"Hayaan na muna natin ang mga Del Fuego, you need to go home to take good care of Zaile habang nasa ospital si Hugo. This is your chance na mapalapit ka kay Zaile," hinila ni Mike ang kapatid patungo sa kotse. "Kuya paano kung lumala ang sakit niya?" nababahalang tugon ni Micah sa kapatid. "Ipagdasal nalang natin ang asawa mo, sige na let's go," tugon ni Mike at saka sila sumakay sa limo papuntang hacienda, nang makarating sila ng hacienda hindi na nagtagal pa si Mike at umalis na din agad ito. Napasulyap si Micah sa orasan. Alas dose na pala ng madaling araw. Kinapa niya ang kwintas na suot. At saka ito muling pinakatitigan. Napaupo siya sa couch ng living room. Saka niya naalala ang silicone mask. Hindi niya ito suot. Damn! Nakalimutan niyang suotin ito. Pero agad din siyang napanata