“ATE, have you ever imagined yourself having a boyfriend?”
Napatingin siya sa kapatid niya. Binaba niya ang hawak na cellphone. Re-reply-an niya dapat iyong text sa kanya ni Ryan. It’s been a week since her encounter with Ryan happened. Na-kwento niya sa ate Andrea niya iyon at kilig na kilig naman ito habang siya naiirita. Isang linggo na siya nitong tine-text ng tungkol sa mga kung ano anong bagay. Kadalasan nonsense ang mga text nito gaya ng pagpuri nito sa sarili nito. Niyayabang pa nito na sa lahat ng babaeng nakapaligid sa kanya ay bukod tangi siya dahil sa kanya lang daw nito binigay ang number niya.
“Nope. Headache lang ‘yan. We have to focus on our studies first, Keith.” Tugon niya saka sinipat ang nagba-vibrate niyang cellphone. It was a call from Ryan. Naiinis siya bakit kailangan pa nito tumawag.
“Who is kapre?” tanong ng kapatid niya nakatingin na din pala sa screen ng phone niya. Kapre ang nilagay niyang caller name sa number nito dahil sa sobrang inis niya dito.
“Someone I know in school. Nevermind that. Wala lang ‘yan magawa,” aniya sa kapatid.
“Hello? Are you my ate Yngrid’s boyfriend?” Maang siyang napatingin sa kapatid niya na sinagot na pala ang tawag ni Ryan. She saw Keith putting it on a loudspeaker mode.
“Is that what she told you? That I’m his boyfriend?”
Napaawang ang labi niya nang madinig ang husky na boses ni Ryan mula sa kabilang linya. Mabilis niya inagaw sa kapatid niya ang phone at pinatay ang tawag na iyon ni Ryan. Her beats fast upon hearing it and she don’t know why.
“Ang ganda ng boses niya, ate. Sino ‘yon?” untag sa kanya ni Keith.
Tiningnan niya lang ito ng masama. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay yung pinakikialam ang gamit niya lalo na ang phone niya. She has too many secrets and Keith is too talkative. Mamaya makwento pa nito sa daddy nila ang mga sikreto niyang makikita nito eh ‘di lagot.
“I kinda missed kuya Dawson’s presence in our house. Kapag ganitong weekend, naglalaro na kami noon ng computers games.”
Maging siya miss na din niya ang presence ni Dawson. Sa school, madalang niya na itong makita. Tipid na ngiti lang tinatapon nito sa kanya. She’s wondering if her ate Andrea and Dawson still talking. Hindi naman niya matanong iyon sa kapatid niya bilang respeto na din.
“Sa tingin mo magkakabalikan sila ni ate Andrea?” tanong sa kanya ni Keith.
Nagkibit balikat lang siya. “No one knows what will happen next,” aniya dito.
“Find a boyfriend na ate. Yung papasa sa impeccable taste ng Daddy.” Inirapan niya lang ito. Nagpatuloy sila sa panonood ng movie hanggang sa makatulugan na nila iyon.
Umaga na nang magising siya. Kinapa niya ang cellphone at napamulagat ng makita ang kung anong oras na. She’s late in school! Bakit kasi naisipan nila na manood ng movie kagabi? Nalimutan niya na may quiz siya sa first subject niya ngayon. Dali dali siya kumilos. Ang dating isang oras niyang preparasyon ay napagkasya niya sa loob ng trenta minutos. Pagbaba niya ulit nakita niya si Keith na may kakaibang ngiti sa labi. Inignora niya lang iyon at dali dali na lumabas ng bahay nila.
“Daddy, alis na po ako!” sigaw niya saka mabilis na hinalikan sa pisngi ang ama.
“Akala ko wala ka pasok kaya hindi kita ginising,” anito sa kanya. Her fault too. Hindi siya nag-iwan ng note na may pasok siya ngayon.
“Its okay, dad, alis na po ako. See you later po!”
Mabilis siyang sumakay sa na-book niyang sasakyan sa isang ride sharing app. Hindi pa kasi siya marunong na magdrive kaya nagtitiyaga siya mag-commute araw araw. Sinabihan na siya ni ate Andrea niya na matuto na magdrive para imbis na binabayad niya sa taxi o shared ride ay nadadagdag na lang niya sa ipon niya. Iyon yung hindi niya nagaya sa ate niya. Dati kasi mula buhok hanggang gamit ay gayang gaya niya dito. Nag-enroll din siya sa baking class, piano class at dance class para maging katulad nito. Nagbago lang ang lahat ng maging boyfriend nito si Dawson. Dahil kahit anong gaya niya sa kapatid niya, hindi pa din siya ang pinili.
She started to changed herself. Kinulot niya ang buhok niyang pina-rebond niya noon dahil gusto niya katulad ng sa ate Andrea niya. Straight and shiny ang hair nito habang sa kanya natural ang pagkakulot sa dulo. Nag-contact lens siya kapag nasa school para hindi na niya susuotin ang salamin niyang malaki. Her choice of outfit came back to what she really likes since childhood. She hates girly stuff that her ate Andrea loves. Ngayon minsanan na lang siya magdress. Palaging jeans at shirt o di kaya sleeveless blouse na papatungan niya ng cardigans.
Like what she’s wearing now. Blue faded jeans with semi ripped on the knee part, white carmi blouse top with gray pull over and white sandals. Naka-bun tie ang buhok niya at may iniwan lang siyang kaunti sa gilid na kinulot pa niya kanila using hair iron. Light make up lang ginawa niya dahil naman niyang ma-su-survive iyon ng lip tint niyang pula.
After thirty minutes of ride, narating na din niya sa wakas ang school. Pagkabayad niya, nanakbo na siyang pumasok doon at diretsong tumungo sa classroom niya. Dahil siya na lang ang late naubusan tuloy siya ng magandang pwesto sa harap. The only seat available was the seat where Ryan currently seating. Anong ginagawa nito sa freshmen class? May back subject ba ito? Imposible naman na siya ang pinunta nito doon. Ayaw niya maganip ng gising.
“Is there any problem, Miss Juarez? Why do you take your seat now so we can start our lesson?” Paano siya uupo kung ayaw umusod ni Ryan? Alangan dumaan siya sa harap nito.
No way! Sigaw niya sa isipan niya.
“Take your seat na. Madali mabwisit ang professor mo ngayon,” anito sa kanya.
“Miss Juarez, take your seat!” Sigaw sa kanya ng professor niya. Dali dali siya dumaan sa harap nito. She heard him whistle that made her frown.
“Nice ass,” bulong nito sa kanya.
Hinampas siya ito ng libro sa balikat. Ang pagdaing nito ay muling nakuha ang atensyon ng professor niya kaya naman binigyan na sila nito ng warning. Ubod talaga ng manyak ang lalaking katabi niya. She tried to focus on lesson that her professor discussing in front of the class. Nagpa-participate din siya sa mga recitations kahit nasa pinaka-dulo siya ng klase. Nang matapos ang unang class niya, nakahinga siya ng maluwag. May dalawang susunod pa na klase para sa araw na iyon.
“Aren’t you going to eat, dwarf?”
“Diet ako. Shoo, alis na dito,” pagtataboy niya dito. Binuklat niya ang economics book niya at binasa ang lesson nila para sa araw na iyon. May pa-graded recit kasi ang professor niya doon palagi.
“Now I know why you have a body like that.” Tumaas ang kilay niya. Tinapunan niya ito ng tingin. “I’m not harassing you. I’m glorifying your body, dwarf,”
“Leche!” Inirapan niya ito. “Umalis na ka nga dito.” Nagtitinginan na sa gawi nila ang mga kaklase niya. Kanina pa niya nararamdaman ang titig ng mga ito. They maybe wondering why David Ryan De Luna is in their class and seating right next to her.
“I’m not going anywhere, babe. I can’t just leave you after reading your letter.” Naningkit ang mga mata niya. Letter? Ano ba sinasabi nitong sulat? Nanlaki ang mga mata niya nang ipakita ni Ryan sa kanya ang sulat na tinago niya sa secret box niya. She clearly saw that it’s the letter she wrote for him last year. Paano iyon napunta dito? Napatayo siya bigla na nakakuha sa atensyon ng professor niya. “Look, I don’t want to hurt you and I want to thank you for expressing your admirations to me but its never going to happen, Maery Yngrid,”
“Give it back to me,” aniya dito. Sinubukan niya na kuhain ito sa kamay nito pero naiwas iyon agad sa kanya. She almost kissed him and their nearness gave her unexplained chill on her spine. Heat aroused on her cheeks and turns red. Kahit hindi niya tingnan sa salamin, alam niyang pulang pula na iyon ngayon. “You said its never going to happen. So, give it back to me, asshole,”
“This is mine. You sent it already so akin na ‘to.” Ngumiti ito nang nakakaloko.
Nakuyom niya ang magkabila niyang kamao dahil sa sobrang inis. “Edi iyo na. I-pa-frame mo para may pagyayabang ka.” Nilipon niya ang gamit niya saka tinabig ito para makalabas sa corner na kinauupuan niya. Ang laking tao kasi ni Ryan at kung di mo tatabigin hindi pa ito tatabi.
“Wait…” Pinigilan siya nitong umalis.
She tried to stretched her patience with Ryan. Dagli siyang napatingin sa labas at doon nakita niya si Dawson na papasok at may hawak din na sobre. Nanlaki ang mga mata niya. Na-send din pati ang sulat na para dito? Mariin siya pumikit at nag-isip ng paraan paano ito iiwasan. Pumihit siya paharap kay Ryan na nakahawak pa din sa braso niya. “Sumabay ka na kumain –“ Hindi na niya pinatapos pa ito sa pagsasalita. She bridged the space between them and kissed him. Mariin niya pinikit ang mga mata niya at pinanatiling nakalapat ang labi niya sa labi nito. The whole classroom where they are filled with loud gasps.