"MANANG nasaan sina Mama at Papa?" tanong ni Gretel sa kanilang mayordoma. "Nasa isang business meeting po, ma'am. Maligayang pagbabalik po," magalang na tugon ng mayordoma sa pinakapaborito niyang amo. Si Gretel na mabait. "Gano'n po ba? Salamat po, sige po, magpapahinga na po muna ako sa aking kwarto," tugon niya at pumanhik sa grand staircase ng kanilang mansion. Pumasok sa loob ng sariling-silid at ibinagsak ang pagod na katawan sa malambot niyang kama. Nakatitig siya sa kisame. Napasulyap sa dingding kung nasaan naroon ang malaking frame na kasama niya ang kanyang kapatid na si Gabriela. Napangiti siya. Tila ba nakatitig sa kanyang mga mata ang mga mata ng namayapang kapatid. How she misses her. Lalo na ang kanilang mga bondings noon. Nagulat siya nang tumunog ang kanyang cellph