Chapter 22

2739 Words
Kim's POV "Hoy Sir! Hindi magandang biro yan, wag mo kong paasahin. Kasi ako alam kong mahal kita." Sabi ko at humarap ng maayos. Gusto kong sampalin ung sarili ko dahil masyado akong madaldal. Tumahimik naman ako dahil hindi din naman sya nagsalita. Napasobra na ata ako. Hehehe. Dumaan kami sa drive thru para bumili ng pagkain. Hindi naman nya ko tinanung ng gusto ko pero narinig kong gusto ko naman ung mga binili nya. Nararamdaman ko din na tumitingin sya sakin paminsan minsan pero hindi ko sinasalubong dahil nahiya ako. Naramdaman kong huminto sa kung saan ung kotse nya kaya napalingon lingon ako. Wala pa kami sa bahay ah. "Relax. Wala akong gagawin sayo." Rinig kong sabi nya kaya nahiya ako ulit. "Kim. Pansinin mo ko." Malumanay na sabi nya kaya kahit nahihiya ako. Tumingin ako sa kanya. "Masyado ba kong mabilis?" Tanong nya ulit. Napakagat labi ako dahil hindi ko alam ung sasabihin ko. "Ahm. Hindi naman. Pero gusto ko malaman kung totoo talaga ung sinasabi mo kasi baka sinasakyan mo lang ung mga biro ko sayo." Sabi ko at yumuko. "Okay. I understand. So paano ko mapapatunayan sayo na totoo ang sinasabi ko na mahal kita?" Sabi nya at ramdam ko ung kaseryosohan dun. Nanatili akong nakayuko pero naramdaman ko ung kamay nya na humawak sa pisngi ko at inangat ung ulo ko. "Tell me. I'm willing to do anything, just to prove my love to you, Kim." Seryosong sabi nya habang nakatingin sa mata ko. "Di nga? Seryoso ka talaga?" Tanong ko ulit. Tumango naman sya. "Paano? Baka naman... Init lang ng katawan yan dahil lagi tayong magkatitigan pag nagsasayaw ako ng sexy dance." Nakangusong sabi ko. Huminga sya nang malalim at tumingin ulit sa mga mata ko. "Listen, okay?" Sabi nya kaya naman tumango ako. "Okay. At first, I admit it. Nung una ayun talaga ung nararamdaman ko. Lalo na nung nakita kitang sumayaw sa gym. Naaapektuhan ako ng mga banat mo. Mali man pero ou! Napagnanasaan kita sa isip ko. Sa lahat ng Block D, ang turing ko sa kanila kapatid. Ikaw lang ang hindi ko nakikitang kapatid. Kasi nakikita kita bilang babae. Ayokong masira ung kinabukasan mo kaya may times na hindi ko hinahayaan na makabanat ka sakin. I didn't look at you kahit na nagsasalita ka dahil unting kabig na lang sakin, Kim. Baka hindi ka nakagraduate." Pag amin nya habang nakatingin pa din sakin. Sabi ko na init lang ng ka- "But things change, as time flies. Lust become like and like become love. I fall in love with you. Maniwala ka man sa hindi. Nahulog ako sayo ng hindi ko alam. Namimiss ko ung mga banat mo, ung mga pasaging mo, ung mga tili mo, ung pagiging madaldal mo at lalo na ung ngiti mo. Pag nasa office ako, kusa akong napapangiti pag naiimagine kitang nakangiti. I once dream that you are walking down the aisle with your choosen wedding gown. Akala ko nung una nababaliw lang ako kaya ko naiisip yun dahil naaalala ko lang ung mga banat mo. But No! Dahil finals ng DC nun. Aminado na ko sa sarili kong hulog na ko sayo. But in denial ako dahil nga estudyante kita. I ask my friends who are already committed, and they confirmed what my feelings for you. I love you." Mahabang paliwanag nya pero nakangiti. Nakakagat lang naman ako sa labi ko at pinipigilang ngumiti. Kasi kinikilig ako. "So mahal mo talaga ako?" Tanong ko sa kanya. "Yes. Kahit ilang beses mo pang itanong yan. Yes ang sagot ko dyan. Inaantay lang talaga kitang makagraduate. Dahil kasabay ng paggraduate nyo. Hindi na din ako magtuturo. Kaya malaya na kong mahalin ka." Sabi nya. "Talaga? Kahit... Sabihin kong magpaalam kang manligaw sa bahay. Harapin si Mama at Papa? Gagawin mo?" Tanong ko pero this time nakangiti na ko. "Ngayon na ba kita ipagpapaalam? Tara! I'm actually planning to do that. Seryoso ako sayo. Minsan lang ako magseryoso sa buhay ko at isa na to dun." Sabi nya kaya napangiti na ko ng malawak at ramdam kong naiiyak ako. "Hindi nga, Sir?! Totoo? Love mo ko." Sabi ko at ramdam kong tumulo ung luha ko. "Hey why are you crying? Yes. I love you." Sabi nya at pinunasan ung luha ko. "Waaaaaah! Sir Henry! I love you too! Seryoso..." Sabi ko at yumakap sa kanya. Naramdaman kong natigilan sya pero yumakap din. "Hindi ko alam kung kelan at paano basta na in love ako sayo. Naimagine kita na asawa ko tapos nagsasabi ka sakin ng i love you! Waaaah!" Pag amin ko habang nakayakap sa kanya at umiiyak. Nakarinig lang ako ng mahinang tawa kaya napaalis ako sa yakap at tinignan sya. Nakangiti sya at parang tuwang tuwa sa scenario naming dalawa. Ung ngiti nya labas dimples. Nagpunas ako ng luha dahil nakakahiya naman ang gwapo nya tapos ako mukhang hulas! Hahahaha "Why you're so cute?" Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. "Cute lang ako, hindi ako maganda kagaya ni Nicole. Okay lang ba sayo?" Nakangusong tanong ko. "Ou naman! Hindi ko type si Nicole. Ikaw ang type. Ikaw nakahuli ng kiliti ko. Sa mga pasaling at pakindat mo." Nakangiting sabi nya. "May pakinabang din pala un. Akala ko wala." Nakangiting sabi ko. Natawa naman sya tapos umupo ng maayos. "Anong wala? Dun mo nga ako nadale. Ung mga paritwal ritwal mo na hindi ko alam kung nag riritwal ka ba talaga o nang aakit. Hahaha." Natatawang sabi nya. Kaya nahampas ko sya bigla. "Hoy! Hindi ako nang aakit ah. Slight lang. Hahaha. Atska ung ritwal ko. Dual kasi yun, ritwal para maging akin ka at ritwal para mabunot ko ung gusto namin. Hahaha." Sabi ko na natawa. Tinignan nya muna ko bago sumagot "Ayan! Banat mo na naman. Don't worry. I'm all yours now, Sweetie." Sabi nya kaya hindi ko napigilang hindi ngumiti. "Akala ko talaga ang type nyo si Nicole. Kasi iba ka makitungo sa kanya." Sabi ko "Madali kasi makapalagayan ng loob ung kaibigan mong yun, kaya naging close kami. Bukod dun nilalayuan talaga kita dahil ung unang motibo ko at baka nga masira ko ung kinabukasan mo." Sabi nya kaya natawa ako . "Bakit ano bang gagawin mo sakin?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman syang tumawa at umiling. "Wag mo na itanong. Ska na." Natatawang sabi nya kaya mas tumawa ako ng malalaks. "Mahalay ka, Sir! Hahaha. Ay mali! Henry. Hahahaha. Di ako sanay!" Natatawang sabi ko. "Bakit? San ka ba sanay?" Tanong nya sakin. "Bebe Henry. Hahahaha. Joke lang! Hahaha. Ano ba yan?! Sobra na naman ako!" Sabi ko habang natawa. Natawa na lang din sya dahil dun. "Ikaw talaga, Kimberly. Tara na nga at kainin na natin to. Hindi ko alam ung gusto mo kaya inorder ko na lang ung mga tingin kong gusto mo." Sabi nya tapos iniabot ung pagkain. Kumain lang kaming dalawa dun habang paminsan minsan na nag aasaran. Masaya pala talaga kasama si Sir Henry. Walang dull moments na nangyari samin. After kumain, nagpasya na kaming bumyahe ulit pauwi. Malapit na kami sa bahay nang magsalita sya ulit. "Ahm. Kim, hindi sa nagiging mabilis ako but ayokong magsayang ng oras. G*go ako pero pag sinabi kong liligawan kita seryoso ako dun." Sabi nya at sumulyap sakin. "Pinayagan na kita manligaw ah. Next time ka na po magpaalam sa bahay. Set natin. Hehehe. Baka mabigla si Mama. Hahaha." Sabi ko dahil totoo naman un. Atska umoo na ko sa kanya nung tinanung nya ko kung pwede sya manligaw. "Sure. Walang problema. Ibrief mo muna si Tita na manliligaw mo professor mo noon. Hahaha." Sabi nya kaya napangiti ako. Lakas makaTita! Hahaha "Hahaha. Lakas makaTita! Hahaha. Pero sige." Sabi ko. Natawa lang sya at saktong tumapat kami sa bahay. "Bye, Kim. Thank you for today. And thank you allowing me to court you." Sabi nya at ngumiti. "Thank you din, Ahm.. Henry. Nag enjoy ako. Masusundan pa naman yun diba? Hehehe. I mean ung date natin kasi nanliligaw ka na sakin." Tanong ko sa kanya. "Ou naman. Gusto mo bukas agad. Hahaha. And im glad you enjoyed our date." Sagot nya sakin. Tumango tango naman akong nakangiti. "Salamat ulit. Pero wag naman bukas. Mga next next next day kasi may interview kami nila Nicole sa ME sa monday." Sabi ko sa kanya. "Work agad? Bilis ah. Pero maganda na sa ME kayo mas mahahasa ung skills nyo." Sabi nya. "Oum. Sinabayan na namin si Nicole kasi need nya mag work agad." Sabi ko naman. Kaya sya naman ngayon ang tumango tango. "Ow... Okay. Sige na. At magpahinga ka na. Napagod ka panigurado." Nakangiting sabi nya kaya nagpaalam na ko ulit. "Babye, Henry. Ingat ka sa pagdadrive." Sabi ko at tinanggal ung seatbelt ko. "I will. Papakasalan pa kita eh. Bye." Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. "Pakilig talaga kahit kelan. Hahaha. Bye na." Sabi ko at tuluyan nang bumaba. Inantay ko munang makaalis sya bago ako pumasok. Bumusina lang sya tapos umalis na. Kumaway pa ko. Pagpasok ko, todo ngiti naman ako ng malawak dahil sa nangyari! Hahahaha. Waaaaaaaaah! Hindi naman siguro panaginip to diba?! Kinikilig pa din ako!!! "Hoy. Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Tanong ni Mama. Kaya bigla akong napaayos ng tayo. "Sinong nakangiti? Ako? Wala ah." Sabi ko kaya tinaasan ako ng kilay ni Mama. "Sino ung naghatid sayo? Hm? Manliligaw mo?" Deretsong tanong ni Mama. Hindi naman sya mukhang galit. More on nang aasar. "Wala namang nanliligaw sakin ah." Sabi ko at patay malisya. Nagulat ako nang taasan ako ulit ng kilay ni Mama. "Wala? Eh sino si Henry?" Tanong nya kaya halos lumuwa ung mata ko sa gulat. "Ma! Bakit? Paano? Ha?" Ayan lang ung lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung ano dapat ang sabihin. Natawa naman si Mama sa reaksyon ko. "Tinatanong lang naman kita. Hindi ko naman pipigilan ung panliligaw sayo ng professor mo dati dahil graduate ka naman na." Sabi nya kaya mas lalo akong nagulat. "Ma! San mo ba makukuha yang sinasabi mo?! Nakakaloka!" Sabi ko at nagpaypay pa gamit ang kamay! Nainitan ako bigla. "Sa kwarto mo. Nakita ko ung letter na galing dun sa glass mug na bigay sayo ng prof mo. Ayiie! Wag ka na mahiya. Gwapo naman! Hahaha." Sabi nya at ngayon ko napatunayan na kay Mama ako nagmana. Gosh! "Grabe Ma! Ngayon alam ko na kung saan ako nagmana." Sabi ko at tumawa. "Pero... Okay lang po talaga sa inyo?" Tanong ko dahil ano pa bang itatago ko, e halos! Ibugaw na ko ng nanay ko. "Ou naman. Wala namang masama kung manligaw sayo ung dati mong professor. Kung mahal ka eh. Ang damdamin hindi pinipigilan yan. Kinakalma para sa mabuting bagay pero hindi dapat pinipigil. Kunwari ka pa! Gusto mo din naman ung prof mo. Hahahaha. Nasa tamang edad ka na. Alam mo na ang tama at mali. Lagi kong paalala sayo nung nag aaral ka, diploma muna. Ngayong may diploma ka na. Hala sige at lumandi ka na dyan. Hahaha." Mahabang paliwanag nya. "Biro lang ung dulo. Pero totoo ung sinabi ko. Okay lang sakin, Anak. Basta masaya ka at hindi ka maglilihim samin. Susuportahan kita." Nakangiting sabi nya kaya naman nakangiti din akong lumapit sa kanya at yumakap. "Salamat, Ma. Kilala nyo na naman po pala. Pero saka ko na po sya papupuntahin dito. Busy din po kasi sya. Bukod dun, may interview kami nila Nicole sa Monday." Sabi ko kaya tumango na lang sya. Nagpakwento lang din kung saan kami galing at anong mga ginawa namin. Masaya ko na suportado ako ni Mama at ganto sya kacool kahit na minsan akong nagloko nung naging kami ni Shaun. Buti na lang talaga at nagmana ako sa kanya. Magaling humanap ng gwapo! Hahahahaha -------------- "Okay. So I'll pick you up na lang later. Just call me if you pass or not. If you guys pass, my treat but if not. KKB tayo. Hahahaha. Goodluck sa inyo." Sabi ni Danica habang nagpapaalam saming tatlo dahil hinatid nya kami sa ME dahil ngayon ung interview namin. Pagdi daw kami nakapasa dito, dun daw kami sa VilCorp. pero gusto talaga namin dito kaya pipilitin namin makapasok. Hahaha "Okay. Salamat sa paghatid. Ingat ka." Sabi namin kaya umalis na sya at kami naman pumasok na sa loob. Nagbigay lang kami ng VC namin then sinabi kung saan gaganapin ung interview. Pag punta namin dun. May mga tao na pero hindi pa naman madami. Naupo lang kami at nag intay. Kinuha ko ung phone ko kasi naramdaman kong may nag message. From: Henry Good Morning, Ms. Beautiful. Goodluck sa interview. Ingat ka. I love you. Sabi dun sa text at kahit anong pigil ko sa ngiti ko. Sumisilay talaga. Hahaha. Kinikilig pa din talaga ako ng malala dahil so true talaga na nanliligaw sya sakin. Diba? Pantasya ko lang sya noon tapos eto na at nililigawan ako! Harujusko po! To: Henry Good Morning din. Salamat. Ikaw din, ingat sa pagdadrive. Pagtipa ko nun, sinend ko na lang. Ska na ko mag i love you back pagkami na. Hahaha. Hindi ko naman papatagalin. "Nakangiti ka na naman dyan." Sabi ni Nicole kaya napatingin ako sa kanya na pinag lalaruan ung kwintas nya. "Wala. Naeexcite lang ako." Pagsisinungaling ko. Ska ko na sasabihin sa kanila. Napatingin naman ako sa tabi ko nang may bigla umupo. Pagtingin ko may nakita akong babae na maganda, maliit sakin pero medyo maputi at mukhang tahimik kaya naman kinusap ko. Medyo pamilyar din kasi sya sakin. Hindi ko alam kung saan ko sya nakita. "Hi! Ako si Kim. Ano pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Talkative talaga ako. Friendly. Hahaha. Bahagya naman syang magulat dahil dun at tinignan sila Nicole na nakatingin din sa kanya. "Hi Kim. Camille pala." Nakangiting sabi nya kaya mas napangiti ako. At ayun na nga magkaroon nang pakilala portion at nabigyan pa ng Nickname na bago si Cams. Hahaha. Desisyones si Nicole eh. At eto na nga, tinawag na kaming dalawa ni Tala. Hindi kami magkasama ni Nicole. Pero okay lang naman kahit kabado. Kunwari lang akong nagdrama dahil hindi ko sya kasabay. Pagpasok namin dun sa room kung saan kami iinterviewhin. Ay ptcha! Pinagpapala talaga ang mga mata ko ngayon! Gusto ko na dito! Ang gwapo ng mga boss namin. "Kumalma ka! Trabaho agenda natin." Sabi ni Tala at hinila ako papunta dun sa upuan kung saan kami uupo. Trabaho naman talaga. Hay! Buti na lang hulog na hulog na ko kay Henry. Kung hindi baka mahulog ako dito. Umangat ung tingin nila samin at ngumiti. Parang namumukhaan ko ung isa dito. Bakit parang kilala ko sya. San ko ba sya nakita? Hay! Nagpakilala lang sila at ganun din naman ung ginawa namin. Tinanung kami ng mga bagay na related sa Marketing Staff. Since yun ung inaapplyan namin. "Congratulations and Welcome to Monticlaro Enterprise. I'm looking forward to work with you, Kimberly and Krystal." Sabi ni Sir Miggy. Kaya nagtinginan kami ni Tala kasi nakapasa kami. Nakipagkamay na lang sila samin tapos lumabas na kami at sumunod naman si Nicole at Camille. Medyo matagal ung sa kanila pero nung pareho naman silang nakangiting lumabas. Worth it naman ung tagal na yun. Sa di namin malaman na dahilan, madaling nakapalagayan namin ng loob si Cams. Mabait kasi atska makulit din. "Ang gwapo nila ano?! Pwede mo jowain yung isa dun." Sabi ko kay Nicole na nakangiwi na habang ung dalawa nakatawa lang. "Ikaw! Puro gwapo. Atska boss natin un bakit mo ko nirereto dun!" Singhal nya sakin. Naikinatawa lang namin. "Madali lang ako makaspot ng gwapo pero may nagmamay ari na ng puso ko. Hahahaha. Sayo wala pa. Malay mo mabingwit mo ung puso ng isa dun. Edi may jowa ka na! Bagay kayo ni Sir Miggy!" Sabi ko kaya naman inasar na nila pati si Nicole. Nakakatuwa kasi nakikisali din si Camille. Minsan lang kami makakilala ng babae na kayang sabayan ung trip namin. Kasi minsan akala nila dahil mga magaganda kami mga mahihinhin kami. Ay! Chupi! Next! Ganurn. Hahahaha. Di kami pasado sa standard nyo kaya wag na kayo mag aksaya ng oras. Hahahaha "Sorry! Not my type. Hahaha." Sabi ni Nicole habang umiiling. Tinawanan na lang namin sya at inasar pa ng unti. Natapos ang orientation namin at niyaya din namin si Camille na kumain kasama kami. Pumayag naman sya at pinakilala na namin sya kay Danica na natuwa din, dahil daw may bago na naman kaming kasa kasama. Hahaha ------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD