Chapter 4

1329 Words
Sapo ng isa kong kamay ang ulo habang naka tungkod ang siko sa wine bar counter sa sarili kong penthouse habang hilam ang mukha ko sa luhang kanina pa panay ang agos mula sa mga mata kong tila walang kapaguran sa pag-iyak. I was drinking alone. Ang isa kong kamay ay hawak ang bote ng mamahaling alak. Kailangan ko to, tangina, para makatulog ako at pansamantalang makalimutan ko ang sakit. Huli na ‘to, huli na yung nagpapakababa ako sa sarili ko para sa kanya. Putangina! Ang sakit, yawa! Ang hirap intindihin, ang hirap tanggapin at ang hirap paniwalaan na basta na lamang nawala ang pitong taong pagsasama naming dalawa. Pitong taon na puno ng mga pangarap na unti-unti naming binuo at bubuohin pa. Muli ay nauwi sa paghagulhol ang pag-iyak. Nabitawan ko ang hawak na bote. Gumulong ito at nahulog sa kabilang bahagi ng counter. Gumawa ng malakas na ingay ang pagbagsak nito sa lupa at katulad ng puso ko ngayo’y sobrang durok nito. Nakahiga ang kalahating bahagi ng katawan sa wine bar counter, ginawang unan ang isa kong braso habang patuloy sa paghikbi habang sinusuntok-suntok ko ng isa kong kamay ang ibabaw ng counter. Napaayos ako ng upo ng biglang marinig ko ang pagtunog ng sarili kong phone. Na patayo ako bigla, na patakbo sa malawak ko na living room upang tunguhin ang bag kung saan nagmula ang tunog. Kay bilis ng mga kilos at kamay ko upang hanapin ang cellphone at nang mahawakan at agad ko itong sinagot. “L-ove?” I cried. “I k-new it, di mo ko matitiis-” “Jazlyn? Are you okay? It’s Justine.” Bahagya akong napatigil ng marinig ang boses ng kakambal ko sa kabilang linya. “You’re crying, aren’t you?” Di na ako nakatiis. Napahagulhol na lamang ako sa kabilang linya. “Hey, where are you?” “I need you, Bal. Di ko na k-aya, ang sakit-sakit na.” Napa-diin ang haplus ko sa aking puso habang unti-unti akong napaupo sa sahig sa living room. I just cry and cry. Nilalabas ko ang sakit sa dibdib ko “Damn! Sa’n ka ba? Puntahan kita.” “Bal, ang s-akit. Para akong pinapatay sa sakit. Wala naman akong ginawang mali, kasalanan bang magmahal ng sobra?” “Ano ba pinagsasabi mo? Wait, I'll track your location.” Panay lang ang iyak ko at hikbi. Kung ano-ano lang ang lumabas sa bibig ko.”Meeting adjourn. Emergency.” I heard him say, on the other line. “Oh, thank god! I’ll be there in your penthouse, asap. Don’t do something stupid, utang na loob.” Hindi siya nawala sa kabilang linya ramdam ko ang pagkabahala niya at pagkataranta. Narinig ko muling may kausap ito na iba. “Where are you guys? Sino malapit sa penthouse ni Jazlyn? Please puntahan niyo, malayo pa ko. I don’t know the story but she’s calling me right now, she’s not herself, she’s crying. Nag-alala lang ako. Tangina, ang layo ko pa. Thank you, thank you so much, bro-” Di ko na narinig ang iba nitong sinabi dahil tinanggal ko na sa tenga ang cellphone na hawak ko. Unti-unti akong napahiga sa sahig muli ay ginawa kong unan ang mga isang braso ko habang patuloy sa pag-iyak. Narinig ko ang pagbeep ng maindoor ng penthouse ko kasabay ang nagmamadaling hakbang ng kung sino. “Jesus Christ, Jazlyn....” I heard Jeric’s worried voice. Hindi ako nag-angat ng tingin. Nagpatuloy ako sa pag-iyak na para bang kusang mawawala ang nararamdamang sakit kapag iniyak ko, na para bang kusang maghihilom ang sugat sa mga hikbi ko. Nakita ko ang pagluhod nito sa harapan ko. Maingat niya kong hinawakan at unti-unti niya akong pinaupo. I looked at him, bakas sa mga mata nito ang naramdamang awa para sa akin. Di ko ulit napigilan ang pagkawala ng mga hikbi ko, tila ba nakahanap ako ng karamay. Bigla niya kong kinabig at niyakap. “What happened? Tell me, please.” ngunit tanging hikbi lamang ang naging sagot ko sa kanya, panay ang haplus niya sa mahaba kong buhok. Ilang minuto ay narinig ko muli ang pagbeep ng pintuan ko at sunod-sunod na mga yapak papasok sa loob ng unit ko. “Ate Jaz…” It was Gabby’s voice. She went closer, she kneeled down, naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. Kumawala ako sa pagkakayakap kay Jeric. Nag-angat ako ng tingin kay Gabby. Ilang segundo ko pa lang siyang tinitigan ay isa-isa ng pumapatak ang mga luha nito sa mga mata. I bit my lower lip. Niyakap niya ko, sobrang higpit. Sinubsob ko ang luhaang mukha sa kanyang balikat at doon ako humagulhol ng sobra. Narinig ko ang paghikbi nito na mas lalong nagpaiyak sa akin. “Anong ginawa ni Vergara sa’yo?” Galit na tanong ni Nathan. “Niloko ka ba ng gagong yun?” Sumunod na nagtanong ay si Adrianne, kalma lamang ang boses nito ngunit may diin sa bawat salitang binigkas. “Tangina! Ma resbakan nga.” Napabitaw ako mula sa pagka kayakap kaya Gabby, napaangat ang tingin ko kay Miggy. “Miggy, no!” Tawag ko dito ng magsimula itong humakbang palabas ng unit ko. “Anong no? Tingnan mo nga ‘yang sarili mo. Mapapatay ko talagang hayop na yon.” Galit na saad ni Kevin. “We already warned him not to hurt you. Tara na.“Saad naman ni Jeric. “Hindi nga! Utang na loob!” “Ba’t ayaw mo?” Napalingon kaming lahat ng sa may pintuan ng marinig ang malaking boses ni Justine. “Ayoko ko ng gulo.” “Noong sinaktan ka niya, sinimulan na niya ang gulo.” “That is why I kept it with myself, dahil dyan sa magiging reaksyon niyo! All I need is comfort.” I cried. Ang mga galit na mga mata nila ay unti-unting lumambot. Unti-unting umamo ang mga ito mula sa mga nagtatagisan nilang mga panga. “All I need right now is someone to listen to me, someone who could understand me and my pain. I don’t want you guys to hurt him para ipaghiganti ako. Pinapababa niyo lang lalo ang sarili ko kapag ginawa niyo yun. Gusto ko lang ilabas ang sakit na nararamdaman ko.” Napapikit ako kasabay ang pag-agos muli ng luha ko. “Gusto ko lang may mapaghihingahan ako dahil di ko to kaya mag-isa, yun lang…” Napatakip ako sa aking mukha at napahagulhol sa mga palad ko. Niyakap ako ni Gabby, napahagulhol ako sa kanyang braso, panay ang haplus nito sa buhok ko. Unti-unti kong naramdaman ang paglapit nila isa-isa. Napaangat ang tingin ko ng maramdaman ko ang mga kamay ni Justine. Niyakap niya ako, binuhos ko lahat ng sakit sa dibdib niya. “Iiyak mo lahat. Mawawala rin yan. Matatapos rin ang sakit na iyan, Bal. Dadamayan ka namin, nandito lang kami ha. Nandito lang ako para sa’yo.” Ramdam ko ang pagpipigil nitong patatagin ang boses. “Oo Jazlyn, mawawala rin yan, hindi yan motolite na pangmatagalan- Aray, bro.” Napa-igik ito. Marahil ay nasikmuraan ng kung sino. “Magseryoso ka nga.” Rinig kong saway ni Nathan sa kanya. “Seryoso nga ako, minsan na nga lang makapag-advice.” Nagsisenti ako ngunit di ko napigilan ang sariling matawa sa banat ni Miggy. Hayop talagang batang to. “O, tingnan mo, tumawa na. Sabi ko sa’yo.” “Aray, Miggy. Tangina.” Si Nathan naman ang napa-igik. “Binalik ko lang yung sakit.” Saad ni Miggy. “Babalik din yung kay Vergara. What goes around, comes around. What goes up must come down, now who’s crying, desiring to come to me.” “Tangina, kumanta pa nga!” Bulaslas ni Kevin. Lumayo ako kay Justine, pinunasan ko ang pisngi. Tiningala ko si Miggy. Napatigil ito sa pagkanta, nginitian ko siya. “Payakap nga ako.” I said to him, he smiled back at me. Lumapit ito at lumuhod sa harapan ko. He gave me his tight hug.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD