Ngayon ko lang din kasi sila ililibre kaya siguro ay nagulat sila sa narinig.
"Uy sure ka ba dyan Iya? Nakakahiya naman." Ani Glenn.
"Ayos lang. Matataas din kasi ang nakuha kong score kaya libre ko na." Ayoko naman talaga sanang sabihin pa iyon pero wala na akong maisip na iba pang dahilan.
May pera sina Joan at Glenn. Kapag si Pat lang kasi ang nilibre ko ay baka hindi ito pumayag. Kung papayag man ito ay alam ko ring pag-iipunan niya para mabayaran lang ako. Wala rin naman akong pinagkakagastusan ng pera ko kaya ayos lang din sa akin na ilibre ko silang tatlo.
Sa maikling pagsasama naming apat ay nakilala ko na rin ang tatlo. Siguro ay dahil na rin sa pag-oobserba ko kapag kasama ko sila.
"Speaking of scores, ang alam ko nakalagay sa may bulletin board ang mga matataas ang scores this prelims eh. Top 100 yata. Tignan muna natin bago lumabas!" Suggest ni Joan kaya naman ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang sundan sila.
Tama nga si Joan, may nakalagay na top scorers sa may bulletin board. Naka-organize ito nang maayos. Magkakasama ang STEM at hiwalay naman ng bulletin board ang iba pang strands.
Si Joan ay abala sa pagsingit para Mabasa ang mga pangalan ng nakapaskil. Sumama na rin sa kanya si Glenn. Kaming dalawa naman ni Pat ay nasa likod lang at hinihintay silang dalawa.
Maya maya pa ay dumating ang dalawa habang gulat na gulat.
"Gago alam kong matalino ka Iya pero hindi ko naman inaasahan na gano'n ka katalino at gano'n ang scores mo." Sabi ni Joan sa'kin habang nakatingin at parang hindi pa rin makapaniwala sa nakita.
Siguro ay nakita niya ang pangalan ko sa ibang kurso. Hindi na ako nag-abala pang tingnan dahil wala rin naman akong pake kung ano ang rank ko. Okay na ako basta pasado.
"Gago akalain mong pasok pa yung pangalan ko sa Top 100 na 'yan? Hindi na nga ako umaasa lalo na sa pre calculus!" Sabi naman ni Glenn sa'min nang makalapit ito.
Kapag ba lumapit din ako sa bulletin board ay mapapamura rin ako pagbalik ko rito? I doubt.
Aalis na dapat ako pero hinatak ako ni Glenn at inalog-alog.
"Tapos tangina mo! Bakla ka! Congrats! Kung hindi top 1 sa ibang kurso ay top 2 ka! Halimaw ka ba hoy?! Naperfect mo pa yung sa pre-calculus!" Medyo malakas ang pagsigaw niya kaya naman halos lahat ng tao malapit sa amin ay napatingin na rin sa'min lalo na sa'kin.
Maya maya pa ay narinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid. Bigla tuloy akong naestatwa dahil sa nangyari. Unti unti na namang bumibigat ang paghinga ko. Tulala lang ako at kung hindi pa ako hinatak ni Pat papalayo ay hindi pa ako matatauhan.
Pumunta
kami sa pinakamalapit na restroom. Agad na naman akong natigil. Alam kong iba ang SFA at SFU pero dahil sa nangyari kanina ay parang bigla akong natakot muli.
Aalis dapat ako nang hilahin na naman ako ni Pat at marahang pinaharap sa kanya.
"Iya, hey. Naririnig mo ba ako?" Para akong natauhan nang marinig ko si Pat na nagsasalita. Hindi pa rin gaanong maayos ang paghinga ko kaya naman nagsalita siyang muli. "Listen to me, okay?" Tumango naman ako.
"Okay. Breathe slowly. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale." Paulit ulit ginagawa ni Pat sa akin 'yon kaya naman kumalma na ako kahit papaano.
"Okay ka na?" Tumango na lamang ako sa kanya.
Nakita ko rin si Joan na nakatingin lang sa ginagawa namin. Si Glenn naman ay nasa labas ng restroom at nakita rin ang pangyayari.
Bago pa man kami makalabas ay nauna na si Joan. Akala ko ay aalis siya ngunit narinig ko pa rin ang boses niya sa hindi kalayuan.
"Juan, nainuman mo na ba 'yang tubig mo?"
"Stop calling me Juan, Eila." His cold voice made me shiver.
"Sorry! Nakasanayan. Pero ayon, if hindi mo pa naiinuman, pwedeng akin na lang? Thanks." Bigla namang lumapit sa amin muli si Joan nang makalabas kami ni Pat. Nakaalalay pa rin ito sa akin hanggang ngayon.
Ibinigay naman sa akin ni Joan ang tubig na hawak niya pero dahil nanginginig pa rin ako ng kaunti ay hindi ko ito magawang buksan. Kinuha naman ito ulit ni Joan at siya na ang nagbukas. Nang makainom ng tubig ay mas umayos na rin ang pakiramdam ko.
"I-Iya, sorry. Alam kong kasalanan ko." Agad na sabi ni Glenn. Umiling naman ako agad. I hugged him to lessen his worry. Bumitaw na rin ako agad.
As much as possible ay ayokong sisihin ang ibang tao sa mga nangyayari sa akin. Walang alam si Glenn kung bakit ako inatake. Alam kong hindi niya naman sinasadya 'yon.
"It's not your fault Glenn. It's just a s-sudden attack. Minsan kasi talaga ay bigla bigla na lang ako inaatake. I'm sorry that you had to saw that phase." Pagsisinungaling ko para lamang ay hindi niya na sisihin pa ang sarili niya.
Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. Ayoko namang ako ang maging dahilan ng pagkabuwag namin.
"Hindi ka naman aatakihin kung walang nagtrigger sa'yo. Pasensya na talaga, Iya." Paghingi niya ulit ng tawad habang nakayuko.
"Hey, I told you it's not your fault. Don't worry." I gave him my reassuring smile. Mabuti na lamang ay tumango na ito.
"Tara na? Nagutom ako bigla." Sabi ko para naman kahit papaano ay gumaan ang atmosphere namin. Um-agree naman silang tatlo.
Hindi na umalis si Pat sa tabi ko. Isinukbit niya pa ang kanyang braso sa braso ko. Gano'n din ang ginawa ni Joan sa kabila ko pang braso.
Joan felt that Glenn is still guilty kaya naman ay kinuha niya rin ang braso neto gamit ang isa pa niyang kamay.
Ngayon tuloy ay para kaming may hinaharangan at kulang na lamang ay sakupin naming ang buong nilalakaran.
Nang makalabas kami ng gate ay imbis na sumakay ng jeep papunta sa Mall ay naglakad na lang kami.
Bukod sa maaga pa naman, malapit lang din naman ang pinapasukan namin sa Mall. Sayang naman ang otso pesos na pamasahe kung sasakay ka pa.
Naunang naglalakad sina Pat at Joan sa unahan namin samantalang kami naman ni Glenn ang nasa likod. Tahimik pa rin ang lalaki kaya naman napabuntong hininga ako. Alam kong buwan pa lang simula nu'ng nakilala ko ang tatlo pero ngayon ko lang nakitang ganito si Glenn. At dahil pa ito sa akin.
"Glenn, it's really okay." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.
"I just felt g-guilty. Kasalanan ko 'yon Iya."
"Ayos lang nga, I swear. Don't feel guilty anymore, okay?" Tumango ito sa'kin at niyakap ako. I hugged him back.
"Hindi na mauulit. Nabigla lang talaga ako." Hindi ko na alam ang sasabihin kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Oy ano 'yan! Nagyayakapan kayo d'yan tapos hindi kami kasali ni Pat? Napaka-unfair talaga ng buhay!" Sigaw ni Joan kaya naman napakalas kami ni Glenn sa pagkakayakap at natawa.
Nakita naman naming pinalo ni Pat si Joan dahil sa sinabi kaya napanguso ito.
"Ang siraulo talaga n'yan ni Joan."
"Oo, parang ikaw lang. Bagay nga kayo."
"Yak Ariya! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Yak!" Tiningnan niya pa ako habang diring diri sa narinig kaya naman natawa ako lalo sa naging reaksyon niya. "I......" She don't know what to say. Kita niya sa mukha ni Rogel ang pagkadismaya. Si Abegail naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya na puno ng tanong ang mga mata.
She's taken aback.
Biglang tumahimik ang buong grand hall, hinihintay ang magiging sagot niya.
"What's going on here?" Napatingin silang lahat sa bagong dating na kunot na kunot ang noo. May kasama itong dalawang lalaki. "Ms. Austine?" The CEO look at her with a questioning look.
"S-sir...." Lumampas ang tingin niya sa CEO at natuon kay Paul. He was looking at her too. He's face is void of any emotion but it suddenly darken and he become angry.
Oh, uh. Did she do something wrong again? Hindi pa nga niya alam kung bakit ito basta na lang umalis kanina o kung galit ba ito o hindi. Tapos ngayon mukha na naman itong galit.
Kinakabahan siyang napalunok at napigil ang kanyang hininga ng mag-umpisang maglakad si Paul papunta sa dereksyon nila.
"Paul what are you doing here?" Malamig na tanong ni Abegail ng huminto sa mismong harapan nila si Paul. It's the first time she heard Abegail call her step brother by his name Paul. Not Leighron she usually address him.
Akala niya si Abegail ang sadya nito but she was wrong. Ni hindi nga nito sinulyapan man lang o pinansin si Aby, basta deretso ang tingin nito sa kanya at walang babala na bigla na lang siya nitong binuhat at walang kahirap-hirap na isinampay sa balikat nito na parang isang sako siya ng bigas.
Napatili siya sa gulat.
"What the hell are you doing?"
"Hands off!" Malumanay pero nagbabadya ng galit na sabi ni Paul ng hawakan ito sa braso ni Rogel.
"Who are you? Harassment ang ginagawa mo."
Mas dumilim ang mukha ni Paul at matalim na tiningnan si Rogel bago siya ibinaba. Nahilo siya at medyo gumewang ang tayo niya pero maagap siyang nahapit sa bagwang ni Paul. Hinawakan naman siya sa braso ni Rogel.