Chapter 24

1716 Words
Kim's POV "Yaaaaaaaah!" Sigaw ko at hinampas ung kumakatok sa pinto pero natigil un nung narinig ko ung boses. "Aww! Sweetie, masakit." Daing nya kaya napahinto ako at tinignan un. Halos lumuwa ung mata ko nung nakita ko kung sino. "Waaah! Hens! Bakit kasi andito ka? Anong oras na... Akala ko tuloy akyat bahay!" Sabi ko at tinignan ung mga nahampas ko sa kanya. "Walang akyat bahay na kumakatok, my Dear Kimberly. Hay. Sabi mo kasi malungkot ka kaya pinuntahan kita at nagdala ng comfort food." Sabi nya sabay taas ng kamay nya na may mga pagkain. Nakosensya naman ako. Kaya napakagat labi ako. Atska may point naman sya na walang kumakatok na akyat bahay. Sorna agad! "Sorry. Bigla ka din kasing nawala nung magkausap tayo sa phone. Tara na nga." Sabi ko tapos niyaya na sya sa loob. "Ahm. Nasa sala pala si Nicole ah. Dyan na inabutan." Sabi ko at ngumiti ng pilit. "Hindi ako biglang nawala. I told you, I'll go here. You didn't heard me?" Tanong nya na ikinailing ko. Hindi ko naman talaga narinig. Tumango tango lang sya. "What happen to her? Bakit namumugto ang mata?" Tanong nya sakin nang mapatingin sya kay Nicole. "Nagpunta sya sa burol ni Tita Ja. Nakita sya ng kamag anak ni Tita. Ayun. Pinagtulakan daw sya." Sabi ko at umupo sa higaan ko dapat. "That's why you're sad." Sabi nya at tumabi din sakin. Tumango lang ako. Naramdaman ko naman na hinimas nya ung ulo ko at inilapit sa kanya sabay dampi ng halik. Kaya napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakagaan. Matagal lang kami sa ganung posisyon nang yayain nya ko kumain ng mga dala nya. Hahaha. Andami! Siguro akala nya gising pa si Nicole. "Dito ka matutulog?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman sya sabay lunok ng kinakain nya. "Nope. Hahatid ko sila Ate bukas sa Airport." Sabi nya. Kaya tumango ako. "Sunday bukas. Date tayo ng hapon." Sabi nya pero umiling ako. "Hindi pwede. Pupunta sila Danica dito bukas." Malungkot na sabi ko. "Hm. Okay. Next time na lang." Sabi nya at kumain ulit. Okaaaaay... Mukhang may nagtatampo. Sa limang bwan naming magkarelasyon ni Henry. May times na nagtatampo sya sakin dahil gustong gusto na nyang sabihin kila Nicole at sa mga kaibigan nya pero nahihiya pa kasi ako. Hehehe. Kaya eto kami mukhang yun na naman ang ikinakatampo nya. Natapos kaming kumain at nagpahinga lang. Ska sya nag sabing uuwi na. Pero ayoko naman na may tampo sya sakin. "Bebe ko... Tapusin lang natin tong kay Nicole. 1 month. Give me 1 month. Tapos sabihin na natin sa kanila." Sabi ko sa kanya bago kami makalabas ng gate ng apartment. Bakas sa mukha nya ung gulat ng hinarap ko sya, paano ngayon ko lang sya tinawag ng iba. Lagi kasing Henry o Hens. Naglalambing kasi ako kaya tinawag ko sya ng ganyan. Hahaha "What did you call me?" Tanong nya na nagpipigil ng ngiti at tawa. Napangiti naman ako dahil dun. "Bebe ko. Ayaw mo?" Tanong ko sa kanya. Mabilis naman syang umiling tapos natawa. "Hindi ah. It just.... Hahahaha." Hinto nya sa sasabibin nya tapos ngumiti. "It just new but i love it. It's music to my ears. Kahit korni. Hahahaha." Dagdag nya kaya natawa ako! Hindi kaya korny yun! Hahahaha "I love you. Palagpasin lang muna natin tong kay Nicole dahil hindi ko kayang nagsasaya habang may pinagdadaanan sya." Sabi ko. "Naiintindihan ko naman. Nakakatampo lang na legal tayo sa parents mo but I can't go here dahil hindi alam ng mga kaibigan mo. But I'm okay. 1 month, after nun magiging legal na tayo sa lahat, tama?" Tanong nya kaya napatango naman ako. "Yep. Even sa family mo. Papakilala na ko. Hehehe." Sabi ko na mas ikinalawak ng ngiti nya. Ngayon labas na labas na ung dimples nya. "Thank you. I love you." Sabi nya lang at niyakap ako. "I love you too." Sabi ko at ginantihan ung yakap nya. After nung nagpaalamanan lang kami bago sya tuluyang umalis at ako naman pumasok sa bahay at natulog. Maiintindihan naman ni Hens pag hindi na ko nakapagreply sa kanya. Hehehe Kinabukasan, nagising ako dahil nalaglag ako sa hinihigaan kong sofa. Ang sakit! Ang putik! "Anong nangyari sayo?" Tanong sakin ni Nicole na kakalabas lang sa kusina. Tinignan ko sya at nakabihis na sya ng pambahay. "Nahulog ako, tih! Ang sakit!" Sabi ko at hinawakan ung balakang ko. Natawa lang naman sya. "Siguro napapanaginipan mo na nagpapaikot ikot kayo ni Sir Henry sa damuhan kaya ka nahulog?! Hahahaha. Tumayo ka na! Kain na tayo." Sabi nya lang tapos pumasok ulit sa kusina. Tss! Sapakin ko to eh. Okay sya ngayon pero mamaya, tutulala na naman sya tapos iiyak. Hay! Tumayo na ko at iniligpit ung mga ginamit ko tapos inakyat sa kwarto ko. Naghilamos lang ako at bumaba na. Kinuha ko muna ung phone ko sa lamesita sa sala tapos pumunta na sa kusina. Nakita kong may apat na message si Henry at 2 naman kay Adriene. Sinabi lang ni Henry dun na nakauwi na sya at may text pa na ihahatid na daw nya ung Ate nya. Shocking pa din ako dun sa part na may Ate sya. May asawa naman na daw at nasa ibang bansa nakatira. Umuwi lang dito nung nakaraan to visit. Tapos ayan nga kanina, hinatid nya. Si Adriene naman, nangamgamusta lang at nanghihingi ng allowance. Hahaha. Ako na kasi ang nagbibigay sa kanya since malaki naman ang sahod ko! "Sahod pala kahapon!" Biglang sabi ko kaya napatingin si Nicole sakin. "Ou. Kaya nga ako nagpumilit pumunta kay Mama dahil dinalhan ko sya ng bulaklak. Mabuti na lang at hindi sinira nung mga kamag anak nya." Sabi nya at subo ng pagkain. Tinignan ko lang sya. "Nics. Wag ka na babalik dun nang walang kasama ah." Sabi ko sa kanya. "Hindi na ko babalik dun. Nakisuyo na lang ako kay Ate Nora na itext ako kung saan sementeryo ililibing si Mama para mapuntahan ko." Sabi nya kaya tumango ako. "Wag ka nang mag alala sakin, okay lang ako. Tama na ung ginawa nila sakin kagabi. Malulungkot lang si Mama pag nalaman nyang sinasaktan at inaalipusta ako ng mga kamag anak nya." Dagdag nya pa. "Andito lang ako ah. Share na tayo dito, simula ngayon." Sabi ko kaya ngumiti syang tumango. "Salamat ah. Share na din tayo sa mga bibilhin at bills, pati sa upa." Sabi nya kaya tumango ako pero biglang nagseryoso ung mukha nya. "Bakit tinatago mo ung sa inyo ni Sir Henry?" Tanong nya kaya napatanga ako bigla. Hawak ko pa ung phone ko at hindi pa naglalagay ng pagkain. "Ha?" Ayun lang ung lumabas sa bibig ko tapos binaba ung phone ko at sumandok na. "Anong ha? Narinig ko kayo kagabi. Nag uusap eh. Ramdam ko ung tampo at lungkot nyo. Hindi mo naman kailangang itago. Wala namang mali sa ginagawa nyo." Sabi nya. "Ahm. Wala naman talaga. Nahihiya lang ako. Kasi hahaha. Diba professor ko sya dati..." Sabi ko at sumubo ng kanin. "Ano naman? Hindi mo na sya professor ngayon. May mga nagkakagustuhan talagang Teacher & Student. Buti nga si Sir pinatapos ka muna mag college bago niligawan eh, hindi katulad ng iba. Atska alam mo, mukha namang seryoso sayo si Sir. 3rd year palang tayo mahal ka na ni Sir eh." Sabi nya na nagpagulat sakin. Bakit alam nya? "Paano mo nalaman?" Tanong ko na hindi tumitingin sa kanya. "Atska alam ko naman na seryoso sya sakin." Dagdag ko pa. Tumango tango naman sya at nilunok muna ung pagkaing nasa bibig nya. "Remember nung nagkaproblema ako kay Mama tas kinausap ka nya? Masaya syang nakausap ka nya nang matino. Hahaha. Tapos kinagabihan, tumawag sya sakin at nakakatawa kasi nabanggit ka nya. Baby Kimmy daw, kaya inaasar kita ng baby kimmy dahil dun. Kinabukasan nung pinatawag nya ko dahil talaga yun dun. Ayaw nyang malaman mo dahil nga hindi pa tayo tapos sa college." Sabi nya. At uminum ng milo ata. Hindi naman ako nagsalita at kumain na din. Pero ang gaga. Tinawanan ako! "Pwede kang kiligin sa harap ko, Kim. Walang mawawala. Hahaha." Sabi nya kaya naman napangiti ako dahil sa sinabi nya. "Next month, papakilala ko na sya kila Danica. Tapusin muna natin tong sayo. Wag ka na kumontra dahil napag usapan na namin kagabi at nag agree kami pareho." Sabi ko dahil nung sinabi kong next month, magsasalita na naman sya. Hahaha "Okay. Sige na." Sabi nya. Kumain na kaming dalawa nang matiwasay. After nun ako na naghugas at sya naman nanuod sa sala. Bago ako pumunta ng sala, kinuha ko muna ung first aid kit dito sa kusina at lumabas. "Bruha! Gamutin natin yang sugat mo." Sabi ko nang makaupo ako sa tabi nya. Tumingin naman sya sakin at tumango. Habang nililinisan ko ung sugat nya natatawa ako dahil kada dampi ko ng alcohol sa sugat nya, kinukurot ako! Hahaha "Nicole! Napakasakit! Hahaha." Sabi ko pagkatapos kong lagyan ng betadine ung sugat nya. Hinihimas ko ung kurot nya sa balikat ko. "Apakasakit din kasi, Kim!" Sabi nya tapos tinulungan akong ligpitin ung mga ginamit namin. Tinawanan ko lang sya dahil akala mo naman hindi sya basag ulo noon. Hahaha. Kung makaaray sa mga sugat na nakuha nya. Nanuod lang kami ng movie habang nagpapahinga. Nang may nagbukas ng pinto at bumungad samin sila Cams, Danica at Tala na may dala dalang pagkain at mga bag. Mukhang dito sila mag oovernight. "Anong ginagawa nyo dito?" Tanong nitong katabi ko habang kunot ang noo. "Alam mo! Ang unfair. Nakakunot na noo mo, maganda ka pa din! Sana lahat!" Sabi ni Danica kaya mas kumunot ung noo ni Nicole. "Sagutin mo tanong ko, pashnea!" Sabi ni Nicole. Ayaw nya talaga nang hindi sinasagot ung tanong nya. Hahaha "Dito kami matutulog, bakit ba?" Sabi ni Danica at lumapit sa upuan namin. "Anong nangyari dyan?" Tanong nya nang makita nya ung tuhod ni Nicole. "Tinulak, nasubsob, ayun sugatan." Sabi ni Nicole na nakatingin sa TV "Sinong tumulak sayo?" Tanong naman ni Camille. "Relax. Kamag-anak ni Mama. Hayaan nyo na. Huli na yun. Hindi na ko pupunta dun." Sabi nya. Tumahimik naman ung mga bruha at tumingin sakin na tahimik lang din. Nagsenyas na lang ako na hayaan na nila. Dahil hindi naman magsasalita yan si Nicole kahit anong pilit namin. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD