Papalapit na sana sina Ferra at Zaile sa isang yate nang may biglang humila sa buhok ni Micah. Napangiwi si Micah nang hilahin siya ng isang babae. "Aaahh!" daing niya at saka napahawak sa mga braso ng may-ari. "Tita!" sigaw ni Zaile. Tinulak nito ang babae na humila sa buhok ng dalaga. "Walangya ka Ferra! Kinabit mo pa talaga ang asawa ko! Nandito ka lang pala!!" galit na tugon ng babae at saka naglabas ito ng baril at asido. Nang makita iyon ni Micah agad niyang inilayo si Zaile. "Zaile go! Please humingi ka nang tulong! Run!!!!" utos niya sa umiiyak na bata at mabilis naman itong tumalima. Mabilis ang kilos ni Ferra. Inapakan niya ang paa ng babae gamit ang takong ng kanyang sandals. At mabilis na itinulak niya ito, nabitawan ng babae ang asido at baril, saka tumakbo si Micah na