HINDI maiwasan ni Yngrid ang kiligin nang ma-imagine ang isang eksena sa librong binabasa niya. The scene was about the dance that main characters did under the moonlight. Ang bersyon na meron siya sa isipan niya ay silang dalawa iyon ni Dawson. Natakip niya ang libro sa mukha niya nang maisip iyon. Matagal na niyang crush si Dawson at sa katunayan, ito lang ang tumagal na crush niya sa buong buhay niya.
Naputol ang pag-i-imagine niya nang bumagsak ang isang throw pillow sa mukha niya. Mabilis siya bumangon at nilapag ang hawak na libro. Tinapunan niya nang masamang tingin ang nagbato ng unan sa kanya. It was her little sister Keith.
“Kakain na.” Simpleng sabi nito sa kanya.
Inirapan niya ito saka matamang inayos ang sarili niya. Walang pasok sa school ngayon kaya maghapon siya nakahilata sa kanyang kama at matamang nagbabasa. “Pwede mo naman ako tawagin ng maayos kaya,” aniya sa kapatid.
Isang taon lang ang tanda niya dito habang ang ate Andrea naman nila ay apat na taon ang tanda sa kanila. Magkapanuran lang kasi sila ni Keith kaya ng taon ng kapanganakan. “Kanina pa kaya kita tinatawag. Panay lang pagngiti mo dyan. Bilisan mo nasa kanina pa nakahain doon,”
“Oo na, eto na nga eh!”
Sumunod na siya agad sa kapatid niyang bunso sa pagbaba. Doon naabutan nila si ate Andrea niya at si Dawson na kadarating lang. May ngiting sumilay sa mga labi niya nang makita ito. Kahit simpleng t shirt, pants at sneakers lang ang suot nito ay gwapo pa din ito. Iyon buhok nito maayos na nakasuklay pataas dahilan para magmukha itong malinis at mabango tingnan. Minsan niya na naamoy ito at masasabi niyang hindi iyon masakit sa ilong.
Binati nito si Keith at pati siya. Sabay sabay sila pumunta sa dining area. Her ate Andrea and Dawson has been in a relationship for five months now. Masakit iyon para sa kanya dahil nga matagal na niya itong crush pero mas nanaig pa din ang sisterly love niya para sa ate niya. They made a promise in front of their mother’s that no guy can tear their sisterly relationship apart. Kaya nagparaya siya at palihim na lamang tinangi ang si Dawson.
Nang sabihin ng kapatid niya sa kanya na nililigawan ito ni Dawson, para may bomba na sunod sunod na sumabog sa isip niya. Hindi siya nakapag-react agad at nagawa pa niya hindi pansinin ang kapatid ng isang linggo. Doon na siya nagsimula na umalis sa anino nito. She tried to find her true color. She did the things that she really enjoy. Pero isa lang ang hindi nabago, iyon ang pagiging aloof niya sa tao kaya sa huli kay ate Andrea pa din niya siya bumagsak. She couldn’t resists her best friend after all.
“Dawson, mabuti at pinayagan ka ng mama mo na mag-dinner kasama namin,” untag ng daddy niya sa kasintahan ng ate Andrea niya.
Hindi pa gaano tanggap ng daddy nila na may boyfriend na nga ang ate niya. As much as possible, gumagawa ang daddy niya ng paraan para hindi mapag-isa ang dalawa. And that way was asking her to be their third wheel always. Kapag manonood ng sine kasama siya. Kapag magsisimba nandon din siya at lalo na kapag tumatambay sa bahay nila ito ay nandon pa rin siya.
“Its rude if I’m not going to accept your invitation, tito,” ani Dawson sa daddy nila. He has nickname but her daddy and she loves to call him Dawson. Ang cool kasi ng name nito kasing cool ng pamilyang meron ito. Dawson is a eldest grandchild of the former president of the Philippines.
Sa pag-se-search niya noon sa internet, nalaman niyang pangalaw ang mga De Luna sa mayayaman at makapangyarihang pamilya sa bansa na sinundan ng mga Dominguez. Pinanganak itong may gintong kutsara na sa bibig. Hindi niya masabing mayaman sila kagaya nito pero nakakain naman sila nang higit sa tatlong beses sa isang araw. Nakakapag-aral din sila ng tatlo at may sariling clinic ang papa niya.
Her daddy is a gynecologist. Iyon din ang gustong tahakin ng kapatid niya kaya naman nag-enroll ito sa isang medicine school sa London. Hindi niya alam kung nasabi na ba iyon nito kay Dawson. Hindi din naman niya ugaling makinig sa usapan ng iba. Siya business ang course na kinuha niya katulad ng yumao nilang mama. They mom died after giving birth to Keith. Nagkaroon ng komplikasyon sa panganganak nito kaya sa kanilang tatlo ang ate Andrea niya lang may memory sa kanilang mama. Nagkakasya lang silang dalawa ni Keith sa kwento nito at ng daddy nila tungkol sa mommy nila.
“Kamusta ang pag-aaral mo? Same kayo ng course ni Yngrid, right?” Iyon ang isa pa’ng dahilan kaya siya ng business na course. Para araw araw ito makita. Iyon nga lang ga-graduate na ito sa susunod na taon kaya sandali niya lang ito makikita at masosolong masulyapan sa school. Buong buhay niya, dalawang lalaki lang nakakuha sa atensyon niya. Isa si Dawson at pangalawa si Ryan na pinsan nito. Mas nagtagal lang ang pagtangi niya kay Dawson kaysa kay Ryan.
“Ayos naman po. Ga-graduate na po ako next year.” May pagmamalaki sa tinig nitong sabi sa daddy nila.
“Well, Andrea will pursue medicine in London.” Natahimik sila ni Keith. Hinayon niya ang tingin niya kay Dawson. Napansin niya ang pagkagulat sa mukha nito. Mukhang hindi pa nasasabi dito ng ate niya ang tungkol sa pagtake nito ng medicine sa London. “She’ll take my footsteps as a gynecologist para lang alam mo,”
“Dad…” Mahinang sita ng ate niya sa daddy nila.
Nagpatuloy ang pagkain nila at nabalot na sila ng awkward na hangin dahil sa bombang balita na binagsak ng papa niya. Pagkatapos nila kumain ay umakyat na siya sa kwarto niya. Matama siyang naupo sa study table niya. She opened a secret drawer there where she keepsakes the love letters she wrote for Dawson and Ryan. Binuklat niya iyon at binasang muli. Binalikan niya ang araw na una niya itong nakita.
He was playing dodge ball with his friends that time. Nakuha nito agad ang atensyon niya at masasabi niya na kahit pawisan ito noon at gwapo pa din ito. Pinabilis nito ang t***k ng puso niya kaysa sa normal niyong t***k. Kada lalapit ito sa kanya ay palaging may ngiti sa labi kaya kaya tuluyan siyang nahulog sa karisma nito. Sobrang bait din pati nito at isa iyon sa trait na gusto niya sa isang lalaki.
Pagkasara niya ng sulat niya para kay Dawson ay matama muna siyang sumilip sa bintana ng kwarto niya. Sa baba tanaw niya ang ate Andrea niya at si Dawson na nagtatalo. Malamang tungkol iyon sa plano ng kapatid niya na umalis ng bansa. Muli siya sinara ang kurtina at binukas ang sulat niya para kay Ryan. Ryan is a soccer player in St. Martin University. Una niyang nakita ito noong college entrance exam niya. Pagala gala lang ito doon at saktong naligaw pa siya. Mabait ito at tinuro sa kanya ang daan papuntang registrar office.
Simula noon palagi na niya ito nakikita. Pala-ngiti din ito kagaya ni Dawson. Iyon marahil ang charms ng magpinsan kaya halos lahat ng babae sa school ay nagkakandarapa sa mga ito. Nawala lang ang pagka-crush niya kay Ryan ng makita niya itong may ka-make out sa girls comfort room. Kapag naalala niya iyon ay napapa-sign of the cross siya. Halos mahubaran na kasi iyong babae habang hinalikan nito. Tapos ang kamay pa nito ay mariing nakahawak sa pang-upo ng kaulayaw. Pakiramdam niya na-corrupt na noon ang isipan niya. Sunod sunod siya napailing.
Agad niya natiklop ang sulat nang bumukas bigla ang pintuan ng kwarto niya. Nakasibangot at namunugtong mata ng ate Andrea niya ng pumasok doon. Diretso itong humiga sa kama niya at tinakip ang makapal niyang comforter sa kalahati ng katawan nito. Tinago na muli niya ang dalawang sulat sa secret drawer niya saka dinampot ang tissue at matamang lumapit dito. Tinabihan niya ito saka pinahiran ang mga luha nito.
“What happened, ate?” tanong niya dito.
Andrea sniffed. “We broke up,” anito na nagpaawang sa mga labi niya. Hindi niya magawang magtanong kung bakit dahil alam na naman niya ang sagot. Yumakap siya sa kapatid niya. “Studies and boys doesn’t come together, Yngrid. Its better to finish your studies first if you don’t want to be like me,”
Hindi siya naniniwala doon. Pwede naman magsabay iyon basta may tamang komunikasyon lang at palaging pag-uusap sa loob ng relasyon. Pero hindi niya pa naisip na pumasok sa isang relasyon kahit pa sabihin na nineteen na siya. Sapat na crush lang muna ang meron siya ngayon para gawin inspirasyon sa pag-aaral. Naramdaman niya ang masuyong pagyakap sa kanya ng kapatid niya.
“Stop sulking in this room, Yngrid. Make friends and enjoy your entire college life, hmm?” anito sa kanya.
“Nandyan ka naman kaya ayos na kahit hindi ako makipagkaibigan.” Niyakap lang siya nito ng nahigpit. Ang totoo hindi niya alam paano siya sa school na wala ito. Wala siya kasamang maglunch at umuwi. Lihim niya kiniling ang ulo niya.
You can survive alone, Yngrid!