Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa HGC. I am now the head of the Marketing team while Justine is train to be the next CEO of the HGC.
Gumaan kahit kaunti ang naramdamang bigat ko sa dibdib ng binisita ako ni Justine kahapon sa penthouse ko. Napagtanto kong mas masasaktan lamang ako kapag wala akong gagawin para libangin ang sarili ko at magmukmuk nalang sa kuarto. I kept myself busy while planning for the next marketing strategy ngunit kay hirap pala magfocus sa trabaho kapag may gumugulo sa isipan mo. Wala akong maisip na idea. Blanko ang utak ko at laging nauuwi sa sobrang pag-iisip, lalo na sa huling pag-uusap naming dalawa ni Iñigo at kung bakit nawala ang pagmamahal niya sa akin.
May hawak akong sign pen ngunit panay nalang linya at bilog-bilog ang isinulat ko sa planner. Di ko namalayan na naibuhos ko ang galit at sama ng loob ko sa ballpen na hawak ko. Bumalik lamang ako sa katinuan ng mabunggo ang dulo nito. Galit na ibinato ko ang ballpen na hawak. Hinawi ko ang mga gamit na nasa ibabaw ng lamesa ko, gumawa ito ng malakas na ingay ng bumagsak ito sa sahig. Gusto kong sumigaw ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko dahil tiyak na maririnig ako ng mga empleyado ng HGC ng departamentong hawak ko.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok, muli ay may luhang umagos sa pisnge ko. Napatigil ako ng biglang may naisip akong gawin. Inabot ko ang handbag na dala ko at tumayo. Kay laki ng mga hakbang kong tinungo ang pintuan palabas ng opisina ko. Nakita ko ang pagtayo ng sekretarya ko ngunit di ko ito nilingon o kaya'y kinausap. Tuloy-tuloy ang mga hakbang ko hanggang sa labas ng Marketing department. Ramdam ko ang mga titig ng mga empleyado ni Daddy sa akin ngunit wala sa kanila ang pakialam ko.
Tinungo ko ang elevator. Pinindot ko ang floor kung saan pinarada ko ang sasakyan.
Paharurot kong pinatakbo ang kotse at tinungo ang nais na destinasyon.
Di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para puntahan siya, basta nakita ko na lamang ang sariling nakatayo sa labas ng kanyang condo unit. Ilang minuto na akong nakatitig sa kanyang pintuan ngunit tila naupos ang baon kong tapang. Nagdadalawang isip kung ipagpatuloy ko ba ang gusto o lilisanin ko na lamang ang lugar.
Kay bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako sa maging reaksyon niya ngunit tangina, gustong-gusto ko na talaga siyang makita. Nagbabakasaling pwede pa naming ayusin ang relasyon naming dalawa. Siguro nama'y enough na iyong isang linggo mahigit upang makapagisip-isip siya. Naaawa ako sa sarili ko pero puta! Mahal ko e, sobrang mahal ko. Nababaliw na ko kakaisip kung babalik pa ba siya o tuluyan na siyang mamaalam sa pitong taong pagsasama naming dalawa. Kung may pag-asa pa ba kaming dalawa o ako nalang itong umaasa. Kung may hihintayin pa ba ako o tuluyan na niya akong nilimot na. Kung pwede pa ba kaming magsimula muli o tuluyan na niyang tinapos ang kami. Isa-isang nagsilandasan muli ang mga luha sa mga mata ko kasing bilis ng mga palad kong pinunasan ang mga ito.
Itinaas ko ang hintuturo at pinindot ang apat na password ng unit niya but he already changed it.
Pikit matang pinindot ko ang doorbell ng kanyang unit, Naghintay ako ng ilang minuto upang pagbuksan niya ngunit ng lumipas ang tatlong minuto at nanatiling sarado ang pintuan niya ay muli kong pinindot ito. Muli ay naghintay ako ngunit muli ay bigo akong pagbuksan niya. Para na akong tangang panay ang pindot ko sa doorbell niya, gustong-gusto ko siyang makita ngayon. Ayokong palagpasin ang araw na ito dahil baka sa susunod ay mawalan na ko ng lakas ng loob na puntahan siya, harapin siya at kausapin siya.
Di ko na mabilang kung nakailang pindot na ako sa button bago ako nakaramdam ng pagod. Hindi lang katawan ko kundi labis ang pagod na nararamdaman ng puso ko. Napayuko at napapikit na lamang ako kasabay ng pagtulo ng panibagong luha sa mga mata.
Bagsak ang mga balikat kong hinakbang ang mga paa palayo sa kanyang unit. Nakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko ang boses niya. "Jazlyn..."
Dahan-dahan akong napatingala sa kanya. Isa-isa na namang pumapatak ang mga luha ko sa magkabilang mga mata ko ng masilayan ko siyang muli ngayon sa harapan ko. Isang linggo ko lang siyang hindi nakita ngunit tila kay tagal na iyon para sa'kin dahil sobrang sabik na sabik akong makita siya. "Love, let's fix this please..." Sunod-sunod na ang agos ng mga luha ko sa mga mata.
I moved closer to him at niyakap ko siya, mahigpit, sobrang higpit. Nagulat ito sa ginawa ko ngunit hinayaan lamang niya ako. "Kailangan kita.Maaayos pa natin to diba? Mababalik pa naman natin ang dati diba? Love, please, nagmamakaawa ako ayusin natin to. Iwan mo siya please, bumalik ka na sa akin, buong puso kitang tatanggapin. Kakalimutan ko ang naging dahilan ng lahat ng ito. Magsisimula tayo muli. Bumalik ka lang sa akin, please.... " Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya. I miss everything about him, ang amoy niya, ang pakiramdam na magpahinga sa dibdib niya, ang makulong sa mga braso niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya kahit sobrang nasasaktan ang puso ko dahil di man lang niya akong magawang yakapin pabalik at ang mas nakakadurog ay nang hawakan nito ang magkabilang braso kong nasa likuran niya sabay tanggal ng mga ito mula sa pagkakayakap sa kanya. "No, please, no, Iñigo, please..." Napahakbang ito paatras upang idistansiya ang sarili mula sa akin. Tinignan ko siya sa mga mata, sinalubong niya ang mga titig ko. Hindi na siya ang dating Iñigo na minahal ko at minahal ako. Di ko na makita sa mga mata niya ang dating ningning sa tuwing tinititigan niya ako, sa tuwing masilayan niya ako. Bakit di ko iyon nakita sa loob ng apat na taong sinabi niyang wala na siyang nararamdamang pagmamahal sa akin?
"Wag kang magpapakababa sa katulad kong walang kwenta. You deserve so much better at hindi sa tarantadong kagaya ko. I am sorry for hurting you pero wala na talaga. Hindi na kita mahal, Jazlyn. Masaya na ako sa taong pinili ko at sana balang araw mahanap mo na rin yung taong magpapasaya sa'yo."
"Why are you so unfair. How can you be so happy while I am suffering the pain of loosing you. How can you say those words as if you never loved me? How can you just ended up our relationship that easily like i was nothing to you?"
"If only I can answer all of your questions, Jaz. I'm so sorry, I just fell out of love." Pagkasabi ay agad niya kong nilagpasan at iniwan.
Seven years ago...
Linggo.
Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng kuarto ni Justine. Dalawang araw na ang nakalipas ng magkatampuhan kaming dalawa. Ito ang unang beses na nag-away kami at hindi nagkikibuan. Hindi ako sanay. Nakakapanibago.
Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan niya. Pareho kaming nagulat na dalawa at sabay na napahaplus sa aming mga dibdib. Napatitig ako sa kanya, ganun din siya sa akin. Natawa na lamang kami sa naging reaksyon naming dalawa.
"I'm sorry, Bal..." Napatigil ito at napatitig sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng nginitian niya ako. Lumapit ako at niyakap ko siya. Napangiti ako ng yakapin niya ako pabalik.
"Mahal mo talaga?" He asked. Bahagya akong lumayo upang tingalain niya pero nanatiling nakayakap kami sa isa't-isa. Sunod-sunod akong tumango habang nakangiti."Wag lang siyang magkakamaling saktan ka niya at anim kaming makakalaban niy. Please tell me if magloko siya at di akong mangimeng pasabugin ang mukha niya." Sunod-sunod muli akong tumango. "And when will you tell mom and dad about him? He should introduce himself to our parents. Di porke't nasa modernong panahon na tayo ay okay lang na di siya pupunta ng bahay at kung saan ka nalang niya gustong dalhin."
"He will, Bal. Siya yung mas gustong sabihin sayo ang relasyon namin at kahit pa noong nanliligaw pa lang siya. Ako lang yung ayaw dahil nga paparating ang finals."
"Good, asahan ko yan."
Nakaupo sa ibabaw ng kama ko, nakangiting nakasandal ang likuran ko sa headboard ng kama habang kausap ko sa cellphone si Iñigo.
'So glad to hear it, Love. Finally, I could shout to the world that you're mine. Mahahawakan ko na sa wakas ang mga kamay mo, mayayakap at mahahalikan na di nababahala na may makakakita sa ating dalawa.'
"Gagawin mo 'yan? Di mo ko ikakahiya?" Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko sa mga narinig mula sa kanya, habang nilalaro ko ang suot na necklace.
'What!? Kung alam mo lang kung gaano ako ka proud na maging boyfriend mo. You're a gem, Love. Iiingatan ngunit kailanman di kita itatago and if I'm going to keep you, it will be in my heart but never to the world.' I bit my lower lip para pigilan ang pagtili sa narinig ko mula sa kanya ngunit shuta kay hirap pigilan. I muted my mic. I shouted enough na di marinig sa labas ng kuarto ko. Kinalma ko ang sarili bago ko kinansel amg mute.
"Masyado kang pa fall. Di mo na ako kailangang bolahin, girlfriend mo na ako." I said using my very clam voice.
'Exactly! I just relay to you what my heart said, Love and I won't get tired of telling it to you every single day. I love you and I hope you do too...'
Napangiti ako. Tila may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi niyang iyon sa akin. Kahit hindi ko man siya nakikita at tanging boses lang niya ang naririnig ko ay ramdam ng puso ko ang sinseridad at katotohanan sa mga salitang sinabi niya.
Alam kong msyado pang maaga upang paniwalaan ang pagmamahal niya ngunit kay lalim na ng narating ng pagkakahulog ng puso ko sa kanya. Yung tipong kay hirap huminga hindi dahil nasasaktan ako kundi dahil sa sobrang kaligayahan.
"I do, Love, that I can't hardly breathe..." Tanging nasambit ko...