Chapter 17

2672 Words
Kim's POV "Ma! Alis na po ako. Baka po gabihin ako. Celebration po kasi ng pagkapanalo namin sa Contest nung festival kaya po baka gabibin ako." Paalam ko kay Mama. Yes! Kami ang nanalo! Tuwang tuwa kami nun. Si Ate Vangie umiiyak nung magkakayakap kami kasi sulit daw ung pagod namin dahil kahit hindi namin inexpect. Nanalo kami! Hehehe. Of course! Masaya din ako kasi nanalo sila Nicole nun. Todo diwang kaming apat! Flashback "Yehey! Nanalo kami!" Natutuwang lapit ko sa Block D at kila Danica na nakatingin sakin. "Congrats, bakla! Hahaha. Galing nyo naman kasi!" Sabi ni Calli at yumakap pa. Nakicongrats din ung iba. Sakto naman habang nagyayakapan kami. Dumating si Nicole na malawak ang ngiti. Nanalo din sila eh. "Congrats President!" Sabay sabay na sigaw ng Block D kaya pinagtinginan kami. "Mga baliw! Hahaha. Salamat!" Sabi nya at patakbong pumunta samin nila Danica. "Nanalo kami!" Sabi nya nang makalapit sya kaya naman niyakap na lang namin. Apat kaming magkakayakap habang nagtatatalon dun. "Nanalo kami! Nanalo kami!" Sigaw namin tapos nagbitaw bitaw at sumayaw sayaw ng kung ano ano kaya tawa nang tawa ung mga nasa paligid namin. Paano ung sayaw ko, kunwaring pahinhin. si Nicole, ung binti na lang ung nagalaw tas poker face. Si Tala naman ung braso nya lang tapos nakapikit pa. Si Danica dahil maarte, nagsesway ang balakang. Ganto talaga kami magsaya. Hanahaha End of Flashback Oh? Diba? Ang saya namin. Hahaha. Pero after naman nang sayaw na un, tumawa kami nang malalakas at halos nagpagulong gulong kami. Charot! OA na un. Hahaha. Basta natawa na lang kami nun. "Sige. Ingat ka. Magtext kung makakauwi o hindi ah. Wag mag inom, Kim." Paalala nya kaya naman tumango ako at humalik sa pisngi nya. Nadaan ko pa si Ad na nakaupo sa sofa. May kausap. Nasa likod nya ko kaya hindi nya ko gaano napansin. "Ha? Kumusta pakiramdam mo? Uminom ka na ng gamot kesa nagtitiis ka." Sabi nya at halos lumuwa ang mata ko dahil hindi maarte ung pagsasalita nya. Lalaking lalaki. Malalim ang boses at parang concern na concern sya sa kausap nya. Dahil chismosa ako. Nanatili ako sa likod nya at pinapakinggan ung mga sinasabi nya. Nakita kong lumabas si Mama sa kusina at huli na para senyasan ko syang wag maingay. "Oh? Akala ko aalis ka na? Anong ginagawa mo dyan sa likod ng kapatid mo?" Tanong nya kaya naman lumingon si Ad sakin na malalaki ang mata. "ATE!" Sigaw nya sabay baba ng phone nya pero tawa lang naging sagot ko. "Wag ka magpagod." Panggagaya ko sa kanya habang nasa tenga ko din ung phone ko. Hahahaha. Kaya sinamaan ako ng tingin pero tawa lang ako nang tawa. "Lalaking lalaki tayo dun ah! Hahaha. Tinamaan ka na ba kay first kiss?" Tanong ko habang nataas baba pa ung kilay ko. "Anong first kiss? At bakit lalaking lalaki?" Takang tanong ni Mama. Kaya mas lalong naghurumintado si Ad. Hahaha. "Ay! Not knows! Hahaha. Alis na ko. Bye!" Dali dali akong lumabas dahil mag sususper saiyan na naman si Ad. Hahahaha. Sabi ko nga okay lang kung anong maging desisyon nya. Basta susuportahan ko sya kahit anong piliin nya. Kung napapaibig na sya ni First Kiss edi! Maganda. Hahahaha. May magpapatuloy ng surname namin. Hahaha Bumyahe na lang ako papunta sa bahay nila Ate Vangie dahil dun ang celebration namin. After kasi naming magsaya nila Nicole, nagpunta kami sa kanya kanya naming grupo tapos ayun nga. Napag usapan na dito kami magsecelebrate. Since sembreak din namin kaya malaya kaming kumilos. Hahaha. Wala din kaming ganap ngayon nila Nicole dahil mga busy. Si Nicole, sinasamantala habang walang pasok, ayun at naggigig. Si Danica, nasa Canada ulit. Si Tala naman nag saside line sa event bilang photographer. Ako eto at tambay! Hahahaha ------------------ Henry's POV "So... For real? Caleb are already married?" Tanong ko kay Miggy na kakauwi lang galing Canada. "Yeah. It's kinda bit annoying because the woman is already pregnant. I mean, bakit hindi na lang hanapin ung totoong tatay nung bata at dun ipakasal kesa ung ganyan. Hay!" Sabi nya. Napailing na lang kami ng unti "Baka naman kasi kahit nakita na ung tatay nung bata, ayaw nila dahil alam mo na, mahirap." Sabi ni Theo sabay inum ng beer nya. Sembreak ngayon kaya malaya din akong uminum. Hahaha "Who cares? Ayaw pala sa mahirap, bakit magpabuntis? Tapos iba ang pepestehin. Hay!" Sagot ni Miggy. Mukhang hindi talaga sya pabor dun sa ginawa ni Caleb. "Ayan pa! Isa pa yan si Caleb! He knows that we are more than willing to help, it comes to their business, yet he didn't bother to tell us that their company in Canada is almost at cliff. Nasuntok ko nga ang g*go nung nagkita kami. And I didn't bother to finish their f*cking wedding dahil naiirita ako." Labas nya ng sama ng loob nya. "Bakit parang ang matured mo mag salita ngayon, Miggy? In love ka ba?" Tanong ni Theo habang nakatingin ng seryoso kay Miggy. Bigla din kaming napatingin tuloy kay Miggy. Si Miggy, in love? Kanino? Kay Sofia? Nafall ulit sya?! Nakita lang naman namin syang huminga ng malalim dahil sa tanong na yun tapos uminum. "I don't know. Maybe yes, maybe no but more than yes. I'm planning to break up with Sofia." Sabi nya. "Whoa! May pamalit na kay Sofia? Nice!" Sabi ni Theo at pumapalakpak pa. "Sino sya?" Tanong ulit ni Theo. Sabay sabay kaming natawa nang biglang ngumiti si Miggy at parang iniimagine ung babaeng nasa isip nya. Hayop! In love nga! "Not now. Maybe next time. Hahaha. And I really want to settle what me and Sofia have. For now, hahayaan ko muna ung babae na gawin ung gusto nya. Mukha namang wala syang balak magboyfriend ng iba." Sabi nito. Sino? Ang misteryosong babae ni Miggy at biglang napalamig ang ulo ni Miguel! "Ikaw, Keith?! Kumusta ang pagpapantasya mo sa crew ng coffee shop? Hahaha." Tanong ni Theo. Napangiti namam bigla si Keith. Hayop! Isa pa to! Hahaha "Umamin na ko. Hahaha. Ewan ko lang ung naniwala sya. Hahaha." Sabi nya at ngumiti ng wagas. "But I'll pursue her, no matter what happen. Hahaha." Sabi nya at uminum ulit. "Paano nyo na confirm na, gusto nyo na ang isang tao o mahal nyo na?" Tanong ko kaya bigla silang napatingin sakin. "Bakit?! In love ka na sa special student mo?" Tanong ni Theo. Tarantado! "Sumbong kita kay Dad at Mom. Hahaha." Natatawang sabi ni Miggy. "G*go! Wala naman akong sinabing iba. Tinatanong ko lang at ska hindi ko naman nililigawan. Aantayin ko hanggang makagraduate." Singhal ko sa kanila na ikinatawa nila. "Edi inamin mo ding inlove ka na nga. Hahaha." Sabi ni Keith. "Paano ka na inlove?" Tanong nya. Napaisip naman ako at paano nga ba? "Ewan ko din. Basta, i like her personality. She's very vocal at hindi mo alam kung inaakit ka nya o nagpapakatotoo lang sya sa sarili nya. Dahil marupok ako at g*go! Eto ako! Naakit at nahuhulog." Sabi ko at umiling pa. "Hindi naman eto ung nag iisang babae sa banda diba?" Biglang tanong ni Miggy. Kaya napataas ang kilay ko dahil sa tono ng pagkakasabi nya parang aawayin ako. Hahaha "Bakit? Paano kung ung babae na yun? May gagawin ka ba sakin, Miguel?" Asar ko sa kanya at kitang ko ung pag igting ng panga nya na senyales na naiinis sya. Hahaha! Mukhang may tinamaan kay Nicole dito ah. Pero sorry! Off limits ang batang un. Parang napaka fragile nya kasi. "Pero hindi sya." Habol ko kaya napataas ung kilay nya. "Kundi ung kaibigan nya." Habol ko. Napa 'owww.' naman sila Theo at Keith. Dahil dun. Hindi naman nila gaano nakita si Kim kaya hindi nila malalaman. Hehehehe. Nakita ko naman na kumalma si Miggy ng unti dahil sa sinabi ko. Hahahaha. "Pero dun sa tanong mo, simple lang naman yun. Pag kusa kang napapangiti pag naiisip mo sya." Sabi ni Keith na parang may iniisip, kaya napangiti. "Pag naiimagine mo na yung future mo na kasama mo sya." Nakangiting sabi ni Miggy. Kusang napapangiti pag naiimagine? Nakikita ung future ko na kasama sya? Bakit nangyayari sakin un lahat. Ibig bang sabihin nun... "In love ka na pag ganun ung nangyayari sayo." Sabi bigla ni Keith. "At dapat ka ng magseryoso." Dagdag nya pa. "Bakit ikaw? Seryoso ka na ba?" Tanong ni Theo. "Ou naman! Seryosong seyoso." Sabi nya. "Sana ikaw din. Kaso wala sa bokabularyo mo yun." Habol nya. Kaya natawa kami kasi pinagmumura sya ni Theo. Pero mahal ko na nga ba si Kim? Paano kung hindi naman pala. Pero... Hindi naman imposible yun, lalo na i like her and she's special to me. Hindi naman ako nagmamadaling malaman eh. Uunti untiin ko para sa oras na masigurado ko na. Handa na kong umamin sa kanya. At pag nangyari yun. Wala nang kawala, Kimberly. Hahahaha. -------------------- "Okay. Tomorrow will be our last reporting. Group yun nila Delos Santos." Paalala ko sa kanila. Tumango naman sila bilang pagsang ayon. Nagpaalam na ko at naglakad na papuntang office ko. Napag isipan kong dumaan muna ng grounds para sumilip. Gusto ko lang sumilip. Madaming estudyante. Mukhang mga stress sa exam. Hindi ko alam pero may hinahanap ung mata ko. Hahaha. At alam kong andito sila dahil lagi sila dito. Dahil nga hinahanap ng mata ko ung tao na un kusang tumagos ung tingin ko sa isang grupo ng mga babae at lalaki na parang nag aaway. Nandilim bigla ung tingin ko nang makita ko kung sino ung mga andun. Agad akong nag lakad papunta dun. "Bibitawan mo sya o maeexpel ka sa Campus?" Ayun agad ung bungad ko nang makalapit ako kila Kimberly. Napalapit ako dito nang makita ko na kausap nila sila Kio. Pinsan ni Miggy to. Hawak hawak ngayon ni Kio ung braso ni Nicole. Tapos ung ibang kasama nya nakapalibot kila Kim. Nakipagsagutan lang ako dun at tinawagan si Miggy. Since sya ang magpapatino dito sa pinsan nyang to. Ayun ng lang dahil matapang si Nicole, nakipagsagutan at muntikan pa syang sampalin! Hayop talaga to si Kio. Lagot ka! Type pa naman ng Kuya Miggy mo ang hinawakan mo. Hahahaha. Dahil na din sa mga sinabi ni Miggy. Tumalikod na si Kio at umalis. Kinausap ko lang saglit ung apat at nakakatawa dahil tinarayan pa ko ng Kimberly ko. Para matapos na ung pag uusap namin, pinapunta ko na sila sa room nila. Ayun nga lang nakita ko ung braso ni Nicole na may namumula. Hala! Nagpasa ata ung hawak ni Kio. Yare! Napatingin ako kay Kim dahil baka meron sya. At kung meron man ako mismo ang bibigwas kay Kio dahil sinaktan nya si Kim! Mabuti nga at wala naman dahil hindi talaga ako magtitimpi na hindi bigwasan un. Sinabi ko na lang kay Miggy at ang g*go! Galit na galit! Hahahaha. Akala naman nya makakalapit sya kay Nicole. "Migs." Bati ko kay Miggy nang makapasok sa office ko. Dito ko pinagstay sila Kio after kong pabalikin sila Nicole sa room nila. Hinanap ko pa to dahil balak tumakas. Naglakad naman sya palapit kung saan andun sila Kio at ung mga kaibigan nya. Agad nyang binatukan si Kio. Kaya napadaing yun at natakot naman ung mga tropa. "Gaano ka katapang?" Tanong nya. Natatawa ako dahil talagang tiklop sila dito. "Sagutin mo? Sinong nagsabi sayo na pwede kang maghariharian dito?" Tanong nya pa. Tapos tumingin dun sa mga barkada ni Kio. "Mag'sialis na kayo! Baka pati kayo madamay sa init ng ulo ko dito. Magsi'aral kayo ng maayos." Nakakunot na noong sabi nya. Dali dali namang magsilabasan ung mga bata. Hahahaha. Takot pala kayo eh. "Wala naman eh." Mahinang sabi ni Kio. "Makikipagkaibigan lang naman ako." Dagdag pa nito. "Base sa nakita ko at narinig ko. Hindi ka nakikipagkaibigan. Type mo ung estudyante ko?" Tanong ko pero bago pa sya makapagsalita nagsalita muna si Miggy. "Subukan mong sumagot ng oo! Paliliparin kita ng sundok." Sabi nya. Kaya natawa ako! Type mo si Nicole ah! Hahaha "Eh. Ang ganda nya, Kuya Migs. Kaya nga gusto ko makipagkaibigan." Sabi naman ni Kio. "You want to be her friend? Then apologize to her." Sabi ni Miggy. "Where is she?" Tanong nito sakin. "Nasa room yun. Exam ngayon kaya paniguradong busy un." Sabi ko sabay tingin sa relo ko sa kamay. Tumango lang si Miggy sakin tapos tumingin kay Kio. "Pumunta ka sa klase mo at mag exam. After nun bumalik ka dito agad at ako mag hahatid sayo. Naiintindihan mo?" Sabi nya na ikinatango ni Kio. Tumayo si Kio para pumunta ng klase nya pero hindi pa man sya nakakahakbang, bumulagta na sya agad. Hahahahaha. "Para yan sa pasa na binigay mo dun sa babae. Kulang pa yan. Magpasalamat ka at pinsan kita." Sabi nito at umupo sa couch. Hahahaha. Di naman nagsalita si Kio. Pero alam kong naiiyak sya. Hahaha. Masakit yun panigurado. Naglakad na sya paalis. Ilang minuto lang kaming tahimik pareho ni Miggy. Mukhang magtatagal sya dito ah. Okay lang naman, wala na kong klase kaya masasamahan ko sya. "May gunting ka dyan, Hens?" Biglang tanong nya sakin. Nagtataka man sumagot pa din ako. "Meron. Bakit?" Tanong ko. Umayos naman sya ng tayo tapos kinuha ung gunting sakin. "Samahan mo ko. May gulong tayong bubutasin. Dating gawi." Nakangising sabi nya tapos tumalikod. Hahahaha. Alam ko na gagawin nito! Hahahaha. Tarantado talaga! Hahaha. Naglakad kami papuntang parking at pumunta muna sya sa kotse nya bago namin hinanap ung kotse ni Kio. Mabuti na lang at alam nya.. Mabuti na lang din kilala nya ung guard kung hindi baka makulong kami. Hahaha. Agad syang umupo at inilabas ung philip screw na kinuha nya sa kotse nya tapos tinusok sa gulong ng kotse ni Kio. Hahahaha. Dahil dating gawi. Hahahaha. Pasimple kong tinulak ung side mirror para masira. Hahahaha. Minsan na naming nagawa to nung college kami. Hehehehe Nung nasiguro na ni Miggy na malaki na ang butas sa kabila. Lumipat naman sya sa right side at likod na gulong. Hahahaha. Sorry Kio! Kami lang kasi ang pwedeng magyabang dito. Hahahaha "Tapos ka na dyan?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako at humalakhak. "Ewan ko lang kung makatakas pa sya nyan. Hahaha. Tara." Natatawang sabi nya at naglakad na. Bumati pa sya sa mga guard na nandon. Iba talaga si Miggy Monticlaro pag ginalit mo. Hahahaha. Patikim pa lang yan. Pagbalik namin ng office, inabutan ko lang sya ng bottle water na andito sa office ko. Natatawa pa din kami habang nag uusap dahil iniimagine namin ung mukha ni Kio pag nakita nya. Di naman kami nabigo dahil ilang oras lang at narinig ko nang kumakatok si Kio sa pinto ko at naiinis na tinatawag ung pangalan ni Miggy. "Kuya Migs? Why you need to do that in my car?" Naiiyak na tanong nya. Tinignan lang naman sya ni Miggy na nakataas ang kilay. "What did I do?" Balik na tanong nito. "Huh! Really? You wreck my tiers and my side mirrors." Sabi nito. Ngumisi naman si Miggy sa kanya at tumayo. "How did you know na nasira ung kotse mo? My instructions to you are very simple and clear. Pumunta ka sa klase mo at mag exam, tapos bumalik ka dito agad. Bakit napunta ka sa kotse mo? Tatakas ka?" Tanong ni Miggy. Hindi ko alam kung anong itsura ni Migs pero alam kong nakakatakot dahil biglang namutla si Kio. "Hay naku, Kio! Pinsan ka ni Miggy dapat alam mo kung sinong kinakalaban mo. Hahahaha. Atska ung balak mo? Lumang style na un. Nagawa na namin yan kaya alam namin na gagawin mo. Hahaha." Natatawang sabi ko. "May idea ka ba, Hens kung asan ung girl?" Tanong bigla ni Miggy. "Baka palabas na yun ng campus. Kakatapos lang din ng exam nun." Sabi ko kaya naman tumango lang sya tapos hinali sa polo si Kio. "Alis na kami. He needs to apologize baka kasi masira ko pa ung isa nyang kotse." Paalam nito, natatawa ko namang tinignan si Kio na parang humihingi ng tulong. Sorry! Hindi ko kaya si Miggy pag magagalit. Hahahaha ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD