Chapter 21

1754 Words
Kim's POV 2 week na ang nakalipas after ng graduation. At eto ako ngayon, nag aayos dahil may pupuntahan ako. Hahahaha. Ihhhh kasi!!! Hahahaha. Basta! May pupuntahan ako. Hahaha. Bumaba ako at nagpaalam kay Mama. Si Adriene naman. Hahahaha. Guess what?! May girlfriend na ang kapatid ko! Hahaha. Yes! Girlfriend! Pinakilala nya samin nung graduation ko. Si First Kiss.. Nakakatuwa nga dahil talagang... Hindi sya tinigilan nung girl. Hahahaha. After kong magpaalam kay Mama, pumunta na ko sa meeting place ng kadate ko. Yes! May kadate ako ngayon at hindi kayo maniniwala! Hahahaha. Di naman nagtagal nakita ko na ung kotse ng kadate ko. Hahaha. Sorry! Hindi pa talaga ako makapaniwala. Pagtapat nya sakin, agad nyang inihinto ung kotse at bumaba! Gosh! Hindi ako magsasawang sabihing! Ang gwapo nya! "Hey. Kanina ka pa? Sorry." Sabi nya at umiling naman ako pero nakakagat labi. "You can smile, Kimberly. I love seeing your smile." Nakangiting sabi nya tapos pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam ung sasabihin ko! Kinikilig lang talaga ako! Hahaha Bumyahe lang kami papunta sa pupuntahan namin at ako tahimik lang pero nakangiti. "Huy. Mapanis ang laway mo. Bakit tahimik ka dyan. Hindi ako sanay." Sabi nya kaya napatingin ako. "Kasi naman, Sir Henry! Kinikilig ako! Hahaha." Natatawang sabi ko kaya natawa din sya. Opo! Si Sir Henry ung kasama ko ngayon at kadate ko. Hahaha. Kasi naman, flashback ko unti. Hahaha Flashback After ibigay ni Sir ung regalo namin, nagpasalamat lang kami kaya umalis na sya. Lahat kaming Block D, may regalong natanggap galing sa kanya. Sweet lang. Nagkanya kanya na kami nang uwi nila Nicole dahil may mga kanya kanyang celebration din. Kumain lang kami sa labas tapos nagpakilala si Ad ng girlfriend. Tapos umuwi na kami. Pagpasok ko ng kwarto ko, inilapag ko ung mga dala ko kasama ung regalo ni Sir Henry. Dahil dun naalala ko na naman ung kamay ko. Hinawakan ni Sir ung kamay ko. Intertwined un! Pang magjowa ung ganun hawak ih.. Kinuha ko ung regalo ni Sir sakin at binuksan un. Tinignan ko lang ung mug at nakakatuwa kasi ang nakalagay dun Kimberly. Inilabas ko pa ung ibang nakalagay dun hanggang sa may nakita akong letter. Ow! Baka congratulatory letter kaya tinignan ko at binuksan. Pagbukas ko agad kong binasa ung nakalagay at napatakip ako ng bibig! Habang kinikilig! Seryoso?! Kimberly, Congratulations! You did a great job, you finished your college life. Masaya ako para sayo. Hahaha. I'm not good at sugar coating my words, so I want to invite you next Saturday to have a date with me. I just want to tell you something. Hopefully you're free that day. See you. Henry. Ps. Here's my number, call me if you're available. Thanks. 0917****** End of flashback Ilang beses pa kong nagpagulong gulong sa higaan ko bago ko mapagpasyahang tumawag. Dahil wala naman talaga akong gagawin. Pumayag ako. Date to nuh! Sa lalaking mahal ko! Ay gora tayo! Hahaha "Hahaha. Ang cute mo talaga. And please... Pwedeng wala ng Sir. Henry na lang. Pwede ding sweetie. Hahaha." Sabi nya kaya napakagat labi ako. Dahil naalala ko ung line ko sa kanya nung first year ako! Hahaha "Linya ko yun ah! Hahaha. Pero san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Sinulyapan naman nya ko tapos ngumiti. "Open that glovebox compartment, sweetie." Sabi nya kaya naman na patingin ako sa kanya pero nakakagat labi lang sya. Baliw to si Sir Henry! "Hoy! Sir! Pafall ka! Hahaha. Wag lang ganyan! Nafall na ko sayo! Hahaha." Sabi ko at ginawa ung sinabi nyang gawin ko. Tawa lang naman ung narinig ko sa kanya kaya hindi ko na pinansin. Pagbukas ko nung glovebox compartment. Tumingin ako sa kanya. Dahil nag aabang ako ng sunod na sasabihin nya. Sakto naman na red light kaya tumingin sya sakin. "Ako na kukuha." Sabi nya tapos biglang dumungaw. Huli na para magtaas ako ng ulo kaya naman nagkaumpugan kami. "Aww..." Sabay naming sabi.. tsk! Ano ba kasi, Kim? Bat ba naiilang ka. Ang harot harot mo nung una tapos ngayong eto na.. tsk! "Mama!" Sigaw ko nang bigla nyang hawakan ung ulo kong naumpog. Natawa sya bahagya pero umayos na din ng upo dahil nakagreen na. Tumahimik kami saglit bago ko napansin na inihinto nya sa gilid. Tapos humarap sakin "Naiilang ka?" Tanong nya. Kaya mapatingin ako sa kanya at umiling. "Hindi." Sabi ko at yumuko. "Then what? Do i make you feel nervous? Uncomfortable? Masyado ba kong mabilis?" Tanong nya na may halong pag aalala kaya napangat ung tingin ko sa kanya. "Hindi, hindi. Okay lang naman sakin. Hindi ko lang alam ung dapat kong ikilos." Sabi ko. "Kasi baka maturn off ka sakin kung magiging katulad ako ng natural kong kilos. Sayang naman tong date na to. Baka hindi na masundan." Sabi ko at ngumuso. "Just be yourself, Kimberly. Dun kita nagustuhan kaya dun ako sanay. Kung tatahimik ka, dun ako mag aalala dahil hindi kita dun nakilala. Huli kitang nakitang tumahimik, nung naghiwalay kayo ng ex mo at ayoko nun. Gusto ko ung Kimberly na very vocal at makulit." Sabi nya kaya napangiti ako. Gusto nya ko? "Gusto mo ko?" Nakangiting tanong ko. Ngumiti din sya at kinurot ung pisngi ko. "Ang cute mo talaga." Sabi nya lang. "So, okay ka na? Ahm punta na tayo sa pupuntahan natin o uwi na lang kita?" Tanong nya kaya napakunot ung noo ko. "Ay! Let's go! Anong uwi uwi! Kahit hindi mo na ko iuwi, Sir ay Henry pala. Sorry sorry. Nag aadjust pa. Hahaha." Sabi ko na ikinatawa nya. Nagbend sya ng unti para ata makuha ung kaninang dapat naming kukunin sa compartment tapos may inilabas syang envelope tapos umayos ng upo. "Here. See it for yourself. Kung saan tayo pupunta." Sabi nya tapos inayos ung sariling seatbelt at nagdrive. Ako naman nakatingin sa envelope na inabot nya. Tapos tumingin sa kanya na seryosong nagdadrive. Binuksan ko na lang yun at nakita ko ung laman. "Waaaaah!" Hindi ko napigilang sumigaw dahil nakita ko kung saan kami pupunta. "Takte! Totoo? Hala!! Pangarap kong pumunta dito!!! Seryoso talaga?! Waaaah! Naiiyak ako!" Histerikal na sabi ko. Tawa lang naman ang narinig ko kay Sir ay hindi. Henry daw. Hirap mag adjust! Hahaha "I didn't know na pangarap mong pumunta dyan. Naisip ko lang na dyan ka yayain because you love dancing and graduation gift ko na din sayo. I'm happy that you like it." Nakangiting sabi nya. "Pangarap ko pumunta sa gantong Dance Competition! Lagi ko to napapanuod sa TV. Tapos makikita ko ung mga sikat na Dancer. Hala! Kinikilig ako na naiiyak! Salamat." Tili ko habang nagpupunas ng pisngi, kunwari may luha. Di naman na sya sumagot at magdrive na lang. Ako naman nakatingin lang sa ticket naming dalawa para sa Grand Finals ng kilalang Dance Competition dito sa Luzon. Halos lahat ng sikat at magagaling na dance group at individuals ay kasali sa Dance Competition na to. Nakarating kami sa venue, 30 minutes bago magstart kaya naman di namin kailangan magmadali dahil ung nakuha din nya na ticket ay may nakadesignated seats na. "Let's go." Sabi nya nung nahinto ung kotse. Nauna syang bumaba habang ako inayos ko muna ung bag at tinanggal ung seatbelt ko. Pababa na ko nang buksan nya ung pinto sa side ko. Ngumiti lang sya sakin at inalalayan ako pababa. "Anu ba yan?! Kinikilig ako. Hahaha." Sabi ko lang. "Hindi ka nag iisa. Lika na." Sabi nya tapos kung paano nya hinawakan ung kamay ko nung graduation. Ganun nya din hinawakan ung kamay ko ngayon. Waaaaah! Hindi na ko mag huhugas ng kamay! Nakakaloka talaga! "Sir. Baka basa ung kamay ko. Baka pasmado ako." Sabi ko dahil bigla akong nahiya. Tinignan naman nya ung mga kamay namin tapos mag hinigpitan pa ung hawak. "Hindi naman. Atska okay lang. Basta hawak ko kamay mo. Baka mawala ka pa sakin." Sabi nya kaya bigla ko syang nahampas. "Parang sira! Ay sorry! Hahaha. Kasi naman. Pakilig! Hindi naman ako mawawala sayo, Sir. Sayo lang kaya ako. Hahaha. Tara na nga po." Sabi ko at ako na mismo naghila sa kanya papasok. Nakangiti lang ako at ramdam kong nakangiti din sya. Pagpasok namin, kinuha lang ung ticket namin at nilagyan kami ng wrist ban na glow in the dark. Susyal! After nun may nagguide samin na asher papunta sa seats namin. Galing! Hahaha. Pagpasok pa lang napanganga na ko. Dahil talagang ang ganda! Ung stage! Ung mga back draft. Grabe! Mismo... First time ko sa ganto! Kaya manghang mangha ako. Sayang lang hindi ko dala ung digicam ko. Hindi ako makakapagpapicture. "Gusto mo magpicture?" Tanong sakin ni Sir. Hayaan nyo na muna na Sir ang tawag ko. Hindi pa ko sanay. Chares! Hahaha. "Oum. Kaso wala akong dalang camera kaya hayaan mo na. Ieenjoy ko na lang ung event. Ganda!" Sabi ko at tumingin sa harap. "Okay. Enjoy, sweetie." Sabi nya "Sureness!" Sabi ko pa at ngumiti. Hahaha. Sweetie! Wag kayong ano dyan! Hahaha. Kinikilig ako to the max! Hahahaha Di naman nagtagal at nag umpisa na ang competition. Sobrang gagaling talaga at wala pa ko sa kalingkingan ng mga to! Hindi ko alam kung mag eenjoy si Sir Henry pero base naman sa naririnig ko din ung boses nya na napapa 'whoa' at napapapalakpak. Mukha namang mag enjoy sya. "Ang galing ung pang lima talaga! Ung sunod sunod na back flip ung ginawa nung lalaki! Ang angas talaga!" Sabi ko habang palabas kami. "Yeah! Sila din ung ang tagal sa ere. Deserve talaga nilang manalo." Sabi naman nya kaya umagree ako. Magkahawak kamay kaming naglalakad palabas. Inalalayan nya lang ako papasok ng kotse nya nang makarating kami dun. Tapos pumasok na din sya sa driver seat. Nagsasalita lang ako nang magsasalita bago nya ko pinahinto saglit. "Kalma muna, Kimmy. Hahaha. Seatbelt muna." Sabi nya kaya naman ginawa ko un habang magsasalita. Natawa lang sya at hinayaan ako pero narealize ko... "Madaldal na ba ko?" Tanong ko sa kanya. "Yes." Sabi nya kaya nahiya ako bigla. "But I love your talkative side kaya go lang. Im listening." Sabi nya tapos sumulyap sakin. "Kanina ka pa, Sir." Sabi ko tapos tumahimik saglit. "Pero nag enjoy ka din ba?" Tanong ko sa kanya. "Yes. Ou naman. Bukod sa nag enjoy ako manuod. Nag enjoy din akong panuorin ka." Sabi nya at kumindat sakin. "Sir! Crush mo na ko nuh?" Sabi ko at humarap ng unti sa kanya. "Hindi kita crush." Sabi nya kaya napasimangot naman ako. Magsasalita sana ko kaso bigla syang nagsalita ulit. "Mahal kita." ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD