"ALAM ko na ang sasabihin mo base na rin sa nakikita ko sa anyo ng mukha mo," malungkot na saad ni Dolce sa maganda niyang modelo. Well, inaasahan na niya ang sasabihin nito. Ilang ulit na niya itong kinukulit na mag-renue sa kontrata nito pero halatang wala itong balak. Kahit gano'n pa man, ipapakita niya ang suporta sa pinakamamahal niyang alaga. "Kilala mo na nga ako, Manay Dolce," nakangiting saad ni Gretel sa kanyang Manay Dolce. "Ano ba talagang plano mo, hija?" malungkot na tanong ni Dolce sa alaga. "Uuwi na po ako sa Pilipinas. Gusto kong kalimutan si Z. Dahil kung nandito ako, para lang akong asong ulol na sumusunod sa kanya. I need to cut my obsession, Manay Dolce. I'm so sorry, isa pa, hindi na ako masaya sa mundong ginagalawan ko. Feel ko kasi parang may kulang," tapat na