Chapter 23

2404 Words
Present Day! Kim's POV "Ayun. Hehe." Sabi ko lang after kong magkwento kay Nicole kung paano naging kami nito lalaking katabi ko. After ng interview ko nun sa ME, kinagabihan, pumunta sya sa bahay para magpakilala kay Mama. Dahil nga alam naman na ni Mama, natuwa lang sya dahil nagpaalam pa daw talaga sa bahay. After 3 months nang ligawan portion, sinagot ko na sya. Simple lang. I kiss him. Hahaha. Tapos sinabi ko girlfriend na nya ko. And that's it! Hahaha "Hm. Happy for the both of you." Nakangiting sabi ni Nicole tapos kumain ulit. "Okay ka lang? Pwede ka munang hindi pumasok. Sabihin ko na lang kay Ate." Sabi ko sa kanya dahil alam kong kahit nakangiti sya. Malungkot sya. "Im fine. Need nating magtrabaho." Sabi nya at ngumiti na naman. Tinignan ko si Henry na nakatingin lang din kay Nicole. Alam kong naawa din sya kay Nicole lalo na close silang dalawa. Pero kahit close sila. Never akong nagselos kay Nicole at Henry dahil alam ko naman na kapatid lang ung turing ni Henry sa kanya. Si Nicole naman alam kong wala sa bukabularyo nya ang mag jowa ngayon. "Hatid ko na kayong dalawa. Para less hassle sa inyo." Sabi ni Henry after namin kumain. "Ligo ka na, Nics. Ako na mag hugas." Tumango lang si Nicole tapos pumunta na sa kwarto kung saan sya natulog kagabi. Andun na din naman ung mga gamit nya na dala namin kaya okay na un. May banyo din dun kaya hindi na nya kailangan lumabas dito. "Go prepare for work. Ako na dito." Sabi ni Henry kaya kinunutan ko sya ng noo. "Ako na." Sabi ko kaya tumabi lang sya sakin. "Buti nakatulog ka nang maayos kagabi?" Tanong ko sa kanya. "Ou naman. Komportable naman ako. Bakit mo natanong?" Tanong nya sakin. Nagkibit balikat lang ako pero natawa nang bigla nya kong kinurot sa bewang! "Naku! Kabisado ko na yang tumatakbo sa isip mo! Komportable ako kahit nahirapan akong magpigil kaya nakatulog ako ng maayos." Dagdag nya. "Wala naman akong sinabi! Defensive ka! Hahaha." Natatawang sabi ko. "Wag ako, Kim. Hahaha. I love you so much to the point na kabisado ko mga galawan mo." Sabi nya. Sakto naman na natapos akong maghugas kaya hinarap ko sya at winisikan ng tubig. "Pakilig ka! Hahaha." Sabi ko at nilagpasan sya dahil naghurumintado dun. Hahaha. "Kim!" Tawag nya sakin pero iniwan ko lang dun habang natawa. Hahaha. Kinikilig pa din kasi ako sa mga ganyan nya. I mean nahihiya ako. Hahaha. Umakyat na lang ako sa kwarto ko tapos naghanda ng damit ko. Susunod naman un si Henry dito. Pumasok na ko ng banyo para maligo. Nagtampisaw lang ako dun at ninamnam ung tubig. Kung tatanungin nyo ko bakit dalawang kwarto ang kinuha ko na apartment, dahil nung una ang usapan namin, kaming dalawa ni Tala dito, pero hinanapan daw sya ng Mama nya nang medyo malapit at matipid na apartment kaya dun sya. Kinuha ko na lang to nang tuluyan para na rin pag gusto nilang mag sleep over pwede dito. Kaya dito ko din naisip na dalhin si Nicole kagabi pagkatapos syang palayasin ni Tita Jazz. Hay! Naawa talaga ako sa kaibigan kong yun. Sobra sobra ung sakripisyo nya. Tapos sasabihan lang sya ng ganun at sasaktan, kitang kita ung mga kalmot at galos na binigay ni Tita Jazz sa kanya, maputi kasi kaya kitang kita, ayoko lang pansinin dahil alam kong hindi sya magiging komportable. Hindi nga manlang sya nakapagpahinga pagkatapos ng college life nya dahil nagtrabaho agad sya para mapahinto si Tita Ja mag trabaho. At kung sino man ang nakasagasa kay Tita. Makunsensya sana sya. Naalala ko kahapon, sobrang saya nya dahil kasama sya sa candidate for Team Leader at consitent syang nasa employee of the month, sa sobrang saya nya nga sumagot na sya dun kay Oliviang inggitera! Tapos nagulat na lang ako nang tawagan nya ko na umiiyak at ibinalita na wala na nga si Tita Ja. Agad kong tinawagan sila Danica nun para puntahan sya. Pagdating namin ng ospital nasa morgue na si Tita at andun din si Nicole na sinasaktan ng Tita nya pero wala syang ginagawa at umiiyak lang. Halos mapatay sya ni Tita Jazz, kung hindi lang namin sya inialis dun. Flashback "Lumayas ka dito! Wala kang karapatan dito dahil hindi ka namin kamag anak! Wala kang lugar sa buhay namin! Malas ka kay Ate!" Sigaw ni Tita Jazz habang sinasampal si Nicole na walang galaw at umiiyak lang. Madali kaming lumapit kay Nicole para maialis sya dun sa tabi ni Tita Ja. "Ayoko. Dito lang ako. Ayokong umalis..." Umiiyak na sabi nya at mas hinigpitan ang hawak sa malamig na kamay ni Tita Ja. Pero marahas na kinuha un ni Tita Jazz at patulak na inalis si Nicole sa tabi ni Tita Ja. Mabuti na lang at nasalo namin sya kung hindi tutumba sya lalo na wala syang paki alam sa nangyayari. Para sa kanya ayaw nya lang umalis dun. "Lumayas ka! At wag na wag kong makikita ang pagmumukha mo sa apartment ni Ate dahil mapapatay kitang babae ka! Siguraduhin mong pag alis mo dito, ay pag alis mo din sa buhay namin! Dahil ni minsan hindi kita tinuring na kamag anak! Layas!" Sigaw ni Tita Jazz at tinulak pa kami palabas. "Halika na... Baka mapaano ka pa dito... Tama na yan..." Umiiyak na sabi ni Tala. Hindi na din kasi namin napigilan dahil naawa kami sa kanya. "Ayoko iwan si Mama... Hindi ko pa nasasabi sa kanya ung good news ko... Para sa kanya un ih..." Sabi nya at papasok pero pinigilan na namin sya. Dahil unti unting nagdadatingan ung mga kamag anak ni Tita Janice at ung mga kamag anak ng asawa nito na matalim ang titig sa kanya at anytime, handang handa syang saktan at patayin. End of Flashback Kahit ayaw namin syang ilayo kay Tita Janice. Pinilit namin. Umiiyak lang sya sa kotse. Hindi na namin sya pinababa nung nakarating kami sa bahay nila, kami na ni Danica ang nag ayos ng gamit nya. Lahat ng mga papers, ung mga gamit na alam namin sa kanya inilagay namin sa bag. Wala kaming iniwan na kahit ano na magpapaalala sa kanila kay Nicole. Hay. Natapos akong maligo at lumabas ng banyo pero pareho kaming nagulat ni Henry. Dahil paglabas ko syang pagpasok naman nya sa kwarto ko. "Sh*t!" "Waaaah!" Napabalik ako sa banyo na muntikan pang madulas. Nakatapis lang ako ng tuwalya, nakalimutan kong andito pala sya. May iniisip kasi ako eh. "You can go out now. Lalabas na ko." Sabi nya. Bago ko narinig ung sara ng pinto. Pinakiramdaman ko muna kung wala na talagang tao kaya naman nung nasiguro ko na, sumilip pa muna ako, nung okay na talaga dun na ko lumabas nang tuluyan. Sabi sa inyo eh. Kahit naman maharot ako, virgin pa ko! And Henry never take advantage on me. Kaya ung biruan namin kagabi at kanina. Biruan lang talaga yun. Magaling magpigil ang lalaking yun eh. Hahaha After kong magbihis, nag ayos lang ako ng unti para naman presentable. Hindi naman ako kasing ganda ni Nicole na very natural ang ganda. Hahahaha. Chares! Maganda kaya kaming lahat! Kala nyo ah. I wear cream blouse na sleeveless tuck in in my black trouser then I wear stilleto. Then I let my wavy hair down. Nung nakita kong okay na ko. Lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Pagdating ko ng sala, andun na si Nicole at inaayos ung damit nya. Si Henry naman nakaupo at crossleg pa yan ah. Napatingin sya sakin ng maramdaman nya ung presensya ko. Napangisi naman ako ng bigla syang mag iwas. Hahahaha. Cute din talaga ng lalaking to eh! "Tara na." Yaya ni Nicole pero nahinto din nang makita nyang nakatsinelas pangloob si Henry. "Asan sapatos nyo, Sir?" Tanong nya. "Asa taas. Hindi ko nakuha. Si Kim kasi." Sabi nya tapos tumayo at patakbong umakyat sa kwarto. Hahaha. Ako pa sinisi. Napailing na lang si Nicole at umupo ulit. Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa. Nagluluksa sya hindi man halata. Naka black long sleeve polo blouse sya at nakablack trouser tapos naka flat din na black. Tinatago nya din panigurado ung mga kalmot nya kaya yan nakalong sleeve. "Let's go." Rinig kong sabi ni Henry na pababa na. Kaya naman kinuha ko na ung bag ko at ung laptop ko. Ganun din si Nicole. Pero nagulat ako ng kunin ni Henry ung hawak kong laptop at hawakan ung kamay ko. Tinignan ko naman si Nicole na natatawang naglalakad palabas ng bahay. Hayop! Magkahawak kamay kaming lumabas, si Nicole na ang naglock ng bahay at kami naman ni Henry dumeretso na sa kotse nya. Nung nakapasok na si Nicole sa kotse, bumyahe na din kami agad. Nasa unahan ako at si Nicole nasa backseat. Nakatingin lang ako kay Nicole na ginagalaw ung kwintas nya habang nakatingin sa labas. Malalim na naman ang iniisip. Kung sino man ang magbigay sa kanya ng kwintas na yan. Sobrang nakakatulong kay Nicole para mapakalma sya. Napaiwas ako ng tingin nang may nakita akong tumulong luha sa mata nya. Naaawa talaga ako. Tumingin na lang din ako sa labas pero nabalik agad ung tingin ko sa kamay ko dahil biglang hinawakan ni Henry. Mahigpit at parang pinapagaan ung loob ko. Nakarating kami sa ME at nauna nang bumaba si Nicole dahil magpapaalam pa daw ako kay Sir. Which is true naman. "Bye, Sir. Thank you po." Sabi nya lang at lumabas na. "Call me if you need help, okay?" Sabi nya kaya naman tumango lang ako. "Opo. Ingat ka sa byahe." Paalam ko sa kanya. "Of course. Bye. I love you." Paalam na sakin. "Bye. I love you too." Sagot ko at humalik lang sa kanya na tinugon nya. Pero mabilis lang. Ska ako bumaba. Bumusina lang sya at tuluyan ng umalis. May pasok din un sa office ata. Hahaha "Tara na." Yaya ni Nicole sakin. Tumango lang ako at sabay na kaming naglakad. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad papunta elevator. Nakaramdam ako ng ibang tao sa tabi ko kaya niligon ko at nakita ko si Tala. Ngumiti lang sya sakin, kaya ngumiti lang din ako. Papasok na kami nang makita ko si Camille na lakad patakbo. "Morning." Bati nya samin. Binati na lang din namin sya. Tahimik lang kaming apat, habang ung iba na kasabay namin sa loob. Nagkukwentuhan. Hanggang sa tumapat sa floor namin. Kaya bumaba kami. Habang naglalakad kami, nakasalubong namin sila Olivia at ung mga alipores nyang sabaw! "Ow! Nicole, what's with outfit? Nagluluksa ka ba at itim na itim ka? You should we-" Naputol ung sasabihin nya ng biglang magsalita si Nicole. "Would you mind your own business." Malamig na sabi nito. "Or shut your mouth and get lost." Sabi nya at lumakad papunta sa office nila. Ska namin hinarap si Olivia na napatanga. "Get lost!" Sabay sabay na sabi namin nung dalawa tapos nilagpasan sila. Papansin kasi! Napakainsensitive! Lagi na lang si Nicole ang nakikita ng babaeng bruha na yun. "Kumusta sya?" Tanong ni Cams. Bumuntong hininga na lang ako. "Malungkot. She just saying she's fine but still she's not." Sabi ko kaya naman napatango sila, magkanya kanya na din kami dahil magkakaiba kami ng assigned business. Naglunch na at saktong tumatawag si Danica. [How is she?] Bungad nya. "Alam mo na. She's faking her smile but deep inside she's in pain and mourning." Sabi ko habang inaayos ung gamit ko. [I can't think properly because i keep on thinking of her.] Sabi nya at alam kong naluluha sya. "Don't. Wag mo ipapakita o ipaparinig sa kanya yan. Alam mong ayaw nyang mangyari yun kaya eto sya at pinepeke ung kasiyahan nya. Alalayan na lang natin sya. That's what she needed the most." Sabi ko. Umagree naman sya at sinabing tawagan sya kung may nangyaring iba. Iupdate din daw sya tapos nagpaalam na. Lumabas na din ako para puntahan sila Nicole. Pero inaantay na pala nila ako sa may pasukan ng office namin. Kaya bumaba na kami. Tahimik pa din at walang nagsasalita. Hanggang makabalik kami ng trabaho at umuwi. Nagpaalam si Nicole na mauuna na sya at may pupuntahan. Alam ko naman kung saan, nanakaw na naman ng tingin un sa burol ni Tita Janice. Naging ganun ang cycle namin sa loob ng tatlong araw. Pero isang gabi umuwi si Nicole sa bahay na may sugat sa siko at binti. Punong puno ng luha ang mukha. Naalerto ako dahil dun. Agad ko syang nilapitan at niyakap. "San ka galing? Anong nangyari sayo?" Tanong ko agad nang bumitaw kami sa isat isa. Pinipigilang kong umiyak dahil naawa ako sa itsura nya. Ngumiti sya kahit na may luha sa mga mata nya. "Binisita ko si Mama. Pero nahuli ako nila Tita. Kaya eto. Namimiss ko na si Mama..." Nakangiting sabi nya pero umiiyak. "Sana nagsabi ka para nasamahan kita. Tignan mo ginawa nila sayo." Sabi ko na hindi na napigipang hindi umiyak. "Nics... Andito lang kami. Magsabi ka sakin o samin... Wag mong sarilinin..." Naiiyak na sabi ko at niyakap sya ulit. Nag iyakan lang kaming dalawa dun hanggang sa nakatulog na naman sya sa sala. Naawa akong nakatingin sa luhaan nyang mukha. Ung kaibigan ko na laging nakangiti na parang walang problema at magiging okay ang lahat eto at maga ang mata. Bukas ko na gagamutin ung sugat nya pag nagising naman sya panigurado, magkukunwaring okay yan. Hay. Bago ako tumayo para kumuha ng kumot at unan. Tumunog ung phone ko at nakita kong si Henry ung natawag. Hindi kami gaano nagkikita dahil may inaayos daw sya pero text at tawag kami madalas. [Hi Sweetie. How are you?] Bungad nya kaya napangiti ako. "Im fine but sad." Sabi ko dahil un talaga ung nararamdaman ko. Matagal bago ko narealize na pinatay pala nya ung tawag dahil wala na kong narinig na kahit amo sa kanya. Magkibit balikat na lang ako dahil baka hindi nya namalayan na nababa nya pala. Tinuloy ko nang umakyat sa taas at kumuha ng gamit. Pagbaba ko, kinumutan ko lang si Nics at naglagay ng unan sa gilid nya. Dito na din ako mahihiga since wala naman din kaming pasok bukas. Nakahanda na ung higaan ko nang biglang may kumatok. Gabi na?! Sinong kakatok?! Kinabahan naman ako kaya kumuha ako ng pamalo na nakahanda namin ni Nicole dito. Tapos dahan dahang pinuntahan at binuksan ung pinto at hinanda ung pamalo ko. "Yaaaaaaah!" -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD