Kabanata 3

3318 Words
Nasa labas lang ng naturang ospital si Alvira waiting for her crazy friend to come out. She was so devastated about the behavior of her very own friend, Gretel. Kahit kailan talaga nagpakabaliw pa rin ito sa misteryosong lalaki na sa tingin niya'y wala namang mapapala ang kaibigan niya sa mukhang armadong lalaking si Zairus. Nang biglang bumukas ang pinto. Sumalubong sa kanya ang tila pilyang ngiti ng kanyang kaibigang modelo. She raised her brow and crossed her arms. And send her friend an unknowing look. "Bingo!" saad ni Gretel sa kaibigan niyang tila batid niyang against sa kanyang kagustuhan. Well, she don't care at all. Ang gusto niya ay ang magkaanak na. Babalik siya bukas para sa gaganaping Intrauterine insemination (IUI). Kunot-noo na pinukol lang ng masamang tingin ni Alvira ang kaibigan. "Alam mo bang kanina pa tumatawag si manay Dolce? Ilang minuto na lang magsisimula na ang show, Gretel!" "I know, pwede ba 'wag kang pressure," sagot ni Gretel sa kaibigan, naalibadbaran siya sa frustrations nito. Nagpatiuna siya sa paglalakad patungo sa kotse na nasa garage mismo ng ospital. Agad na pumasok sila sa loob ng kotse at mabilis namang pinaharurot iyon ng takbo ni Alvira patungo sa lugar kung saan gaganapin ang naturang event. Pagdating sa naturang lugar sinalubong agad sila ng nag-aalalang mukha ng kanilang Manay Dolce. "Jusko, Alvira, Gretel! Akala ko hindi na kayo darating!" Tumaas ang sulok ng labi ni Gretel sa narinig mula sa kanyang Manay Dolce at napangiwi. "Of course, Manay Dolce. May obligasyon kami na dapat naming gawin, we are your models at nakasaad iyon sa ilang mga kontrata na pinirmahan namin, hindi ba?" "Tama na ang usapan, come on pumasok na kayo sa dressing room. Please guys, assist them," utos ni Manay Dolce sa ilang mga makeup-artist. Naupo ako at hinarap ang sariling repleksyon sa salamin habang panay ang trabaho ng isang makeup artist sa aking makinis na mukha. Replacing my old simple makeup. Since, fashion week irarampa na naman namin ang latest collection ng Louis Vuitton, Chanel, Dior, Saint Laurent, and Balmain. "Here, isuot mo ito baby girl," nakangiting ani ni Manay Dolce sa tila walang-gana niyang alaga na si Gretel. Makalipas ang ilang minuto, nag-umpisa na ang grupo nina Gretel ang rumampa sa naturang stage. Gaya ng dati, the crowd shout her name. She is the queen of the spotlight. She smile confidently like she own the stage. And did the amazing catwalk. Her head held up high. Turn around and smile. Always put her mind to represent the beauty of a brand she modeled by walking down in a catwalk perfected manner. But suddenly, the man she adore caught her attention, Zairus the mysterious one. Eksaktong natapos si Gretel saka niya namataan si Zairus. Again, her seductive smile plastered on her teasing lips. Naglakad siya patungo sa table nito. As usual, pansin niyang suot pa rin ng lalaki ang paborito nitong black leather jacket. "Hi, Z. Hindi ko akalaing nandito ka rin pala?" bati niya sa seryosong binata na ngayo'y sumimsim ng alak sa kopita nitong hawak. But deep inside her, she was so damn, happy nang makita ang naturang binata. "Stay away from me, woman!" may diing taboy ni Zairus sa dalagang aaminin niyang nakakaakit ang alindog. Her chinky eyes bore into his dark deep mesmerizing eyes. Ni hindi niya magawang sulyapan ang naturang dalaga. But on his peripheral vision, he saw how her playing image seduces him. Damn it! "I saw you with someone random girls, pwede naman ako bakit ibang babae pa?" tudyong turan ni Gretel sa seryosong binata. Gustuhin mang tumayo ni Zairus at iwan ang naturang dalaga pero hindi niya magawa, he can use Gretel para sa misyon niya. Pero nag-aalala siya, paano kung pati ito'y mapahamak pa? Hindi pwede iyon. Nagulat siya nang maramdaman ang isang kamay ng dalaga na gumagapang sa kanyang hita. He growl in anger. He grabe her hands and pulled her closer to him. "Oh, I like it," nakangising turan ni Gretel nang maramdaman ang matipunong dibdib ng binata. Nag-tama ang kanilang mga paningin. Her heart hitched. Damn! "Time will come na bibigay ka rin sa kapangahasan ko, Mr. Z, I am wondering kung ano ba talaga ang tunay mong pangalan. You're such a mysterious man, you know," nakangiting turan ni Gretel sa binata. Tiniis niya ang mahigpit na hawak nito sa kanyang mga kamay. Damn it! Aaminin niyang nasasaktan siya sa hawak nito. But still, she manage to smile. "Hindi mo kailanman malalaman kung sino ako. Now, get lost and never come back bago pa kita itulak nang marahas!" mahinang bulong ni Zairus sa punong-tenga ng dalaga. At mabilis na binitiwan ang isang kamay nito. Napagtanto niyang napahigpit pala ang hawak niya sa mga malambot na kamay ng dalaga. Damn, her smell suffocate his nostrils. It was damn, seductive. Pinipigilan niya ang sarili na huwag magpatukso sa magandang dalaga. Gretel is a teased for him. And he admit that damn, thing! Anytime pwede niyang i-grab ang opportunity para ma i-kama ito. Pero never sa babaeng ito na sa tingin niya'y pinagpasapasaan na ng mga lalaki, ilang beses na nga ba niya itong nahuhuli na natutulog sa penthouse ng ilang lalaki niyang kakilala? F*ck! His fist clenched in anger sa tuwing maaalala niya ang ilang mga tagpo. Nandidiri siya rito. Isa pa, he like to f*ck virgins. Pasimpleng napasulyap si Gretel sa kamay niya na ngayo'y namumula. Argh! Ang sakit lang. Damn, Zairus for hurting her physically. Pero hindi iyon dahilan para ma turn-off ang paghanga niya rito. Siya man ay gusto nang tumigil sa paghahabol rito, but damn, her heart choose the mysterious bastard. Awtomatikong mula sa kamay ng binata. Kinuha ni Gretel ang hawak na kopita nito at inisang lagok lang ang laman niyon. Napangiwi siya sa kakaibang lasa niyo'n. Mapait sa una, pero pagkalauna'y matamis. Gusto niya tuloy isuka. Argh! Napaubo siya. "Good for you," bulong ni Zairus sa punong-tenga ng dalaga, he needs to that para na man hindi siya maakusahang bastos ng ilang mga paparazzi na sa tingin niya'y nakamasid sa kanila ng dalaga. Kailangan niya iyong gawin. Narinig niya ang halatang pagsinghap nang dalaga na sa tingin din naman niya'y sinadya lang nito. He needs to go in his mission. Damn! Hindi pwedeng mawala sa paningin niya ang naturang target. Inis namang napahalukipkip si Gretel. Napasulyap siya sa kinaroroonan ng kanyang Manay Dolce at sa mga kasamahang modelo. Mapapansing hinahanap na siya ng kanyang mga kasamahang modelo. Modeling is her world, and she admit na sawa na siya sa pagmomodelo. Gusto na niyang lumagay sa tahimik na buhay. But how? Kung ang lalaking hayagan niyang nagugustuhan ay panay ang taboy sa kanya. "I'm wondering kung anong ginagawa mo rito sa fashion week na ito? And I notice na panay ang tingin mo sa ilang mga judges. And I'm wondering kung bakit hindi ka takot na magdala nang baril, alam mo bang bawal 'yan? Lalo na at wala kang license?" Napasulyap si Zairus sa maamong mukha ng dalaga at agad ring ibinaling ang tingin sa direksyon kung nasaan ang kanyang target. "I don't have time to make it up with you, woman!" "I know, well, sa lahat ng mga lalaking naka-encounter ko, ikaw lang ang ayaw sa'kin. Kaya napapaisip na lang ako, you secretly like me, pa hard to get?" panunudyo pa ni Gretel sa binata. Pagak na natawa at nailing si Zairus sa narinig mula sa dalaga. That's why she don't like her. Masyadong mayabang at feeling nito lahat ng lalaki ay napapaibig. Well, except him. Never na kakagatin niya ang mansanas na pilit nitong inilalapit sa kanyang bibig. Kung wala lang sigurong tao sa naturang lugar, malamang kanina pa niya sinampal nang insulto ang babaeng kausap. "Gret, c'mon. Manay Dolce was looking for you, please excuse us," si Alvira at pa simpleng hinila ang kaibigan. Napansin niya agad ang nakasimangot na mukha ng kaibigang si Gretel. The hell this woman! Minsan gusto na niya itong sapakin sa sobrang clingy sa crush nitong si Zairus na feeling niya ay hindi niya kayang mapagkatiwalaan. "At bakit na naman, Vi?" pinipigilan ni Gretel na tumaas ang sariling boses. Argh! Wrong timing na naman ang kanyang kaibigan. "Look, Gretel! Konti na lang masasampal na kita diyan sa katangahan mong taglay. Don't you see his reaction everytime na lumalapit ka sa kanya? Kulang na lang masuka siya sa'yo! He's not even worth it your time! Nagpaka-gaga ang isang super model sa isang estranghero? Wake up!" ani Alvira sa kaibigan at niyugyog ang balikat nito. "For pete's sake, ang dami mong mga manliligaw, mga bilyonaryo pa, pero bakit hindi na lang sila ang pagpilian mo?!" "Hey, stop! Naririnig mo ba ang sarili mo, Vi? Kaibigan kita hindi ba? Bakit hindi mo na lang ako suportahan sa kabaliwan kong ito. Hindi ko mapipigilan ang lintik kong puso na umibig sa lalaking 'yon. Alam mong sa buong buhay ko never ko pang naranasan na sabihin ang nararamdaman ko sa isang lalaki, but when I met Z, biglang nag-iba ang mundo ko. I fall for him, Vi. At alam kong alam mo 'yan, right?" "Masasaktan ka lang sa kanya, Gret," ani Alvira sa kaibigan. Pinakatitigan niya ang napakagandang mukha nito. Gretel looks like an angel, but for Alvira, her friend is still an angel kahit pa nga sabihing maldita ito at sobrang brat. "I'm just concern here, I am your friend. At ano ba para sa'yo ang samahan ng dalawang magkaibigan?" medyo tumaas na ang boses ni Alvira. Inis na inirapan lang siya ng kanyang kaibigan at basta na lamang siya nitong tinalikuran. Damn! "Gretel! Gretel! Wait!" sigaw at habol ni Alvira sa kaibigan, tila nabunutan siya ng tinik nang makitang dumiretso itong pumasok sa naturang dressing room. Argh! Salamat naman. Inis na naglakad nang mabilis si Gretel at tinungo ang dressing room na kasalukuyang nasa backstage. Eksaktong magpapalit na siya ng ibang damit for the last show ramp. Todo lagay ng makeup ulit ang ilang makeup artist na babagay sa susuotin niyang damit. Gosh, gracious, Gretel! At saan ka na naman nagsusuot babae ka?!" palatak ni Dolce sa kanyang alaga. Napansin niya ang kakaibang awra nito na tila wala sa mood. "Hinahanap mo na naman si Zairus. Oh, gosh, hija. Kailan ka ba titigil sa paghahabol mo sa lalaking 'yon?!" palatak ni Dolce sa magandang alaga. "Please, Manay Dolce ayokong marinig ngayon ang sermon mo," pakiusap ni Gretel sa kanyang Manay Dolce. Mabuti na lamang at tumigil ito at inis na umalis sa naturang dressing room. Saka nagpakawala ng marahas na hininga si Gretel. Napasulyap siya sa kanyang magandang mukha sa salamin na nasa kanyang harapan. She looks like a goddess sa suot niyang evening gown na kulay pula. Tila kasing-tingkad ito ng dugo. A minute later, paglabas pa lamang ni Gretel sa entablado, the crowd we're cheering nang makita siya ng mga tao. Nakakabinging sigawan at ilang mga nakakasilaw na mga liwanag gawa ng ilang mga cameras. She pose, smile, and walk like a goddess. Her emotions are perfect! Muli, sinalubong siya ng ilang hiyawan sa kanyang mga fans. Kung sila masaya para sa kanya, pero for her, there was something missing. Nasa kanya na ang lahat, pero bakit may kulang pa rin? She wanted to figured out what is missing in her. Hanggang sa matapos ang naturang events nagpasya na siyang umuwi. Kailangan niyang magpahinga. Iyon ang bilin ng kaibigang doktora sa kanya. Sana lang gumana ang plano niya. Ilang araw na lang malapit ng matapos ang kanyang kontrata bilang isang modelo. At plano niyang hindi na talaga siya magrenue. "Gret," tawag ni Alvira sa kaibigan. "Kung kakausapin mo na naman ako regarding sa mga plano ko, please Vi, itutuloy ko pa rin. Ayaw mo ba no'n. Ikaw na ang papalit sa'kin? And I am serious regarding this decision of mine. I know that its kinda weird for you. But for me, no! I get what I want!" pinal na saad niya sa kaibigan na tila gulat sa kanyang sinabi. Saka siya pumasok sa sariling kwarto at mabilis na pinaharurot iyon nang takbo. Mga ilang minuto rin ang naging biyahe ko. Ngunit nagulat na lamang ako nang may biglang lalaking tumawid sa aking dinaraanan. Huli na nang maapakan ko ang break. Napuruhan ko na ang naturang lalaki. Nagulat ako at ramdam ko ang panginginig ng aking kamay. Oh, damn! Nakapatay yata ako. Matagal bago ako nakahuma para tulungan ang naturang lalaki. Mabilis ang kilos na umibis ako ng sariling kotse at nilapitan ang naturang nabunggo ko. Halos maririnig ko na ang malakas na t***k ng aking puso dahil sa sobrang kaba at gulat. "I–I'm so sorry I didn't me–" naputol ang sasabihin ko pa sana nang mamukhaan ang naturang lalaki. "Z–Zairus?!" bulalas ko. Saka ko lang napansin ang duguang kamay nito na may hawak na baril. Oh, sh*t! Naniniwala na ako sa sabi-sabing hit man nga ang lalaking ito. "Damn it! Help me to get up!" asik ni Zairus sa dalaga. F*ck! Amoy niya ang pamilyar nitong bango, naghatid iyon ng kakaibang init sa kanyang katawan. Ramdam niya ang panginginig nang dalaga. Maybe, natakot dahil sa nangyari at sa natunghayan na nakakagimbal. Pero para sa kanya, swerte siya sa pagdating nito. Napangiwi siya sa daplis nang bala sa kanyang tagiliran. Bullsh*t! "Oh, gosh, Z, m—may dugo!!" gulat na bulalas ni Gretel. Mabilis ang kanyang kilos na inalalayan ang binata at dinala sa kanyang kotse. Nang makapasok na ito nang tuluyan saka siya umikot sa driver seat. "W–what happened?" kinakabahang tanong ni Gretel sa binata. Pagdakay pinaharurot niya nang takbo ang sariling kotse. "Just drive, stop asking question. Don't you dare take me to the hospital. In your place is way better," iritadong tugon ni Zairus sa dalaga. Hindi magawa ni Gretel na kiligin sa mga oras na iyon. Lihim siyang nag-aalala sa lalaking minamahal. Magpahanggang ngayon palaisipan sa kanya ang tunay nitong pagkatao. Hindi ba ito natatakot. Damn! She need to concentrate while driving. Diretsong dinala niya ang binata sa sarili niyang rest house. Wala pa naman siyang alam kung paano ito gamutin. Damn! Natatakot siya at baka magkaroon ng infection o 'di kaya'y komplikasyon ang sugat nito. Tumikhim si Gretel. "May tama ka ba ng baril?" tanong niya sa binata. "Stop asking some stupid questions, just drive. Damn it!" Medyo nagulat si Gretel nang biglang tumaas ang boses ng binata. Argh! Tumahimik na lamang siya. Nang mapansin niyang mas lalong nagdurugo ang tagiliran nito. Mabilis na inihinto niya ang sariling kotse at ipinarada sa gilid ng daan. Hinubad niya ang suot na coat at ibinigay sa binata. "Utang na loob, gamitin mo ito sa nagdurugo mong sugat. Please?" pakiusap niya sa binata. Lihim na nakahinga nang maayos si Gretel nang tanggapin iyon ng binata. "Salamat," saad ni Gretel. Muli, pinaharurot niya ng takbo ang naturang kotse patungo sa kanyang rest house. Nang makarating sa sariling rest house. Agad na inalalayan niya ang binata na makababa ng kotse pero tumanggi ito. "Buksan mo na ang rest house. Dalian mo," utos ni Zarius sa dalaga. Napangiwi siya sa sakit sa kanyang tagiliran. Konti na lang bibigay na ang katawan niya. Ramdam na niya ang panghihina ng sariling katawan. Samantalang taranta naman si Gretel. Mabilis ang kanyang kilos at kinuha ang sariling susi. Pagdakay binuksan ang naturang pinto. Nang sa wakas ay pumasok sila sa loob. Pinahiga niya si Zairus sa couch niyang naroon. Damn! Wala siyang idea kung paano ito saklolohan. "W–what I'm gonna do?" nauutal niyang tanong sa binata. Nakagat niya nang mariin ang pang-ibabang mga labi. Nasa proseso siya nang pagkataranta. "Calm down, just give me your medicine kit. Malayo lang ito sa bituka," sagot ni Zairus sa dalaga. Pagdakay napangiwi siya. Damn! Agad namang tumalima si Gretel at mabilis na hinanap ang medicine kit. Nang makita ay napangiti siya at mabilis iyong kinuha at binalikang muli ang binata. Nagmamadaling lumapit siya rito. "Here," ani Gretel sabay bigay sa binata. "Thanks, magpakulo ka rin ng mainit na tubig," utos ni Zairus sa dalaga. "Alright," sagot ni Gretel at tinungo ang kanyang kusina at in-on ang heater. After five minutes, dinala niya iyon sa living room at kumuha ng palanggana at isang maliit na towel. Tingin niya'y kakailanganin iyon ng binata. Pagbalik niya, tumambad sa kanya ang magandang hubog na katawan ng binata. What the! Nabitawan niya ang palanggana dahilan para mapatingin si Zairus sa kanyang kinaroroonan. "Sorry," pagdakay ani ni Gretel sa binata. F*ck! Naistorbo siya sa matipuno nitong dibdib at sa six pack abs nito. Dali-daling dinampot niya ang palanggana. "Aanhin mo iyang palanggana?" tanong ni Zairus sa dalaga. "Pwede nating lagyan nang maligamgam na tubig. Saka may towel rin akong dala. Idampi ko lang sana sa ilang mga pasa mo sa mukha. Ano ba kasing nangyari? Bakit may pasa ka at daplis ng bala?" muli'y tanong ko rito. "Hindi ko akalaing maalaga rin pala ang isang brat na katulad mo, but you will never be my type," pagdakay saad ni Zairus sa dalaga. Napanguso ito sa kanyang sinabi. Napatitig siya mamula-mula nitong mga labi. Damn! He tempt to kiss that f*cking lips of hers. Pero pinipigilan niya ang sarili. Lalaki lang din siya at normal lang na maramdaman ang ganoong damdamin. "Imbes na magpasalamat ka sa'kin, iyan pa ang igaganti mo. Bakit ba hindi mo ako magustuhan, Z? Maganda ako, seksi, sikat, matalino, mayaman din ako kayang-kaya kitang buhayin," palatak ni Gretel sa binata. "And do you think hindi insulto para sa isang lalaking tulad ko na marinig ang mga katagang pinapakawalan mo?" sarkastikong sagot ni Zairus sa dalaga. Pinagmamasdan niya ito habang nilagyan nang mainit na tubig ang palanggana. Tumayo ito at tinungo ang kusina. Pagbalik ay may dala na itong isang pitsel at nilagyan ang palangganang may lamang mainit na tubig. Para siguro ipunas nito sa kanyang mga pasa. Lihim siyang namangha sa dalaga. Lumapit si Gretel sa binata. "Humarap ka sa'kin, gagamutin ko ang mga ilang pasa mo sa mukha. Ilang tao ba ang bumugbog sa'yo?" "Gamutin mo na lang ako at huwag ka nang magtanong pa. Huwag mong tularan ang mga Marites," iritadong sagot ni Zairus sa dalaga. Inis na idinampi ni Gretel ang basang towel sa may pasa nang binata. Napadaing ito. Saka na man siya natauhan. "S—sorry, ikaw kasi, e. Excuse me, hindi ako isang Marites. Wala akong panahon para makipag-mesmesan. Isa pa, bawal na bang magtanong ngayon ang mga magagandang katulad ko?" Tumawa nang pagak si Zairus sa tinuran ng dalaga. Pagdakay nailing. Napansin niyang tumayo ito. Nagpaalam sa kanya at pumanhik sa taas. Inilibot niya ang tingin sa magandang bahay nito. Napakalinis at maaliwalas. Nang makabalik ang dalaga ay napansin niyang may dala na itong damit mga panlalaki. Biglang naikuyom ni Zairus ang dalawang-kamao. Sinasabi na nga ba, hindi siya nagkakamali sa kanyang naiisip. "Ilang lalaki na ang dinala mo rito para sa pakikipagtalik?" maangas na tanong ni Zairus sa dalaga. Inis at tila nagpanting ang tenga ni Gretel nang marinig ang mapanghusgang tanong ng binata. Sa inis niya'y sinakyan niya ang gusto nitong palabasin. "Hindi ko na mabilang, bakit? Gusto mo bang dumagdag sa mga koleksiyon ko?" sarkastikong sagot ni Gretel sa binata. "No, thanks. Hindi ikaw ang tipo kong babae," maagap na sagot ni Zairus. Napairap si Gretel. "Isuot mo 'yan. Magluluto lang ako ng dinner para sa'tin," saad ni Gretel sa binata. Lihim namang nagulat si Zairus sa narinig. "Really? Marunong kang magluto?" hindi makapaniwalang tanong niya sa naturang dalaga. "Of course, I am! Ano bang tingin mo sa akin walang alam sa mundo? Are you kidding me, Z?" palatak ni Gretel. "Akala ko lang kasi puro na lang pakikipagtalik sa iba't ibang lalaki ang alam mo," sarkastikong sagot ni Zairus sa dalaga. Inis na tumahimik na lamang si Gretel. What the! Pinipigilan niya ang sariling emosyon na huwag sumabog ang kanyang inis para sa binata. Damn! How dare this guy telling her such a judgement?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD