"I CAN manage, okay?" sagot ni Gretel sa binatang tila pinag-aaralan ang kanyang magandang mukha. "Look, kaya ko ang sarili ko. Ipinanganak akong palaban kahit pa nga insulto ang natitikman ko sa'yo. Pero ano bang isinukli ko sa'yo, hindi ba't kabutihan?" nakangising sagot ni Gretel sa binata. Napansin niyang pumanatag ang ekspresyon ng mukha nito. "Well, if that's what you want. Mag-ingat ka pa rin. Hindi basta-basta ang mga taong naka-engkwentro natin," sagot ni Zairus sa dalaga. Pagdakay napabuga nang marahas na hininga. Damn! "Sasamahan na kita," muli ay saad niya sa dalaga. "Are you sure?!" takang-tanong ni Gretel. Nagtagpo ang kanyang mga kilay sa narinig mula sa binata. But deep inside nagwawala ang lintik niyang puso sa sobrang kilig at excitement. "Hintayin mo ako rito, magb