"Dad, I want to see my mom, please daddy.... I missed her so much, can you find her for me?" pakiusap ni Zaile sa ama. Damn! Saan niya ngayon hahanapin ang babaeng 'yon? Naikuyom ni Hugo ang mga kamao. Wala siyang choice kundi ang tawagan si Hercules. Kailangan niya ang tulong ng kapatid. Kasalukuyan nilang binabagtas ang daan patungo sa mall na pag-aari ng mga Montenegro. "Napatawag ka, Hugo?" sagot ng nasa kabilang linya. "I need your help Hercules, hinahanap ni Zaile ang kaniyang ina. I need you to find wherever she is," saad niya sa kapatid. Tila naman nagulat si Hercules. s**t! Hindi niya akalaing hahantong pala sa ganito na talagang maghahanap si Zaile sa ina. At nai-imagine niya ngayon ang kawawang mukha ng kaniyang pamangkin. His poor Zaile. Ano nga bang dapat nilang gawin?