LOUD gasps from her classmates filled the entire room. Dinilat niya ang mga mata niya saka bahagya na lumayo kay Ryan. Sinipat niya kung naroroon pa si Dawson. She heaved a deep sigh upon seeing Dawson walking away there. Her heart teared into pieces and scattered in the floor. Binalik niya ang tingin niya kay Ryan. Akma niya aalis ang kamay niya sa balikat nito ngunit nahawakan nito iyon.
His hand guided her arms and made it hold onto his nape. Habang isang kamay nito ay humapit sa baywang niya palapit dito. Their faces were inches away. She smelled his manly perfume and mint breath. Na-magnet ang tingin niya sa asul nitong mga mata. Everything in his facial features was perfect. He’s a perfect representation of Greek God in Mythology.
“Am I a baby? If you’re going to kiss me, do it properly.”
Iyon lang at hinalikan siya nito sa mga labi niya. It was a soft kiss at first. Naramdaman niya ang paghigpit nang pagkakahapit nito sa baywang niya. Lumalim ang halik nito at tila ba may fireworks na isa isang nagsiputukan sa isipan niya. Her heart beats fast than its normal beating. Tila tumigil sandali sa pagikot ang mundo niya. Naging malabo din ang palagid at para ba’ng sila lamang ang naroroon. Iyong tunog nang naghiwalay nilang mga labi ang nagpabalik sa kanya sa realidad.
“Cherry…”
Tinulak niya ito palayo sa kanya saka tuluyang umalis doon. Wala na siyang balak na mag-attend sa susunod niyang klase. She need to know who sent those letters to it's recievers. Mababaliw siya kung hindi niya malalaman kung sino iyon. Nababaliw na nga dahil naibigay niya sa maling tao ang unang halik niya.
Nagustuhan mo din naman dahil inabangan mo na matapos siya imbis na itulak, aniya sa isipan. I hate myself! Sigaw niya pa.
Pagkadating niya sa bahay nila, diretso siyang umakyat sa kwarto niya. Binukas niya ang secret box niya at halos mapaiyak siya nang makitang wala doon ang dalawang sulat na tinago niya. Totoo nga na sulat niya ang hawak ni Ryan at Dawson. Pabagsak siyang napaupo sa sahig. She’s doomed now. Paano niya haharapin si Dawson? Paano siya papasok sa school matapos iyong ginawa nilang eksena ni Ryan?
“Ate, si kuya Dawson nasa baba hinahanap ka,” ani Keith sa kanya.
“Hindi mo ako nakita. I’ll be home late. Tell that to daddy,” aniya saka sa bintana na dumaan. She carefully climb the roof and tree near her room window. Pagkababa niya, agad siya umalis at tumungo sa paborito niyang book shop.
Kakaunti lang ang taong naroroon nang dumating siya. May ngiti sa labi siyang binati ng matandang bantay na naroroon. Lucille Fowler – a canadian citizen who choose to live in the Philippines to follow the one she loves. Kaya nabuo ang book shop na iyon dahil sa pagmamahalan nito ng yumao nitong asawa. Marahan siya naupo sa high stool chair sa saka nag-order ng paborito niyang inumin – mocha latte frappe.
“Did someone broke your heart? You used to enter my shop with bright smile on your face always. Today’s different, Yngrid,” anito sa kanya pagka-serve ng order niyang inumin.
“I broke my own heart and someone stole my first kiss,” she said to Lucille. She lazily reached her frappe and drink it.
“That’s awful, my dear.” She tried to smile at Lucille.
Sobrang awful talaga ‘non dahil kahit nalaman na ni Dawson ang feelings niya, hindi niya ito pwedeng lapitan bilang respeto sa relasyon nito sa kapatid niya. She have to think of a better idea to stay away from Dawson. Sa part naman ng first kiss niya, hindi na niya mababalik pa ‘yon dahil nakuha na nang kumag na si Ryan ang iniingatan niyang unang halik. Bagsak balikat siya ulit uminom ng frappe.
“I didn’t know that there’s a cool place like this two blocks away from our house,” anang baritonong tinig na nagmula sa likuran niya. Napalingon siya at halos maglaglag na ang panga nang masino iyon. What the hell he was doing there? Paano nito nalaman na naroroon siya?
“Are you new in this village, young man?” tanong ni Lucille kay Ryan.
“Nope. I live two blocks from here. The huge house near the clubhouse.” Ryan explained with a soft smile on his face. Kaya pala nito makipag-usap nang gano’n ang aura sa iba.
“Ah, the house owned by Javier De Luna,” ani Lucille muli.
“Yes and I’m his son.” Pasimple siyang tumayo bitbit ang frappe niya. Abala naman ang dalawa sa pagku-kwentuhan kaya makaka-alis na siya doon. Pero akala niya lang iyon dahil nahila ni Ryan ang laylayan ng suot niyang cardigan. “Wait a minute, dwarf. Nagpunta ako dito para sa ‘yo. Don’t you dare to escape.” May tila halong pagbabanta sa tinig nitong sabi sa kanya.
“Ano ba kailangan mo? Saka paano mo nalaman nandito ako?” singhal niya dito saka pilit na hinila mula dito ang suot niyang cardigan.
“I just want to talk to you.” Sagot nito. “You’re sister told me that you were here,”
“Tungkol saan?”
“Sa sulat mo,”
“Hindi mo ba binasa nang maigi? Mahina ba pagkaka-intindi mo?”
Bumalik siya sa pagkaka-upo niya at pinalis ang kamay nitong nakahawak sa laylayan ng cardigan niya.
Magnanakaw na nga ng halik, maninira pa ng damit, aniya sa isipan. Lihim niya kiniling ang ulo niya nang ma-realize kung ano ang nasabi niya. Maninira ng damit? Muli bumalik sa ala-ala niya yung eksena sa cr kung saan halos mahubaran na iyong kahalikan nito. Waaa no way I’ll end up like that, sambit niya muli sa isipan.
“What are you thinking?” Napukaw siya ng tanong na iyon ni Ryan.
“Uhmm, wala. Wala ako iniisip.” Pilit siya ngumiti dito para hindi na ito mag-usisa pa. Inaya niya ito isang bakanteng pwesto malapit sa may main door. “So, what do you want to ask?” She’s trying to be cool about it. Wala na naman na yung feelings niya para dito. Napalitan na iyon ng poot at kasumpa sumpa na ang tingin niya dito ngayon.
“Why me? What did you like about me?” hmm, your eyes and those veins in your arms. Pero syempre di ko sasabihin dahil baka lumubo ang ulo mo, aniya sa isipan.
“Love at first sight maybe.” Sa halip na sabi niya. She heard him scoffed which was already expected. “Past na ‘yon hindi na kita gusto ngayon. Don’t worry you’re not the only one. May isa pa na receiver ng letter na galing sa akin,”
“Wait… you mean hindi lang ako?” Tumango siya bilang sagot. “Sino pa?”
Napalunok siya. Sasabihin ba niya o hindi? “Dawson,” she said
“Dawson? You mean John Dawson De Luna? My cousin?”
“Yes.” Maikli niyang sagot. Hindi niya sinalubong ang tingin nito. She just focused all her attention to the frappe she’s currently drinking. “Don’t ask me why I like him. Alam ko na alam mo kung ano nagugustuhan ng mga babae sa pinsan mo.” He looked intently to her eyes. Tinukod nito ang kamay nito sa mukha nito. Mas lalo siyang naging malaya na pagmasdan ang mga asul nitong mata.
“You like nice guy and you uncrushed me because you caught me making out with someone in a public cr, right?” Tumango siya. “Then, bakit hindi mo nilapitan si Dawson ngayon?”
“Respecting my sisterly bond with ate Andrea. She’s Dawson’s girlfriend. Umalis lang ito para mag-aral sa London ng Medicine dahil gusto niya tumulad sa daddy namin,”
“Aww, that’s sweet, babe,” he mocked at her.
“Leche!” sigaw niya dito. Tinawan lang siya nito at napuno ng tawa nito ang buong shop. They caught everyone’s attention that’s why she stopped from laughing. “May tatanong ka pa?"
“Hmm, how will you face Dawson?” tanong nito sa kanya. Wala pa din siya naiisip na paraan paano ito haharapin at kakausapin tungkol sa bagay na iyon. “I have an idea.”
“Ano naman ‘yon?” tanong niya dito.
“Let’s pretend to be couple. In that way, hindi mo na kailangan iwasan si Dawson kasi infatuation lang naman ang naramdaman mo para sa kanya. We will show to him that I’m the one whom you really love,”
“Are you writing a fiction?”
He scoffed. “Babe, I’m sweeter than fiction. Try me and you’ll see,” he winked at her. “Think about it. My idea will be the easiest way out.”
Hindi siya sumagot bagkus ay tumayo lang siya at umalis na sa harap nito. Nagtungo siya sa counter at binayaran ang nainom niyang frappe. But Ryan didn’t let her to pay. Nauna itong bumunot ng credit card na siyang pinambayad nito at pinambili ng cake para sa mama daw nito. Nag-offer pa ito na ihatid siya pauwi na hindi naman niya nagawang tanggihan na. While on the way, he keep on telling her the perks she’ll get if she will let him be her fake boyfriend. Naiiling na lang siya habang ina-absorb ang mga sinasabi nito.