MATAMANG ginala ni Yngrid ang mata sa kabuuan ng field ng St Martin University. May isang tao siyang hinahanap na hindi niya pa rin nakikita simula nung family dinner nila. Hindi nito hinatid ang ate Andrea niya sa airport kahapon. Talagang hiwalay na ang mga ito at dapat natutuwa siya dahil na ulit si Dawson pero panghihinayang ang nararamdaman niya ngayon. Her ate Andrea should have choose to keep Dawson. Naniniwala naman siya na kaya ng mga ito na ma-survive ang isang long distance relationship. Bigla sumagi sa isipan niya ang nadinig niyang pag-uusap ng dalawa dalawang araw bago umalis ang ate niya.
“No, JD, you’ll not gonna give up your life here just to be with me. Hindi iyon ang gusto at ever since we got into a relationship, I made it clear to you that we can’t be a hindrance to each other’s dream,” wika ng ate Andrea niya.
“You’re my dream, Andeng. I can’t slip you away and I won’t hinder your dreams to be like your dad. Gusto ko lang na makasama ka,” Parang gusto niya maiyak pagkarinig sa mga sinabi Dawson. His dream was her ate Andrea. Ang sarap sa pakiramdam siguro na may lalaking katulad nito na magsasabi sa kanya noon.
“I’m sorry but we have to end this. Kung tayo talaga ang tinadhana, we will meet again and when that time comes, I won’t let you slip away.” Mabilis siya nagkubli nang makita niyang tinalikuran na nito si Dawson.
Kitang kita niya noon kung paano umiyak si Dawson. Doon niya napagtanto na mahal talaga nito ang kapatid niya. She should forget her feelings about him. Pero kailangan lang talaga niya itong makita ngayon dahil aamin siyang kinabahan siya nang kaunti para dito. Bad break ups can make a man vulnerable. Kahit hindi nila ipakita sa iba alam niya na nasasaktan ito. She saw how her dad cries in the middle of the night just because he missed their mom. Nakangiti ito outside pero kapag mag-isa na lang, gano’n naiyak at binabalikan ang masasayang alaala nung kasama pa ang minamahal.
“Woah!” anang baritonong tinig na nagmula sa nabangga niya. Nasapo niya ang noo niya na tumama sa makisig nitong dibdib. Makisig? Saan galing iyon? Hinayon niya ang tingin sa lalaking nabangga niya. Halos bumagsak ang panga nang masino ito. It was David Ryan De Luna – the second supposed to be receiver of her unsent love letters!
“Uhmm, s-sorry,” Ghad, Yngrid bakit ka nauutal? Akma siyang lalampasan ito ngunit nahawakan siya nito sa braso niya.
“I know you,” Of course, douche! Ako lang naman yung nakasaksi ng live show mo sa cr noon! May sumilay na nakakalokong ngiti sa mga labi nito. “Can I see your phone?”
“B-bakit?” Iniwas niya dito ang cellphone niya. “May cellphone ka naman bakit kailangan mo pa tingnan phone ko?”
Lumapit ito sa kanya at sinubukan kuhain mula sa likod niya ang cellphone. He almost hugged her because of what he did. Naamoy niya ang panlalaking pabango nito na hindi gaano masakit sa ilong. He’s taller than her too. Matangkad si Dawson pero hindi hamak na mas matangkad ito. Doon siya na-distract kaya naman tuluyang naagaw sa kanya ang cellphone niya.
“Got it! May titingnan lang ako dito, dwarf,” anito sa kanya. Tila nagpantig ang tenga niya dahil pagtawag nito sa kanya ng dwarf. Oo, maliit siya pero hindi naman kailangan na sabihin pa iyon. Nakita niyang binukas nito ang cellphone niya pero dahil may screen password ay muli siya nitong binalingan. “Dwarf, key in the password,”
“Ayoko, kapre!” sigaw niya.
“What? Kapre? Am I too handsome for that?” Inirapan niya lang ito. Inumang nito muli sa kanya ang cellphone. Bagsak balikat niyang binawi iyon saka pinindot ang number combination na password. Umarko ang kilay nito nang makita ang wallpaper niya. Its their family photo last Christmas. Sa Italy nila iyon sinalubong na mag-anak at sa Lake Como nila naisipan magpakuha ng family picture. “All girls, huh?” Komento nito na hindi na niya pinansin pa.
“Ano ba kasi kailangan mo dyan? Pwedeng pakibilisan at may klase pa ako.” Mataray niyang sabi dito. Hindi naman siya nito sinagot kaya napahalukipkip siya sa harapan nito.
“Ano course mo?” tanong nito sa kanya.
“Why do you want to know?” Balik tanong niya dito.
“Nevermind, I got it,” anito sa kanya. Nakita niyang dinukot nito ang ang sarili cellphone sa bulsa saka may pinindot na kung ano ano sa cellphone niya. May sumilay na ngiti sa labi nito na para ba’ng may nakita itong pwedeng ipang-black mail sa kanya. Luckily, she doesn’t saved anything about Dawson in her phone. Nasa ipad niya ang lahat ng iyon na hindi niya pinapahiram sa kahit sino. “Here. Thank you for not taking video of us that time.”
“At bakit ko naman kayo kukunan?”
“Wala lang baka trip mo lang ulit ulitin sa bahay yung mga nasaksihan mo.” Hindi siya makapaniwala sa mga nadinig niya. Siya? Magbi-video ng gano’n para ulit ulitin sa bahay? Hell no! “but don’t worry, dwarf. We can do it some other time,”
“Manyak!” sigaw niya dito.
“David Ryan De Luna and manyak doesn’t suites well. Malandi ako pero hindi manyak,”
“Ewan sa ‘yo, hmp!” Inis niyang tinalikuran ito. Maganda ang araw niya kanina pero dahil kay Ryan, nasira na iyon. Malapit na siya sa classroom niya nang magvibrate ang cellphone niya. A text message from unknown number flashes on the screen. Pinindot niya iyon saka binasa. Namula ang pisngi niya hindi dahil sa kilig kung ‘di sa inis pagkabasa sa laman ng mensahe.
09176643228: Nice meeting you, dwarf. See you around
09176643228: Its David Ryan De Luna again, dwarf.
“MAY bago ka na naman nabiktima, Ryan?”
Napatingin siya sa nagsalita niyang kapatid. Lumawak ang ngiti sa labi niya lalo. Inabit niya dito ang paper bag na pinabibigay ng mommy nila dito. Nalimutan kasi nito magbaon ng extrang damit at paranoid ang mommy niya kapag gano’n. Their mom always make sure that they have extra clothes in their bag so that they can changed when it needed.
“This one is different, kuya,” sambit niya sa kuya Eli niya. Umiling lang ito saka tinanggap ang inabot niyang paper bag.
“Tantanan mo na pakikipag-make out sa public cr, Ryan. Kapag nalaman ni daddy ‘yan lagot ka,” banta nito sa kanya.
Sa kanila kasing apat na magkakapatid, masasabi niyang siya ang pinaka-malandi. His kuya Eli, ate Raina and Timmy, the youngest were reflections of their parents. Bukod tangi lang siya ang naiiba. Hindi niya alam kung kanino siya nagmana pero sabi ng mommy niya, para daw siyang si uncle Joaq niya noon. Malandi at malakas ang karisma sa lahat ng babae.
“I’d make sure that we will not get caught, kuya.” May paninigurado sa tinig niyang sabi dito. “I’ve taken care off the girl who caught me one time. Wala itong nakunan na video kaya I’m safe with dad’s punishments.”
Their dad was an ex-military man. Kaya kapag may nagagawa silang mali, kailangan nila tumakbo ng dalawangpung laps sa gitna ng arawan o kaya magpush sa harap nito ng isang daang beses. Mula nang tumuntong sila ng eighteen gano’n na ito sa kanila. Pero hindi kay ate Raina niya na nag-iisa nilang prinsesa. Madalas siya ang napaparusahan nito dahil naiiba nga siya sa lahat ng mga kapatid niya.
“Stop goofing around, Ryan.” Paalala nito sa kanya. Masteral na ang tinetake nito at ni kuya Dawson niya doon habang siya last year niya doon. He’s bound to take his mom’s position in Inkwell Creatives that his kuya Eli rejected. Ang ate Raina naman niya katuwang ng daddy nila sa pagma-manage ng coffee shops na pag-aari nila. “Be serious and responsible now.”
“Aye aye, sir!” Naiiling lang itong tumalikod. Wala pa sa bokabularyo niya ang pagseseryoso. Tinuon niya ang pansin niya sa cellphone. A reply from Yngrid put devilish grin on his face.
Dwarf: Stop texting me. I’m not interested on you.
Iyon ang unang beses na may babaeng hindi interesado sa kanya. And that challenges him. Paanong ang isang katulad nito ay hindi interesado sa kanya? He has physique that can pass as runway model. Blue eyes, perfectly shaped nose, reddish lips and a killer smile. Swerte na ang babae kapag pinansin niya ito. One word can describe Yngrid was simple. Iyong tipo na laging laman ng simbahan at kumakanta ng worship songs. Natawa siya ng maalala kung gaano ito nagulat nang makita sila ng kaulayaw niya. Literal itong napa-sign of the cross sa harap nila. Naiiling siyang lumakad pabalik sa college building nila.
There’s something wrong with her eyes. I need to correct it as soon as possible….