1

1007 Words
"Zion.." Tahimik lang si Zion na mas nagpayanig sa iniisip ko. Ang lalim ng tingin niya sa akin na hindi niya man lang iniiwas. Lalong lumakas at may kung anong kulog ang dumapo. Namamawis na rin ang mga palad ko dahilan para lalong gumulo ang takbo ng utak. Naghalo-halo na ang hindi ko maipaliwanag na emosyon. Tumikhim siya. Napaigtad ako. "Zion.." Inusog niya ang upuan palapit sa akin na naging rason para manginig ang mga daliri ko sa kamay. Nang ikonekta niya ang tingin sa akin, umiwas ako bigla. "You know what, Leslie, you act like a fragile girlfriend." Isang sampal ng katotohanan ang nagpainit ng mga mata ko. Kinagat ko agad ang ibabang-labi at sinulyapan siya. "Diretsuhin mo na ako--" "I like Paul." Sinasabi ko na nga ba! "Kaso girlfriend ka niya so I need to distance myself." "Pero bakit ang clingy mo kanina?" At isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa mapupula niyang labi. Mas mapula pa kaysa sa akin. "I'm practicing to be his servant girlfriend, can't you see?" Ang sunod kong dapat gawin, gaya ng sinabi ni Hope, ay ihambalos ang mesa sa pagmumukha niya't sampalin siya saka murahin. Pero bigla akong naestatwa sa kinauupuan ko. Bakit kaya may mga taong malakas ang loob na saktan ang kapwa nila kahit na nakakasira sila ng buhay? Bakit kaya may mga babaeng nanunuklaw ng ibang partner para makuha ang gusto nila? Ano ba ang meron kay Zion para manakit siya? Namalayan ko na lang na umaagos na pala ang luha ko. Ang anghang ng mga salita niya. Nasusunog ang lalamunan ko. Dahil dito, hindi na ako nakapagsalita. Natutuliro ako para kausapin siya. "You know what, ayaw niya sa mga babaeng iyakin. Hindi ako iyakin at mababaw naman ang luha mo. Dadating ang araw na 'yan ang magiging rason ng paghihiwalay ninyo." Tumayo na siya at pinunasan ang namamawis na noo. Gamit ang kamay, pinaypayan niya ang sarili. "Ang init dito. Tumira naman kayo sa mas komportableng apartment." Saka siya umalis na panay punas sa noo. Ilang minuto na ang lumipas pero nakaupo pa rin ako sa inuupuan ko kanina. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko't ni hindi ko man lang maigalaw ang mga ito. Pinilit kong tumayo; nawawalan pa rin ako ng lakas. Kahit ang mga luha, patak pa rin nang patak. Ayaw tumigil. Gaya ng isang ulan na hindi nagpapaawat sa pagbuhos patungo sa nanlalamig kong mukha. Siguro nga, kung gago si Paul, mas gago ako, mas tanga, masokista, at martyr. Hindi ko rin naman kasi kasalanan na maging ganito ka tanga sa pag-ibig. Lumaki kasi akong walang nilakihang Papa sa tabi. Panganay pa ako. Kasa-kasama parati ni Mama sa pagbebenta ng kung ano-ano para lang mabuhay kami sa gitna ng nakakalunod na kahirapan. Kaya nang dumating si Paul sa buhay ko-- ipinakita niyang espesyal ako, na ginawa niya at gagawin ang lahat mapasaya ako, nagbigay ng oras at effort, pinaramdam sa pamamagitan ng paghawak at paghaplos nang magaan sa kamay ko-- sino pa ba ako para humindi na mahalin siya? Sa kaniya ko lang naramdaman ang hindi maipaliwanag na saya, ang pag-ibig na matagal ipinagkait sa akin nang iwan kami ni Papa, at nasanay na ako nang sobra-sobra. Bata pa lang ako, pinangarap ko na ang ganitong pag-ibig. At ngayong dumating, ayoko nang mawalay pa. Baka hindi ko kayanin. May biglang tumunog. Wala sa sarili kong kinuha ang cell phone sa bulsa ng short pan at sinagot ito kahit hindi alam kung sino. "Sino 'to?" Inilayo ko ang cell phone sa tainga sa tinis at lakas ng boses ng nasa kabilang linya. Kahit kailan talaga panira ng atmosphere si Hope. Nag-e-emo pa ako. "Bakit?" matamlay kong tanong. "Ano'ng bakit?" Sigurado akong iniirapan niya na ako at kinakamot niya na ang kilay niya. "May klase tayo! Pumasok ka na sa klase bago ka pa ma-late." Nilakasan ko ang pagbuntong-hininga. "Ghorl, mamaya ka na mag-chika sa kaganapan between you and that pakening Zion Montecarlos--" Napatakip tuloy ako sa speaker nito. "Hope, maririnig ka niya." Hininaan ko talaga ang boses ko. "Bibig mo naman." "Wala akong paki." Tumahimik siya saglit. "Basta bilisan mo. Dapat sabay tayong maka-graduate kaya 'wag ka nang mag-drama r'yan." Pagkatapos naming mag-usap, naligo na ulit ako at nag-prepare. Palabas na ako sa apartment nang mag-vibrate ang cell phone. Sinulyapan ko ito. Si Paul, nag-text: Love, date tayo bukas ng gabi. I love you. We had three exams that day. Puro two hours ang limit. The next day ay apat naman ang inexam namin. At sa huling araw ng exam ay dalawa na lamang. Mabilis na natapos ang prelims week namin. Nang sumunod na linggo ay nag-anunsyo naman ng mga pasado at bumagsak. Ibinalik na rin sa amin ang papel na mga pinagsshade namin. Wala namang bumagsak sa aming apat kaya napagdesisyunan ulit naming lumabas pagkatapos ng klase. Napaaga pa ang uwian ng inanunsyo na wala kaming teacher sa huling kurso dahil may meeting na dadaluhan sa kabilang paaralan. "Romantic Baboy?" Tanong sa'min ni Joan. "Nakakasakit ka na Joan ha." Pagddrama ni Glenn. Hindi naman siya sobrang taba. Chubby lang. Kahit na ganoon ay bawing bawi naman sa mukha dahil gwapo ito-este maganda. Glenn is always open to us about his s****l identity and we're okay with it. We hugged him after he said that he's bisexual. Ayon nga lang, Glenn's parents still don't know about his identity. "Kakainan kasi natin!" Inirapan naman siya ni Joan. "Jollibee lang kaya ng budget ko guys." Singit naman ni Pat. Alam kong gusto niya rin sa Romantic Baboy at kung gagastusin niya ang pera niya ay mawawalan siya ng allowance. Hindi mayaman ang pamilya nila Pat. Hindi rin mahirap. Kumbaga ay may kaya. Kaya hindi rin gaanong kalakihan ang allowance niya. Nung nakaraan ay nagjollibee na kami at kita ko sa mukha ni Joan na gusto niyang kumain sa samgyupsalan para magcelebrate dahil pasado kaming apat. "Romantic Baboy na lang, Pat. Ako na sasagot sa'ting apat." Sabi ko kaya naman biglang kumislap ang tingin ng tatlo sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD