Chapter 18

2556 Words
Kim's POV "Oh?! Game na! Habang wala pa si Sir Henry! San tayo sa 20?" Tanong ni Gab samin. Nag karoon kasi kami ng usapan na magkakaroon kami ng Christmas Celebration. Hahaha. Parang Christmas Party. Pero kami kaming Block D lang. Tapos ang gusto nila overnight sa dagat o resort at may exchange gift pang nalalaman. Hahahaha "Kayo saan ba maganda?" Sabi ni Sandra. "Kung gusto nyo ng dagat sa Cavite, Batangas, Subic, Pangasinan at Zambales." Sabi ni Nicole na kanina pa tahimik dahil nagsesearch sya ng mga lugar. "Ayan na si Pres nagsalita na." Sabi nan ni Bry na ikinatawa namin. "Baliw ka, Bry!" Sigaw ni Nicole. "Pero seryoso. Yun ung mga lugar na pwede nating puntahan. If we want pool and at the same time dagat." Sabi nya at tumingin samin na nakatingin sa kanya. Kasi bigla naman syang magseryoso. "Mag Tanza, Cavite na lang tayo. Sagot ko na ung Van natin." Sabi ni Calli kaya napatingin kami sa kanya. "Seryoso? Osige! May kotse naman ung iba. Ung hindi kasya dun na lang." Sabi ni Gab. "Bakit may kotse at Van? San ang lakad nyo?" Sabay sabay kaming napalingon nang may magsalita sa harap. Si Sir Henry! "Wala Sir. Nagkakayayaan lang kaming mag outing." Sabi ni Nicole. Tumango naman si Sir Henry. "Ayaw nyo ko isama?" Tanong nya. Agad naman akong napangiti. "Gusto mo ba, Sir? Sa puso ko pwede ka. Mag swimming ka dito ng pagmamahal." Nakangiting sabi ko. Kanya kanya naman nang reaction ung mga kablockmate ko. "Si Kim talaga! Hahaha. Seryoso tayo. Ipinasok na naman yung pagpapantasya nya kay Sir!" Sigaw ni Calli. "Ay sorry. Ibang swimming pala pinag uusapan natin. Hahaha. Pero pwede kang sumama, Sir. Kung gusto mo lang naman ako ay mali. Kung gusto mo lang naman. Hahahaha." Biro ko pa kaya natawa nalang sila. Tinignan ko naman si Sir, nakatingin lang din sya sakin habang nakakagat sa ibabang labi nya. Ay ang hot! "Ako na nga mag yayaya kay Sir at baka kung saan ka pa umabot." Sabi ni Nicole. "Sir pwede po kayong sumama. Labas naman po to sa school activities dahil 18 po start ng christmas break. Pero ayun ay kung gusto nyo lang naman po. Wala naman pong pilitan katulad nang ginagawa ni Kim." Sabi nya kaya nahampas ko sya bigla. "Raulo! Hindi ko pinipilit si Sir sumama sa outing. Sakin ko sya pinipilit. Hahahaha. Joke lang!" Sabi ko dahil pinandilatan na nya ko ng mata. Meaning shut up na ko. Tawa lang naman ng tawa ung buong klase dahil dun pati si Tala, tawa lang nang tawa. "Kelan ba yan? At saan? May lugar na ba kayo?" Tanong samin ni Sir after ng tawanan. "Tanza, Sir. Tapos sa 20 po ung usapan namin, overnight. So night swimming po. Beach Resort po ung naisip namin para sa dagat. Hehehe. Mag jajamming po kami." Sabi naman ni Ivan. "Ahm... Check ko kung wala akong lakad, pag wala. Count me in." Sabi ni Sir kaya nag hiyawan naman kami! "May lugar na ba kayo sa Tanza? If wala pa may friend ung Dad ko, may beach resort sila sa Tanza. I'll try to talk to him para makadiscount tayo. Hahahaha." Sabi nya kaya napapalakpak na naman ung iba. "Ay! Yayamanin si Sir." Komento ni Calli. "Sige Sir! Hindi namin tatanggihan yan! Hahaha." Sabi ni Nicole. Kaya naman nagtawanan at inasar lang naman sya. "Bakit ba?! Discount yun. Sayang. Hahaha." Dagdag nya pa. At nagtuloy tuloy nga ang usapan namin. Kung hindi pa kami pinigil ni Sir Henry dahil may ididiscuss daw sya, hindi kami matatapos. Dahil puro asaran at bangayan ung iba. Hahahaha. Kahit si Sir nawili kakasuggest. Hahaha. "So that's all for today. Mag advance reading kayo dahil hindi ko natapos ung discussion ko sa inyo. Kayo kasi eh. Hindi nyo pinaalala na may discussion tayo. Nawili tuloy ako sa kakasuggest. Hahaha." Sabi ni Sir habang nag liligpit sya ng gamit nya. "So! See you guys tomorrow and confirm ko sa inyo kung makakasama ako. Bye." Paalam nya samin. Nakakakilig talaga si Sir Henry! Pag usapang labas sa campus, hindi sya professional makipag usap kaya nga gustong gusto namin sya kasi parang kabarkada lang pag mga usapang ganto pero we truly respect him lalo na pag oras ng discussion, exams, reporting, presentation at recitation. -------------- "Hi Tita Janice!" Bati ko kay Tita nang makarating ako sa bahay nila Nicole para sunduin sya. Ngayon na kasi ung aming outing. Nakakasad lang dahil hindi namin kasama si Sir Henry, pero sinabihan nya pa din kami na dun kami pumunta sa resort daw ng friend ni Daddy... Hahahaha. Charot lang! Friend ng father nya kaya naman dun pa din kami. Sabi ko naman kasi kay Sir sakin na lang sya sumama. Charot! Hahaha "Hi Kim. Teka at tatawagin ko na ung isa." Sabi nya at pumunta sa may hagdan. "Anak, andito na si Kim." Sigaw nya sa taas. Di naman nagtagal nakita kong pababa na din si Nicole habang may duffle bag na dala at gitara. "Tinawagan ako ni Kenny. Sya na daw magsusundo satin dito." Sabi nya habang nababa. "Ay taray! Sige. Mabuti na yun at hindi tayo mahahassle." Sabi ko naman. "Sino si Kenny? Manliligaw mo, anak?" Tanong bigla ni Tita Ja. Hahaha. Excited talaga ang Tita mag karoon ng jowa si Nicole. "Hindi po, Ma. Blockmate ko lang." Sabi naman nitong isa habang inilalapag ung mga gamit nya. Bigla namang nalunkot si Tita. "Akala ko pa naman magliligaw mo na." Sabi nito tapos pumunta ng kusina. Natawa lang kami ni Nicole dahil dun. Inayos na lang nakin ung mga nakatoko na dadalhin namin dalawa. May dala kaming mga chips at crackers pati na din ung gift namin. Di naman nagtagal may bumusina sa labas. Mukhang si Kenny na yun, kaya naman inilabas na namin ung mga gamit namin at hindi nga kami nagkamali. "Sino pa kasama nyo dyan?" Tanong ni Nicole habang tinutulungan kaming magbitbit ni Ken at Krystal. "Si Krystal lang. Deretso na tayo dun pag alis natin dito." Sabi nya at kinuha ung bag namin. Tumango na lang kami bago nagpaalam kay Tita. "Alis na kami, Ma. Ingat po dito. Uwi din ako bukas. Lock nyo po ung pinto ah. I love you." Paalam ni Nicole kay Tita tapos humalik. Ganun din ginawa namin nila Kenny. Nung masigurong maayos na ska kami bumyahe. Tahimik kami at may kanya kanyang gawa. Si Nicole nakasuot ng headset at nakikinig ng music, Kenny nagdadrive, ako nanunuod ng videos, si Tala naman tulog. Ilang oras lang din ung tinagal namin sa byahe at nakarating na kami. Pagdating namin. Andun na din ung iba. May mga kotse ung iba at may mga nakasakay din sa Van. Ngayon ko lang nalaman na halos lahat pala to may mga kaya sa buhay. Hahahaha. Mga scholars lang talaga. Panis! "Wait! Tawagan ko si Sir Henry." Sabi ni Nicole, dahil un ung bilin samin ni Sir. Tawagan namin sya pag andito na kami. Lumapit na lang muna ko kila Calli para makipagkwentuhan. Sabay sabay kaming napalingon ng magsalita si Nicole sa likod namin. "Tara na. Pasok na lang daw tayo." Sabi ni Nicole kaya sumunod kami sa kanya. Ung mga boys na din ang magdala nang iba pa naming gamit. Ang ganda sa resort na to! Kilala tong resort na to. Ibig sabihin kilala nila Sir may ari nito! Grabe! Yayamanin din siguro si Sir Henry. "Kim at Tala. Samahan nyo ko." Tawag ni Nicole samin. Pupunta ata kami sa frontdesk. Kaya naman lakad patakbo kaming pumunta sa kanya. Pagdating namin dun, pareho kaming nagulat dahil andun si Sir Henry at nakangiting nag aantay ata samin. "Tagal nyo. Hahaha. Asan na sila? Let's go." Sabi nya. Nagtinginan naman kami nila Nicole na parehong gulat. "Huy! Tara na. Okay na ung entrance natin. My treat." Sabi nya pa. "Sabi mo, Sir! Hindi ka makakapunta? You joke me." Sabi ko at pahampas hampas pa kahit wala naman akong hinahampas. "Anong you joke me, Kim? Hahahaha." Natatawang sabi ni Tala. Pati si Sir at Nicole natawa na din. "Chares lang! Artey! Talaga to!" Sabi ko at tumawa. "I just want to surprise you, guys. Minsan lang ako makasama sa ganto kaya grab ko na diba. Asan na ba ung iba?" Sabi nya sabay tanong dun sa iba. "Andun sila, Sir. Sure ba? Sagot nyo talaga kami Sir?" Tanong naman ni Nicole. Tumawa lang si Sir tapos tumango. "Ayaw mo ba, Nicole? Sige. Si Kim na lang sagot ko." Sabi nya kaya bigla naman akong kinilig. "Ay! Sinasagot mo na ko, Sir? Jowa na kita? Okay lang naman basta sa campus. Hindi tayo pw- Aray Nicole!" Napadaing ako dahil sa kurot nya. "Sagot sa entrance, hindi sa mga biro mo. Atska ikaw talaga nanliligaw kay Sir?" Sabi ni Tala na nakataas pa ang kilay. Hahaha "Biro lang naman. Kasi si Sir nambibigla. Malay ko bang iba pala ung sagot na yun. Hahahaha. Salamat Sir! Ligtas ang 300 pesos ko! Hahaha." Natatawang sabi ko na inilingan lang naman nila Nicole pero si Sir nakangiti lang sakin. "You're welcome. Tawagin nyo na sila. Punta na tayo dun sa place natin." Sabi nya. Kaya naman tumalikod na kami nila Nicole at pinuntahan ung mga kasama namin. Sinabi lang namin na andito si Sir Henry at okay na din sa entrance. Masaya pala talaga pag pati prof nyo nakikisama sa inyo nuh? Sumasabay sa trip ng buong klase. Hahaha. Cute kasi parang tropa tropa lang talaga nya kami. Sila Bryan ang mas kausap ni Sir dahil mga boys. Asikaso din kami ng mga crew dun. Parang dagat na dagat nga yung mga kasama namin dahil after naming maayos ung mga gamit at pagkain dun sa place na namili din ni Sir. Nagsipaghubaran na ng mga damit at lumusong na sa dagat. "Hoy! Kayo! Nagsisihubad kayo dito. May inosente!" Sigaw namin sa kanila. Dahil biglang napapikit si Nicole dahil dun. Natawa lang sila at pinagpatuloy ung pagpunta sa dagat. "Kim! Anong suot mo? 2 piece? Patingin! Hahahaha." Tanong ni Calli sakin. "Ay Mamah! Wait ka lang sa pa2 piece ni Mayora! Ibabalandra natin ang malulusog na joga at pwet natin." Sabi ko sa kanya kaya nagtawanan kaming mga naiwan. Pero joke lang yun nuh?! Hahaha. Nakasando ako at short. "Malulusog na joga? Ano yun?" Tanong ni Nicole. "Joga! Dibdib! B**bs! Bundok! Mountain!" Sabi ni Calli. Habang tinuturo ung dibdib nyang wala naman. Kaya natatawa kaming nag asaran. Late na namin narealize na andun pa pala sila Bryan, Ivan at Sir Henry. Na nakatingin saming mga girls. Umiiling iling pa silang tatlo. "Wag kayong mag suswimming na labas ung mga sinabi nyo ha. Baka imbes na mag enjoy tayo, eh.... Magkagulo." Sabi ni Bry habang natatawa. "Peace na, Bry... Biruan lang naman. Hehehe." Sabi ko sabay peace sign pa. "Si Calli at Miles, pwede pa. Kasi wala naman pero kayong pito na babae. No." Sabi naman ni Sir samin. "Yes Sir!" Sabay sabay na sabi namin bago kinuha ung mga damit namin at magsipagpalit. Naiwan nga lang dun si Nicole at Sandra dahil ayaw pa daw nila. Mamaya na lang daw sila. Pagbalik namin sa pwesto namin, inayos lang namin ung mga gamit namin. Biniro pa kami ni Ivan na asan na daw ung aming mga ilalabas. "Sorry, braso lang muna. Ska ka na mag hanap ng iba." Sabi ko kaya naman nakatikim ako mahinang sampal kay Tala. "May pagkasira ulo ka talaga ano?! Hahaha tara na!" Sabi nya at hinila pa ko papuntang dagat. Nagpunta na nga kami papuntang dagat kung saan andun ung ibang kasama namin. Hindi na gaano mainit kaya masarap naagtampisaw. Hehehe. Ang tagal naming magtampisaw dun bago namin naisip na bumalik para makapaghanda kami ng pagkain. Pagbalik namin.. nakaayos na ung mga iihawin at may mga prutas pa. Susyal naman ng mga tropa ko! Hahaha. Mga boys ang mag iihaw, kaming mga girls naman ang maghahanda ng pagkain. Mag babalat at mag hihiwa. "Madami tayong pwedeng gawin dito. Hahaha." Sabi ni Miles. "Pwede ata mag bonfire dito. Pwede ba, Sir?" Tanong nya kay Sir dahil andito lang naman sya nakatambay. Habang nakain ng mga chips na dala namin. "Hm. Pwede naman. Sabihan ko ung staff mamaya." Sabi nito kaya napahiyaw kami. "May games din na hinanda ung mga boys. Ay! Pwede ba tayong uminum dito? Nagdala sila ng beer. Hindi naman siguro tayo sasawayin ni Sir nuh?" Bulong ni Calli. "Hindi naman siguro. Pero tanong na lang din natin." Sabi naman ni Nicole. "Sir! May dalang light beer ung mga boys. Okay lang daw na uminum sila?" Tanong nya dito. Lahat kami napatingin kay Sir Henry dahil bigla syang napaisip. "Hm.... Legal age naman na kayong lahat diba? Kahit ikaw?" Paumpisa nya. Tumango naman si Nicole. "Pwede naman siguro pero wag lang sumobra at maging wild." Sabi nya. "Sige po. Sabihin namin." Sabi ni Nicole at pinagpatuloy ung ginagawa nya. Natapos maghanda at napansin namin na alas siete na din ng gabi kaya naman kumain na muna kami. Madaming pagkain at talaga naman pinaghandaan. Si Sir pala ang may dala ng mga prutas. Sinabi na din namin ung sinabi ni Sir about dun sa pag inum, kaya naman masayang masaya ung boys. Habang nakain kami. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Sir. Kasi naman, parang kablockmate lang din namin sya. Hindi sya mag iinarte o inilalayo ung sarili samin. Parang normal lang sya ganun. Napakamatured ng thinking na yun. Pag sa labas, i can be your friend but pag nasa loob na ng room prof namin sya. Kaya kahit binibiro ko si Sir. Mataas ung respeto ko sa kanya kasi nirerespeto nya din kami. Kahit halos ioffer ko na ung sarili ko sa kanya. Nirerespeto pa din ako. Diba? Lalaking lalaki! Nakakainlove! Hayop! Natapos kaming kumain at inayos namin ung mga pinagkainan at ung mga ginamit. Kami na nila Sandra ang naghugas. Ung iba lumusong saglit tapos maliligo na daw dahil sa seashore na kami after nito. "Nakakatuwa si Sir nuh? Nakikisali talaga sya. Hindi killjoy!" Sabi ni Andeng. "Ay tru! Nakaka inlab na nga ih." Sabi ko kaya natawa naman sila Tala, Andeng at Sandra. "Ikaw! Baka mainlove ka talaga kay Sir kakaganyan mo. Hahaha." Sabi ni Andeng sakin. "Ay! Hindi baka! In love na talaga ako kay Sir. Tatapusin ko lang ung college life ko tapos liligawan ko si Sir! Hahahaha." Sabi ko kaya naman ang Tala binuhusan ako ng tubig. "May ibang makarinig sayo. Sira ulo ka! Hahaha." Sabi nya. Sila Andeng namam tawa lang nang tawa samin. Pero seryoso. Naiinlove na ko kay Sir. Unting push pa. Hulog na ko. Pero syempre, hindi pwedeng ako lang. Hahahaha. Dapat dalawa kami. Hahahaha Pagbalik namin. Ska kami nagbanlaw, sila Nicole at Sandra naman ang magligpit dahil hindi naman sila naligo. Wala dun si Sir Henry, siguro nagpaalam na. "Andun na ung iba sa seashore. Nagpaapoy na din ung staff dun." Sabi ni James. Isa sa mga kablockmate namin. Sya ung nagsabi samin pagbalik namin ng cottage after maligo. Ang bilis ni Sir makapagsabi ah. Taray talaga! Nagsabay sabay na kami ng punta dun nila Tala, bitbit na din namin ung mga regalo namin. Habang bitbit naman ni Nicole ung gitara nya. Nagkakatuwaan na sila nung nakarating kami. May mga nakalapag na din na mga pagkain. Mga pika pika lang naman, pati ung cooler andito na din. Hahaha. Ready na talaga. Let's start na party. -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD