NAGISING si Gretel sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Gamit ang isang braso tinakpan niya ang mga mata. Saka lang niya napansin na wala siya sa sariling kwarto. Naalala niya ang grand party kagabi. Oo nga pala, nasa apartment siya ngayon ng kaibigang si Alvira. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. "Good morning! Breakfast ka na," gising ni Alvira sa kaibigan. "I'm sleepy pa, Vi," tamad na sagot ni Gretel sa kaibigan. "Akala ko ba may lakad ka ngayon?" palatak ni Alvira. Saka naman napamulagat si Gretel at bumalikwas nang bagon. Oo nga pala, may usapan sila ng kaibigang doktora na magkikita. Bumalikwas siya ng bangon at napatampal sa sariling noon. "Argh! I forgot, kainis naman talaga, oo!" ani Gretel at nagmamadaling naupo sa malambot na kama. "Bakit ba? Saan ka