Kabanata 4

3285 Words
HINAYAAN na lamang ni Gretel kung anong isipin ni Zairus tungkol sa kanya. Basta siya, batid niyang walang katotohanan ang sinasabi nito. Deep inside her, nasasaktan siya sa mga walang katuturang akusa nito tungkol sa kanyang pagkatao. Gano'n na ba talaga ka pangit ang imahe niya bilang modelo? Siguro, kaya nito nasabi ang ilang bagay na iyon dahil madalas siyang natutulog sa ilang condo ng mga kaibigan niyang mga lalaking modelo, without knowing ng tukmol na si Zairus na kasama niya ang ilang mga kasamahang babaeng modelo. Kinuha niya ang damit ni Zairus at balak niyang labhan iyon bukas. Hindi naman ito umangal. Pagkatapos ay binalikan niya ang nilutong ulam. Amoy niya ang ulam na niluto. Ang Lemon Chicken Skillet, her favorite. Saka niya inilipat iyon sa maliit na bowl para pagsaluhan nila ng binata. Inayos niya ang ilang plato, kutsara at tinidor sa tray. Dinala na lamang niya sa living room ang nilutong pagkain para hindi na maistorbo ang pamamahinga nang kanyang bwesita. Samantalang si Zairus naman ay hindi makapaniwala, kung sino pa iyong taong pilit niyang iniiwasan. Ang siyang taong tumulong pa talaga sa kanya. His jaw clenched nang maalala ang nangyari sa kanya kanina. 10 men drag him, mabuti na lamang at napatay niya ang walo, samantalang nadaplisan lang ng sarili niyang baril ang dalawa. F*ck! Kailangan na niyang maging maingat. Lalo na ngayon at kasama niya si Gretel. Kahit galit siya at naiinis rito. Ayaw niyang pati ito ay madamay sa gulong kinasasangkutan niya. "Dinner's ready!" nakangiting ani Gretel sa tila seryosong binata. Pansin niyang may malalim itong iniisip. "May talent ka pala sa pagluluto," ani Zairus sa nakangiting dalaga. Pansin niyang hindi pa rin ito nakapagbihis. "Oo naman, may gusto ka bang putahe? Tikman mo, don't you worry walang gayuma 'yan. Pero kung gusto mo ang special na putahe, hmn, pwedeng ako," may pang-aakit na saad ni Gretel sa binata. Napasulyap siya sa sugat sa may tagiliran nito. "Kumusta na pala ang daplis mo?" "Kumain na lang tayo," pagdakay sagot ni Zairus sa dalaga. Pero ang totoo, biglang nag-init ang kanyang paligid sa narinig mula sa dalaga. But he managed to control his own self. "Whatever! Kung ako sa'yo, itigil mo na 'yang mga masasamang gawa mo. At sa tingin mo ba, tama 'yan?" palatak ni Gretel sa binata. Damn! Napasulyap siya sa sparkling abs ng binata. Inis na sinita niya ang sarili. Argh! "Saka mo sabihin sa'kin na tama ang mga ginagawa ko kung mismo sarili mo inalam mo bang tama ang mga ginagawa mo?" nakakalokong sagot ni Zairus sa dalaga. Pansin niyang panay ang sulyap ng dalaga sa kanyang matipunong dibdib at abs. Napangisi siya. "Hanggang tingin ka na lang," tudyong turan niya sa dalaga. Kunot-noo na nagtataka si Gretel sa sinabi na iyon nang binata. "Pardon? What do you mean? Hump!" si Gretel. Awtomatikong tumaas ang kanyang kilay nang mapagtanto ang ibig sabihin ng binata. "Never mind," sagot ni Zairus sa dalaga, saka hinarap ang pagkain. Tahimik lang silang kumakain, at para maialis ang awkwardness sa pagitan nila nang binata. Naisipan ni Gretel na buksan ang malaking flat screen TV. Nungka ba namang tumambad sa kanila ang hit movie noon na Fifty Shades of Grey. Awtomatikong napaubo si Gretel. What the f*ck! "Naalala mo ba ang mga lalaking suki mo sa pagtatalik?" tugon ni Zairus sa dalagang tila muntik nang mabulunan. His smirk at her. And gave her an annoying look. Inirapan lang siya nito. Pagdakay tumayo ito at sa tingin niya'y kukuha nang tubig na maiinom. Hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ang seksing pwet ng dalaga at ang bilugan at makinis nitong hita. Damn! Umigting ang panga ni Gretel nang marating niya ang kanyang fridge at kumuha roon ng malamig na tubig, sinalinan niya ang kanyang baso. F*ck! Gano'n na ba talaga ka pangit nang imahe niya sa mga mata ng binata? Do she look like a professional stripped? Parang gusto niya tuloy sakyan ang nais nito para inisin itong lalo. Napahigpit ang hawak niya sa basong may laman ng malamig na tubig at ininom iyon. Napasandal si Gretel sa fridge. Dapat sanay maging masaya siya dahil nakasama niya ang binata sa mismong rest house niya. Pero kung puro lang na man insulto at pintas ang lumalabas sa bibig nito ay sobrang sakit iyon siyempre sa parte niya bilang babae. At sa mismong bibig pa ng lalaking tinatangi nanggaling ang mga masasakit na salita. Argh! For her, that was so unfair. Bumalik siya na may dalang baso at pitsel na may lamang malamig na tubig para sa bisita. Napansin niyang may earpiece na suot ang binata. Hindi niya alam kung anong trabaho nito, pero duda siyang miyembro ito ng isang malaking sindikato. Ayaw man niyang husgahan ang pagkatao ng lalaking minamahal pero iyon ang dikta nang kanyang isipan. Narinig niyang tumunog ang cellphone nito. Ni hindi niya maintindihan ang salitang ginagamit nito. Argh! Pero parang Italian ang lengguwaheng sinasabi nito. Iyon ay kung hindi siya nagkakamali. Nang mapansin nang binata ang kanyang paglapit, sumenyas ito sa kanya na huwag maingay. Tahimik lang si Gretel na nakikinig sa binata. Inilapag ang dalang pitsel sa center table at baso. Nilagyab niya ng malamig na tubig ang naturang baso. Saka siya sumenyas sa binata na aakyat lang siya sa taas para makapaligo at makapagbihis na rin. TINUNGO Ko ang sariling kwarto. Hindi ko alam pero ang hirap mag-isip nang mali. Sino ba talaga si Zairus? May serial hit man ba na magaling magsalita nang ibang lengguwahe? Ipinilig ko ang sariling ulo. Dumiretso ako sa aking walk-in closet para pumili ng damit pampatulog. Pinili ko ang pyjamas. Hindi ako pwedeng magsuot ng nighties lalo na at may lalaki akong kasama. Kunway good girl ako ngayon. Lihim akong napangisi sa sarili. Pagkatapos ay tinungo ko ang banyo para maligo. Lumapit ako sa aking bathtub. Inihanda ko iyon. Pagkatapos ay saka ako nagbabad roon. Makalipas ang kinse minutos, natapos na ako sa aking paliligo, saka ako nagbihis. Kailangan ko pang ayusin ang kabilang kwarto para sa aking bwesita. Yeah, hindi bisita. Paano ba naman kasi, wagas kung makapang-husga. Kunot-noong napasulyap ako sa aking bintana nang marinig ang tila ugong ng ilang sasakyan. Lumapit ako sa aking bintana. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tila parang armadong mga lalaki na pumasok sa malawak na bakuran ng aking rest house. Hindi kaya? Oh, no! Baka kalaban ito ni Z! Nagmamadaling binuksan ko ang pinto ng aking kwarto, eksaktong pagbukas ko bumungad sa akin ang tila naiinip na si Z. "Damn it! Nasundan pala nila tayo at kailangan nating makaalis rito!" "Z, p—pero hindi ka pa okay," muli, taranta kong saad rito. Labis akong nag-alala sa kalagayan nito. "Wala ka bang coat? Wear something, damn it! Your f*cking boobs is showing!" asik ni Z, sa'kin. Oh, damn! Nagmamadaling tinungo ko ang aking walk-in closet at awtomatikong kinuha ang makapal kong sweater at isinuot iyon. "Any exit here? Kailangan nating makaalis rito bago pa tayo nila makita," pagdakay tanong ni Z sa'kin. "Meron, pero—kailangan mo muna akong i-kiss?" biro ko rito. The hell out of me, at nagawa ko pa talagang magbiro dito, e, nasa gitna kami ng laban at napapalibutan ng mga goons. "Actually, wala, e," pagdakay sagot ko sabay ngiwi. Napahilamos si Z sa sarili nitong mukha nang marinig ang sagot ko. "What the heck! Goddammit!" narinig kong malutong na mura ni Z. Nakagat ko ng wala sa oras ang aking pangibabang-labi. "But, I have a suggestions. Kita mo iyong bintana ko? Tumalon tayo roon. At sa pool tayo babagsak. Kailangan lang natin ng maliksing kilos. Don't worry maasahan mo ako riyan. Hindi ako gaya ng mga bidang babae sa action movie na panay ang sigaw at reklamo sa mga bidang lalaki. Ano, tara?" ani ko kay Z na halos hindi ito makapaniwala. "Are you sure?" paniniguro pa ni Z sa'kin. Wala na akong pinalampas na oras at hinila si Z patungo sa aking bintana. Nagmamadaling binuksan ko iyon. Sumilip sa baba, perfect wala na ang mga ungas na goons. Binalingan ko ulit si Z. "C'mon, kailangan na nating magmadali. Penge isang baril, tutulungan kita," ani ko pa rito dahilan para magulat ito sa mga sinasabi ko. "What? are you kidding me, woman?!" tanong ni Z sa'kin, kitang-kita ko sa anyo nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. "Ayon!" Nanlaki ang aking mga mata at awtomatikong itinulak si Z, at maliksing kinuha ko ang baril na nasa tagiliran nito para itutok sa lalaking babarilin sana kami, pero not this time. Naunahan ko na ang ungas. "One shot down!" ani ko. "What the f*ck!" narinig kong mura ni Z. "Dalian mo na, tumalon na tayo. Surely paparating na ang ilan dito sa loob ng kwarto. Bilis!" ani ko sa nakangiwing si Z. Palibhasay may sugat ito sa tagiliran. Lumapit ako rito at hinila ito. In a seconds tumalon kami mula sa bintana at bumagsak kami sa malawak na pool. Nagmamadaling lumangoy kami sa gilid ng naturang pool. Inalalayan ko pa si Z. Kapwa kami basang-basa. Damn! Walang sasakyan, palibhasa'y wala sa'kin ang susi ng sasakyan ko, nasa bag ko mismo. Sh*t! "You amazed me," narinig kong sabi ni Z sa'kin. "Moral lesson, huwag mong husgahan ang kapwa mo tao. Thank you, pero hindi ito ang kilig moments natin, we need to get out of here. Tara!" muli ay hinila ko ito palabas ng aking rest house. Eksaktong paglabas namin may sasakyang paparating. Wala akong choice kundi itutok ang baril sa driver para huminto ito. Lihim naman akong nagpasalamat at huminto ito at nagmamadaling pumasok kami sa loob ng kotse! "Just drive manong, please. I am so sorry for doing this. Kailangan ko lang talagang gawin," utos ko rito. "O–opo," sagot nito at mabilis na pinaharurot nang takbo ang jeep na sinakyan namin. Napasulyap ako kay Z. Mabilis na nag-iwas ito nang tingin nang mag-tama ang aming paningin. "Are you, okay?" tanong ko rito. "I'm not," sagot nito. Napasulyap ako sa tagiliran nito. Nagdurugo ulit ito. Damn! "Wala ka bang ibang kakilala na pwede nating puntahan, Z?" tanong ko rito. "Dumurugo ang sugat mo. Baka magkaro'n pa 'yan ng komplikasyon kung hahayaan mo na lang. Hindi ba talaga tayo pwedeng pumunta ng ospital?" nag-alalang tanong ko rito. "Hindi pwede," maagap nitong sagot sa akin. Lihim akong nanlumo, saka ko binalingan ang matandang driver. "Manong, huwag kang matakot sa amin, hindi kami masasamang-tao. Kinakailangan ko lang gawin iyong kanina. May mga lalaking humahabol sa amin na hindi namin nakikilala. Pakiusap, hindi kami gano'n kasama tulad nang iniisip niyo," paliwanag ko sa matandang lalaki. "Naiintindihan ko po kayo, ma'am," sagot ni manong sa'kin. "Salamat na man po kung gano'n," sagot ko rito. Nang tila makarating na kami sa siyudad ng Pransya, mula sa aking kamay kinuha ni Z ang baril kong hawak, t'saka kami nagpasalamat kay manong at bumaba nang kotse, saka ko tinakpan ang aking mukha. Baka magkagulo bigla at makita ako ng mga tao, pumara ako ng taxi. Wala akong choice, dadalhin ko si Z sa bahay ng kaibigan kong si Alvira. "Come on," saad ko kay Z. Sumunod lang ito sa'kin. Tahimik lang ito, at pansin kong panay ang observation nito sa paligid. Maybe, he was thinking na baka nasundan kami ng mga goons. Sa tingin ko na man parang hindi. "Saan po tayo, ma'am?" tanong ng taxi driver na panay ang sulyap sa akin sa naturang rearview mirror. Duda ko namukhaan ako nito. Damn! Lagot na kung sakali. "Paris Forino," sagot ko rito. "Yes, ma'am." Napasulyap ako kay Z. Kanina pa ito tahimik. Damn! Nag-aalala na ako rito. Pumikit ako, dadalhin ko na lang ito sa sarili kong tinutuluyan. Muli, sinabi ko sa driver ang aking address, at sinabi kong doon na lang kami nito dalhin. Mas ligtas kami ro'n. May ilang mga trap akong inilagay sa mansion na pagmamay-ari ko. Matagal na ring hindi ako umuuwi roon. Makalipas ang ilang oras, nakarating na kami sa lugar kung saan ako nakatira. Tinapik ko ang makinis na mukha ni Z. "Wake up, Z. Narito na tayo." Naalimpungatan si Z. Ngumiti ako rito. "We're here na," ani ko rito. Pagdakay napasulyap sa driver. Tinanggal ko ang isa kong hikaw na nagkakahalaga ng 2million Euro. "Heto na lang ibibigay ko sa'yo, pasensiya ka na wala akong dalang cash. "Naku, 'wag na po Ms. Gretel. Sapat na po sa akin na masilayan ang iniidolo ng aking anak na babae. Alam ko pong ikaw 'yan, ma'am. Ang gandang-ganda niyo po sa personal. Pwede po bang makahingi ng pabor po, autograph po sana galing sa inyo para sa anak kong may sakit na cancer, ma'am. Alam niyo po bang maganda ang influence niyo sa patuloy niyang paggaling, ma'am?" ani nang driver sa akin. Tila binalot nang kakaibang ungkot ang aking puso sa narinig. "Oh, gosh. S–sure po. Pwede ko po bang makita ang anak niyo?" sagot ko kay manong driver. "Sige po," sagot nito at ipinakita sa dala nitong cellphone ang mukha ng anak nitong babae. Nangilid ang mga luha mula sa aking mga mata nang makita ang kalagayan ng bata. Tila parang dinudurog ang aking puso. "Mas kailangan niyo po 'yan kuya, gift ko na po sa anak niyong maysakit," ani ko rito. Saka ko hiningi ang address ng ospital kung saan naka-confine ang anak nito. Para 'pag may vacant time ako, pwede kong bisitahin ang naturang bata. "Salamat, ma'am." "Walang anuman po, pakiusap ko po manong. Huwag niyong ipagkalat ang pagbibigay ko sa inyo nito," pakiusap kong tugon rito. "Makakaasa ka po, ma'am." Tumango ako sabay ngiti at nagpaalam na dito. Sabay na umibis kami ni Z sa naturang kotse ng lalaki. Nagulat ang ilang guards sa aking pagdating at dali-daling binuksan ang naturang gate, nagbigay galang ang mga ito sa akin. Sumenyas agad ako sa mga ilang kasambahay na naka-uniform to assist us. Nagsilapitan ang mga ito sa'min. Pagdakay nagbigay galang ang mga ito sa akin. Nakasunod ang mga ito sa amin ni Z hanggang tuluyan na kaming makapasok sa looban ng mansion. "Ihanda niyo ang guest room para sa bisita ko," ani ko. "Yes, ma'am. Maligayang pagbabalik po." Narinig kong sagot ng aking mayordoma. So far, hindi napabayaan ang aking mansion na galing sa sarili kong pawis. Napasulyap ako sa litrato namin ng kapatid kong si Gabriela na matagal ng namayapa. I missed her so much. "Who is she? May kakambal ka pala?" takang tanong sa akin ni Z. "Yeah, she is my twin sister. Pero — patay na siya dahil sa isang malubhang sakit," sagot ko rito. Muli, tinawag ko ang aking mayordoma. "Yes po, ma'am. Ano pong kailangan niyo?" "Gusto kong tawagan mo si Dra. Nancy Wilson, please?" "Masusunod po ma'am," sagot ng aking mayordoma sabay sulyap sa lalaking kasama ko. "C'mon, Z. Ihahatid na kita sa guest room para makapagpahinga ka na. You need to take some rest. May mini gym ako, you can use it anytime you want. Ipapadala ko na lang siguro ang pagkain mo sa kwarto. Magpalakas ka muna, saka ka na umalis kung okay ka na," turan ko rito at inalalayan itong maka-akyat ng grand-staircase. "Salamat, pero huwag mong asahan na magkakagusto ako sa'yo dahil lang sa mga nagawa mo sa aking kabutihan," narinig kong saad nito sa akin. Pagak akong natawa. "You're crazy, Z. Bukal sa loob ko na tulungan ka. At wala akong sinabing may kapalit 'yon," sarkastikong sagot ko rito. "Mas maigi na iyong nagkaintindihan tayo. Mahirap na at baka umasa ka pa," saad pa nito sa'kin. Hanggang sa makarating kami sa tapat mismo ng guest room. "Hindi ako umaasa, ang gusto ko lang na man ay ang anakan mo ako," prangkang sagot ko rito. "Pumasok ka na sa kwarto mo, let's stop this nonsense conversation," ani ko pa rito at inis na tinalikuran ito. *** "WHAT?!" Inilayo ko ang sariling cellphone sa sarili kong tenga. Damn! Halos mabingi ako sa boses na iyon ni Alvira. Gaga talaga ang kaibigan kong ito. "Kailangan mo ba talagang sumigaw?! "Of course, nagulat ako at hindi makapaniwala sa sinasabi mo na magkasama kayo ni Zairus. Alam mo bang kanina ka pa raw tinatawagan ni doktora para sa insemination mo?" Napatampal ako sa sariling noo. Oo nga pala. Damn! Ngayon pala ang schedule ko. Napangisi ako at nakaramdam ng excitement. "Thank you sa info. I need to hang-up now, Vi. Kailangan ko nang magbihis, pupuntahan ko na si doktora," saad ko at mabilis na pinatay ang naturang tawag. Nagmamadaling nagbihis na lang ako since tapos na ako sa aking paliligo. Nagmamadaling lumabas ako ng aking kwarto. Naabutan ko sa salas ang naka-topless na si Z. Oh, damn it! Tila parang nag-slow motion ito sa aking paningin. Tingin ko'y kagagaling lang nito sa pag-jogging. He was wearing his white jersey shorts habang nakasukbit sa leeg nito ang puting towel. Sinusundan ko ang pagpatak ng pawis nito from his forehead pababa sa may puson nito. Nakagat ko ang pangibabang-labi. Damn! "WHERE are you going?" tanong ni Zairus sa dalagang tulala na nakatitig sa kanya. Napangisi siya sa hitsura ng dalaga. He snap at her using his thumb and middle finger. He was enjoying Gretel's reaction. Totoong sinadya niya iyon. Damn! At masasabi niyang ang lakas nga ng dating niya sa babaeng ito. "H—ha?!" pagdakay turan nito sa kanya. "Hindi mo ako narinig? Palibhasa'y nakita mo lang ang matipuno kong katawan nawala ka na sa sarili mo," tudyo niya rito. "Hindi mo ako masisisi, Z. Hindi ako banal para balewalain ang masarap na putahe na inilatag sa harapan ko. Para kang adobo na ang sarap papakin. Hindi ko pwedeng tigilan hangga't hindi ko nauubos. Ano? Satisfied ka na sa mga sagot ko?" "Sabagay, patay na patay ka nga pala sa akin," nakangising saad niya sa dalaga. "Alam mo na man pala ba't mo pa kailangang ipamukha sa'kin? Well, by the way, aalis ako. May pupuntahan lang ako. Just feel at home. Bye," ani nito sa kanya at mabilis siyang tinalikuran ng dalaga. Pansin niyang tila nagmamadali ito. Saan kaya ito pupunta? Awtomatikong pinigilan niya ang isang braso nito dahilan para mapaharap ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito. "Anong oras ka ba uuwi? Alalahanin mong baka namukhaan ka ng mga humahabol sa'tin. Remember, their are possibilities na hinalungkat nila ang rest house mo. Don't tell me, wala kang ni isang picture mo roon or any belongings na magpapatunay na ang sikat na super model ang kasama ng lalaking hinahabol nila?" Natigilan ito sa narinig mula sa kanya. "What do you think? Ibig sabihin ba, nadamay ako sa gulong kinasasangkutan mo?" takang-tanong nito. "Yes, since binaril mo ang isang kasamahan nila. Damay ka na do'n." "So, hindi pala ako pwedeng umalis ngayon? May importante pa naman akong lakad. Argh!" Napangisi siya sa problemadong mukha ng dalaga. Huwag ka na lang lumabas. Pahupain muna natin ang sitwasyon. Ayaw mo ba no'n, makakasama mo ako?!" tudyo niya pa rito. "Ah, gano'n?" "Parang gano'n na nga. Balak ko ring turuan ka on how to defend yourself from bad guys. What do you think?" "Aba, bet ko 'yan. Ang sarap sa pakiramdam iyong tipong magkadikit ang mga katawan natin, tapos biglang mag-init tayong dalawa at iyon na, gagawa tayo ng baby!" palatak nito. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na magpakawala ng malutong na halakhak. Napailing siya sa tila babaeng walang preno ang bibig. "Totoo naman, a! 'Yan ang mga nangayayari, tulad na lamang sa mga nababasa ko sa paborito kong online platform reading apps. Like Dreame and Yugto." "C'mon, Ms. Gomez. Wala tayo sa non-fiction world. Ano game?" "Aba, game! Kung isang tulad ba na man ang magtuturo sa'kin bakit hindi, 'di ba?" Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni Zairus. Aaminin niyang nagsisimulang nag-enjoy siya sa presensiya ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD