay sa balikat ko. “Sshh… Taman na.” Niyakap ako ni Justine, sinandal ko ang ulo sa kanyang dibdib, niyakap ko siya ng patagilid. Naramdaman ko ang pagpatak ng halik niya sa tuktok ng aking ulo. “He doesn't deserve you, Bal.” “Tama. Dyamante na nga nakuha niya naghanap pa ng uling.” Saad ni Jeric. “Wag mo nang iyakan ang mukhang baklang iyon, Jazlyn.” Saad ni Miggy. “Grabe siya…” “Ano bang iniyak-iyak mo dyan? Dahil naisuko mo na iyong bataan? Nah, it won’t matter nowadays, Jaz.” Prangkang saad naman ni Adrianne. “Excuse me, virgin pa ko.” Angal ko. “Di nga?” Di makapaniwala na tanong ni Adrianne. “Adrianne.” Nagbabanta ang klase ng pagtawag ni Justine sa pangalan ni Adrianne. “Sorry, pre. Nakakagulat lang. Lalaki ka rin. Diba mga tol.” “Kaya nga sobrang na-inlove ako diba? Dahil ang taas ng respeto niya sa akin. He told me that we only do it after our marriage. Isa rin siguro yan sa dahilan kung bakit di ko nahalata na na fall out of love na siya sa akin. Sobra niya pa kong inalagaan-” Napaiyak na naman ako. Si Justine naman panay ang alo sa akin. “Sobra niya kong nirespeto, protektahan, ang hirap.” Napahikbi akong muli. “Di kaya bakla yang Vergara na yan?” “Sobra ka Kevin, he’s a good kisser.” “Basehan ba yun?”Sabat naman ni Nathan. “Ang bakla hindi kayang manghalik ng babae, nasusuka mga yon.” Saad naman ni Gabby. “Whatever his reasons are, he’s still an asshole. Mas lalaki pa ibang bakla sa kanya.” Galit na saad ni Justine. “Iiyak ko lang lahat ngayon, huli na to. Bukas mananatili na lamang siyang parte ng nakaraan ko.” Pag sinabi ko sa sarili kong taman na? Tama na, titigil na ako, hihinto na ako. Husto na ‘yong humabol ako isang beses, nagpapakababa sa sarili ko at nilunok ang pride ko ng isang beses. Husto na ‘yong nagmamakaawa ako ng isang beses para lang bumalik siya at maging maayos ang relasyon naming dalawa. At Least, sumubok ako, sumubok akong ayusin at iligtas ang pitong taong pagsasama naming dalawa, na may ginawa ako at hindi basta na lamang bumitaw, na pinaglaban ko siya bago ako sumuko, na sumubok akong bawiin siya bago ako lumayo. Ayoko ring umabot sa punto na tatanungin ko ang sarili sa mga bagay na sana ay ginawa ko. What if, hinabol ko siya? What if di ako basta na lamang bumitaw at hinayaan siya? What if nagmamakaawa ako baka maawa siya? Para sa oras na makapag desisyon akong tumigil na mahalin siya, kakalimutan siya at mag-move-on ay di ko na kailanman subukang lumingon. Hindi ako nanghihinayang sa panahong minahal ko siya dahil kahit papano ay sobra niya kong napasaya. Kung may pinanghihinayangan man ako ‘iyon ay ang mga magagandang memorya na binuo naming dalawa na sana’y mananatiling magandang memorya ngunit dahil sa ginawa niya ay nagiging bangungot na lamang ang mga iyon dahil di ko matukoy kung saan ang totoo at kung saan ang hindi. At kung may nawalan man sa aming dalawa, alam kong hindi ako iyon, dahil buo yung pagmamahal na binigay ko sa kanya. I never hold back kahit katiting noong minahal ko siya. Buong pagkatao at buong puso ko ang pinusta ko sa relasyon namin ni Iñigo. Kung mas higit man ang binigay ng pinalit niya sa akin, then good for him. One thing is for sure, di na niya ulit maramdaman ang pagmamahal na binigay ko sa kanya noong kami pang dalawa. Six months have passed quickly. Kay bilis kong nakabangon siguro dahil sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Sinunog ko lahat ang nakakapag-paalala niya sa akin. Iniwasan ko lahat ng lugar na maaaring magku-krus ang landas naming dalawa. I blocked him in all my social media accounts at pinutol ko ang ugnayan sa mga taong konektado sa kanya kahit ang pamilya niya na sobrang napalapit na sa akin. For the past six months, hinayaan ako ng pamilya kong magliwaliw sa ibang bansa at sa kung saan ko gusto. At first they were worried hanggang sa nasanay na sila. When my parents found out about what happened to our relationship they were so upset with him. They also cut any business transactions to Vergara Corporation. Vergara Corporation, supplies hardware materials to some of HGC's big projects. I became distant from men who tried to win my heart. Nagpaparamdam pa lang sila, I already turned them down. They are the least of my priority. Kaya kong mamuhay na walang jowa. First priority ko ngayon ang sarili. I am focusing on myself and on what makes me the happiest. I started with my childhood dream, of traveling the globe. I even made a bucket list of countries I’ll be visiting every month. Every country leaves space inside my heart. I have learned so much about cultures and people. Somehow, my failed relationship with Inigo taught me to be brave and to be independent. "Annyeonghaseyo!" Bungad ko kaagad ni Justine ng tawagan niya ko via video call. Natawa ako sa expression ng mukha nito when he sighed. "Happy birthday, pinakagwapo kong kambal!" 'Nagtatampo na ako sayo. I expect that you will be back home before our birthday. So we can celebrate it together. This is the first time I'm going to celebrate it without you.' "Video call nalang tayo, Bal ha? Nagustuhan ko pa kasi dito sa korea.” ‘May magagawa pa ba ako?’ “Ano gusto mong pasalubong? Gusto mo ng koreana?” Natawa ito sa biro ko kalauna’y bigla muling sumeryoso. ‘You. Just bring yourself home safely, healed and happy and I couldn’t ask for more, that would be the greatest gift if ever, I have received.’ Napangiti sa sinabi ng kakambal ko. Isa siya at ang mga kaibigan ko sa naging dahilan sa agaran kong pagbangon. I looked at myself in the mirror. I was wearing a cream satin dress with a thin strap ending above my knees with a little slit on the side. I paired it with my four inches cream stilettos and put my hair in a messy bun. Napangiti ako ng makita ang sarili sa salamin, just what I expected to see, perfect. One thing I learned about this whole thing is that I learned how to appreciate myself because nobody would do that for me as satisfying as I do it for myself. Pinarada ko ang sasakyan sa harapan mismo ng Hotel Grande, na rooftop ng mismong hotel ginagap ang birthday party ni Justine, ay namin palang dalawa. Akala ni Justine ay nasa Korea pa ako ngunit nang tumawag siya ay nasa Pinas na ako noon, sa mismong bago kong penthouse. Bumaba ako at ibinigay sa valet ang susi ko. Sinadya kong magpa-late so I can surprise him. Dahan-dahan ang mga hakbang ko sa pag-akyat sa sementadong hagdan patungong entrance ng magarang hotel. Naglakad ako sa hallway patungong elevator, pumasok ako at pinindot ang floor na sadya. Matiyaga akong naghihintay. I was alone and I was so excited sa maging reaksyon ni Justine. Nang tumunog ang elevator kasabay ang pagbukas nito ay agad akong humakbang palabas. The rooftop wall are made of glass, kita sa loob ang kaganapan sa labas. Kay lapad ng venue, nagkalat sa iba’t-ibang parte ng lugar ang mga guests ni Justine. Sa rami ng mga bisiti nito ay nahirapan ang mga mata kong hagilapin si Justine at maging ang mga kaibigan ko ngunit kalaunan ay napangiti ako nang makita ko si Justine, nakatalikod at kausap ang ilang mga lalaki na ngayon ko lang nakita, marahil ay mga business associates. Nagpatuloy ako sa paghakbang tungo sa babasagin na double door. Hinawakan ko ang isa sa door handle sabay tulak nito. Tinunton ko ang kinaroroonan ni Justine kung saan ko ito nakita kanina. He was still talking with his friends, nakatalikod pa rin ito sa aking gawi. Lumapit ako at mula sa likod ay tinakpan ko ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko kasabay ang pagharap nito sa akin, ‘di pa man niya ako napagsino ay agad ko siyang niyakap, marahil ay nagulat ito sa ginawa ko dahil tumagal pa ng ilang segundo bago ko naramdaman ang kamay niya sa likuran ko. Napakunot noo ako ng maamoy ang pabango niya, when did he change his perfume but I like it better, huh. “Happy Birthday, Bal!” I greeted him. “Thank you but it wasn't my birthday, Miss.” Nang marinig ang sinabi ng akala ko ay si Justine ay kay bilis kong kinalas ang mga braso kong nakayakap sa kanya, tinungkod ko ang dalawang kamay sa dibdib niya dahil nanatili ang kamay nito sa likuran ko. Tinignan ko siya, kay lapit ng mukha namin sa isa’t-isa, he amusedly stared at my both eyes. “I’m so sorry, I thought you were my twin.” “I knew it, you’re more beautiful than your pictures. Such was my one lucky day, I got my chance to finally meet you personally, Jassica Kaitlyn.” “Do I know you?” Kunot noong tanong ko sa kanya. “Kyle Xavier Donovan, Baby for short.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD